CHAPTER 23: FROM THE START

TYRA

Nakakalungkot lang ung nangyari kay ivan, kaya mahirap mag tiwala kahit kamag anak mo pa iyan dahil hindi mo alam kung paano ang takbo ng utak nila. Minsan din wag masyadong makuntento lamg pat hindi ikaw ang naghihhirap doon sa pera.

Inayos ni mr. raven ung annulment namin para mas mapabilis at simula non ay mga bali-balita na lang ang naririnig ko tungkol kay ivan at hindi na kami nagkikita pa hanggang ito nga, nag tagpo nanaman ung landas namin.

“ ikaw kamusta na?? may bf kana?” tanong niya.

“ mm?? mEron” sagot ko, nagkaroon ng konting katihimikan sa pagitan namin.

“ mabuti naman” sagot niya, tumango ako at hindi na umimik

Nag trabaho kami mag hapon at andami namin pinag uusapan, minsan hindi kami mag kasundo hanggang sinusubukan na lang namin hanggang nalalaman namin na pangit pala ang naiisip namin.

“ bukas na natin ipag patuloy” tumango ako, bumalik ako sa mesa ko

Akala ko may sasabihin pa siya pEro dumiretso na siyang alis, hindi parin siya nag bago. Napaka lamig niya parin kung mang trato. Lumabas na ako ng makita ko si cobi na nag hihintay sa labas, pasakay na ako ng makita ko ung sasakyan ni ivan na dumaan.

“ dito siya nag tra-trabaho?” tanong ni cobi.

“ oo, nagulay nga ako ng makita siya dito” sagot kko, tinignan ko siya

“ bakit ka ganyan maka tingin?” tanong niya.

“ okay lang nama siguro sayo total ex husband ko na siya” napa ngiti siya.

“ oo naman, walang kaso yan saakin. Hindi ako maiisue na tao” sagot niya, ngumiti ako at pinindot ang ilong niya.

Hinatid niya na ako, kakain sana kami sa labas pero may emergency siyang pupuntahan kaya inihatid niya na lang ako. Naabutan ko si mama na nag luluto ng ulam, kung iniisip niyo kung nasaan na ung kapatid ko.

Kasama na namin sila dahil hindi nag tagal sa trabaho, masyado daw silang pinapahirapan doon. kumbaga wala na sa trabaho nila ung pinapagawa tapos pagkainan na, walang tirang pagkain kaya minsan gutom sila pag matutulog

“ dumaan si annie dito, dalawin mo naman daw siya oag day off mo” sabi ni ate.

“ hindi ko lang sure pero tatawagan ko na lang siya mamaya” pumasok na ako sa kwarto ko at nag palit, kinuha ko ung laptop na bigay ni cobi saakin. Napag lumaan na daw niya pero parang hindi naman kasi bagong bago pa.

Nag search ako ng pwedeng maka tulong saamin, masyado kasing metikuluso ung ads at dapat unique para magustuhan ng iba. Inililista ko ung mga nakukuha ko at pinipicturan ko ng naka tanggap ako ng messenger.

“ check this, parang maganda ilagay sa ads” napa ngiti ako, hindi lang pala ako ang nag se-search at same kami ng natipuhan.

“ maganda, dagdagan na lang natin ng konti para mas gumanda” sagot ko sa messenger.

“ okay” nilike ko ung sinabi niya pero bakit ganito nag hihintay ako ng message niya parin, napa buga ako ng hangin at nag offline na lang ako.

Napahiga ako sa kama, nqgugulo nanaman ang isip ko ano ba iyan. May cobi na ako kaya heart umayos ka, kinuha ko na lang ung phone ko at tinawagan si annie.

“ wahhhhhhh! Bakit ngayon ka lang tumawag!!” sabi niya.

“ bakit ba kasi ako ang pinaglilihian mo, andami naman diyan” gulat na gulat ako ng marinig ko na buntis siya at tinakbuhan siya ng ama ng bata. Galit na galit daw ung papa niya pero wala ng magagawa dahil tapos na.

Tinatanong ko nga ung itsura nong lalalki pero ayaw niyang ipasabi kaya hinayaan ko na lang, pero ako naman ung pinaglilihian niya, minsan nga nagugulat ako na sinusundo ako ni cobi dahil tinatawagan pa daw siya ni annie para makiusap na dalhin ako sakanya.

Ung isa naman nakukulitan daw kaya pinag bibigyan, ako na nga humihingi ng sorry dahil sa naaabala na namin siya.

“ puntahan mo naman ako, gusto kitang makita” malambing niyang sabi.

“ busy ako, mqy trabaho na kasi ako” sagot ko.

“ tyra naman sige na” pakiusap niya.

“ hindi muna ngayon, pasensya na talaga may inaasikaso pa ako at unang job ko iyo kaya ayokong madismaya naman sila saakin-----” tooot tooot tooot

Pinatayan ba naman ako ng phone, ganito talaga siya kaya naiintindihan ko. Pasensya na lang kasi buntis siya at kalakasan ng paglilihi niya, nag search uli ako ng may kumakatok sa pintuan ko.

“ tyra, boylet mo nasa labas” kumunot ang noo ko, akala ko ba may emergency siya? Bakit siya andito.

“ cobi? Akala ko may importante kang gagawin” sabi ko.

“ annie call me na tawagan ka, gusto ka niya uli makita” kumunot ang noo ko, pinuntahan niya ako para dalhin kay annie kapalit ng importante niyang gagawin??

“ may ginagawa ako, first project ko ito” sabi ko.

“ kahit saglit lang” sabi niya, bakit ganito naman siya ka concern kay annie.

“ sorry pero---”

“ pag bigyan mo na, bawal ma stress ang buntis tyra. Parang di mo naman kaibigan ung tao” hindi ko alam kung bakit siya ganito ngayon.

“ 15mins lang maibibigay ko” tumango siya at lumabas na kami, hindi na ako nag palit dahil saglitan lang naman ako.

Nakarating na kami sa bahay nila annie at hinihintay na kami sa sala agad, sobrang saya niya ng makita ako. Sinabi ko din na saglitan lang ako dahil busy ako.

“ sabi ko na nga ba cobi lang katapat mo” ngiti niyang sabi, tinignan ko si cobi na naka tingin saamin.

“ teka kuhanan kita juice”

“ hindi na, ako na” sabi ko, tumayo na ako at iniwan sila. Kukuhanan ko din kasi si cobi, natapos na akong mag kuha ng juice ng makitang mag kalapit ung dalawa. Parang inaalayan ni cobi si annie, nakaramdam ako ng kirot.

Hindi naman sila ganito ka close noon, lumapit ako at nqgulat sila kaya agad silang nag hiwalay.

“ nahilo lang ako tyra” sabi annie, tumango ako at ngumiti sakanila saka ininom ung juice