Chapter 32. Soon

Matapos namin mag usap, este matapos kaming iseminar ni Tibo may biglaang tawag kay Darius importante kaya hindi pwedeng hindi n'ya puntahan. Si Ally at Em em nasa kwarto pa rin 'di ko alam kung nag uusap pa sila. Si Tibo matutulog muna daw para naman daw may ilaki pa s'ya. Umalis na ng hindi nagpaalam si Darius kay Em em. Naiwan naman ako sa sala ng condo.

Thinking of those scenario's that happened to us, sobrang bilis ng mga kaganapan parang magic ang saya saya ko sobra pero may takot ako na nakakapa sa puso ko na baka bawiin agad ang saya ko na nararamdaman. Hindi ko alam kung ano bang ginawa ko to have all of this happiness right now dalangin ko na huwag maglaho ito sa buongbuhay ko ito ang unang saya na sobrang sarap. Pero hindi ako mapanatag basta na lang hindi ko alam kung saan nanggaling ang takot na ito. Natatakot ako sa kadahilanan na hindi ko rin mawari para bang may mga pangyayari na hindi ko hawak ang control. Nanatili pa ako sa sala hindi ko namalayan na ginupo ako ng antok hanggang may marinig akong mahihinang bulungan.

“Hoy! ikaw Cristine aalis na ako ahh, si Tibo ikaw ang bahala. Saka bruha ka baka magpa unli iyot ka pa kulokoy na ‘yan sarap n’yong gulpihin kainis. One more thing alagaan ang sarili ‘wag panay libog i-validate mo ang lahat ng mga possibilities. Okay! Bye madapaker” Mahinang sabi ng asawa ni Darius sa isip ko gusto kong mapailing grabe brutal ng bibig nito magsalita pero kung mauunawaan mo lahat naman ay maganda ang ibig sabihin bukod sa mga mura.

“Noted Mommy Em, Alam ko naman but for now let me enjoy the moment that we have. Minsan lang ako maging masaya gusto ko na mas maramdaman pa kung ano pang saya ang maibibigay n’ya habang magkasama kami and don’t worry hindi ko pababayaan si Tibo ako ang bahala sa kanya also ang puso ko ay hindi ko pababayaan Mommy Em. I know soon may mga bagay na lalabas Mommy Em pero I’m ready to face it mukhang kahit hindi ko hanapin ay kusang lalabas naman naman.”Mahabang sabi ni Ally naguguluhan ako sa paraan ng pag uusap nila pero isa lang maipapangako ko uunawain ko ang lahat sa kanya ganun naman talaga ang nagmamahal at pagmamahal.

Umalis na si Em gusto ko sanang imulat na ng mga mata ko pero ng maramdaman ko ang prisensya ng babaeng mahal ko I decided na magpanggap na tulog pa. Wala akong ibang intensyon gusto ko lang malaman kung ano ang gagawin n’ya while I’m at sleep. Naramdaman ko ang banayad na paghaplos nito sa aking pisngi iba ang hatid na init nito sa akin masasabi kong grabe talaga ang epekto sa akin ni Ally. Binagtas ng mga daliri nito ang akin noo, kilay mata, ilong, baba at labi ng masiyahan na siguro ay huminto maya maya naramdaman ko ang paglapat ng labi nito sa akng labi. Matinding pagpipigil ang ginawa ko na hindi ito kabigin at gantihan ang magaan na paghalik nito hindi pa ata nasiyahan at ang ilong ko naman ang binigyan ng magaan na halik. Alam ko at dama ko na titig na titig ito sa akin masarap sa pakiramdam na madama nag gaun na mga titig mula sa taong mahal mo. Ngayon naman ang aking buhok ang mabini nitong hinahagod.

“Logan, I love you. Hindi ko alam kung anong mahika ba nag dala mo at mahal na mahal na agad kita. It seems that you completed the missing piece in my life. Masaya naman ako kasi may mga kaibigan but having you hindi na kaya pang sukatin ang saya at pagmamahal na nararamdaman ko the long years of being longing is now fade away easily mula ng dumating ka kayo ni Tibo. Do you know that I have the biggest fear that I carry now? Yun a yung mawala ka sa akin hindi ko alam saan tayo dadalhin ng gusot ng nakaraan but I’m hoping na mabilis man tayo nag umpisa ay mahirap tayong paglayuin. I Love You Logan”Gulat man ako sa mga pahayag nito at medyo naguluhan halos lumobo sa tuwa ang puso ko sa saya na mahal n’ya rin ako at same kami ng takot. Natahimik ito ng imulat ko ang mata ko kita kong tulog na ito. Pagod din naman ito kulang pa kami pareho sa tulog kaya naman nagdesisyon ako na buhatin na ito at sa kwarto na pagpatuloy ang tulog. Inihiga ko ito sa kama ako naman ay nagmadali na rin na sumampa at tabihan ito sa pagtulog masasabi kong sa lahat ng gulo, problema at pagod si Ally ang pahinga ko.

___

"Kailan pa tayo magpapakita sa kanya? Ang tagal nating hinanap siya tapos ngayon na nakita na natin hindi natin siya lalapitan para magkausap at maipaliwanag ang lahat?" medyo inis na sabi ng isa.

"Konting pasensya muna alam mo naman na malaki ang iniwan na sakit at trauma sa kanya ng lahat ng iyon hindi!. Nakapaghintay nga tayo ng matagal ngayon pa tayo nagmamadali ng ganito?"sagot naman ng kausap nito.

" Natatakot ako na mas masaktan pa siya pag nagtagal hindi ko kayang masaktan pa siyang muli. Hindi na ako makakapayag pa"naiiyak naman na responde ng isa.

"Walang masasaktan ulit. Okay kalma ka lang okay"...

Mahabang taon na ang lumipas pero sariwa pa ang lahat ng sakit at panloloko na naganap. Mali man pero 'yun lang ang nakikita na tamang gawin.

Nagising ako ng parang may mabigat na nakadagan sa akin. Medyo disorientated pa ako dahil sa pagkakatulog doon ko naalala na sa sofa ako kanina minamasdan ang mukha ng aking nobyo kaya agad akong napabaling bumulaga sa akin ang mukha nito na nakangiti at titig na titig kahit na kakapiraso ang siwang ng mata. I felt relieved every time na makikita ko ito o kasama ko.

"Satisfied ka na babe sa tulog mo?" medyo paos pang sabi nito. At parang switch lang at agad akong nadarang ako sa paraan ng pagkakasabi nito. Nako masyado na ata akong manyak pagdating kay Logan. Napakagat labi pa ako bago nakasagot.

"Yes, Okay na bawi na 'yun lakas ko na inubos kagabi" naiiling ako sa sagot ko lintik lang ang landi ko bakit naging talandi na rin ako pagdating sa lalaking ito.

"Good kasi ipapasyal natin si Tibo dito sa manila. And sana 'wag muna natin s'yang idala kung saan ang lugar ng Mama n'ya papa-imbestigahan ko muna kung pwede ayoko masaktan ulit ang bata" kitang kita ang emosyon sa mata ng aking nobyo. Siguro dahil alam nito ang pakiramdam ng nasasaktan lalot sangkot ang pamilya. Sino ba naman ako para sumalungat mahal ko ang batang iyun higit pa sa tunay na ka dugo.

"Sige pasyal natin bukas bago tayo bumalik sa probinsya. Ayun ay kung babalik ka pa ba Logan?" Alangan ako sa huli kong mga sinabi dito natakot naman ako na baka di naito bumalik sabagay dito ang buhay niya pero ako hindi pa tapos sa pag-iimbestiga. Ngumiti ito ng malawak sa akin pakiramdam kk kusang humiwalay sa pagkakahakab ang panty ko.

" Of course kung asan ka doon din ako. Maliban na lang kung ayaw mo na akong kasama babe!. Pero alam mo kahit ayaw mo kong makasama mag pupumilit pa rin ako kasi mahal na mahal kita Ally kahit pa ang mukha akong aso, gago at siraulo bubuntutan pa rin kita sa ayaw at sa gusto mo. Kung darating ang panahon na lalayuan kita lagi mong tatandaan mahal na mahal kita ay may mahalagang dahilan ba't ako lumalayo sayo pero sa puso ko ikaw lang 'yun talaga. Paulit-ulit na ikaw "Bakas ang kaseryosoha sa mga salita nito. Samantalang ako hindi ko mapigilan na maluha sa saya at sa agam agam isipin ko lang na lalayuan ako nito ang sakit na tumatagos na ng sobra.

" Hey! Stop crying babe hindi ko naman basta hahayaan mangyari 'yun kaya don't think to much. Panghawakan mo ang pagmamahal ko sayo hinding hindi ka maliligaw ganun rin ako sayo kahit anong mangyari never akong bibitaw sa salitang I love you na sinasabi mo sa akin palagi" muling sabi nito habang tumatango ako nag laglagan pa rin ang luha ko tears of joy at luha ng kapanatagan kahit pa nagbabadya ang gulo.

Nang buong hapon durasyon na 'yun masaya kami at masasabi kung walang ilangan na sa pagitan namin. Bumangon na ako para maligo pass 6pm na din baka gutom na si Tibo mag luto kami sana para pinaka bonding na pero ayaw ni Logan order na lang daw tapos movie kaming tatlo malamang cartoon na lang para walang selosan at bangayan. Nauna akong maligo ang lalaki naman ay kukuhanin daw sa kotse n'ya ang dumple bag n'ya para may pamalit nasabi rin nito na mag stay pa ng ilang araw para bongga ang pasyal namin mabilis ang pag ligo ko siguro mga 5 minutes lang. Nang muling pumasok sa kwarto ay naglo-lotion na ako mukhang mangha pa ito kaya tinaasan ko ng kilay.

"Bakit masama bang mabilis maligo?"

"Hey! babe wala naman akong sinabing masama 'yun. I'm just amaze ang bilis mo lang. Tulog pa ata si Tibo mukhang napuyat talaga ligo muna ako babe–gusto mo bang sumabay ulit maligo?"

"Logan! puro ka kalokohan. Nakaligo na po ako bilisan mo na".

"Fine, kung ayaw mo 'di' wag. Joke lang babe baka mag sa dragon ka naman. Ahh babe nag order na ko ng food bayad na 'yun paki receive nalang and please mag pajama ka baka hindi maka focus ang delivery boy at baka ako din saniban pilipitin ko ang leeg n'ya" halata naman na' di ito nag joke kaya no choice pajama talaga ako habang pa irap irap dito.

"Opo na ang init pa naman e," Angal ko pa.

"Pagja recieve mo babe pwede na mag short. I love you" sabi nito at mabilis pumasok sa Cr ako naman ang napiling napaka talaga ng lalaki na to bulong ko pa.

Hindi naman nag tagal narinig ko ang doorbell kaya nagmamadali ako pero nagulat ako na may mas nauna pa sa akin doon. Si Tibo na nakabukas na ang pinto napalingon naman ito sa gawi ko tapos tinanguan ako para bang matandang tao talaga umasta umalis rin naman agad ito ng sinulyapan ko pa ito ay umupo pala sa may sofa. Nang maabot na ang mga pagkain ay ka agad akong nag pasalamat at sinara ko din ang pinto nakita ako ni Tibo na maraming dala kaya tumayo ito akmang tutulungan ako pero bigla na lang bumulaga si Logan humahangos e, ang alam ko naliligo ito. Napansin ko sa suot ko nakatingin ngumiti ng makitang na ka pajama ako. Binalingan si Tibo nito nagtitigan bago nag salita.

"Babe ako na magdala sa lames. Ayusin ko na rin tawagin ko kaya pag okay na."

"Okay, pero ba't ang bilis mo ata?" tanong ko pa pero parang alam ko na nuknukan ng seloso ang singkit nato kahit kailan talaga.

"Wala! Mabilis ba ako ang tagal nga e, sige na babe lagay ko na doon." sabi nito sabay talikod hinda ata alam nito na sumunod ako kaya dinig ko ang kinukuda nito.

"Very good ang babe ko nakikinig sa akin. Okay naman din dahil si guwardiya sibil nandon safe sa mga ulupong ang babe ko" Kaloka ang lalaki na ito akala ata alhat ng lalaki maaakit sa akin. Maganda naman ako pero hindi ako assuming na lahat nahuhumaling o mapapansin ang beauty ko.

"So wala kang tiwala sa akin babe?" medyo madiin na pagkakataong ko..

"Fvck! babe kanina ka pa d'yan? Ano 'yun babe wala akong tiwala sayo?. Of course not meron hundred percent pa pero sa mga tao sa paligid specially men hindi" amin nito.

"Well alisin mo 'yan sa kukote mo Logan Lior Yu dahil hindi maganda ang ganyan. Marami mang lalaki ang lumigaw, mag paepal at magpacute sa akin ikaw at ikaw lang ang nakapukaw ng atensyon at puso ko sayo lang ito natutuliro okay. Saka sayo lang bubukaka promise"hindi ko talaga kasi forte ang seryoso kaya ganito ko s'ya I-approach pag umaariba ang selos n'ya. Saka my god ang gwapo na niya sobra may mga insecurities pa pala sa katawan mukhang dinala nito sa sarili ang mga sinabi ko noon na di s'ya kagwapuhan.

"And Logan sorry baka kaya ganyan kasi sa mga sinabi ko noon na 'di ka kagwapuhan. That's a lie your so handsome babe lahat na ata na sayo na kaya 'wag kang mag isip na hahanap pa ako ng iba ikaw lang sobra pa sa sapat at nag uumapaw sa labis" matapos kong sabihin 'yun ay niyakap ko ito at humilig ako sa dibdib nito hindi ito makaganti ng yakap hawap pa ng mga paper bag.

"Hayst kaya pala hindi n'yo ko matawag sa pagkain dahil nag bebe time pa kayo. Kain muna tayo bago bebe time Ate at Kuya" Nagulat ako kaya napabitaw ako ng yakap kay Logan nakita ko ang mukha nito na parang inip na inip na naman.

"Sorry!" panabay na sabi namin ni Logan. Samantalang ako nga ay naka peace sign pa ang lalaki naman mabilis na binaba ang pagkain kaya ang ending tulong kami tatalo na ang hain noon sa mesa. Masaya kaming kumain ng hapunan hanggang naiisipan na magluto ng popcorn dahil manood nga kami ng cartoon tama cartoon na lang para walang gulo.

"Ako na magluluto ng popcorn, cheese flavor lang ahh" sabi ni Logan kaya tumango ako ang sipag s'ya na nga nag hugas ng pinggan s'ya pa amg luluto aba donya ata ako sa lalaki ito pag nagkataon.

Habang busy ang lalaki mag luto ay kinausap ko naman si Tibo ng masinsinan. Gusto ko rin malaman ang saloobin nito dahil hindi ito basta bata lang matalino ito.

"Tibo, hindi muna kita masasamahan sa lugar ng mama mo. Huwag mong isipin na

'di ako tumutupad sa pangako ko kasi sabi ni Logan na better na mag enjoy muna ikaw. Okay lang ba sayo?" pagkasabi ko ay mataman ko siyang tinitigan kiga ko. naman na walang disappointment sa kanya bahagya iying tumago at ngumiti.

" Okay lang po Ate alam ko ayaw niyo akong mabigo at masaktan kaya ganun. Naisip ko din po na baka may dahilan ba't hindi si mama nagbalik o nagpakita sa akin. Masaya naman po ako ngayon ma kasama ko kayo ni kuya Logan saka may Mama Em at Papa Darius" nabanaag ko. ang kinang ng mata nito ng mabanggit ang mga pangalan namin at existence sa buhay niya. Kaya kinabig ko ito ng yakap. "Mahal na mahal ka namin Tibo so for now na wala pa ang Mama mo kami muna ang pagtyagaan mo" sabi ko pero gulat kami ng may yumakap pa si Logan pala nagtagal kami sa ganun pero maya maya lang ay nagtatakbo ang lalaki sa kusina at sinundan naman namin halos mawindang ako sa nakita ko meron naman ng luto pero ang nakakaloka nag luto pa ata ito pero hindi nilagyan ng cover kaya nangyari umulan ng popcorn buti na lang hindi nasunugan kami..

"Babe sorry," nakangiwi na sabi nito sabay peace sign tinaasan ko lang ng kilay. "Ako mag lilinis sorry na inggit ako yakapan kayo kaya nag madali ako nakalimutan ko na i-cover ang niluluto ko..

" Oh s'ya bilisan mo na manonood pa tayo linisin mo ah baka ipisin tayo yari ka sa akin. "Banta ko pa dito.

" Yes mahal ko. Mabilis lang ito promise "pagkasabi nito ay tumalikod na at nag umpisa ako naman ay tinitignan ang ginagawa nito..

Sobrang saya yan ang damdamin ko ngayon, walang makakasira nito. Hindi muna ako mag iisip ng kung anu-ano ngayon mahalaga ang ngayon saka na ang bukas.