Chapter 32: Itapon mo iyan!
"SIGURADO kayo na hindi sangkot sa kasong ito si Lemuel?" hindi kumbinsido na tanong muli ni Ashton kina Micko matapos ng mga ito mag imbistiga.
"Ito ang nakuhang footage sa cctv camera kung saan tinambangan ang dirver ng truck." Inilatag ni Kailani ang mga nakalap na larawan mula sa hindi malinaw na kuha sa surveillance camera dahil may kalayuan ang distansya. Tama lang na nauna sila doon sa pinangyarihan at nakuha ang kopya. Kinailangan pa niyang magbalat-kayo upang hindi makilala at nagpanggap na pulis. Inihanay ang mga larawan at pinagtugma.
Dismiyado ang lahat dahil hindi nagtugma kay Lemuel ang mga nasa larawan. Mula sa isang motorcycle na walang plate number at may angkas ang umagaw sa sasakyang truck na siyang sumunod kay Jeydon. Nakuha din sa footage ang pagbaba ni Ashton sa kotse at sa pag-iwan dito bago ang aksidente. Sa bilis ng pag overtake ng motorcycle sa minamaneho ni Jeydon ay biglang umiwas ito at napasadsad sa tabing kalsda na siyang kinuhang pagkakataon ng truck na sumusunod dito. Naka helmet ang dalawang lalaki kung kaya hindi makita ang mga mukha ng mga ito. Isang payat na matangkad at matabang pandak ang mga nasa larawan na malayo sa description ni Lemuel.
"Maaring nag-utos siya ng tao—"
"Monitor ko ang bawat galaw ni Lemuel." Putol ni Ruel sa iba pang nais sabihin ni Ashton.
"Kailangan natin mahanap si Ruby Magaway," ani ni Ashton nang maalala ang babae.
"Tama ka!" sang-ayon ni Micko sa kaibigan.
"Tumawag si Boss Dexter at pauwi na siya upang tumulong sa paglutas ng kaso." Anunsiyo ni Amalia sa mga kasama matapos masagot ang tawag ni Dexter.
"Alam ko na kaya niyo na ang pag imbistiga, kailangan ko nang bumalik sa hospital upang masiguro ang mabilis na recovery ni Jeydon." Paalam ni Ashton sa lahat at nilisan na ang oposina.
Pakiramdam ni Ynrahd ay bumalik sila ni Jeydon sa unang araw ng pagkakilala nila. Ang mga titig nito sa kaniya ay tila isa siyang estranghero.
Napatikhim si Jeydon upang basagin ang katahimikan sa pagitan nila ni Ynrahd. May ilang minuto na rin ang nakalipas nang pumasok ito roon sa kaniyang silid na mag-isa.
"Maari mo bang iabot sa akin ang tubig?"
Napalabi si Ynrahd dahil sobrang pormal ng tono ng pananalita ng asawa. Alam niyang nakalimutan nito ang relasyong mayroon sila at nasasaktan siya. Hindi niya lubos maisip na siya ang mawala sa isipan nito. Pero inunawa niya nang ipaliwanag ng doctor na isa siya sa huling taong iniisip nito bago na aksidente. Marami pang paliwanag ang doctor at naintindihan niya.
"Isa sa gustong kalimutan ng tao na may kaso ng tulad sa asawa mo ay ang kinatatakutan niya."
Napangiti si Ynrahd nang maalala ang isa sa paliwanag ng doctor. Takot ang asawa na mawala siya sa buhay nito kung kaya kasama siya sa pansamanatalang pagkawala ng memorya nito.
"May nakakatawa ba sa pakiusap ko sa iyo?" Biglang nakaramdam ng iritasyon si Jeydon sa kaharap dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang ngumiti ito. Sa hinuha niya ay may iniisip ito na isang tao na nagbibigay kasiyahan dito at hindi niya nagustohan ang takbo ng kaniyang imihinasyon.
"Ang sungit!" Kikibot-kibot ang bibig na bulong ni Ynrahd habang sinasalinan ng tubig ang baso. Hindi na napalis ang ngiti sa kaniyang labi nang mangunot na ang noo ng asawa habang nakatitig sa kaniya. Tila nagbalik lang siya sa pagkadalaga kung paano siya na in love dito noon.
"Alam kong pogi ako, huwag mo na akong pakatitigan dahil baka lalo ka lang ma in love sa akin." Sita ni Jeydon kay Ynrahd nang ayaw siyang lubayan ng tingin.
"Hindi ka ba marunong magsalita?" Masungit niyang tanong dito nang walang tugong marinig. Napapalatak siya nang umusli lamang ang nguso nito sa halip na magsalita. Pero dagli ring nawala ang inis niya nang maalala na malaki ang kasalanan niya dito.
"Halika," tinapik niya ang espayo sa tabi ng kaniyang kinahigaan upang doon paupuin ang dalaga.
"Ok na ako dito." Nagtatampong sagot ni Ynrahd sa asawa at doon umupo sa silyang katabi lamang ng hospital bed.
"Asawa kita, 'di ba?" Wala sa sariling tanong niya sa dalaga nang dumaan ang katahimikan sa pagitan nila.
Muling nakaramdam ng kurot sa puso si Ynrahd sa tanong ng asawa. Kahit naipaliwanag na ng manggagamot ay nasasaktan pa rin siya sa isiping siya lamang ang nawala sa isipan nito. Ang naalala lang nito ay ang unang tagpo nila noong nadukot siya ng masasamang tao.
Napabuntonghininga si Jeydon nang mapansin ang lungkot sa mukha ng dalaga. Magsasalita pa sana siya nang bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking hindi pamilyar ang mukha sa kaniya pero hindi niya gusto ang presensiya nito.
"Galing ako sa silid mo," nakangiting bati ni Lemuel kay Ynrahd. "Alam kong kailangan mo ito upang mabilis na manumbalik ang iyong lakas." Inabot niya dito ang isang bungkos ng bulaklak at ang mga prutas ay ipinatong sa maliit na lamesa.
"Sino ka?" Mahamig sa tono ng tanong ni Jeydon ang pagkadisguto sa bisita nila. Gusto niyang suntukin ito nang ngumiti ito sa kaniya nang nakakaloko.
"Mas nakakabuti siguro kung hindi mo na malaman kung sino ako lalo na sa buhay ni Ynrahd." Sinadya ni Lemuel na bigyan ng kalitohan sa isip si Jeydon.
"Lemuel!" Mabilis na tumayo si Ynrahd at sinaway ang huli. "Ano ba ang ginagawa mo?" Pinandilatan niya ito ng mga mata na hindi nakikita ng asawang masama na ang tingin dito.
"Sino, siya?" Iritableng tanong ni Jeydon sa nakatalikod niyang asawa.
"Unahin mo munang alalahanin si Ynrahd bago ako." Pabalang na wika ni Lemuel.
"Tama na at hindi ka nakakatulong, pwede bang lumabas ka muna?" pabulong na pakiusap ni Ynrahd kay Lemuel.
"May bisita pala dito."
Nakahinga nang maluwag si Ynrahd nang dumating si Ashton. Ngumiti siya dito at nagpapasaklolo ang mga tinging ipinukol dito na naunawaan naman agad ng kaibigan.
"Bakit hindi mo muna samahan ang bisita mo sa labas?" mahinahon na suhestyon ni Ashton kay Ynrahd.
Walang paalam na tumalikod si Ynrahd at hinila sa braso si Lemuel palabas ng naturang silid.
Kung nakakamatay lang ang mga titig na ipinukol ni Jeydon sa dalawang palabas ng silid ay tiyak na walang buhay na ang dalawa ngayon.
"Normal lang na magselos ka." Tudyo ni Ashton sa kaibigan habang pinagmamasdan ito.
"Ako? Magselos?" Umangat ang isang sulok ng kaniyang labi habang tinuturo ang sarili. "Bakit naman ako magseselos?" mayabang niyang tanong kay Ashton.
"Wala ka nga palang maalala kaya hindi ka dapat makaramdam ng selos na kasama ng asawa mo ang ex niya." Kibit balikat na pasaring ni Ashton dito habang binabalatan ang orange.
"Seryuso ka?" galit na sikmat ni Jeydon sa kaibigan. "Bakit hindi mo agad sinabi at hinayaan mo pang sumama siya sa lalaking iyon?" Nangalit ang kaniyang panga at gustong suntukin ang kaibigan na mukhang natutuwa pa sa miserableng niyang kalagayan ngayon.
"Relax!" pinalis na ni Ashton ang ngiti sa kaniyang labi. "Sinusubukan lang kita kung ano ang maramdaman mo sa bagay na ito. Tama nga ako, ang isip ay nakakalimot pero hindi ang puso. "Dugtong niyang tukso sa kaibigan.
"Kailan ka pa natutong humugot?" angil ni Jeydon dito at pilit na pinakalma ang panibughong nadarama sa kaniyang puso.
"Nang makilala ko ang babaeng aking iniibig."
"Jezzzz!" tila nandidiring wika ni Jeydon habang pinagmamasdan ang kaibigan na nangniningning pa ang mga mata pagkaalala sa asawa nito.
"Asawa?" nagugulohan niyang tanong sa sarili nang pumasok sa isip ang bagay na iyon. "May asawa ka na?" hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
"Ikaw lang ba ang pogi na kinababaliwan ng kababaihan? Sarkastikong balik niyang tanong kay Jeydon."
Napapikit ng mariin ang mga mata ni Jeydon nang may mga ala-alang pumasok at naging magulo dahil iba't ibang senaryo ang dumagsa sa kaniya isipan.
"Okay ka lang?" Hinawakan ni Ashton sa balikat ang kaibigan. Naudlot ang tangkang pagsalat sa noo nito nang magmulat ito ng mga mata at banaag doon ang galit sa hindi niya malamang dahilan. "Kainin mo muna ito at baka gutom ka lang." Biro niya dito.
"Itapon mo iyan!"
"Woahhh!" Naitaas ni Ashton ang dalawang kamay at humakbang paurong palayo sa kaibigan. Ang hawak na prutas ay tumilapon sa sahig nang tabigin nito ang kaniyang kamay. "Tatawag na ba ako ng albularyo?"
"Ulol!" Bulyaw niya sa kaibigan at hindi natutuwa sa mga biro nito. Alam niyang mukha siyang sinasapian ng masamang espirito ngayon dahil sa paiba-iba niyang pinapakitang mood.
"Tulongan mo ako." Bigla siyang huminahon at nag-isip nang magandang gagawin dahil naalala na niya ang ilan sa nakaraan nila ng asawa.
"Bakit ba ginugulo mo pa ang buhay namin?" Padaskol niyang binitawan ang braso ni Lemuel nang makalayo na sila sa silid ng asawa.
"Gusto ko lang makatulong sa iyo sa pagkakataon na ito." Malumanay na paliwanag ni Lemuel sa dalaga.
"Makatulong?" sarkastikong pag uulit ni Ynrahd. "Kailan ka pa nagkaroon ng concern kay Jeydon?"
"I know na mahirap paniwalaan pero gusto kong magbagong buhay na rin. Magagawa ko lamang ito kung maayos ko na ang relasyon ninyo na sinubukan kong sirain muli." Taos pusong pagtatapat niya sa dalaga.
"Hindi mo ako masisi kung hindi kita kayang paniwalaan sa pagkakataong ito." Naluluhang wika ni Ynrahd matapos marinig ang lahat ng mula kay Lemuel. Aminado ito na may kinalaman sa lahat bago nangyari ang aksidente.
"Alam ko na nagkaroon siya ng temporary amnesia. Malaki ang galit niya sa akin kaya baka maalala ka niya agad kapag nasa paligid ang kaniyang kaagaw sa iyo."
Sa puntong iyon ay nakumbinsi si Ynrahd sa planong nabuo ni Lemuel. Ang mahalaga sa kaniya ngayon ay manumbalik ang alaala ng asawa at bumalik sila sa dati bago pa lumaki ang kaniyang tiyan.
Sa opisina ng mga eagle ay abala ang lahat nang dumating si Ruel.
"Nahanap ko na si Ruby at ang bata." Pagbabalita ni Ruel kay Micko.
"Good!" Nagagalak na kinamayan ni Micko si Ruel.
"Isinama ko na sila para masiguro ang kanilang kaligatasan.
"Gusto ko rin siyang makausap," ani Cris na naroon din at nauna nang tumayo kaysa Micko nang sabihin nitong pupuntahan ang huli.