Finale: Possessiveness
"GAGAWIN ko ang lahat nang ipapagawa ninyo, basta siguraduhin niyo lang ang kaligtasan ng aking pamangkin." Pakipagkasundo na ani Ruby nang makaharap na ang mga kaibigan ni Jeydon.
"May isang salita ang aming grupo at tungkulin din naming pangalagaan at bigyan hustisya ang mga inosinteng tao. Pagbigay assurance ni Max kay Ruby. Bilang General ay siya na ang humarap sa babae dahil wala si Dexter na kaniyang pamangkin.
"Salamat!" nakaramdam ng hiya si Ruby sa grupo ni Jeydon. Isa siya sa dahilan nang paghihirap ng mag-asawa ngayon dahil nagpadala siya sa suhol at sulsol ng kaaway ng mga ito.
"Una sa lahat ay wala sa plano ang pagtangkang pagkuha nila sa pamangkin ko." Pagsisimulang lahad ni Ruby sa mga naroon.
"Totoong nakipagsabwatan ako kay Lemuel upang masira ang pagsasama ng mag-asawa dahil naisip ko ang kapakanan ng aking pamangkin." Pagpapatuloy ni Ruby habang palipat-lipat ang tingin sa mga naroon.
"Duhh! Napaka ipokrita!" Umikot ang eyeballs sa mga mata ni Cris habang bumubulong na dinig naman ng kaniyang katabi.
"Sa takot ko na madawit sa gulo at mapasama sa kulongan ay umalis ako kasama ang aking pamangkin. Natakot ako na baka kami ang balikan ng kaaway ni Jeydon at idamay ang bata."
"Maari ka bang tumayong tistigo bilang patunay na walang intensyong masama sa inyo si Cris at Jeydon?"
Tumango si Ruby kay Cloud at lahat ng tanong nito at pinagawa ay kaniyang sinang-ayunan.
SINAMAHAN ni Ashton si Jeydon sa silid ni Ynrahd dahil nanatili itong naka confine doon dahil medyo masilan ang pagbubuntis. Tulak ng kaibigan ang inuupuan niyang silyang de gulong at siya ay hawak ang pinagkakabitan ng dextrose niya. Nagdilim agad ang aura ng kaniyang paligid nang maabutan doon si Lemuel at ipinagbabalat pa ng orange ang kaniyang asawa. Nagkunwari pa itong nagulat nang tumikhim siya gayong batid nito ang pagpasok nila.
"Alalahanin mo, wala ka pang maalala." Paanas na palala ni Ashton sa kaibigan bago pa nito maipagkanulo ang sarili dahil sa selos at masira ang kanilang plano.
"Bakit kayo napasugod dito?" nag-aalalang tanong ni Ynrahd sa dalawa at hindi makatingin ng diritso sa asawa.
"Nalaman ko na masilan ang iyong pagbubuntis at gusto kong masiguro na malusog ang aking anak."
Namura ni Ashton sa isipan ang kaibigan dahil wala sa script nila ang ganoong linyang sinabi nito. Naawa siya kay Ynrahd nang biglang nalungkot ito dahil mukhang ang bata lang ang mahalaga sa kaniyang kaibigan.
"What?" nagtatanong na tingin ang ipinukol niya kay Ashton nang pandilatan siya ng mga mata nito.
"Don't worry, all food that I was preparing for her are healthy." Pagyayabang na ani Lemuel at pinakita ang mga pagkaing pinamili niya kanina.
"Ikaw ba ang asawa at kailangan mo siyang alagaan?" Nang-uuyam na sikmat ni Jeydon sa lalaki. Lalong umusbong ang galit sa kaniyang kalooban dahil habang tumatagal na kausap ito ay lalong sumisidhi ang nadaramang pagkadisgusto dito.
"Gusto niya lang akonh tulongan, Jeydon." Pumagitna na si Ynrahd at nanatiling mailap ang mga titig sa asawa. Kahit hindi siya nito maalala ay hindi pa rin niya kayang magsinungaling dito.
"Jeydon?" hindi makapaniwalang tanong niya kay Ynrahd.
"Yes, 'di ba Jeydon ang pangalan mo?" Nagawa na niyang salubongin ngayon ang mapang-arok na titig ng asawa. "Nakalimutan mo rin ba ang pangalan mo?"
"Kailan pa naging first name ang tawag mo sa akin?" Iritableng tanong niya sa dalaga at nakalimutan na wala pa siyang maalala.
"Ah... eh!" Napakamot si Ashton sa ulo kahit hindi naman makati iyon. Sira na talaga ang plano nila ng kaibigan at nilamon na ng selos ang sistema ng pagkatao nito ngayon.
"Ang alam niya kasi ay mag-asawa kayo so he was expecting an endearment name." Tumawa siya ng pagak nang pukulin siya ng tingin ni Ynrahd na may pagdududa.
"Hindi na ako magtatagal." Nakahalatang tumayo na si Lemuel upang umalis. "lagi kong hangad ang iyong kaligayahan."
"Don't you dare to touch her!"
Natampal ni Ashton ang sariling noo gamit ang sariling palad dahil sa inasta ng kaibigan. Ang tangkang paghaplos ng kamay ni Limuel sa ulo ni Ynrahd ay hindi natuloy.
"I'm glad that you're back!" nakangising bati ni Lemuel kay Jeydon.
"Glad your ass!" He hissed and groan when he felt the pain on his back dahil naging marahas ang pagkilos ng kaniyang katawan. Tangkang tatayo siya kanina at pilipitin ang kamay nito ngunit hindi magawa sanhi ng kaniyang kundisyon.
"Ahmm, Pare, kung hindi mo masamain pwede ba kitang anyayahan magkape sa labas?" Inakbayan ni Ashton si Lemuel at sapilitang inilabas sa silid.
"Bakit ganiyan ka kung makatingin?" masungit pa ring tanong ni Jeydon kay Ynrahd nang sila na lang naiwan sa loob ng silid.
"Naalala mo na ba ako?" naluluha ang mga matang tanong ni Ynrahd sa asawa.
"Tsss, marunong kumilala ang puso ko." Pagkaila niya upang masiguro muna na hindi na galit ito sa kaniya sa kung ano man ang natuklasan nito. Nakahinga siya ng maluwag nang mamula ang pisngi ng asawa at pilit na sinusupil ang ngiti sa mga labi nito.
"Maari mo ba akong tulungang makaalala?" biglang umamo ang kaniyang mukha at pinakita sa dalaga na helpless siya ngayon.
"Lahat nang gusto mong maalala ay sabihin mo lang at sasagutin ko." Bumalik na ang sigla sa kaniyang puso. Bumaba siya sa kinahigaan at nilapitan ang asawa upang itabi ang wheelchair sa kaniyang kama.
"Ako na," inagaw ni Jeydon ang hawak na apple ng asawa at siya na ang naghiwa niyon para kainin nito.
Sinulil ni Ynrahd ang ngiting nais sumilay sa kaniyang labi habang pinapanuod ang ginagawa ng asawa.
"Sorry kung may nagawa akong kasalanan na hindi ko maalala," pagsisimula niya habang sinusubuan ito ng prutas. "Malaki ba ang kasalanan ko?" bigla siyang kinabahan nang sumimangot ito.
"Hindi lang malaki, kundi napakalaki!" Pinandatan niya ng mga mata ito.
"Naku, wala talaga akong maalala kaya huwag ka nang magalit." Pinalambing niya ang kaniyang tinig at hinawakan ang kamay nito.
Gustong matawa ni Ynrahd sa inaasta ng asawa ngayon. Ang cute lang nito sa kaniyang paningin ngayon. Kaya pala naging emotional siya nitong mga nakaraan buwan ay dahil buntis na siya. Naalala niyang walang gamit ang asawa noong nalasing ito at inangkin siya.
"Parang ayaw ko nang bumalik ang aking alaala." Pinalungkot niya ang kaniyang tinig.
"Bakit naman?" nababahala niyang tanong dito.
"Mukhang malaki ang kasalanang nagawa ko at hindi mo ako kayang patawarin." Inihilamos niya ang dalawang palad sa kaniyang mukha at nanatiling nakayuko ang ulo.
"Alam mong hindi ko kayang mabuhay na wala ka."
Marahas na naiangat ni Jeydon ang ulo at pinagsiklop ang isang palad ng dalaga sa dalawa niyang kamay. "So pinapatawad mo na ako sa kung ano mang kasalanang nagawa ko?"
Napangiti si Ynrahd dahil sa inaasta ng asawa.
"Pangako, hinding-hindi na mauulit. Ang nakaraan ko ay nakaraan na lang at alam mo na ikaw lang ang mahal ko at ang huli kong mamahalin na babae."
"Ipangako mong hindi ka na muling magtatago ng problema sa akin." Nakalabi niyang turan habang namalisbis ang ilang patak ng luha sa kaniyang pisngi.
"Hindi ako nangangako pero sisikapin ko upang hindi na magkaroon ng problema ang ating pagsasama. Patawad kung nasaktan kita nang husto at salamat sa pagbigay ng munting anghel na magdadala sa aking pangalan!"
Hindi niya ininda ang sakit nang masagi ng asawa ang kaniyang sugat sa braso. Gumanti siya ng mahigpit na yakap dito at maging siya ay napaluha na rin dahil sa saya. Nawala na ang takot niya na mawala sa kaniya ang asawa at bunos pa na maging tatay na siya. He kiss her lips passionately with full of love and care.
Ipinagtapat na rin ni Jeydon na naalala na niya ang asawa at pintawad siyang muli dahil pinasama niya ang loob nito kanina. Lahat ay naging masaya nang maabutan sa maganda tagpo ang dalawa at nagkaroon ng kaunting kantiyawan.
Kusang sumuko si Lemuel sa kapulisan at inamin na naging sangkot siya sa kasong nangyari. Inamin na siya ang nagplanong sirain ang pagsasama ng mag-asawa pero wala siyang alam sa huling naganap na kamuntik nang ikamatay ni Jeydon.
Nalaman na kahit nasa loob ng kulongan ang ama ay may spy ito na nagma-manman sa buhay niya. Nagawa pa rin nitong makakuha ng tauhan na maisagawa ang hindi maganda upang tulongan umano siya. Ito ang may pakana nang pagsira ng laboratory at tangkang pananakit kina Ruby. Nadagdagan ang sistensyang ipinatong sa ama sa pagkakulong sa bilanguan. Nahatulan din siya nang ilang taon na pagkabilango pero bumaba iyon dahil napatawad siya ng mag-asawang Laserna.
Ang tauhan ni Robert na babae ay nakulong din. Pero hindi pa mahanap ang ibang kasamahan nito at ang taong sanhi ng pagka aksidente ni Jeydon. Patuloy na hinahanap dahil nakapagtago ang mga ito sa ibang lugar.
"Ayaw ko nang makipagtunggali pa sa iyo sa negosyo. Marami na rin akong obligasyon sa buhay kaya pakabait ka dito at paglabas mo ay ikaw na ang hahawak sa negosyo nila Mama." Niyakap ni Jeydon si Lemuel bilang kapatid.
"Salamat!" hindi napigilan ni Lemuel ang mapaluha at walang sama ng loob na sumama sa pulis upang ihatid siya sa kaniyang pansamantalang tirahang selda.
Kahit negative ang lumabas na result sa DNA test ng pamangkin ni Ruby ay binigyan pa rin ng financial assistant nila Ynrahd ang bata. Binigyan din ng trabaho si Ruby upang hindi maalis ang pangangalaga sa poder nito ayun sa dswd.
"Good job, guys dahil nalutas ninyo ang kaso na wala ako!" Isa-isang kinamayan ni Dexter ang Eagle Team maliban kay Cris.
"Bakit, Boss?" kinakabahang tanong ni Cris kay Dexter habang ang kamay ay naiwan sa ere na tangkang tatanggapin ang kamay nito.
Ipinamulsa ni Dexter ang kamay at patay-malisyang tinalikuran ito. "Atsaka na kita kakamayan kapag nalutas mo ang kasong pahahawakan ko sa iyo.
"Yes! May trabaho na ako!" Nagtatalon si Cris sa tuwa sa halip na magtampo sa kanilang Big Boss.
"Good luck!" Tinapik ni Ruel sa batok ang kaibigan na parang batang nabigyan ng laruan.
"Hati tayo sa bunos kaya good luck!" Nakangising kinindatan ni Jay si Cris at nakipag fist palm dito.
Muling nagkaroon ng kasiyahan sa mansyon ng mag Ehd dahil nagkaroon ng baby shower. Lahat ay masaya at excited sa paglabas ng unang apo nilang mag-asawa.
Maraming natutunan si Ynrahd sa nangyari sa kanila ng asawa. Mas naging matured na siya mag-isip ngayon lalo na at maging ina na siya. Tama lamang na matatapos na siya sa pag-aaral bago lumabas ang kanilang anak. Lalong naging possessive ang kaniyang asawa nang bumalik na ang lakas nito. Lalo itong naghigpit sa kaniyang siguridad dahil masilan ang kaniyang pagbubuntis. Wala siyang reklamo doon basta ito ang kaniyang possessive bodyguard na siyang laging nasa tabi niya sa lahat ng oras.
Wakas!