Chapter 33. Atchay

Kinaumagahan ay maaga kaming naghanda para sa pamamasyal, sabi ni Tibo gusto n'ya sa luneta, mall at saka sa manila ocean park. Well s'ya ang boss sa pamamasyal namin nauunawaan ko ang takot din nito na harapin ang ina at malaman ang dahilan kung bakit hindi na s'ya binalikan. Mabuti na ganito muna masaya lang muna kami mag iipon ng happy memories. One at the time. We will fix first our problem no I mean sa aming lahat and also Logan's problema with his family, tapos kami mismo ang mag hahanap sa mama ni Tibo at magdadala sa mga Allejo kung hindi nila matatanggap ang bata. Well ako, kami ni Logan at iba pa tanggap namin siya at kawalan nila ang hindi pagtanggap sa pamilya nila si Tibo hindi 'yun kawalan ng bata . Kagabi tawanan kami ng tawanan kasi si Logan atat na atat matapos ang paglilinis mabilis din naman n'yang natapos ang mga kalat na nagawa niya. Hayun bonding kami ng bongga tawa kami ng tawa sa pinapanood namin at amy panaka nakang wagas na kulitan lagi naming pinagtutulungan si Logan. It was indeed the best movie night ever ngayon ko na lang ulit ito nadama hindi pala tingin ko maging sila ngayon lang din.

Nagulat pa ako ng mabungan ko sa kusina ang dalawa. Yes tama kayo ng hinala hindi pumayag ang guwardiya sibil na magkatabi kami ni Logan sa pagtulog hanggang ngayon pag naalala ko ang mukha n'yang sambakol at nguso na nanghahaba natatawa ako. Pero waepek kay Tibo.

FLASHBACK..

"Oh tara na, matulog na tayo para naman may energy tayo bukas sa pamamasyal natin" sabi ko sa dalawa na mabilis naman nag sitayuan. Nagkukulitan pa sana ang dalawa gusto kasi Logan papa din itawag sa kanya ni Tibo pero mahigpit ang pagtutol nito ayos na daw si mama Em niya at papa Darius niya. Talagang may side si Logan na medyo childish nauunawaan ko naman mahal din niya kasi ang bata.

"Tara na babe, tulog na tayo—" sabi nito na akma na sanang aakbay sa akin pero may maliit na batang sumingit

.

"No! Bawal kuya Logan, tayo po ang tabi matulog tara na kuya" final na sabi nito at bahagyang hinatak si Logan sa damit.

"Hala bakit naman? Mag jowa kami ni Cristine kaya tabi kami matulog." Alma naman ni Logan pero ang bata mas nagtagpo ang kilay.

"Oo nga po mag jowa lang kayo!. So bawal pa kayo na magkatabi matulog. Clear na ba kuya. Pag mag asawa na kayo ni Ate kahit kumabit ka pa sa pundilyo niya."sabi nito na may kasamang pag iling pa natawa ako dahil parang matanda sa una ang isip nito which is good at tama mukhang may naiiba sa angkan ng Allejo. Natutuwa ako na panoorin sila.

" Ang higpit mo naman Tibo e, may nangya—"hindi ko na pinatapos si Logan sa sasabihin, mukhang nawala sa sarili ang lalaki at ikukuda sa bata ang nangyari sa amin santisima talaga oh kaya agad kong tinakpan ang bibig nito na ikataas ng kilay ng bata.

" Logan 'diba payag ka na! kayo na ni Tibo ang tabi matulog" sabi ko na nakaharap na ngayon sa lalaki at simpleng pinandidilatan ng mata at mukhang dahil doon nabalik sa ulirat ang lalaki kaya dahan dahan kong binitawan ang bibig nito.

"Ay Oo babe si Tibo na ang katabi ko masarap itong katabi matulog e, saka tama siya 'di pa tayo mag asawa kaya bawal na bawal din" sabi nito habang sa akin titig na titig. Gusto ko sanang bumunghalit nga tawa kasi habang sinasabi niya yun ay bahagya ng pagkibot ng ilong niya at nakasimangot na rin. Hala tama lang din 'yun at baka umariba pa siya e masakit pa aking perlas.

"Tama 'yan babe kayo dapat ang magkatabi. Goodnight babe and Tibo, sweet dream" panunukso ko pa sa lalaki na halatang ayaw pa na umalis.

"Tara na kuya parang hindi mo naman na makikita si Ate bukas ang drama naman. Hayst ang hirap mainlove kaya ako hindi muna papayaman muna ako" bulong na lang halos ang huling sinabi niyo mukhang ako lang nakarinig si Logan ay hindi na kasi nga nguto pa ng nguto ito.

Nang makapasok na ako sa kwarto na rinig ko pa si Logan at Tibo parang nag aasaran pa. Maya maya nahiga na ako ng biglang nag vibrate ang phone ko isang text at galing ss jowa ko. (Babe pagtulog nito tabi na ako sayo, 'wag mo u lock pinto mo please i love you paghele ko lang itong asungot..) laman ng text nito may haha emoji pa. Hindi ko na nireplayan pero hindi ko ni lock ang pinto

Samantala sa kabilang silid…..

"Salamat naman mukhang tulog na" bulong ko sa isip ko tatayo na sana ako ng biglang magsalita ito "Ang katapatan sa sinumpaang salita at pangako at nag rereplika kung anong klaseng tao ito kung madaya, sinungaling at manloloko". Agad kong binalingan ang bata ng masiguro kong tulog ay napabuntong hininga ako tulog na para pa rin matanda kaya imbes na lumipat ay nahiga na ako doon sa kabilang side ng kama at kinalikot muli ang phone at magpadala ng text kay Ally ko. (I'm sorry babe 'di na ako lilipat magaling mangunsesya ang batang to. I love you so much babe sagad gaya ng aog sagad ko sayo) natawa rin na naman ako sa mensahe ko hindi ko na hinintay pa ang reply at pumikit na ako panaman may lakas bukas makisabay sa batang ito..

Muling nag vibrate ang phone ko at halos matawa ako ng mabasa ko ang text ni Logan pero sa dulo pinag-iinitan ako ng katawan. Tarantado kasi na imagine ko agad ang ganap sa amin diyos ko masyado na po akong makasalanan at kinain ng kamunduhan mula ng kainin ako ni Logan.

Nabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang bulungan ng dalawa unggoy dito sa kusina.

"Baka antok pa si Ate mo Tibo, baka tulog 'yan kanina pa natin tinatawag walang response" Bulong ni Logan.

"Sus baka nag Daydreaming kuya. Baka naalala 'yung crush niya" sabi ni Tibo na humagalpak pa ng tawa inis na inis naman na sumagot ang lalaki.

"Ah ganon cancel natin ang pamamasyal kaya?" patanong na sabi nito mukhang naaligaga ang bata.

"Hala siya, joke lang 'yun kuya. Halata naman patay na patay si Ate sayo sa pogi, macho at bango ba naman na 'yan. Sinong hindi mahuhumaling sa isang Logan? Aba kuya ko 'yan. Teka pakasalan mo na si Ate pa Mommy at Daddy ko naman kayo" mahabang sabi ng bata na may pang uuto. Ang nakakatawa mukhang bentang benta kay Logan umaliwalas pa mukha.

"Ay gusto ko 'yan kami ang Daddy at Mommy mo mas sosyal sila Darius papa at mama lang. Apir future anak." patol na patol na sabi ni Logan kaya hindi ko an tiis kumawala ang tawa ko na nauwi sa hagalpak na.

"La.. La hinagin na si Ate ko kuya Logan. Gusto mo pa rin bang asawahin yarn?"

"Pag isipan ko na nga Tibo katakot pala 'yan"

Dahil sa narinig ko nagpanting ang tainga ko kaya naman naghanda akong sugirin ang dalawa mukhang alam naman nila ang gagawin ko. Kan'ya kan'ya silang kariapas ng takbo habang sinisigaw ang salitang "Lutang na nga pikon pa". Mas lalo ko pa silang hinabol ng naabutan ko tag isang kutos sila sa akin. Kumain kami ng tahimik ako lang nakangiti dahil panay sulyapan ng dalawa habang mangot na mangot ang mukha. Well wala akong pakialam sa kanila masalanan naman nila 'yun e. Nang matapos akong kumain agad akong tumayo at tinignan nag dalawa sabay sabi ko na "Kayo na magligpit n'yan mag aayos na ako bilisan n'yo pag nainip ako cancel ang lakad natin" sabay talikod ko at ngiting tagumpay kala nila kaya nila ako nagkakamali sila mag tulong pa sila pero narinig ko pa ang ungutan nila.

"Kaasar ikaw kasi Tibo!" ungot ni Logan.

"Ba't ako kuya, ay wag ka ngayon palang ba Andres kana agad kuya? sabagay nakakatakot ang Gf mo kaya dapat magtino ka" dinig kong sabi ni Tibo.

"Matino ako Tibo baka ipakulam ako n'yan e" sabi ng lalaki.

"Oo nga ingat ka kuya" segunda ni Tibo. Napailing na lang ako. Hindi nila masisira ang mood ko.

Mabilis ang kilos ko mga 20 minutes lang ako naligo. Isang lettuce crop top na maroon ang pang itaas ko isang fitted ripped jeans naman na pinarisan ko ng isang nike shoes na white. Hindi naman ako mahilig mag makeup pero naglagay ako ng bahagya baka may makakita sa amin pag-kamalang personal julalay ako ni Logan at Tibo dapat mapag kamalang Mommy at Daddy kami ng bata. Sa isiping 'yun ay kilig na kilig ako hinayaan ko muna na lugay ang buhok ko may dala rin akong shade na nilagay ko sa ulo ko dagdag angas ng pormahan ba. Nang masipat ko na okay na ang looks ko kinuha ko ang aking simple pero elegante na sling bag laman noon ang phone ko wallet na may mga cards ko syempre para kahit mag walkout ako o iwanan ako ni Logan carry pa din. Pero mukhang hindi naman nito gagawin sa akin 'yun subukan niya lang talaga maghahalo ang bala't sa tinalupan. Kagabi hindi ako mapakali after na makarecieve ng text from Logan may text pa akong na received from anonymous sender hindi ko muna dapat isipin 'yun kaya naisipan kong lumabas na nagulat ako ng makita kong bihis na bihis na ang dalawa maganda ang porma si Tibo lahat bago naalala ko na binilhan pala iyo ni Mommy Em para daw lumitaw ang kagwapuhan ng bata. Binalingan ko ang aking nobya at hindi ko mapigilan na paulit-ulit hindi gahasain sa isip ko si Logan diyos ko naman kasi fitted pants at fitted polo shirt bagay na bagay ang pogi at ang bango bango pa. Mukhang makakadurot ako ng mata ng mga babae, mapapa-away pa ata ako.

"I know what you're thinking babe!" bulong nito hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ito. "Sayong sayo lang ako, 'wag kang madudurot ng mata okay. Ako ata mapapa-away ba't may palabas pusod pa" sabi pang muli nito.

"Para pusod lang ang labas. Ikaw nga nakakatakam ka na, bwiset ka ba't ang pogi pogi mo naman" wala sa sariling sabi ko at ang loko tumawa pa ng ubod sexy 'yung kikiligin ang mani mo ng sobra

"Funny! Alam kong pogi naman ako babe pero pag ikaw nagsabi kilig na kilig ako. Ikaw nga kanina ko pa gusto ikulong sa kwarto—" naputol ang sasabihin nito ng mag salita ang isang bata mukhang nawala na naman kami sa sarili.

"God please po magpadala po muna kayo ng rescue ko dito. Nakakalunod na ang dalawang ito tinalo pa ang bagyo mag landian. May bata po dito kaya naman sana stop muna sa Spg, saka sana po maisip nila na may lakad pa kami kasi parang gusto nilang mag sabong na lang silang dalawa"sabi nito na nakapikit pa mukhang hindi nga kami kinaya sabay pa kami natawa ni Logan kaya napadilat ito.

"Tawa pa kayo ang sakit n'yo sa eyes. Tara na po sayang ang oras sana ay naka pasyal na inuuna pa ang bebe time everyday lang yan." mangot na mangot na sabi nito.

Agad namin itong nilapitan, niyakap at pinag-hahalikan nagka-kawag naman ito at panay ang sabi na" Oh stop yung get up ko sinisira n'yo"kaya mas inigihan pa namin ni Logan ang pag pupupog dito hanggang sa "Tama na kuya Ate dinadahilan niyo lang ako para makapag kuringgian pa kayo" huminto na kami at tinitigan ito. "Sorry na, tara na" sabay na sabay pa kami tumango naman ito at nag sorry din. Agad itong tumakbo sa harap ng salamin at inayos ang sarili. Kailan pa ba ito na conscious sa itsura binata na agad na ibulong ko sa aking sarili, pero narinig pa rin pala ni Logan.

"Mukhang pumapag-ibig na ang munting binata. Iba pa naman tamaan ang mga Allejo baliw talaga" natatawa pang bulong nito kaya kinurot ko ito.

"Ouch babe" daing nito.

"Huwag igaya sa inyo at sa magkapatid na Allejo ang bata" istriktang sabi ko na kinatango nito.

Kaagad na kaming bumaba mabilis lang sakay kami ng kotse ngayon ni Logan sa Ocean park kami una pupunta excited din ako kasi first time ko din feeling ko bata rin ako. Narating naman namin din agad ang destination namin, kita ko ang pagkamangha kay Tibo na babanaag ang saya, baka nga ako din ay ganun pero laking gulat ko ng makita sa mukha ni Logan ang pagka-amaze don't tell me 'di pa rin s'ya nakapunta dito?.

Agad naman kaming pumasok sa loob masasabi kong mas maganda sa loob ng lugar na iyon. Na abutan namin ang show ng sea lion tumawag pa nga ng volunteers ang mga ito they suggest na family daw at laking gulat ko ng mag prisinta ang dalawa kong kasama kaya no choice nagpakain kami ng sea lion, taking picture may picture panga na kiniss ako ng sea lion at huli ang pag irap ni Logan my god pati sea animal pinagseselosan ng isang ito. But what best thing is happen is when they take a "Family Picture" ang saya may pamilya na ulit ako. Yung iba nga nag side comment pa na ang bata namin nagkaanak but looking so great naman daw nakaka proud. Kaya buong taas noo ko sila hinarap at nginitian at ang jowa ko naman agad na pumulupot ang mga bisig sa aking bewang habang akay niya ang akala ng iba na anak namin na si Tibo. Willing ako na maging nanay nito pero alam ko naman na may pamilya ito at satingin ko walang hihindi rito.

Inikot namin lahat picture doon picture dito ang ginawa namin nakakahiya nga kasi panay pasuyo kami at take note sa lalaki nakikisuyo ang jowa ko very good s'ya doon halos tapos na kami at palabas na rin next stop nami ay mall, kakain lang tapos tingin tingin, then bili ng baon para sa piknik namin ng hapon sa luneta park.

Papasok na ako sa kotse sa passenger seat ng may narinig akong tawag pangalan iyun ng nobyo ko at galing sa isang babae hindi ko alam kung narinig nito o dedma lang sadya kasi nandito ako. Winaglit ko sa isip ko 'yun para 'di masira ang moment namin sa mall kumain kami at naglaro sa arcade tuwang tuwa si Tibo si Logan parang bumalik sa pagkabata kitang kita ang genuine happiness nito akk man ay sobrang saya punong puno ang puso ko.

Almost 5:30 pm na ng lumabas kami ng mall both us having a wide smile on our face. Panay oa kulitan ng dala tapos ako ang referee pag nagtatalo na silang dalawa ang kulit nila pero wagas ang saya. Medyo traffic na rin kaya pass 6pm na kami dumating sa Luneta park agad naman nag tatakbo si Tibo at panay ang sabi ng "Wow ang ganda sa book ko lang ito nakikita noon." Masayang masaya ako na kahit simpleng gusto nito maisasakatuparan namin.

"Are you ok babe? Are you tired?" nag-aalalang tanong ni Logan nginitian ko naman ito.

"Nope, I'm just happy seeing him happy. Sa totoo lang hindi lang siya ang nag enjoy ako din first time ko kasi 'yun." Honest na sabi ko kay Logan agad naman na lumiwanag nag mukha nito.

"Ako din babe so happy to be with you. First time ko rin doon and thankful ako nakasama kita sa first time ko at sobrang mas ikina-thankful ko na ako din ang kasama mo sa first time pasyal mo doon. I love you Ally ko" Puno ng pagmamahal na sabi nito sa akin dama ko sa puso ko iyon.

"I love you too Logan ko—" naputol ang sasabihin ko dahil may sumagot naman din.

"Sali ako. I Love you three pooooo…. The best kayo na Mommy at Daddy ko" sigaw nito na nakapukaw na ng iba. May ilang na pumalakpak kaya nag palakpakan na ang iba napahiya naman ako na halata ata ni Logan kaya niyakap ako yumakap na rin si Tibo..

"Alway remember Ally ikaw ang una't huling babae na mamahalin ko"

Matapos 'yun ay agad kami humanap ng magandang pwesto kung saan mas makikita ang mga pailaw at fountain. Inilatag ni Logan ang piknik matt para doon iayos ang mga gamit agad din kaming nagkukot ng chips habang panay ang kwentuhan si Tibo panay picture gamit ang phone ni Logan nasa ganun kaming tagpo ng may lumapit sa amin kita ko ang shock sa mukha ni Logan.

"Logan, Honey ikaw nga! Sino yang kasama mo? Oh I see atchay n'yo ang sweet mo pa rin nag aalaga ka pa rin ng mga pamangkin mo. I miss you honey, Nakita ko na si Tito sabi niya pag uusapan na ang kasal natin. Sabi ko na I saw you in the mall kaya sinundan kita honey give me a kiss. " sabi ng babae. Ano daw ako atchay? Sila ikakasal? Give her a kiss? Sapak, She wants? .

Bigla ata na nagdilim ang paningin at nanginig ang lamank o pakiwari ko ay baka maka patay ako ngayon pag hindi sumagot ng ayos si Logan sa babaeng ito ..