CHAPTER 6: TIRED

TYRA

Gabi na ng makauwi ako at araw araw na lang palala ng palala ang nadadatnan ko sa bahay, nagiging basurahan naman na. imbes na mag luto ako ay nag linis na muna ako, habang naglilinis ako ay hindi ata ako napansin ng magulang ko na meron ako dahil naghahabulan sila.

Tumigil silang mag habulan at umupo na pagod na pagod, lagi na lang bang ganito?? Kita ko naman na kayaa nila pero hindi na tama ung ginagawa nila. Ang lapit na ng basurahan, mataos kong mag linis ay nag luto na ako.

“ dumating pala ung bill ng ilaw at tubig” ini abot saakin, bakit ganito na lang kataas ang bill namin?? Domuble naman ung bill namin last month.

“ bakit ganyan mukha mo? “ tanong ni mama.

“ ung bill kasi tumaas, ipapa check ko kay mang ellie ung ilaw natin baka may mali” inilagay ko na ung bill sa bag ko.

“ wag na, iistorbohin mo pa ung matanda. Normal lang naman na tumaas ang bill lalo pat nag aaral ka” kumunot ang noo ko.

“ Wala naman akong ginagamit para tumaas ang bill” sagot ko, anong koneksyon? Maaga akong umaalis at gabi ako darating, sa school naman ako nag cha-charge kaya paanong tataas dahil nag aaral ako.

“ ah basta, sa pag aaral mo iyan kaya tumaas ang bill. Anong oras kana na natutulog, naka on ang iilaw tataas talaga iyan” sabay alis, mukhang sa labas na lang muna ako gagawa ng kakanin para makatiid sa ilaw..

Natapos na kaming kumain, pumasok na sila mama at papa sa kkwarto. Inoff ko naman naa lahat ng iilaw, ung mga nakasaksak ay inalis ko saka ako lumabas. Sakto naman sa bahay namin ung street light kaya okay na muna ako doon.

Pinag babalot ko na ung kakanin tapos bukas maaga ako para iluto naman ung pancit, naisip ko kasi dagdagan dahil kinukulang. Hindi naman bawal mag benta kahit may canteen saamin at libre. Sabi ng iba para naman maiba at masarap naman kaya okay na okay.

Nag mamadali akong pumasok sa school, iwa dito iwas doon ang ginagawa ko. Ito na ung mga pgakain, habol hininga kong sabi.

“ ayan na pala siya” sabi nila, lumapit sila at kumuha ng pagkain nila saka nila binayaran, hindi ko aakalain na mauubos agad at kulang pa nga.

“ ano nangyari sa kamay mo??” si annie.

“ napaso, alam mo na” tinignan ako ng masama ni annie.

“ tyra sabihan mo naman kasi sila na gumalaw ggalaw, ikaw na nga ang bumubuhay sainyo wala ka pang maasahan sakanila” ngumiti ako ng tipid.

“ hayaan mo na, kaya ko naman” sagot ko.

“ talaga?? So kakayanin mo ito habang buhay?? Nalaman ko kay papa na may videokehan sainyo, alam mo ba ito?? Mahigit isang buwan na din. Hindi pa malalaman ni papa kung wala ang mag rereklamo” kumunot ang noo ko

“ saamin??” tumango si annie.

“ nag iinuman pa ung iba” dugtong niya, kaya ba ganun na lang kadumi ang bahay at iyon din dahilan kaya tumaas ang bill namin pero inom?? baWal kila mama at papa iyon dahil nga sa hika nila.

“ nag papabayad ang mama mo para gamitin ung lugar niyo, pupunta sila papa ngayon para suwayin sila at sana wag maging matigas ang ulo nila” sumakit ang ulo ko, bakit kailangan nilang gawin ito?? May binibigay naman ako sakanila kahit papaano.

“ uy uy uy saan ka pupunta??” tanong ni annie.

“ titignan sila mama” nag madali na akong mag lakad

“ sasama ako” sabi ni annie at hindi ko namalayan ay may tao pala sa harap ko.

“ sorry” bumungad saakin ang masamang tingin, siya nanaman.

“ bawal tumakbo sa parteng ito” sabay turo sa signage, hindi ko man lang napansin.

“ sorry hindi ko napansin, nag mamadali lang” sagot ko, iiwan ko na siya ng hinawakan niya ung braso ko.

“ close na ung gate” sabi niya.

“ hala, hindi na tayo makaka labas niyan” sabi ni annie.

“ diba may rul3s ang school na once close ang gate, hindi na pwedeng lumabas” nanlumo ako, paano na.

“ importante ba talaga??” tanong nong lalaki, sino na nga ba uli ito??

“ oo pag hindi naki cooperate ang magulang niya” singit ni annie uli, kahit kailan ang inagy niya.

“ okay, I can talk to them pero kasama ako pumunta hanggang bumalik” sabi niya

“ sir” pigil ng butler niya ba ang tawag don, tinignan niya at hindi na muling umimik.

“ okay, tara” sabi ko.

Hinayaan na namin ung lalaki na siya ang maki pag usapan at ilang minuto ay pinag bigyan kami, sumakay na kami sa kotse niya, mabuti na lang may mabait na tao pa dito sa mundo.

“ ano nga pala pangalan mo??” tanong ko, kumunot ang noo niya.

“ gaga, ilang beses na kayong nag kita tapos hindi mo pala siya kilala??” sabi ni annie.

“ ivan” sagot niya, tumango ako.

Nakarating na kami sa bahay at nag madali ako dahil may mga kumpulan na, nadatnan kong nakiki pag away ang magulang ko na parang walang sakit. Pinigilan ko sila pero isinama naman nila akong inaway

“ ma tama na!” sigaw ko pero ayaw tumigiil.

“ isa ka pang walang pakinabang! Magsama kayo ng kapatid mong walang kwenta !!” galit na galit na sabi ni mama, si papa kasi inaaawat nila dahil may hawak itong kutsilyo kaya lahat sakanya ang aatensyon

“ tama na tita!! Maawa kayo kay tyra!!” rinig kong sabi ni annie, napa upo na ako dahil sa hirap at sakit na ginawa ni mama. Lasa ko na din ung dugo sa bibig ko dahil sa pangbubugbog saakin, akala ko tapos na si mama pero kumuha lang pala ng pamalo.

Hindi ko na maiiwasan pa dahil nga sa bugbog na ako, pumikit na lang ako pero bakit ang tagal na tumama saakin?? Inimulat ko ung mata ko at gulat ako dahil bakit siya andito

CHATER 7: BUTLER

ANNIE

“ sir!!!” sigaw ng butler na may kasamang pulis, napa higa siya at tinignan ko siya. Ung mga paa niya duguan? Tinignan ko ung pamalo ni tita na kahoy na may pako pa pala, binuhat agad siya ng butler niya ar isinakay sa kkotse

Mabilis naman naming nilapitan si tyra, hindi agad na control ni papa ang gulo dahil madaming naki Sali. Hindi lang pala painuman ang ginagawa doon dahil may kasamang pang sugal na bawal sa lugar. Dinala ang mga naki pag away sa mga pulis at kami naman ay dumiretso sa hospital.

Nasa ward ako, kasama si tyra na katatappos gamutin. Naawa ako sa itsura niya dahil bugbog talaga siya, bilib din ako na ni minsan hindi siya lumaban

“ may balita ka ba sa lalaking kasama natin kanina?” tanong niya, nalungkot ako sa tanong niya.

Kanina andaming tao na gustong malaman kung kamusta na siya at dahil maiinagy ang nurse, narinig kong hindi siya makaka pag lakad dahil nga sa tinamo niyang tama sa paa.

“ hindi na siya makaka lakad” napayuko si tyra, hindi ko alam kung bakit andon si ivan pero dahil na din siguro sa awa kay tyra.

“ sila mama at papa?”

“nakakulong, hindi biro ang ginawa nila lalo na ang mama mo. Mayaman ang binagga nila, hindi mananahimik ang tita niya hanggat hindi makukulong ang mama mo” sagot ko..

“ bakit ganun?? Bakit saakin ang bagsak ng ginawa ng kapatid ko sa magulang ko?? Wala akong ibang ginawa kundi ibigay ang pangangailangan nila tapos ganito pa?? “ tumulo na ang luha niya.

“ nga pala, tumawag si papa at napag alaman na walang hika ang magulang mo” kumunot ang noo niya.

“ paano?? Iyon ang ibingay nilang result nong nag pa check up sila, kaya nga todo kayod ako para maibigay ung mga gamot nila” sabi ni tyra, umiling ako.

“ ung mga gamot daw na binibili mo ay binibenta nila sa may hika at matagal na daw silang nagsusugal, iyon ang sabi ni papa” nalungkot ako na antagal nilang ninilolo si tyra, saksi ako sa hirap niya lalo na sa paglalako tapos ganito pala ang ginagawang kalokohan ng magulang niya.

Simula daw iyon nong iniwan sila ng kapatid ni tyra, imbes na tulungan na lang si tyra para maka ag aral na din siya pero mas pinili nilang lokohin siya at gamitin.

Knoock knock

May pumasok, ung butler pala ni ivan pero napaka seryoso ng mukha niya. Lumapit saamin at huminga ng malalim.

“ gusto kang makaausap ni ivan” sabi niya kay tyra.

“ tungkol ba sa magulang ko?? Kung ano man ang gusto niyang gawin nasa sakanya na iyon, kasalanan naman nila kung makukulong sila” sagot ni tyra.

“ hindi siya mag sasampa ng kaso sa magulang mo” nag tinginan kami ni tyra.

“ bakit?? Hindi tama ang ginawa ng mama ko sakanya” sagot ni tyra.

“ ikaw nag tinuturo na master mind ng lahat” napa awang ang labi ko, bakit si tyra?? Maliwanag naman na hindi niya kasalanan at biktima lang siya.

“ kaya hindi siya magsasampa dahil alam niyang wala kang alam pero ang tita niya ang magsasampa ng kaso sayo” sabi ng butler.

“ malakas ang hatak ni madam mara lalo na sa mga kaso kaso kaya gusto kang kausapin ni ivan” dugtong niya.

“ bago kita ipunta doon, isipin mong ginagawa niya lang ito dahil para narin sa kapakanan niya. Pag isipan mong mabuti at isipin mo na iniligtas ka niya” lumabas na siya at kumuha ng wheel chair, binuhat niya si tyra at pinaupo, papunta kami ngayon sa VIP room at may mga bantay siya.

“ pumasok kana” utos kay tyra, maiiwan kaming dalawa? Pinagulong na niya ung wheel chair papasok at narinig ko ang malakas na hininga galing sa butler.

“ sana lang talaga hindi maging malaking pagsisisi ito kay ivan” sabi niya.

“ tungkol saan ba ito?” tanong ko.

“ walang takas si tyra pag si madam ang nag sampa ng kaso, si ivan lang ang susi at kung magkamali si ivan pati siya ay damay” napa hilamos siya ng mukha.

“ ano ba iyon??” tanong ko

“ magiging asawa siya ni ivan, iyon lang ang sagot para makatakas siya sa kaso pero pag nag matigas si madam at maki pag deal. Maaring kunin ang yaman ni ivan, ganid si madam maski kadugo niya ay walang pakialam lalo na pag nakakita siya ng butas para makuha ang gusto niya”

“ hindi alam ivan ito na inuunti unti na siya ng kanyang tita, pero dahiil meron ako hindi siya nagtatagumpay. Paano na lang pag wala na ako?? Paano na lang si ivan, kaya pumayag din ako dahil baka makatulong si tyra” paliwanag niya pero tama ba? Kasal ung narinig ko??

Hindi na ako naka imik dahil iniisip ko ung kasal na iyon, nag hintay lang kami sa labas at inabot pa sila ng ilang minuto. Bumukas na ang pinto at kita ko ang gulong gulo na mukha ni tyra, naka tingin lang kami sakanya at naghihintay ng sasabihin niya.

“ibabalik ko na siya” sabi ko, itinulak ko na ung wheel chair niya, nag hihintay parin ako ng sasabihin niya.

“ ano ang pinag usapan niyo?” tanong ko.

“ annie bakit ganito? Bakit ganito ang kapalaran ko?? Wala akong ibang choice” malungkot niyang sabi.

“ kailangan ko siyang pakasalan dahil pag hindi, hindi lang ako ang mananagot kundi kasama ang magulang ko. Kahit ganun kasama ang ginawA nila, hindi parin tamang kunin ang buhay nila dahil sa insidenteng iyon” napa hinto ako sa pag tulak.

“ papatayin kayo??” hinarap ko siya at tumutulo na pala ang luha niya.

“ kasama ang kapatid ko, pina deport a nga ang kapatid ko at bukas na bukas ay meron na siya. Si ivan na daw ang bahala pero alam mo ba ang nangyari sa kulungan??” umiling ako.

Maay ipinakitang pictures saakin si tyra at hindi ako maka galaw sa nakikita ko, hindi ko makilala na magulang pala sila ni tyra. Masyado silang pinahirapan, ito na ung sinasabi nong butler na mahirap kalaban ang tita niya..