Chapter VI SUSPICIOUS
LEIGHNA
Nakaramdam kana ba na tila may mali sa paligid mo o sa mga taong nakapaligid sa iyo?
Na tila may mali sa nararamdaman mo, mabigat sa pakiramdam na hindi mo maintindihan kung ano ang nais na ipahiwatig nito.
I have that one on my chest and as soon as possible, I want to keep it on myself. Observing people near me lalo na ang mga baguhan sa pinagtatrabauhan ko.
Bigla namang sumulpot ang isa sa mga katrabaho ko, si Atticus matagal na siya dito at kilalang-kilala ko na ang ugali. Talagang bigla-bigla nalang itong susulpot magugulat kana lang dahil ikaw na pala ang kinakausap nito.
"Leighna, tapos mo na daw ba iyong pinapa-edit sa'yo, kailangan na daw iyon mamaya?" Tanong ni Atticus na malamang inutusan ni Sir Hollis, na paalalahanan ako patungkol dito.
"Ah oo patapos na, idediretso ko na lang ito kay Sir Hollis, salamat sa paalala." Saad ko.
" Napansin kong kanina ka pa tulala, ni hindi mo nga napansin ang pagdating ko, nakadalawang beses na rin kitang tinawag pero mabuti naman at sa pangatlong beses ay narinig mo na ako. " Pagsasalaysay ni Atticus.
" Ah ganon ba? Pasensya, may kailangan ka pa ba?" Awkward kong ngiti dala ng hiyang aking nadarama.
"Ah wala naman na, sige na mauna na ako dahil may iba pa akong aasikasuhin, baka makalimutan mo ah papaalala kong muli sa'yo ngayon na iyon kailangan ni Sir Hollis." Pag-uulit niya at agad na ngang umalis dala-dala ang ibang printed documents.
Pero napansin ko ang wirdo nitong pag-ngiti na siyang dahilan ng pagsitaasan ng aking mga balahibo, hindi nga lang lumipas ang ilang segundo nakaramdam ako ng hangin na tila iba ang kahulugan nito gayong naka aircon naman kami at electric fan, kung ihahalintulad ang hanging nadama ko kanina ay ibang-iba ito.
Nakakatawa mang isipin pero sa mga nakaraang araw masyado na akong mapagsuspitya, kaunting kakaibang galaw lang magdududa na ako.
Habang inihahanda ko ang mga dokumentong pinapaedit sa akin ni Sir Hollis, naramdaman kong may nakatingin sa akin, inilingon ko nga ang aking paningin sa gawi kung saan pakiramdam kong may nakatingin sa akin. At hindi nga ako nagkamali nakamasid nga sa akin ang bago naming sekretarya. Hindi ko pa alam ang pangalan niya pero hindi ako interesado sa pangalan niya, ang bilis nga din niyang naging sekretarya.
Habang nilalabanan ang pagtingin nito sa akin napansin kong gumuhit ang ngiti sa labi niya na tila nagsasabing tama lang na kabahan ako at matakot sa kanya.
"Leighna, ano sasabay ka ba ulit sa amin mananghalian?" Biglaang pagsulpot ni Alie, pero hindi ko ito pinansin dahil mas pinagtuunan ko ng pansin ang sekretaryang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin.
"Hoy Leighna ano ba! Pwede ka namang sumagot ng oo o hindi kung ayaw mo huwag yung nakatingin ka sa kawalan." Galit na saad ni Alie, kinalabit ko nga siya at tinanong kung nakikita niya ba ang nakikita ko, inginuso ko ang direksyon kung nasaan ang itinuturo ko.
" Alie, nakikita mo ba ang nakikita ko? Huwag kang magpahalatang siya ang tinitignan mo pagmasdan mo ang kawirduhan niya." Saad ko.
"Kung ano man yan Leighna hindi ako interesado at saka yung bagong sekretarya lang naman yan ano namang kawirduhan ang nakikita mo?" Singhal ni Alie na tila hindi nakukuha ang nais kong ipabatid.
"Pagmasdan mo kasi Alie." Pag-uulit ko pang suhestiyon.
Nakita kong pinagmasdan ito ni Alie, pinanliitan pa ng mata upang malaman kung anong ipinupunto ko.
"Wala naman akong nakikita Leighna bukod sa nakatingin din siya sa atin at naiinis na dahil nahahalata niyang pinag-uusapan natin siya. Ang ipinunta ko lang naman dito ay ikaw tinatanong kung sasabay ka ba o hindi so ano nga sasabay ka ba o hindi dahil may gagawin pa ako." Inis nitong tanong sa akin marahil hindi nga niya naiintindihan ang nais kong ipabatid.
" Oo, sasabay ako sa inyo pero marapat na hintayin niyo na lamang ako sa baba, i-order niyo na rin ako ng makakain para kukunin ko nalang mamaya at hindi na maghihintay pa sa pila." Saad ko kasabay ng pag-alis niya.
Parang ako lang yata nakapansin noon, hindi yata nila nararamdaman ang kakaibang presensya ng sekretarya naming ito.
Natapos na nga akong ihanda ang dokumentong handa ko nang ipasa mamaya, agad akong sumunod sa baba dahil alam kong naroon na silang lahat.
Dali dali akong pumasok sa elevator upang hindi na hintayin ang susunod na pagbaba ng elevator. At sa kasamaang palad nga nakasabay ko pa ang sekretarya namin at kami nga lang dalawa ang nasa loob. Nilakasan ko ang loob ko at hindi ipinahalatang kabado ako gayong kami lang nadirito.
Kakaiba ang presensyang mayroon siya ngayon, mabuti na lamang at sa sunod na floor may pumasok na dalawang empleyado. Nakahinga ako ng maluwag sapagkat hindi lang siya ang makakasama ko. Ilang segundo nalang ang hihintayin ko at makakarating na ako sa 2nd floor kung nasaan ang kantina nito.
Naramdaman kong tinapunan niya ako ng tingin pero hindi ako nagpahalatang kinakabahan at hindi na nag-abala pang tapunan din siya ng tingin.
Nakarating naman ako sa kantinang buo pa rin, at hindi napasabak sa away.
Gaya nga ng sabi ko kay Aliesandra na isali na rin nila ako sa oorderin nila at ako na lamang ang kukuha, sa kadahilanang mahaba nga ang pila dahil nagkasabay sabay ang lunch time ng ibang empleyado mula 4th floor hanggang sa 1st floor employer.
At sa di nga kalayuan malapit sa kinatatayuan ko dala ang pagkaing ipinareserve ko kay Alie ay nakita ko silang malapit ng matapos kumain. Kaya dali dali akong lumapit sa kanila upang makisabay na rin.
Tumabi ako sa katabing upuan ni Aliesandra at inilapag ang dala dala kong tray ng aking pagkain.
"Alie, ikaw ba nag-order nito, mamaya ko nalang babayaran sa'yo ah paalalahanan mo na lamang ako." Saad ko at agad sumubo.
Hindi na ako nakisali pa sa usapan nila at nag-focus na lamang sa kinakain ko.
***
Isang oras makalipas ang lunch time, naisipan kong ihatid na kay Sir Hollis ang dokumentong kailangang ipasa ngayong araw.
Ipapasa ko na dapat ang mga dokumentong ipinaayos sa akin ni Sir Hollis ng harangin ako ng bago naming sekretarya.
"So ikaw pala si Leighna Cuero?" Tanong nito at nakita ko ang pagbaba at taas ng kanyang mga mata na tila inoobserbahan ako.
Hindi ko nagustuhan ang ipinakitang ugali niya kaya agad kong sinagot ang tanong niya.
"Oo, at bakit mo naman naitanong, may appointment ba ako sa'yo Ms Secretary?" Mataray kong tugon kapalit ng iniasta niya sa akin kani-kanina lamang dahil ayoko sa lahat ang tinitignan ako, mga tingininang nangmamaliit.
Narinig kong napasinghal siya, matapos marinig ang sagot ko tiyak na naramdaman niyang hindi ko nais ang ugaling iniaasta niya.
" Ayusin mo yang inaasta mo Ms Leighna, baka dahil dyan mapahamak ka ah, kilalanin mo ang mga tao sa paligid mo bago ka magtitiwala. Lalong lalo na kilalanin mo ang binabangga mo, you never know isa pala ako sa mga dahilan para magpahirap sa'yo." Saad nito at tuluyan ng umalis sa harapan ko habang ako ay naiwang nakatulala at walang masabi.
Nilingon ko siya, at tama nga ako na hindi pa siya nakakalayo sa aking kinatatayuan.
"Tama ka, dapat ko nga lang ayusin ang inaasta ko at mas dapat kong kilalanin ang pagkatao mo wirdo." Napasinghal lamang siya kasabay nito ang pag-ngisi niyang siyang kinakulo ng dugo ko.
" May nakakatawa ba sa sinabi ko, talaga ngang wirdo ka, noong nakaraang linggo lang ang weird mo manamit, wala ka pang koloreteng nilagay sa mukha tapos ngayon ng mapromote kang sekretarya yung napakamahiyain mong ugali ngayon nakapawalanghiya na. " Inis kong tugon pero hindi siya natinag sa mga pinagsasasabi ko, looks like she was aware on how she acts.
Papalakpakan kita dyan, masyado mong ginagalingan ang pag-arte mo.
" Dahil nakakatawa ka Leighna di ka lang yata aware, huwag ako ang kikilalanin mo kundi ang mga taong mas malapit sa'yo at matagal mo nang nakakasama. " Saad nito at agad akong tinalikuran.
Hindi ko na inintindi pa ang walang kwentang pinagsasasabi nito at dumiretso na patungong opisina ni sir Hollis.
Kumatok muna ako bago pumasok para naman hindi ako makakaistorbo sa privacy nito.
Makailang katok lang at pumasok na ako ngunit bigo akong makita si sir Hollis sa loob ng opisina nito. Wala akong ibang magagawa kundi ang hintayin ang pagdating niya kaysa ang iwan ito dito.
Habang naghihintay naisipan kong buksan ang cellphone ko at magtingin tingin sa wall ng aking facebook tutal nakaconnect naman ang cellphone ko sa wifi ng opisina ni Sir Hollis.
Wala namang bago, as usual hindi pa rin nawawala ang issue tungkol sa serial killer na hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli, ang magandang balita natigil na ito sa krimenh kanyang ginagawa dahil bali-balitang wala pa raw itong nabibiktima simula ng mapabalita ito sa telebisyon, radyo, diyaryo at sa iba pang maaring pagkuhaan ng balita ukol dito.
Habang nag-i-scroll sa aking cellphone napansin kong bumukas ang pinto at iniluwa nito si Sir Hollis. Agad naman akong tumayo at bumati.
"Good afternoon Sir Hollis." Nakangiti kong tugon, nang sa ganoon ay hindi ito magmukhang pilit.
Binati naman ako nito pabalik at nagbigay ng senyales na maupo na ako pero hindi muna ako naupo, dahil hinintay kong maupo muna siya at iabot ang mga dokumento.
"Good afternoon din Ms Cuero, maupo ka muna at ayusin ko muna itong iba pang papeles." Saad nito.
Hinintay ko ngang matapos si Sir sa ginagawa niya at hindi naman ito inabot ng limang minuto. Agad kong iniabot ang mga dokumentong pinapaayos niya, masaya naman ako ng sabihin niyang okay na raw iyon at inutusang bumalik na sa aking designated area upang gawin ang trababo ko.
"Okay na ito Ms Cuero, maraming salamat, you can go back to your working are now." Nakangiti nitong tugon.
Bumalik na ako sa aking designated working place, ngunit tila wala naman na akong tatrabauhin dahil wala naman ng ibang iniwan sa akin si Alie o Camie. Nakita kong abalang abala si Atticus sa pagprint ng ibang papeles habang si Camie naman ay seryosong nakatutok sa kanyang laptop at si Alie ay hindi ko nakikitang nandirito malamang may iba ding siya inaasikaso.
Napagpasyahan kong umidlip muna tutal wala naman akong ibang gagawin.
***
"Leighna, tama na ang pag-tulog, oras na ng uwian tara na. " Rinig kong sambit ni Alie habang tinatapik ako nito.
Nang umayos ako ng pagkakaupo napansin kong basa ang aking pisnge maging ang aking suot na polo.
Malayong laway ko ito dahil hindi naman ako naglalaway tuwing natutulog, pero maari ring luha galing sa aking mga mata pero ano naman ang dahilan para umiyak ako?
Hindi ko maalala kung ano ang laman ng aking panaginip kung totoo ngang nanaginip ako, pero bakit may luha, imposible namang winisikan ako ng tubig ni Alie habang umiidlip ako.
Tumayo na ako kasabay ng pagligpit ng aking mga gamit, ngunit sa pagtayo ko may naalala akong lalaking nakatalikod habang may hawak na patalim.
Kaya naman umupo akong muli upang magkaroon ng tamang balanse at ng masiguro kong okay na ako siya namang pagtayo ko.
***
Nakauwi na ako lahat lahat pero inaalala ko pa rin kung sino ang lalaking iyon na aking nakita.
Pilit kong inaalala ang mga nangyari sa panaginip ko ngunit bigo akong alalahanin ang mga ito.
Napakaimposible din naman kasing iiyak ako ng walang dahilan o mababasa ng ganon ganon nalang ang polo ko. Kaya hanggang ngayon ay napapaisip pa din ako tungkol sa nangyari kanina at iyong lalaking nakita ko sa biglaang kong pagtayo paano naman mangyayaring makikita ko na lamang siya bigla bigal.
May ibig bang sabihin ang mga nangyari sa akin ngayong araw, o sadyang praning lang ako at gawa gawa ko lamang ang mga ito sa aking imahinasyon?
Hanggang sa pagtulog ko hindi ko maiwasang isipin kung ano nga ba ang ibig sabihin noon, napagpasyahan kong ipikit ang aking mga mata ngunit napabalikwas ako ng may makita nanaman sa aking pagpikit, hindi malinaw na pangyayari pero hindi ito maganda.