Chapter 17: A day with Him part 3

Alas tres na nang maka isip umuwi si Kien.  Sulit ang araw ko ngayon at pang i-isturbo nya sakin. 

Nasa daan na kami pa uwi ng madaanan namin ang isang pamilyar na food court. 

"SANDALEEEEE!!! " sigaw ko.  Kaagad naman nyang inihinto ang sasakyan.  Pareho pa kaming nauntog sa lakas ng pag kaka tapak nya sa break.

"Ano? May Masakit ba sayo?  Masakit ba Tyan mo?  Natatae kaba?  O baka naman mababanga na tayo? " Nag-aalalang tanong nya.  Natawa naman ako sa huling sinabi nito.  Nega na OA pa ahahaha. 

"Hindi.  U turn mo ng konte.  May nakita akong food Court kain muna tayo please " I blink my eyes many times. 

Napapangiwing sumunod naman sya.  "Kaka kain lang natin kakain na naman.  Ang liit liit mo pero ang lakas mo namang kumain" Sinamaan ko sya ng tingin. 

"Natatakam ako.  Don't Worry masarap yun" Naramdaman ko pang nag tubig ang bagang ko.  Sheeeteeee Ngayon palang natatakam na ko. 

"Charaaannn!!!! " Sabi ko saka pakita ng kwek kwek sa kanya. 

Nakataas ang kilay na nag tanong ito "Ano yan? "

"Eh??  Kwek kwek malamang di mo ba nakikita yan? " Inis na tanong ko.  Mag tatanong pa kung ano nakita na ngang kwek kwek! "

"Kwek kwek?  Ano yun?  Chaka malinis ba yan? " Napa hilamos na lang ako sa mukha. 

"Kwek kwek lang hindi mo pa alam.  Chaka malinis yan ok!  Oh try mo" Sabi ko saka tumusok ng Kwek kwek.  Hinipan ko muna ito bago ko itinapat sa kanya ang kwek kwek.  Nag aalangan naman syang tangapin ang isinusubo ko.  Arte Arte eh.  Mag papa subo pa. 

Pinagmasdan ko naman syang ngumuya. 

"SARAP DIBA? " tanong ko nang malunok nya na ito tumango lamang sya.

"Oh ayan sayo na ang akin, bibili na lamang ako ng akin" Sabi ko saka tumayo. 

Bumili ako ng kwek kwek at Kikiam pati na rin Kalamares.  Those are my favorite. Mukhang marame akong makakain nito ngayon. 

Tuwang tuwang bumalik ako sa inuupuan namin ni Kien. 

Pag balik ko ay halos nakaka lahati nya na ang kwek kwek.  Napa hagikhik ako. 

Kien PoV!

I never been this so Happy.  Never again simula nung namatay ang nakababata kong kapatid.

"what's that? " Turo ko sa cirle Food with coated. 

"Ayy ito? " Tanong nya. Tumusok sya ng isa nun saka sumubo.  Tumango naman ako.  Di kasi ako makapag salita dahil sumubo akong muli ng kwek kwek.  Itlog pala yung kwek kwek na may coated na Flour I think tapos may food color na orange.  Masarap naman sya kaya nakaka dalawang balik na bili na ko. 

"Ang tawag dito kalamares. " tumusok syang muli nun saka walang sabi sabing isinubo sakin.  Muntik pa akong mabilaukan sa ginawa nya. 

*Cough Cough*

"Ano ba?  May balak ka bang patayin ako" inis na sabi ko pero nginuya parin ang sinubo nya. 

"Hindi no!  Kung may balak akong patayin ka di sana nung unang kita palang natin diba" Sarcastic na sabi nya. 

"Oh heto pa" sinubuan nya akong muli.  Hindi ko magawang magalit sa kanya.  Kasi natutuwa ako ngayon.  Haha, natutuwa akong sinusibuan nya ako.  May konteng tuwa.  Konte lang! Basta konte lang. 

"How is it? "

"H-ha? "

"Hakdog ka sabi ko kamusta yung lasa" Napangiwing  sinamaan ko sya ng tingin.  Kababaing tao ang daming alam. 

Doon ko lang naalala na kanina ko pa pala nginunguya itong kalamares.  Squid pala sya na may coated. Din.  Halos karamihan naman may coated

"Masarap" nakangiting sabi ko saka tumusok ng isang kalamares at ako naman ang sumubo sa kanya. 

"Ang sweet nila Hon no? "

"Ang sweet naman ng couple na yun"

"Wow! Ang pogi at ganda naman ng mga batang to"

"Bagay sila"

Rinig naming bulungan ng mga tao sa paligid. 

Pilyong ngiting binalingan ko si Pandang kabute. 

"Narinig mo yun? " Naka ngisi kong sabi. 

She Just rolled her eyes then sway his Finger.

"Oh heto kikiam ang tawag Jan." Sabi nya. I open my mouth and wait for that kikiam.  Pero she just get my hand and give the stick with kikiam. 

"hala ang sweet nang dalawang yun"

"PDA na sila"

"Di ba nila alam na may Single dito. Respeto naman"

"Wow Holding Hands"

Natawa na lang akong muli sa Bulungan. Bakit ba ganun ang tao in public?  Ang hilig maki alam, hindi na lang ang buhay nila ang pakialaman. 

"Ehem may pag nanasa ka sakin" Pang aasar ko kay Pandang kabute. 

"Ha!  Asa kapa jan. Bilisan mo na ngang kumain ng maka uwi na tayo.  "

Ahaha pikon na yan.  Nag tuloy na lang kami sa pagkain.  Nakaka tuwa syang panoorin.  Ninanamnam nya ang bawat kagat at nilalasap ang bawat sarap.  Kapag kasama mo syang kumain mapapa rami kana lang din ng kain. Yung kahit ayaw mo nang kumain, pero mapapakain kaparin.

Nakaka manghang injust 200 pesos ay sulit at mabubusog na kaming dalawa.  Bakit hindi ko to nakikita dati?  Parang wala naman tong court na to dito. 

"Sa Susunod ulit ha?" Naka ngiting sabi nya. 

"Hindi na kita isasama sa susunod.  Ang takaw mo" Konwareng inis na sabi ko. 

Napansin ko naman ang pag simangot nito.  Lihim akong napa ngiti. 

Bago kami maka pasok sa loob ng School ay huminga ako nang malalim.

"Listen to me.  Carefully dahil hindi kuna uulitin pa to" Sabi ko sa kanya. Lumingon naman sya sakin. 

Bumuntong hininga muli ako bago mag salita.  "sorry for what I did in the hospital. Sorry if I don't let you explain. Im so sorry" Sabi ko habang nasa unahan parin ang tingin. 

Inantay ko syang sumagot o kumibo manlang pero hindi sya sumagot kaya naman tiningnan ko sya.  Naka tulala lang sya sakin. Maka ilang beses ding iminulat at pinikit ang mga mata nya. 

Tsk!  Kahit kelan talaga hindi mag seryoso ang babaeng to. 

"Labas na dali! " walang ka emo emosyong sabi ko.   Mag sasalita na sana sya ng bumaba na ako. 

Napa kunot ang noong tumingin ako sa paligid.  Bakit may Mga police?  Anong nangyare? 

"Bakit may police? " rinig kong tanong ni Bethany.

"Bethany!  Thank God Your OK!  San ka galing? " Tanong ni Jane nang maka lapit.  Umikot pa sya sa kabuuan ni Bethany.

"I was with Kien" Innocenteng sabi nya.  Tiningnan naman ako ni Jane nang may pag dududa.  Kaya tinaasan kona lamang sya ang kilay. 

"Akala namin kung napano kana" singit naman ni Mia.  Habang nasa likod nito si Calvin.  Tumango lamang ako kay Calvin.  Lumapit naman ito. 

"Bakit may Police? " tanong ko sa kanya. 

"May Namatay around 4 pm. At may nawawalang babae" Sabi nya saka tumingin kay Bethany.

"Kung si Bethany ang tinutukoy mo kasama ko sya" Sagot ko. 

"I know.  But hindi sya.  Kasintahan ng lalaking yan" turo nya sa Crime scene.

Napapa kunot noong lumapit ako. Naka dilat pa ang mata ng lalaki, habang naka hawak naman sa leeg ang isang kamay.  Ang isa naman ay Nasa may tagiliran kung saan may laslas ito.  May punyal din sa tabi ng biktima. 

Sinong may gawa nito?  Dito mismo sa loob ng School? Bakit parang familiar sakin ang Punyal?