Chapter 8: Sensitive
"JEANIE POV"
Dahil sa koneksyon ni Greg kay Anne napadalas din ang pagsama-sama at pagsabay nya sa grupo. Naging mas malapit na din ako sakanya at ang mahalaga hindi na kami patago kung magkita.
Ipinaliwanag ko din kay Greg kung bakit ayokong malaman nila Anne na nagkikita kami dati sa rooftop. Ayoko din naman talaga na mag-isip sila Anne ng kung ano-ano kapag nalaman nila.
Madaling napakisamahan ni Greg ang lahat. Madali syang nakapag-adjust sa kalokohan at biruan ng barkada, madaling naging close si Greg sa amin maliban kay Vince o feeling ko lang na hindi sila close?
Ewan ko ba!
Para kasing nitong nagdaan, parang may iba kay Vince. Ang expected ko kasi lalandiin nya si Greg dahil gwapo pero parang feeling ko nakikipag-kompitensya pa sya dito.
AFTER 1 YEAR.
Halos magdadalawang taon na din pala buhat ng sagutin ko si Greg. Bumalik ng korea si Dylan after graduation pero kokontakin pa din naman daw nya kami. Si Josh naman, hindi na daw muna makakapasok ng college dahil sa financial problem. Si Anne at Vhon, ay matagal-tagal na ding hiwalay. 7months na din siguro ang nakakaraan buhat ng mangyari yun. May kanya-kanya na din naman silang bagong love life pero syempre wish ko pa din na sana magkabalikan sila. Si Vince? Si Vince, hindi na kami tulad ng dati.
Pero charot lang yan. Desperada nang maka-reach ng 100k word count yung author para makuha nya yung completion bonus.
ETO NA TALAGA ..
"JEANIE!" Dinig kong sigaw ni Anne bago ko maramdamang dinamba nya ako nang yakap mula saking pagkakahiga.
"Gising na Jeanie." Si Dylan.
Ano bang nangyayari at nandito sila sa kwarto ko? Naniningkit ang matang iminulat ko ang mga mata ko at tinignan kung anong nagaganap.
Anong ginagawa ng mga tukmol na ito dito?
"Ano bang meron?" Kunot ang noong bumangon ako.
"Mag-a-outing tayo, kaya bilisan mo dyan, bumangon ka na girl." Anne.
"Outing? Wala naman tayong usapan na-- "
"Naipagpaalam ka na namin sa mga kuya mo, we packed all the things you need, naghihintay na yung van. Let's go girl." Si Anne na hinihila ako palabas ng kwarto .
"Teka, teka di pa ko naliligo." Hinigit ko yung kamay ko kay Anne.
"Beach resort naman yung pupuntahan natin, dun ka na maligo." Dylan.
Seriously!
Kunsabagay kami-kami lang naman ang nasa van, sila-sila lang din ang makakasinghot ng baho ko. Bahala nga silang mamatay sa baho.
Pero bakit biglaan naman yata 'tong lakad na 'to? Magkakasama lang kami kahapon ah. Wala naman kaming napag-usapan na ganito.
"Magbibihis lang-- "
"Wag na girl! Anong oras na tatanghaliin tayo sa byahe, ok na yan tayo-tayo lang naman eh." Anne.
"Naka pajama pa kaya ako!" Ni hindi pa nga ako nakakamumog o hilamos man lang. Hindi ko pa natitignan ang mukha ko sa salamin kung may muta ba ako o nanutong na tulo laway sa pisngi ko.
"Kami nga nakapang bahay lang eh!" Singit ni Vhon.
Tinignan ko sila. Sandong may punit + short na pangbasketball + tsinelas. Ang suot ni Josh. Tshirt + short + tsinelas naman ang kay Vhon.
"Magsho-short lang ako mabilis lang promise!" Paalam ko.
"Wag na! Naiinip na si Vince sa sasakyan, tatalakan pa tayo nun eh." Anne.
Tatanggi pa sana ako pero tinulak na ako ni Dylan palabas ng kwarto habang hila-hila ako ni Anne. Okay! Okay! Sila na naman ang nagwagi. Babyahe akong mabaho! Amoy dugyot.
-BEACH
"We're here! Gosh finally!" Dinig kong sabi ni Anne.
Hindi ko muna minulat ang mata ko, wala talaga ako sa mood gumala ngayon.
Sino ba naman ang magkakaroon ng ganang gumala? Tipong kakamulat lang ng mata mo binulabog nila ako para lang gumala? Literal na literal na gumala ako with hashtag #IwokeUpLikeThis! Walang hila-hilamos.
Pinagmumog naman nila ako at hindi daw nila matagalan yung morning breath ko.
Ibalik nyo ko sa kama ko! Mas gusto ko pang matulog kaysa maligo sa beach! Inaantok pa ko!
"Jeanie, nandito na tayo hindi ka ba bababa?" Dinig kong sabi ni Dylan habang niyuyug-yog yung balikat ko. Akala nya talaga tulog ako.
"Hmp!" Me in my warning tone. "Wag kang magulo!" Mataray kong tugon then I covered my face with a scarft.
Mula dito sa van ay dinig na dinig ko ang ingay nila na akala mo ngayon lang nakakita ng tubig dagat.
Sumilip ako sa may bintana. Nakita ko silang nagsitakbuhan na papunta sa dagat habang si Josh naman ay tumambling tambling pa hanggang sa makarating sa dagat. Parang mga inosente itong mga 'to.
Inikot ko ang paningin ko para hanapin si Vince pero hindi ko sya natagpuan.
Tumingin ako sa kabilang bintana, and I saw him na nakaupo sa loob ng isang kubo habang nakikinig ng music sa kanyang earphone.
Nitong mga nakaraang araw, parang pakiramdam ko may iba kay Vince. Yung kilala ko kasing Vince. Maingay, makantsaw, masayahin, konting bagay pinagtatawanan.
Pero yung Vince nitong nakaraang araw, iba. Tahimik, madalas naka earphones na akala mo may sariling mundo. Bakit kaya parang biglang syang nagbago?
Baka may gusto syang lalaki tapos inayawan sya? Baka nga ganun? Broken hearted?
"Why are you still here?" Namilog ang mata ko ng makita kong biglang sumulpot sa harapan ko si Greg.
"B-Bakit ka nandito?"
Oh my gosh! Bakit sya nandito? Hindi pa ko naliligo. Ni hindi pa ako nagtatanggal ng muta.
Ang baho ko!
Amoy panis na laway pa ako.
Jeanie! Ang dugyot mo! Never ka na talagang magkaka-jowa!
Mabilis kong tinakpan ng scarft ang mukha ko.
"Don't you need some help?" Nakangiting tanong nya.
Ang fresh nyang tignan sa white shirt nya na pinapatungan ng baby blue polo. Ang puti-puti pa ng mga ngipin nya tapos ang pink ng gums. Samantalang ako.
Mukhang mabahong di naliligo.
"Uhmn. Hindi ko alam kung saan nila inilagay yung mga gamit ko eh, sila kasi ang nag-ayos ng gamit ko."
"Let me help you with your things." His smile reminds me of Astro's Cha EunWoo. Yung ngiting abot hanggang mata.
Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas sa van.
"Kaya mo naman na pala kahit wala ako." Si Vince na nakasandal sa side ng van.
"Ha?" Kunot noo kong tanong.
"Wala, tara na! Excited na akong isukat yung swimsuite ko." Pabirong sagot niya bago magpatiunang maglakad.
Napangiti ako, hearing him cracking some joke yan ang Vince na kilala ko.
"Ang landi mo." Nakangiti kong tugon bago ako tumakbo upang habulin sya. "VINCE!!" Pahabol kong sigaw.
Nang maabutan ko sya'y parang bata akong dumamba sa likuran nya dahilan para ma-out of balance sya at matumba kaming pareho.
"Araay! Araaaayy!! Ang bigat mo girl! Bumaba ka nga, masisira figure ko sayo!" Iritang sabi niya habang inaalis ang kamay kong nakapulupot sa leeg niya.
Welcome back best friend! Sa wakas bumalik din ang kalandian mo. Namiss ko yan!
Ipinalupot ko ang dalawa kong mga hita sa balakang niya upang mas makakapit pa ako ng maayos sa likuran niya.
"Aaaraaayy!! Jeanie! Ang bigat mo!! Dati ka bang bakulaw?!" Reklamo nyang muli.
"Sinong bakulaw ha? Sino?! Ha?! Ha? Ako? Bakulaw?" I said while teasing him sa pamamagitan ng pag-ihip ng hangin sa kanyang tenga.
"Ayy! Jeanie waggg!! May kiliti--aaayy!!" Para na syang bulateng inasinan na hindi malaman kung ano ang gagawin habang nakikiliti sa ginagawa ko.
"Oy! Oy! Tama na 'yang harutan na 'yan. Tumulong na kaya kayong dalawa dito. Haller?!" Si Anne na kinakawayan kami mula sa kubo. Nakaahon na pala sila mula sa pagtatampisaw sa dagat.
Tumigil naman na kami ni Vince at pumunta na sa kubo. Cottage sya to be exact.
Pareho kaming naupo. Hindi naman kami tumakbo pero pareho kaming pagod na pagod at pawis na pawis. Dala siguro ng matinding init ng araw.
"You're sweating, here. Use this." Si Greg na nag-abot ng isang rolyo ng table napkin sakin.
Bumaling ng tingin si Vince kay Greg.
"Ow, thankyou Greg. How sweet of you. " Ngiting pilit na kinuha niya kay Greg yung tissue.
PAGKATAPOS namin mag swimming at sumakay sa banana boat, ay umahon muna kami para kumain 1:30 na din kasi, hindi na din namin gaanong natutukan ang oras dahil pare-pareho kaming mga sabik na sabik na mabasa ng tubig dagat.
"Iitim yata akong lalo nito!" Si Josh na kumuha ng towel at ibinalabal sakanyang katawan.
"Dapat nagsunblock ka bago ka nagswimming." Payo ko. Kukuha sana ako ng sarili kong plato nang..
"Jeanie Oh!" Nagpapalit-palit ang tingin ko kay Vince at Greg na sabay na iniaabot sakin ang platong may laman nang pagkain.
Unang nagsalita si Greg.
"Try this Jeanie. Kuya Ricky cook this!"
"Hindi nag uulam si Jeani ng ganyan." Singit naman ni Vince na inilihis pa yung platong ibinibigay sakin ni Greg.
"Hindi okay lang. Mukha namang masarap eh. I'll take this." Nakangiti kong tinanggap yung pagkaing dala para sakin ni Greg.
"Ha?" Gulat na reaksyon ni Vince matapos kong tanggapin ang pagkaing inaalok ni Greg. "Kumakain ka na pala ngayon ng seafoods? Kailan pa? Ngayon ko lang yata nalaman yan?" Patuloy niya.
Bahagya akong napakagat sa lower lip ko. This is the one of the proof na best friend ko nga talaga si Vince. He knows na hindi ako mahilig sa seafoods.
"Nagugutom na ako, tara kaen na tayo!" Biglang dating ni Dylan.
Pasalamat na lang ako at biglang sumingit si Dylan kundi nakakahiya kay Greg. Baka isipin nyang napipilitan lang akong tanggapin yung ibinibigay nya sakin dahil sa sinabi ni Vince.
"Oh! Kainin mo!" Vince gave his plate to Dylan.
"Thankyou." Sagot ni Dylan na parang nagulat pa sa pag-abot sakanya ni Vince ng pagkain.
"Josh! Tambakan mo nga si Jeanie ng alimango, hipon tsaka tahong. Maghanap ka na din ng sirena tapos ihawin mo saka mo ipakain kay Jeanie. Kumakain na pala sya ng seafoods ngayon eh." Vince.
"Pahahanapin mo pa ako ng sirena. Eh, andyan ka naman." Birong pang-aasar na hirit ni Josh.
Nagtawanan kami sa birong iyon ni Josh. Maliban kay Vince. He look so offended.
Na-offend kaya sya sa biro ni Josh?
Dati naman na silang nagbibiruan ng ganun ah! Bakit parang bigla yata syang nagiging sensitive?