Chapter II Officemate
LEIGHNA
I have this weird officemate, she's a girl pero hindi ko gusto ang kanyang ikinikilos. Hindi nakakalampas ang mga mata ko sa ikinikilos at ginagawa niya habang nagtatrabaho dito.
We all know na ang mga babae kung hindi simple mag-ayos eh ang iba para nang clown, eh kaso ito parang nasobrahan na sa pagkasimple.
Ang ipinagtataka ko ay kung paano siya nahire ng kompanyang ito.
Every workers here didn't even bother to be with her nor talk to her.
It is her 2nd day here, pero halos lahat ng tao rito siya ang unang napapansin ng mga mata at bibig.
Hindi rin siya palakibong tao, it's just she's acting so weird.
Halos lahat kami dito nahahalata abg wirdo niyang presensya.
Pero para sa kanya natural lang ito. Sana'y na kumbaga.
"Leighna, sasama ka ba sa amin?" Biglaang sulpot ni Camie.
"Ano bang ganap?" Balik kong tanong kay Camie, dahil wala naman talaga akong alam.
"Ano kaba birthday ngayon ni Alie. Napagdesisyunan ng lahat na isurprise siya. Palibhasa iba ang inaatupag mo kaya parang nakakalimutan mo na." Pabulong niyang wika.
Nagtataka ako kung bakit siya bumubulong kaya, agad ko din siyang tinanong.
"Bakit may pabulong-bulong ka pang nalalaman?"
"Eh kasi nga wala naman siya kaide-ideya tungkol dito. Kaya nga surprise diba?" Sarkastikong paliwanag sa akin ni Camie.
Na siya namang ikinagulat namin ni Camie, dahil sa biglaang pagsulpot ni Alie.
"Hoy ano yang surprise surprise na yan. G ako dyan mga sis." Aning Alie na tuwang tuwa.
Halos hindi ako makaimik dahil hindi ko alam ang dapat at tama kong irarason sa kanya.
Magsasalita sana ako ng maunahan na ako ni Camie.
"Anong surprise, huh may sinabi ba ako Leighna, diba wala?"
"A-ah oo wala namang binanggit na surprise si Camie, praning kalang sis." Uutal kong usal. Naguguluhan man si Alie ay agad din naman siyang nakumbinsi.
"Ah ganon ba, k-kapag ka mayroon ah sabihan niyo a-ako para makapagready din a-ako." Uutal na wika ni Alie.
Ewan ko pero nasaktan ako sa naging reaksyon ni Alie.
Nang makaalis na si Alie, agad ding nagpaalam sa akin si Camie na babalik na siya sa pwesto niya.
So I did the same I continue what I am doing. To think about our weird officemate. I don't know why I have this bad feeling about her, masisisi mo ba ako kung paranoid ako, kasi sa panahon ngayon mahirap ng magtiwala sa mga taong kakikilala mo pa lamang.
Time just goes fast dahil ilang oras nga lang ang lumipas at malapit na mag alas 3 ng hapon.
Kelmer didn't know na gagabihin akong makakauwi sa bahay.
Ayaw niya din kasing inaabala siya habang nasa oras siya ng trabaho, maski text mula sa akin ay ayaw niya.
Minsan lang naman sila mag-aya sila nina Camie at espesyal na araw ito ni Alie kaya hindi ako makakahindi sa kanila.
Alie and Camie was too close to me eversince mag-apply ako dito sa kompanyang ito.
Ng makaramdam ako ng gutom nagpaalam ako kay Camie na bibili muna ako nh makakain since her place was just a few steps.
But end up with Camie was with me.
She also telling me na ako na ang bahala kay Alie na iencourage siyang sabay na kaming umuwi, pero ang plano ay hindi kami didiretso kanya kanya naming bahay kundi sa isang restaurant kami didiretso.
"Leighna, ikaw na bahala kay Alie mamaya, dahil right after our work didiretso na kaming lahat doon sa restaurant para iprepare ang lahat." Detalyadong pagpapaliwanag sa akin ni Camie na naintindihan ko naman.
"Sure, ako nang bahala kay Alie, huwag lang akong maubusan ng maidadaldal sa kanya at baka mabuking tayo." Litanya ko na kinalaki ng kanyang mga mata.
"Biro lang Alie, basta ako ng bahala kay Alie."
"Teka hindi ba magagalit ang asawa mo, kasi baka gabihin tayong lahat na makauwi?" Pag-aalalang tanong sa akin ni Camie.
"Ako ng bahala kay Alie, at saka maiintindihan naman ako ni Kelmer."
"Ano palang pagkain ang bibilhin mo?" Tanong sa akin ni Camie na ikinagulat ko, dahil yun pala ay nakarating na kami sa mini Canteen ng kompanyang ito.
"Sa akin kahit soda lang, sumama lang talaga ako saiyo para mapabatid ko sa'yo ang plano para mamaya, ayan nga pala ang bayad." Pag-abot sa akin ni Camie ng bayad niya.
"No I insist ako na ang magbabayad."
Hindi ko pa man din naibabalik kay Camie ang bayad niya inagaw na agad niya ito sa akin.
"Sure, ikaw na magbayad kakailangan ko pa pala ito mamaya."
Ewan ko ba dito kay Camie, wala pa namang pinag-gagastusan maliban sa magulang niya pero ganito siya palagi.
Hinayaan ko nalang siya, tutal soda lang naman ang pinapabili niya.
"At saka pala Leighna gusto ko pala din pala ng sandwich hindi ko lang nasabi kanina, natakham kasi ako sa sandwich. Salamat." Dagdag niya pa.
Hindi na lang ako umimik, at agad na ring dumiretso sa pilahan upanh bumili ng pagkain namin ni Camie.
Matapos naming makabili ng pagkain ay agad ding kaming bumalik sa opisina at hindi na nag-usap pa hanggang sa makarating kami sa kanya-kanya naming puwesto.
I saw Alie's face. She was disappointed. Ang buong akala niya siguro nakalimutan ng lahat na birthday niya ngayon.
Yung kaninang maaliwalas niyang mukha ay napalitan ng lungkot.
***
And yes time just goes fast dahil ilang minuto nalang ay out na namin.
Kaya napagpasyahan kong iligpit na ang mga gamit ko ay ilagay na ito sa loob ng bag ko. Upang mamaya ay maaabutan ko pa si Alie at matitiyak kong makakasabay ko siya.
Things just flow on it's plan.
"Alie, uuwi kana?" Pagtatanong ko kay Alie na papalabas na ng opisina.
"Ah oo Leighna diba oras na ng out natin." Sagot sa akin ni Alie.
"A-ah ano k-kasi pwede bang sabay nalang tayong umuwi?" Uutal kong tanong kay Alie.
"Ah okay lang, so tara baka maabutan pa tayo ng rush hour."
Inaya ko nalang siya na maglakad nalang kami tutal alam ko na din naman kung saang restaurant ko dadalhin si Alie, dahil sa itenext sa akin ni Camie ang exact place ng restaurant at malapit lang naman iyon sa kompanyang pinagtatrabauhan namin.
Habang naglalamad kami I have this bad feeling na para bang may kahinahinalang sumusunod sa amin.
Nagflashback sa aking isipan ang nabasa kong news noong isang araw ng mapadaan sa newsfeed ko ang balitang iyon.
About that unknown and disgusting culprit.
He was really a serial killer for real, dahil marahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nahuhuli at nakikilala.
"Leighna, ayos ka lang ba? Kanina pa kasi kita tinatawag hindi ka umiimik." Pag-aalalang tanong sa akin ni Alie.
"Ha? Ah sorry may naalala lang kasi ako, may sasabihin ka ba?."
"A-ano kasi may napapansin ka ba sa iba nating ka-officemate, kasi they were acting so weird."
Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Alie, marahil ay nakahalata siya sa mga ikinikilos ng ka-officemate namin lalo na si Camie.
"Leighna, ano may nahahalata ka ba?" Pagatatanong muli sa akin ni Alie.
"A-ah e-eh."
Agad nagflashback sa aking isipan ang sinabi sa akin ni Camie kanina lamang, kaso ano nga ba ang irarason ko kay Alie. Marahil ay nakahalata siya lalo na sa mga ikinikilos ni Camie.
"A-ah yun ba? Sus wala yun ganon lang sila, praning ka lang Alie."
Hindi na nagtanong pa si Alie, na siya namang ikinaluwag ng buong sistema ko.
Ngunit habang naglalakad kami, nahahalata ko pa rin na kanina pa parang may sumusunod sa amin.
Kaya agad akong tumingin sa likod namin habang si Alie ay busy sa pakikinig ng music sa cellphone niya.
Malapit na rin mag-gabi dahil dumiretso pa kami kanina sa bilihan ng cake, hindi ko nga alam kung anong paboritong flavor ni Alie kaya chocolate cake na lamang ang pinili ko. Tutal halos lahat naman ng tao hindi aayaw sa flavor na chocolate.
Kaya natagalan kami ni Alie at inabot na ng dilim habang naglalakad.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at nagsalita na.
"Aliessandra, kapag ka sinabi kong bilis bilisan natin ang paglalakad bibilisan natin ah pero kapag sinabi kong kailangan nating tumakbo, ihanda mo ang sarili mo sa pagtakbo ha? Naiintindihan mo ba ako, huwag ka ng magtangka pang magtanong at mamaya ko na lamang ipaliliwanag sa'yo. Okay?" Pagbibilim ko kay Alie dahil hindi ko na talaga mapigilang kabahan lalo na sa sitwasyon namin ngayon ni Alie.
Ng mapatingin akong muli sa likuran namin, mayroon akong nakitang tao na halos hindi na makilala dahil sa suot nito na purong itim na damit. Para bang sa mga horror movies na napapanuod namin.
Kaya agad din akong napasigaw ng mapatingim ito sa gawi namjn ni Alie.
"Aliessandraaaa!"
Tanging pangalan na lamang ni Alie ang nasabi ko, kaya pati si Alie ay nataranta sa kung saan kami pupunta.
Ng matanaw ko na ang restaurant na tinutukoy ni Camie ay doon kami agad dumiretso.
Sumunod nalang sa akin si Alie kung saan ako pumunta.
Ng makarating kami sa mismong pinto nito ay hingal na hingal kami ni Alie at parehong pawisan.
Naanig ko ang nakakatakot na ngiti nito, na pawang may binabalak na masama at masuwerteng nakaligtas kami.
"Leighna, ano ba kasi yun bakit ba kasi tayo tumakbo ng biglaan." Hingal na tanong sa akin ni Alie.
"Ah basta Alie, mag-iingat kana lamang parati lalo na kung uuwi ka ng dis oras."
"Teka Leighna, akala ko ba ay uuwi na tayo, bakit dito pa tayo dumiretso?" Naguguluhang tanong sa akin ni Alie.
"Mamaya ko na ipapaliwanag sa'yo, sa ngayon pumasok na tayo sa loob upang mas matiyak ang kaligtasan natin."
Agad namang sumunod sa akin si Alie, kahit naguguluhan pa siya sa mga pangyayari kani-kanina lamang.
Nang buksan ko ang pinto ng restaurant ay siya namang pagmura ko.
"Surpriseeee!" Sabay-sabay nilang sigaw kasabay ang pagpasabog nila ng competti.
"What the hell!"
"Tangina ka Leighna, bakit ka nangmumura, dapat nga si Aliessandra ang magugulat at hindi ikaw."
"Oo nga naman Leighna, at bakit ba putlang putla kayong dalawa, may nangyari bang masama?" Nag-aalalang tanong ni Camie.
"Mamaya ko na lamang ipapaliwanag Camie, mahabang kuwento. Ang importante we made it, nakarating kami ni Alie."
Hindi maipaliwanag ni Alie ang tuwang kanyang nadarama. Halos hindi na nga siya makasalita dahil sa surprise birthday na isinagawa ng buongkaopisina namin.
"So all this time kaya pala you were acting so weird kanina ay dahil lamang dito" Hindi makapaniwalang tanong ni Alie.
"Ah yes, did you like it?" Pagtatanong ni Camie na siyang nakaisip nito.
***
Lumipas ang oras at as what I have expecting late nga akng makakauwi sa bahay.
Ni wala nga akong nareceive na text messages galing kay Kelmer nor a missed call.
Inaalala ko kung paano ako makakauwi dahil masyado ng late, and the worst fact ay baka inaabangan kami noong taong sumusunod sa amin kanina.
Hindi ko alam ang gagawin ko kapag ka nagkataong ako lang ang mag-isang uuwi at wala ng kasabay.
Hindi na nga ako uminom pa at kumain nalang upang matiyak kong hindi ako uuwing lasing at alam ko pa ang mangyayari sa akin.
Habang sila busy sa kakainom ako naman ay busy sa pag-iisip kung sino ba talaga ang nasa likod ng buong itim na kasuotang iyon.
Hindi siya pamilyar sa akin, pero iisa lang ang natitiyak ko. Kanina niya pa kami sinusundan simula ng makalabas kami ng kompanyang pinagtatrabauhan namin o kaya matagal na niya akong sinusundan.
I can't stop myself from overthinking, lalo na't buhay at kaligtasan ko o ng pamilya ko ang pinag-uusapan.
Paano nalang kaya kung hindi lang pala ako ang sinusundan nito o inaabangan nito?
Paano kung siya na nga ang napapabalitang serial killer?
Paano kung malaman ko nalang bukas na isa na pala sa amin ang magiging biktima niya?
Paano kung pati pala anak ko ay sinusundan din nito at malalamab ko nalang sila na ang isa sa mga biktima nito,
Paano kung ang serial killer na iyon at ang bagong officemate namin ay iisa?
I can't stop myself from thinking all those shits, kaya hanggat maaari titiyakin kong wala ninuman sa mga katrabaho ko o isa sa mga anak ko ang magiging isa sa mga biktima niya.