Hindi niya alam na ang lalaking iyon pala ay kilalang-kilala sa resto bar, kaya naman ganon na lang ang pagkapaihiya nito sa lahat ng tao. Hindi ito sanay na napagsasabihan lalo na, ng isang katulad niyang babae.
“Ah! Kami pa pala ang hindi tunay na lalake, ang tanong ikaw ba nagka-boyfriend na sa edad mong iyan?” natatawang tanong ng lalake sa kanya. Habang nakatitig sa mukha niya. Suot pa niya ang I. d niya, kaya naman walang ano-anong kinuha nito iyon at binasa ang pangalan niya.
Ngunit dala ng kalasingan ay hindi niya nagawang magsinungaling. Hindi manlang niya nagawang mag-deny sa lalaking kaharap. “Hindi! Hindi pa EVERRR! Madalas nga nila akong sabihan ng NBSB daw ako!” parang maiiyak pa ngang sigaw niyang muli sa lalake. Samantalang ang dalawa niyang kaibigan ay nagpatakip na lang ng mga palad sa kanilang mga mukha dahil sa kahihiyan ng mga oras na iyon. Sinubukan nila siyang pigilan, na isambulat ang katotohanan ngunit hindi nila nagawa.
“Girl! Ano ba! Nasabi mo na yata ang buong buhay mo, tara na!” naiipit ang boses, na sabi ni Letty sabay hatak pa sa kanya.
“Hindi! Bitiwan niyo ko! Ang yayabang niyo naman! Bakit pagmamay-ari niyo ba ang lugar na ito?” sigaw pa niya at sinamahan ng pangduduro sa mga lalaki.
“Hoy babae! Wala ka naman palang nakarelasyon kahit na sino, paano mong nalalaman ang amoy ng isang tunay na lalake?” tanong naman ng pilyong lalake, na sa pagkakataong iyon ay nabaling na ang atensiyon sa kanya.
“Ang yabang mo! Ano suntukan na lang tayo! Hindi mo kasi alam, na sa araw-araw ng buhay ko, may nakakasalamuha akong lalake, at isa-isa sila, binabalibag ko! Kaya naamoy ko kung anong amoy nila, sila iyong mga tunay na lalake! Samantalang ikaw?” inilapit pa niya ang mukha niya sa katawan ng lalake, at sininghot-singhot ito. Hindi na niya alam ang mga ginagawa niya dahil sa kalasingan. “Wala! Wala ka talaga kahit na kaunting amoy ng isang lalake,” sabi pa niya rito.
Nagtitimpi ang itsura ng lalake, kahit na mukha na itong pahiyang-pahiya dahil sa mga sinabi niya. Nang bigla na lang siyang mapasubsob sa dibdib nito, at napahawak pa sa suot nitong suit, “Hoy! Anoba! Bitiwan mo ngang damit ko!” sabit nito sa kanya habang hinahawakan ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa damit nito.
Siya naman ay nagbabadyang masuka, hindi na niya mapigilan ang pagbaliktad ng sikmura niya, at maging ang paligid niya ay umiikot na parang stubibo, hindi na niya kinaya, at tuluyan na siyang bumigay, tuluyan na ngang lumabas ang lahat ng laman ng tiyan niya, at lahat iyon ay naibuhos niya sa suot na damit ng lalake.
“ANAK NAMAN NG ANO!” sigaw ng lalake, habang hawak ang balikat niya, na sa halip na itulak siya ay tila napasubsob pa siyang lalo sa katawan nito.
Nanlalake ang mga mata ng lahat, at halos hindi makapaniwala, maging ang iba pa niyang kasamahan sa trabaho ay naglakihan ang mga mata, at may iba namang nagpipigil na matawa.
Ngunit siya, ay tuluyan nang bumagsak at nawalan ng ulirat, at hindi na niya namalayan ang iba pang sumunod na mga nangyari.
UMAGA NA NANG MAGISING SIYA hindi niya alam kung anong nangyari kagabi sa kanya sa resto bar na pinunthan nila. Hindi niya alam kung paano siya nakauwi sa bahay nila.
“HOYYY!” sabay pukpok ng hawak na tabo ng mama niya sa kanyang ulo.
“ARAYYY! Si Mama naman! Bakit ba nanakit ka?” Nahimas-himas niya ang bumbunan niya dahil sa sakit na nararamdaman buhat sa puwit ng tabo.
“At bakit hindi? Siraulo ka! Alam mo ba kung paano ka nakauwi kagabi? At kung ano-ano ang mga pinaggagawa mo!?” sigaw na tanong sa kanya ni Aling Selya.
“Ho! A oo nga pala Ma, paano nga pala akong nakauwi rito sa bahay natin?” napapakamot pa sa masakit niyang ulo na naitanong niya sa kanyang ina.
“Paano! Iyan nang dahil diyan sa kagagahan at kabaliwan mo, hindi mo na alam kung anong pinaggagawa mo! Paano na lang kung napagsamantalahan ka ng mga lalaking hindi mo kilala? Sige anong gagawin mo?”
“Sana nga! Ma, para hindi na ako namomroblema sa mga mahadera nating kapitbahay at kamag-anak!” napapasabunot niya sa sariling sagot sa ina.
“Aba’t nalintikan na talaga iyang kagagahan mo no!” napasabunot din ang ina sa buhok niya. Mabuti na nga lang at maiksi lang ang buhok naiya na hindi aabot sa balikat.
“Mama naman!”
“Mas gugustuhin ko pang tumanda ka na nga lang ng dalaga, kaysa naman maging babaeng disgrasyada ka! Na hindi alam kung sinong lalake ang ama ng anak niya! Loka-loka!” singhal pa ng kanyang ina matapos bitiwan ang mga buhok niya at saka siya padabog na iniwan
sa loob ng kanyang silid.
Naiwan naman siya na naiiyak dahil sa kanyang sitwasyon. Mas nais na niyang magkaroon ng anak kahit na bunga lang ng isang gabing pagkakamali, at least natikman naman niya ang sinasabi ng lahat na luto ng langit, at magkakaroon pa siya ng matatawag na anak.
Wala naman talaga siyang pakialam kung hindi na siya makapag-asawa, ang gusto lang niya ay magkaanak siya, para pagtanda niya ay may matawag pa rin siyang sariling pamilya.
Nang makababa siya ay nakapaligo na siya, at nakabihis para pumasok sa opisina, “O nandito na pala si Miss trouble maker!” patudsadang salita ng kapatid niyang lalake na si Lucho.
Isa sa mga dahilan ng presure niya, isa kasi ito sa naninisi sa kanya dahil sa hindi pa niya pag-aasawa, hindi nito mapakasalan ang babaeng gusto nito.
“Ano na namang problema mo!” singhal niya.
“Ikaw ang problema ko Ate!” singhal din nito.
“Bakit ba? Sisisihin mo na naman ako kung bakit hindi ka makapg pakasal?”
“Hindi lang iyon! Nakakahiya ka Ate! Pinapangalandakan mo pa sa buong madla na NBSB ka! Buong kamag-anakan natin ikaw ang pinga-uusapan sa mga GC!”
“Ano na naman bang issue niyo sa akin?” Masamang titig ang ipinukol niya sa kapatid.
Napabuntong hininga na lang itong napatingin din sa Papa nila at Mama. “Pa! Ma! Hindi niyo po ba pwedeng ihanap na si Ate ng mapapang-asawa? Iyong kahit sino na lang diyan! Nagsasawa na ako kay Ate!” sambit nito sa mga magulang.
“Loko-loko! Anong gusto mo ipamigay ko na lang ang Ate mo sa kahit na kaninong lalake diyan?” tanong naman ng ama nila na si Mang Ben.
Naluluha naman siyang napatingin kay Mang Ben na kanyang ama, ito na lang yata ang nakakaunawa sa kanya sa kanilang pamilya. “Papa, mahal mo talaga ako,” sabi pa niyang naihilig ang ulo sa balikat ng katabing ama.