CHAPTER 1: FIRST MET
TYRA
“Tabi!!! Tabi!! Tabi tata tabi” masyadong mabilis ung bike ko, hindi ko alam na sira pala ung preno. Kung kailan pababa pa ung daan doon ko pa nalaman, nakakainis.
By the way ako nga pala si tyra rodriguez isang expert vendor charr!!! Biro lang simpleng vendor ng mga niluluto ko, hinaluan ko lang ng expert dahil matagal na akong nag titinda para naman sosyal ang datingan diba!
18 years old pala ako, nag aaral?? Hindi dahil huminto ako para sa mga magulang kong mma sakit. Kahit gusto ko kung kulang ako sa oras at financial ay malabo kong magawa lalo na pag sinumpong ung magulang ko.
Kapatid?? Iniwan kami, pag katapos paaralin nila mama tapos inutangan para maka abroad siya. Matapos siyang makarating sa ibang bansa hindi na siya nag paramdaman at iniwan kami sa ere kaya hayan nadismaya ang magulang ko at naging ganyan na ang sitwasyon namin.
“ ano ba!!! Bike na nga lang makakabangga ka pa!!” napa tingin ako sa lalaking akala mo kung sino, tinignan ko siya mula ulo hanggang baba.
“ hindi mo ba narinig?? Tabi sabi ko, ang lawak kasi ng daan diyan ka pa tatayo tayo, mister hindi sayo itong lupa” inis kong sabi, napa ngisi naman siya sa sagot ko.
“ miss I owned this property so kung sino ang hindi pwedeng andito ay ikaw! Tsaka bawal ang nagbebenta dito lalo na pag walang permit” sumimangot ako, sayang malaki pa man din ung lugar sakto na pag bentahan ng pagkain.
“ alis na” pagtataboy niya, inirapan ko siya.
“ sungit!!! Magiba sana yang building na iyan” hindi na ako nag bike kundi nag lakad na lang ako, mahirap baka bumangga naman na ako pag nag bike pa ako na walang preno
“ mEryenda!!! Kakanin kayo diyan!” sigaw ko.
“ miss pabili nga ako ng kakanin mo” nag alinlangan pa akong lumapit kasi lasing ung lalaki.
“ ilan po?” tinignan ako.
“ lahat na lang” tumango ako at inayos na, habang inaayos ko ung paninda ko naramdaman kong may kamay sa likod, napa tingin ako sa likod ko at ung lalaki nga na lasing.
“ ito na po ung binili niyo” agad akong tumayo, kita ko ang pang ngisi niya. Kumuha siya ng pera at iniabot saakin.
“ ito po ung sukli” umiling siya.
“ wag na, iba na lang” hinawakan niya ung kamay ko kaya agad ko itong hinila.
“ ito na ung sukli” iinilapag ko at mabilis na nag lakad, sinigawan naman ako habang sumusunod kaya tumakbo ako at ganun din siya.
“ tulong!!!” sigaw ko, hindi ko nakita ung kotse kaya nabangga ako.
Hindi malakas ang impact pero nahilo ako at masakit ung bEwang kong tumama, tinignan ko ung lalaki na lasing na lumapit.
“ okay ka lang mahal?” tanong nong lasing, iniwaglit ko ung kamay niya.
“ are you okay??” may pamilyar na lalaki na llumapit, ito ung may ari ng malaking building.
“ tul-----ahhhh” naputol ang sasabihin ko dahil sa pag higpit ng hawak ng lalaki sa kamay ko.
Kumunot ang mukha nong lalaki habang tinitignan kami, paano na ako ngayon. dEdEspera itong lasing na ito na makuha ako. H3lp!!!!
“ ako na bahala sa asawa ko” napaawang ang labi ko, asawa? 18 pa lang ako at hindi ko alam na may asawa ako pero ung katulad niya pang lasinggero at halos tatay ko na?? mahiya naman siya!
“ hin-----ahhhhh!!!”
“ mahal wag kang mag gagalaw kasi” sinamaan ko ng tingin ung lalaki, mamatay ka ng manyak ka!!!
“ dalhin na lang kita hospital” singit nong gwapong lalaki.
“ ibigay mo na lang ung pera saakin at ako na bahalang magpa hospital sakanya” tinignan ako nong lalaki, tinitigan ko siya at nag puppy Eyes baka sakaling ma gets niyang hindi ko kilala itong lalaki.
“ okay” nanlaki ang mata ko, ang shunga!!!
“ hoW much??” tanong niya, kita ko ang pasimpleng ngiti nong lalaking manyak. Ano ba gagawin ko para makawala dito, aabutin na nong lalaking manyak kaya agad kong ttinulak
“ manyak!!!! Hindi kita kilala at hinding hindi kita magiging asawa dahil 18 pa lang ako!!!” paika ika akong lumayo sa lalaki, nagulat nga ung gWwpong lalaki.
Dahil nga sa sakit ng kkatawan, nahila niya parin ako. Napa ngiwi ako sa sakit at halos mangiyak na ako.
“ hey!!” sabi ng lalaki, kainis!! gWapo lang ang meron sakanya pEro utak wala.
“ bitawan mo siya o tatawag ako ng pulis” sabi niya, natakot naman ung lasing na lalaki at binitiwan ako.
Mabilis niya akong hinila, aray naman! Nabangga ako, sana man lang mag dahan dahan siya sa paghila.
“ pakialamero!!! May araw ka rin nEng saakin” sabay alis, manyak!!! Di na lang umuwi at kantutin ung asawa niya. Hindi ung tumitingin pa ng iba para maalis ang libog sa kataWan tsaka as if babalik pa ako sa lugar na ito, hindi na noh!!
“ hindi mo naman pala kilala, hindi ka umiimik” sabi nong lalaki.
“ nakita mo naman diba na magsasalita ako pEro kinukurot ako??? Tsaka di mo ba nagets ung ginawa ko kanina?” kumunot ang noo niya.
“ ano ba ginawa mo??” tanong niya.
“ puppy Eyes, dapat iyon na gets mo na” sagot ko.
“ huh?? Anong meron don??? Pag saaming lalaki nag papa cute iyon, nag taka nga ako na may asawa ka tapos nag gaganun ka”
“ nakuha mo!!! Ibig sabihin hindi ko iyon asawa at tignan mo naman ang tanda non kaysa saakin at may tastE naman ako, papatol na nga lang ako sa ganun pa?? isip isip” inis kong sabi sabay irap.
“ agE doesn’t matter” habol niya, napapikit na lang ako sa inis. Alis na nga lang ako dahil baka maaga akong tumanda pag naki pag usap pa ako dito.
“ san ka punta??” hhinara ko siya.
“ uuwi na” paika ika akong nag lalakad.
“ wait, kunin mo ito baka kailangan mong mag pa check up” tinignan ko ung pera, nag dalawAng isip pa ako kung kukunin ko o hindi. Kinuha ko na lang kasi pandagdag ko na ito sa kita ko.