Chapter 16: A Day with Him part 2
Mahilig ako sa mga bata. Siguro dahil wala akong kapatid. Naalala ko pa nung umiiyak ako kanila mommy para lang bigyan nila ako ng kapatid. But Mom can't be pregnant again. It's too Dangerous na daw para kay Mommy kung manganganak pa syang muli. Nung ipinaliwanag yun ni mommy ay nakuntento na lamang ako sa pag sama sama kanila mommy sa mga Charity. Kung saan Nakahanap ako ng matuturing kong mga kapatid.
Kaya naman lubos ang kagalakan ko ng makitang dito pala kami pupunta. Kung sinabi nya ba naman agad baka kahit wala pa sya ay gayak na gayak na ako. Nakakatuwa ang mga bata.
Nang tumakbo ako papasok ay muntik ko nang maka banggaan ang isang batang babae.
"Ayy naku sorry nasaktan kaba? " Tanong ko sa bata. Pero Hindi ito umimik. Tiningnan lamang nya ako. Hala sya, grabe naman ang batang to napaka cold.
"Anong pangalan mo? " Naka ngiting tanong ko. Tiningnan lang muli ako nito sa mata ng matagal bago sumagot.
"Jade Po" Malambing na turan nya.
"Ang lambing mo namang mag salita" nakaka tuwa ang batang to. Kahit siguro oras oras syang mag salita ay hindi mo pag sasawaan ang boses nya. Napansin ko ang bahagyang pag ngiti nya.
"Alam mo ba? Gusto ko rin ng ganyan boses. Kaso ang tinis ng boses ko parang boses lang ng ipis ahahahah" tawa ko. Napa bungisngis naman ang bata. Ehem effective pala ahaha.
"Ilang taon kana Jade? Alam mo bang Ang Name mo ay isang bato?" Nag gesture pa ako ng bato then I close my fist.
"Isang matibay na bato. " Saka ko sya kinindatan. Napa hagikhik naman ang bata saka Tumango tango.
"At hindi ka Naiiba sa mga iyon" Turan ko saka inayos ang buhok nya. Sakto namang pag dating ng Lalaking Nega na ito. Ewan ko ba, simula nang pag tabuyan nya ako ay umiinit ang ulo ko tuwing makikita ko sya.
Kinamusta nya si Jade. Kataka takang hindi sya pinansin ng bata bagkos ay tinitigan lamang sya nito. Syang dating ng madre, bumati ito kay Kien kaya naki bati narin ako. Magalang naman pala ang lalaking to akala ko eh puro katorpehan at kanegahan at ka lokohan lang ang alam nya.
Hay naku Bethany diba ang sabi ni Mommy don't judge the book by its cover? So why are you judging him? Hala! Hindi ko sya Jinadge diba? Sadyang masama lang ang ipinakita nya sa kain. Pag kausap ko sa sarili ko tumango tango pa ako.
"Good Mornin iha! Aba ikaw Anak Kien kelan kapa nag ka Girlfriend. Ang gandang bata" Sabi ni Sister. Saka hinaplos halos ang Buhok ko. Nanlaki ang mga mata ko, nanindig ang mga bala hibo ko sa narinig.
"Ahh Sister Hindi po ak—" Pag alma ko. Pero agad na tinakpan ni Kien ang bibig ko. Hala sya hindi nya ba pabubulaanan ang pag kaka mali ni sister. My ghad pakiramdam ko nangangati ang buo kong katawan.
May sinabi si Kien kay sister, kaya umalis ito. Hindi ko na narinig pa dahil abala ako sa pag tangal ng kamay nya.
Pag ako nainis kakagatin kona ang kamay nya.
"Pwe! Ano ba? Bakit mo tinakpan ang bibig ko! Tsk! May saltik ka talaga" inis na sabi ko.
"Ang ingay mo kasi" Aba! Hindi pag iingay ang tawag dun,
Aba ang loko. Namulsa lang at parang walang narinig.
"Tinatama ko lang si Sister akala nya siguro ay GF mo ko. That's a big No! " Sigaw ko sa kanya habang naka turo ang hintuturo pero nilayasan lang ako nito.
Hindi ko na lamang sya pinansin at kinausap na lang si Jade. Sinama ako ni Jade sa sala. Naandon ang mga bata. Nag lalaro. Naroon na rin ang dalang laruan ni kien para sa kanila pati ang pag kain.
"Gusto mo ba ng Jollibee Jade? " Tanong ko dito nang mapansing wala na naman itong kibo. Hindi nakikisalamuha sa ibang bata. Naka masid lamang ito. Walang tingin tinging tumango ito.
Kaya iniwan ko muna sandale ang bata para mag dial at itanong king ilan ba ang bata at staff sa bahay ampunan.
Nag riring na ang kabilang linya ng agawin ni Kien ang Cellphone ko.
"Sinong tinatawagan mo? Boyfriend mo? " Walang emosyong sabi nya. Hindi ko naman sya pinansin at inagaw muli ang phone. Saka muling nag dial.
Ilalagay ko palang ang Cellphone sa tenga ko ng muli na naman nyang agawin ang Phone ko.
"Siguro Tatawagan mo na sya kasi ayaw mo syang nag aalala diba? O baka naman na mimiss mo na sya" Sarcastic na tanong nya.
I rolled my eyes, bago inagaw muli ang Phone pero iniwas nya itong muli. "Bawal tumawag kahit kanino" Turan nya dahilan para kumunot ang noo ko.
Ano na naman bang sumasape dito?
"Tsk! Ano ba talagang problema mo Ha Mr. Nega. Ang Nega mo talaga. Wala akong boyfriend pwede ba" inis na sabi ko.
" Sabagay sino nga namang mag kaka gusto sayo! Ang panget mo na ang liit mo pa" Huminga ako ng malalim bago. Sumagot sa kanya. Shemey! Sinabihan na nga ako ng maliit may Panget pa! Sumosobra na sya hindi nya ba alam na Cute ako!
"JOLLIBEE DELIVERY kasi yung tinatawagan ko! KAYA IBALIK MO YANG PHONE KO" sigaw ko sa kanya saka pilit na inaabot ang Phone ko. Natigilan naman sya saka tumingin sa Screen ng phone.
"Ako nang tatawag" saka ibinulsa nya ang phone ko. Kinuha ang phone nya saka tumawag sa Mc. Do.
Kita mo na? Attitude ang loko sabi nang JOLLIBEE. MC. DO ang tinawagan? Tsk! Abnormal talaga kahit kelan.
"Bakit Mc. Do ang tinawagan mo? Sabi ko JO. LLI. BEE. " Hindi nya naman ako pinansin.
Nag tuloy tuloy na lamang ito sa loob. Bumalik na lamang din ako.
"Ate Bethany sali ka po sa laro namin" Yaya ng batang lalaki sakin.
"Ano namang laro? " Naka ngitong sabi ko.
"Agawan sisiw po"
Napapa hawak sa noo na lamang ako. Hala ano yun? Meron bang ganung laro? Bakit ngayon ko lang narinig yun?
Wala na akong nagawa ng hawakan nya na ang kamay ko at hinila patungo sa gitna.
"Pa-Pano yung agawan sisiw? " Nahihiyang tanong ko.
"Ikaw po ang mother Hen. Tapos po sa likod mo po kami kelangan po hindi kami makuha ni kuya Patrick sayo ate Bethany." Paliwanag ng bata. Ahh yun pala yun.
Kaya naman pwesto na ko sa harap. Kumapit naman ang isang bata sa akin saka kumapit ang isa pa sa batang naka kapit sakin at tuloy tuloy na. Kelangan ko lang harangang hindi makuha ni Kien Ang bata.
Tawa sya ng tawa tuwing makukuha nya ang mga bata sa akin habang ako naman ay natatawa na lang din sa expression nya sa tuwing makukuha kong muli ang mga bata. Nakakatuwa ang larong to. Napapa ngiti na lamang ako habang pinag mamasdan si Kien makipag laro. Para itong bata. Mabait naman pala sya. Hindi nya lang pinapakita sa iba.
"Wala Ang daya mo" inis kunwareng sabi ko nang maupo kami.
"Anong Ako? Ikaw kaya tong nanipa kanina" Natawa na lamang ako.
"Ang Daya mo! " Dugtong nya pa. Saka Nag pout. Natatawang pinitik ko ang bibig nya.
"Arrggh Aish! Kabute ka talaga" Nasaktan man ay tumawa parin sya. Natawa na lamang din ako dahil namula ang parte ng pinitik ko. Hala ahahah pag nakita nya yan lagot ako.
"Ang liit mo kasi kaya walang natitirang Bata sayo ahahaha Punggok" Bwelta nya saka tumawa ng sobrang lakas.
Gago talaga oh! Sabihan ba naman akong punggok! Sa inis ko dinagukan ko sya ng malakas dahilan para matigil sya sa pag Tawa. At mapa hawak sa ulo nya.
Tawang tawa namang lumayo ako sa kanya "Wag kang papa hule sakin PANDANG KABUTEEEEE!!! " Sigaw nya sakin. I stock my tongue out. Saka parang batang sumayaw sayaw.
Mabilis akong tumakbo nang tumakbo sya sa gawi ko.
"Run Panda Mushroom! Gagawin kitang ginisa pag nahabol kita" Ahaha san nya naman nakuha yun! Weird talaga kahit kelan nito
"HABOOOOOOL" pang aasar ko sa kanya. Saka tumakbo sa pasilyo. Tumigil lang ako ng makaramdam ng pagod sa pag takbo. Pag tingin ko sa likod ay walang ibang tao.
"Nasan na Yun? " takang tanong ko. Parang kanina lang nandito pa yun bakit biglang nawala?
Kaya nag lakad ako pabalik. Pero wala pang three step ng biglang may yumakap sa bewang ko.
"Hule ka" bulong nya sa tenga ko. Naningas ako sa sobrang lapit nya.
"kala mo di kita aabutan ahahha" he whispered. Napa hawak ako sa bandang puso ko nang maramdaman ang kakaibang tibok nito. Parang may mga kabayong nag uunahan sa pag takbo sa bilis ng tibok nito.
"Hule pero D-Hindi Kulong" Bungisngis ko habang binabaliwala ang kakaibag pag tibok ng puso ko.
Mas lalong humigpit ang yakap nya mula sa likuran ko. He's hugging me back. Nang maramdaman kong ipinatong nya ang baba nya sa balikat ko ay Agad ko syang naitulak palayo. Saka tumakbo.
"BAKA NANDYAN NA YUNG Mc. Donald Delivery! " Sigaw ko sa kanya habang tumatawa ng pagak para pagtakpan ang kabang nararamdaman ko.