CHAPTER 27: THE TRUTH

TYRA

“ sige sasama na ako, maliligo lang ako” tumayo na ako at pumunta sa kwarto, habang naliligo tumutulo ang luha ko. Lumabas na ako at aligaga si cobi na nagjhihintay saakin, tinignan ko si mama na naka tingin saakin.

“ lets go, kanina pa siya tawag ng tawag” sabi niya sabay labas, nag lakad na ako ng hinawakan ako ni mama.

“ sampalin mo” tumalikod na siya at iniwan akong kunot ang noo.

nakarating na kami sa bahay nila annie at nadatnan naming mainit ang ulo, umupo ako kahit di pa nila sinasabi. Inabutan naman ako ng juice ng katulong nila, hinarap ako ni annie na kunot ang noo.

“ bakit ngayon lang kayo?? Alam niyo bang bawal pag hintayin ang buntis” may diin njyang sabi, tumaas ang kilay ko.

“ may trabaho ako, busy ako, may ginagawa ako at hindi kita resposibilidad. Nakakapagtaka nga bakit laging hands on ang boypren ko sa paglilihi mo” tinignan ko sila, halatang gulat sila sa sinabi ko.

“ tyra naman” sabi ni cobi.

“ bakit nga ba cobi?? Pansin ko lang?? Ano mo ba si annie?? Bakit mas tutok ka sakanya kaysa saakin na jowa mo? Hindi ko maalala kung kailan mo ako kinamusta, hindi ko maalala kung kailan tayo lumabas??? Bakit nga ba??” naka tingin parin ako sakanila.

“ diba sabi ko busy ako” sagot niya.

“ so pag sa ganitong sitwasyon hindi ka busy??” tanong ko, hindi siya nakasagot

“ ang ibig mo bang sabihin may kung ano saamin ng boypren mo??” singit ni annie.

“ wala akong sinasabi, nagtatanong lang ako pero bakit mo natanong? Meron ba? “ balik kong tanong kay annie, nagkaroon ng konting katahimikan hanggang ngumiti siya at umiling.

“ wala, aaminin ko napapasobra na ako sa request ko at akala ko kasi maiintindihan pero mukhang madamot ka, parang di naman tayo mag kaibigan.

“ oo nga parang di tayo mag kaibigan sa ginawa niyo saakin, annie bakit??? Anong ginawa ko sayo para ganitohin mo ako? Cobi, anong ginawa ko sayo para lokohin niyo ako.?? Huh??? At hinihintay ko na sabihin niyo patuloy parin kayo…. Sabihin niyo bakit!!!” hindi ko na maiwasang magtaas ng boses.

“ ikaw ba ang ama??” tanong ko kay cobi, yumuko siya at nakuha ko na agad ang sagot. Tinignan ko si annie na nakayuko din..

“ okay, mukhang ikaw nga. Kailan niyo balak sabihin?? Pag lumabas na?? Or wala kayong balak sabihin at patuloy lang kayo sa panloloko saakin hanggang magsawa kayo” dugtong ko.

“ tyra sasabihin din namin pero pinapatapos lang namin ung paglilihi niya” sagot ni cobi, natawa naman ako. Tumawa na lang ako ng tumawa hanggang tumulo na ang luha ko at tinignan sila.

“ ang galing, ang galing niyo… pagkatapos niyo akong gamitin, itatapon niyo ako?? Hahahahaha da best kayo! Da best kayong kaibigan at boypren….. bagay nga kayo” sabay ngiti sabay punas ng luha

“ total gusto niyong tapusin ang paglilihi niyo, sige mag papakita ako sainyo kasi nakakahiya naman. Baka kung ano pang mangyari sa bata isisi niyo saakin kaya go sige, pupunta punta ako dito kada day off ko pero saating tatlo?? Tapos na” tinignan nila ako.

“ hindi ko na tatanungin kung paanong nangyari dahil kahit ano pa sabihin niyo ay niloko niyo ako, mas okay na din na tapusin natin to kaysa mag plastikan tayo diba??? “ punas uli ng luha.

“ sana lang talaga hindi makarma ang anak niyo sa ginawa niyong panloloko dahil sabi nila, kung hindi man sainyo ang karma ay mapupunta naman sa anak” tumalikod na ako.

“ tyra” tawag ni annie.

“ hindi namin sinasadya, nagkainuman lang at biglang may nangyari----”

“ wag mong sabihin na hindi niyo sinasadya dahil ang anak niyo ang kawawa pagka ganun, walang mabubuo sa hindi sinasadya annie. Dalawa lang yan, bago man may mabuo may isa sainyo ang sinadya o pareho niyong sinadya” nilingon ko sila, lalapitan sana ako ni cobi pero pinigilan ko siya.

“ nasaktan na ako, kahit ano pang sabihin niyo o pag cocomfort niyo ay nasaktan na ako at wala na kayong magagawa kundi hintayin na humilom ito” tinignan ko si annie.

“ mauuna na ako” tumalikod na ako at nag lakad palabas, mabilis na tumulo ang luha ko. Punas lang ako ng punas hanggang may mabunggo ako at titingalain ko sana ng biglang iniyuko niya ako at isinandal sa dibdib niya.

Umiyak ako, umiyak ng umiyak. Iba pala ang pakiramdam pag nag titimpi ka, hindi mo kayang saktan ung babae dahil kaibigan mo siya. Iniisip mo din ung bata sa tiyan niya kaya ang hirap magtimpi, ang hirap na hindi mailabas ang galit.

“ punch me, pakawalan mo iyan” sabi niya.

Hindi ko sana gagawin pero hindi mag tigil ang katawan ko sa panginginig kaya pinagsusuntok ko ang dibdib niya, patuloyl lang ako sa pag suntok

IVAN

Hindi ko alam kung sino man itong tumatawag pero sinagot ko parin at ang mama ni tyra, sabi pumunta ako sa lugar daw na ito at puntahan ang anak niya tapos ibinaba agad ang phone kaya napa isip pa ako kung pupunta ako o hindi.

Pinuntahan ko siya at nakasalubong ko siyang umiiyak habang nakayuko, ramdam ko ang panginginig niya at alam kong galit ito na hindi maipalabas kaya sinabihan kong suntukin ako dahil kas makakabuti din ito sakanya.

Pinagsusuntok niya lang ako ng pinagsusuntok hanggang mapansin ko sila cobi at annie na naka tingin, nasa labas pa kasi kami ng bahay nila. Sa mukha nila mukhang natuldukan na ang issue sakanilang tatlo, naka tingin lang sila saakin at ng lalapit ang kaibigan niya ay umiling ako.

Sa sitwasyon ni tyra ngayon mukhang hindi maganda kung kakausapin pa nila, mas okay ng saluhin ko na lang lahat ng galit niya. Ng matapos niya akong suntok suntukin ay nakayuko parin siya at inalalayan kong pumasok sa kotse.

Sumandal siya sa may upuan habang nakapikit, hinayaan ko siya at inandar na ang sasakyan saka umalis na sa lugar.