Chapter 7: Anne Cousin

"JEANIE POV"

Hindi ko mapigilan ang sarili kong huwag ngumiti sa t'wing nakikita ko si Greg.

Ang gaan din naman kasi ng aura nya at hindi sya tulad ng ibang gwapo na mayabang or suplado.

"Gutom ka na?" Bungad ko sakanya.

Inabutan ko syang nagsusulat .

"Akala ko, in-indian mo na ako."

Birong sabi niya. Ang cute nyang lalo kapag nagtatagalog sya.

"May tinapos pa kasi ako. Ano yang sinusulat mo?" Feeling ko close na close na kami 'no?

"Ah, nothing." Itinabi nya yung sinusulat nya at matamis na ngumiti sa akin.

"So, kakain na tayo?" Ang cute nya talagang magtagalog.

As I promise, nagbaon ako ng bicol express at adobong manok.

Nagtaka pa ako nang may ilabas na nakasupot si Greg. Akala ko nagbaon din sya ng dagdag ulam iyon naman pala picnick blanket lang ang dala niya, para raw talagang mukha kaming nagpipiknik.

Nagsimula na kaming kumain.

"Did you really cook this?" Greg.

"O-o naman! Bakit, duda ka?" Pabirong sagot ko. Ngingiti-ngiting umiling siya siya bago muling sumubo.

"Wow! Impresive! This dish is really worth a thousand." Pabiro pang sabi niya.

PUMAPALAKPAK NG BONGGA ANG TENGA KO!

"Thank you." Malapad ang ngiting sabi ko.

Kumain na ulit kami .

"By the way." Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay Greg. "You look different today."

"Different? " Pag-uulit ko.

"You look vibrant today." He smiled at me.

NAPANSIN nya. Sulit effort ko.

Buti pa yung ibang tao napansin, Samantalang yung best friend ko ni hindi man lang nya ako napansin o never talaga nya akong mapapansin.

Bahagya akong napayuko upang itago ang pamumula ng aking mukha.

"Agpappapintasak talaga para kinyam." Pabulong kong sagot.

Translation: Nagpapaganda talaga ako para lang sayo.

"What did you say?" Kunot noong tanong niya.

"Ah wala, ang sabi ko, maganda lang siguro ang gising ko." Nakangiting sagot ko. Sinimulan muli nyang magfocus sa pagkain. "Gamin agkita ta." Pabulong ko muling sabi. Buti at di na nya nadinig kaya di na ulit nagtanong.

Translation: kasi nakita kita

Mas mahaba ang naging oras namin ni Greg kaya naging mas mahaba din ang naging kwentuhan namin.

Nalaman ko ang mga basic information tungkol sakanya tulad ng kung ilang taon na sya. Ahead pala sya sakin ng isang taon.

Nalaman kong galing pala sya sa Australia. Nagkwento din sya tungkol sa buhay nya. Dalawa daw silang magkapatid at yung nakilala ko daw sa mall noong nagkita kami ay yung kuya nya. Half pinoy at half chinese naman daw yun, magkapatid lang daw kasi sila sa ina.

Wala syang nabanggit about sa lovelife nya. Sayang! Yun pa naman ang pinakagusto kong malaman.

"Thanks for the lunch." Greg.

"Sus! Ako nga ang dapat magpasalamat sayo."

"Nabusog ako. You're cooking skills is amazing." Greg.

"Buti naman at nagustuhan mo."

Maikli kong sagot sakanya.

Naubusan ako ng sasabihin. Ito na kaya ang huling pagkikita namin?

Nabayaran mo na sya Jeanie. Wala nang rason para makipagkita pa sya ulit sayo.

Pero 'di ba at magkaibigan naman na kami?

Kaibigan ka dyan, kumain lang sya kasama ka dahil binayaran mo yung utang mo.

So, ganun na lang yun? Tapos na?

"So, p-pano mauna na ko?" Halos ayokong bitawan yung mga salitang yun. Ayoko kasi talaga na ito na yung huli.

Ngumiti lang sya at bahagyang tumango bilang pagsagot. Yun na talaga yun?

"B-bye!"

"Bye!" Bahagyang tinaas ni Greg ang kamay bilang pamamaalam.

Ang bigat bigat ng paa kong tumalikod at humakbang palayo sakanya .

Mura ba ang hopia ngayon at puro ka-hopia-an ang inaabot ko.

"See you again tomorrow. I'll treat you for lunch." Pahabol ni Greg.

Parang nagliwanag ang buong paligid ng madinig ko iyon. Malapad ang ngiting lumingon ako sakanya.

"Sa rooftop?" Tanong ko .

"Yes, I'll bring some packed lunch for us."

Nakangiting tumango lang ako bilang pagsagot. This time parang gusto kong tumalon sa tuwa dahil magkikita ulit kami bukas.

LUTANG na Lutang ako habang nagtuturo yung A. P teacher namin na subject namin ng afternoon class. Nagpa-flashback pa din yung mga nangyari samin ni Greg kanina.

Yung mukha nya, yung ngiti nya, yung gwapo nyang mukha, yung tawa nya, yung boses nya. Wala akong ibang alam na word na pwedeng mag-describe sakanya kundi "PERFECT"

Nawala na din yung awkward ko kay Vince, kaya ko nang humarap sakanya ngayon. I don't know why pero dala siguro nang natabunan na ng saya ko ngayon yung nangyari samin ni Vince kaya 'di ko na gaanong iniisip yun.

Sumabay na din ako sakanyang umuwi since okay naman na ako. Pero parang sya naman ang hindi okay.

Kanina pa kasi sya tahimik. Kahit na noong nagbibiruan sila Vhon, Josh at Dylan hindi sya kumikibo.

Bagay na nakakapagtaka.

Nag-away-away ba sila nila Vhon?

"Tahimik ka yata?" Ako na ang unang bumasag ng katahimikan. Naglalakad na kami malapit sa bahay namin.

"Napagod lang akong intindihin si Dylan, sumakit ang ulo ko." Vince.

"Masakit ulo mo?" Binuksan ko ang bag ko upang maghanap ng gamot."O, eto may gamot ako dito inumin mo mamaya." Inabot ko iyon sakanya.

"Hindi ok lang, kaya ko 'to." Vince.

"Sure ka?" Huminto sya sa paglalakad at tumingin sakin ng seryoso.

"Mas masakit 'to." He pointed his chest.

"Ha?" Confused kong tanong.

"Hindi wala, ang sikip kasi ng bra ko." Pabiro nyang sagot .

-CANTEEN

Tumanggi akong sumabay mag-lunch kay Greg ngayon, nakakahalata na din kasi sila Vhon na mukha daw iniiwasan ko na sila.

Nagi-guilty ako sa mga kaibigan ko dahil sa patagong pakikipagkita ko kay Greg sa rooftop. Sa bawat pagkikita kasi namin, nagsisinungaling naman ako sakanila. Pakiramdam ko tuloy may ginagawa kaming masama.

"Malapit na pala yung birthday mo girl, maghahanda ka?" Anne.

Nandito kami ngayon sa harap ng counter at umoorder.

"Kung maghahanda man ako baka pansit, spaghetti lang." Sagot ko.

Humakbang kami paabante ng matapos ng kumuha ng order yung nasa harapan namin pero nabigla ako ng akala ko ay matatapon sakin yung tray nung babaeng sinusundan namin kaya napa-atras ako at na-out of balance ng mapatid naman ako sa paa ng taong nasa likuran ko.

Akala ko nga ay didiretso na ang ulo ko sa sahig.

Nagsalitan ang tingin ko kay Vince at Greg na parehong nakasapo saking likuran.

LUH! Ang Lakas makahaba ng hair ng eksenang ito!

"Nauna ako." Vince na matalim ang tingin kay Greg. Marahan akong hinila ni Vince sa tabi niya.

"Greg? Oh my gosh!" Anne.

Napunta ang atensyon namin kay Anne na biglang niyakap si Greg.

"What are you doin here?" Anne.

"I am studying here. I thought mom called aunt Carla, how come you didn't know?" Greg.

"Ah yah, mom told me about it but I forgot. Since when you're here?" Muling sagot ni Anne na halatang gulat pa din.

"Since last week, this school is not too big but how come I didn't saw you before?" Greg.

"Close kayo?" Hindi na napigilan ni Vince ang hindi sumabat.

Nagkatitigan kami saglit ni Greg pero na-composed din naman agad namin ang mga sarili namin.

"Ay no, no! halikayo." Hinila ni Anne si Greg sa lamesang inakupahan namin. Sumunod naman kami ni Vince.

"Guys, I would like all of you to meet Greg, he's my cousin. Greg, this is Josh, Dylan." Nakipag-kamay si Greg kila Josh at Dylan. "This is my boyfriend, Vhon." Anne.

"Nice to meet you." Greg to Vhon.

"Nice to meet you too, I am more handsome than you." Pabirong tugon ni Vhon.

"And this is Jeanie." Anne pointed on me. Nagkatinginan kami.

"Hi!" He gave me his a smile.

Mukhang nababasa nya yata sa ekspresyon ko na 'wag siyang magpahalata na magkakilala kami.

"He-heloo!" Awkward kong sagot. Awkward ding hinawakan ko ang kamay nya at nakipagkamay.

"And this is Vince" Anne.

Inabot ni Greg ang kamay niya kay Vince.

Naku for sure bet na bet ni Vince itong si Greg, basta gwapo 'di makakatakas dito sa baklang ito eh.

"Hindi wag na, nanginginig kamay ko eh baka mabali ko lang yang kamay mo!" Pagtanggi ni Vince. Napatingin kaming lahat sa sinabi ni Vince. "Pasmado eh!" dugtong niya.

"Oh! Naalala ko na." Biglang agaw atensyon ni Dylan. "Di ba Vince, sya yung sa roo-- "

"Kumain ka! Kainin mo to!" Vince na biglang sinalaksak sa bibig ni Dylan yung burger na dala nya.

"DYLAN POV"

Magkakasabay kaming kumain kasama yung Greg.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero pakiramdam ko may lihim na kumpetensyang nangyayari sa pagitan nila Vince at nung Greg.

Nakita ko kung paano palihim na itinabi ni Vince kay Jeanie yung straw ng softdrink nya. Nakita ko din na kukunin dapat ni Jeanie yung straw pero bigla syang binigyan ng straw ni Greg na sya namang kinuha agad ni Jeanie.

Nakita ko kung paano magdilim ang tingin ni Vince kay Greg kaya binawi nya yung straw sa tabi ni Jeanie at iniabot sakin.

"Meron na 'ko." Ipinakita ko yung straw na nakalagay na sa bote ng softdrink ko.

"Edi dalawahin mo." Vince na isinuksok yung straw sa bote ko.

"Sabi mo janitor. E, pinsan pala ni Anne yan. Baka naman boyfriend ni Jeanie yan, kasi kung hindi bakit sila magkikita sa rooftop ng palihim?" Pabulong kong sabi kay Vince.

Hinihintay ko syang sumagot pero hindi naman na sya sumagot kaya tumahimik na lang din ako.