Kabanata 28

Nang makarating ako'y halos hindi ako makahinga sa sobrang pagod. Hugot-buga ang paghinga ko dahil talagang hapong-hapo ako sa pagtakbo. Hinawi ko ang mga baging na nakatakip sa maliit na kuweba. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang marating ko ang dulo. Dumaan ako sa gilid ng talon, agad na sumalubong sa akin ang isang kanta.

'Girl, you're my every woman in the world to me...'

Nasapo ko ang aking dibdib. Nagkalat ang mga bulaklak ng itim na rosas sa damuhan. At halos masira ang mga paninim dahil tila ba'y parang nagwala ito.

'You're my fantasy, you're my reality...'

"Mattheaus!" tawag ko rito.

Nakabukas ang pader. Nakarinig ako ng mga yapak papunta rito sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit agad na nangilid ang mga butil ng luha sa aking pisngi. Nang makita ko ang bulto ng katawan niyang nakatayo na mismo sa aking harapan. Wala itong suot na pang-itaas at tanging kupas na maong na kulay asul lang ang tanging suot nito. Nakalugay din ang mahabang buhok nito at ang kulay ng mga mata nito'y kulay pula na. Naiyak ako ng husto dahil sa sobrang galak. Binitiwan ko ang hawak kong sapatos at agad na napatakbo sa kanya.

Agad ko siyang siniil ng halik at ipinulupot ang mga braso ko sa kanyang batok. Tumugon ito sa halik ko at niyapos ang aking baywang. Nakagat nito ang labi ko dahilan para ito dumugo ngunit wala akong pakialam. 'Mahal ko na siya!'

Humiwalay ito sa akin at hinaplos ang aking pisngi.

"Hindi ko gusto ang ginawa niya..." Napaawang ang aking labi at napayuko. Mukhang ang tinutukoy yata nito ay ang ginawa ni Zsakae. 'Sabi ko na nga ba!'

"Hindi ko alam na gagawin niya 'yon..." Nagtaksil ba ako? Sa palagay ko naman ay hindi. Mukhang nagseselos lang ito. Pero grabe naman ito magselos, nakakatakot!

"Patawad..." Nakagat ko muli ang aking labi.

Hindi ito umimik at kinuha ang kanang kamay ko. Pinugpog niya ito ng halik at isinayaw ako sa saliw ng musika.

"Gumanda ka pa lalo," anas nito. Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Akala ko'y pangit," sabi ko pa at nahilig sa dibdib nito.

"May gusto siya sa iyo at hindi ko gusto ang ginagawa niya," aniya.

Inalis ko ang mga kamay ko sa batok niya at niyakap ito sa baywang.

"Alam niya namang may nobyo ako," sagot ko pa nang nakataas noo.

"May gusto pa rin siya," matabang nitong sagot.

Bigla namang nagsiangat ang mga naglalakihang bato sa paligid naming dalawa. Diyos ko! Hindi lang siya nagseselos, bagkus ay galit na ito! Sa sobrang pangamba ko'y wala sa sarili ko itong hinagkan upang kumalma ito kahit pa-paano.

Bigla namang nagsibagsakan ang mga batong nakalutang kanina lang at muntik pang magulungan ang aking mga paa. Mabuti na lang at maagap ito dahil kaagad niya naman din akong inangat.

"Huwag ka na magalit," lambing ko pa rito. Napaismid ito at tila ba ayaw talaga nito ang mapalapit ako kay Zsakae.

"Oras na..." aniya bigla.

"A-ang alin?" takang tanong ko pa.

Hindi niya ako kinibo bagkus ay iginiya niya lang ako sa may talon. Napaatras pa ako dahil mukhang mababasa na ako ngunit hawak ni Mattheaus ang kaliwang kamay ko kaya't maging ako'y nadala na niya.

"A-ang... Init?" sabi ko pa nang nasa may bayang ko na ang taas ng tubig.

Akala ko malamig ngunit parang nakasalang sa konting apoy itong talon na ito dahil talagang naghahalo ang init at lamig ng tubig. Napatitig ako kay Mattheaus at mukhang alam ko na ang tinutukoy niya. Akmang hahawakan niya ako ngunit lumayo ako. Kumunot ang noo nito.

"Ako na, sisirain mo na naman ang damit ko," nakanguso ko pang presinta.

Pupunitin na naman niya ito. Sayang naman kung sisirain niya lang. Hinubad ko na ang aking damit at talagang diretso kong inilubog ang sarili ko sa tubig. Napalunok ako. Diyos ko! Hindi naman ito ang unang beses na may mangyayari sa amin ngunit talagang hindi pa rin maalis sa akin ang matinding hiya. Pilyo namang napangiti itong si Mattheaus kaya napayuko ako. Nakakabaliw ito kung ngumiti! Tuluyan naman na itong lumapit sa akin at niyakap ako.

"May magbabago sa iyo at gusto ko sanang huwag mo itong ikatakot," anito. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Susubukan ko," sagot ko. Kung anumang pagbabago 'yon ay tatanggapin ko, huwag lamang siyang mawala sa akin.

Hinawakan naman nito ang aking mukha. Dinampian niya ng halik ang aking noo, ang mga mata ko at ang tungki ng aking ilong. Pasumandali itong tumitig sa aking labi at siniil ako. Buong puso ko itong tinugon ng walang pag-aalinlangan. Gumapang ang labi nito sa aking leeg at nahinto sa aking matatayog na hinaharap.

"... aah!" daing ko.

Parang may kung anong gumagapang sa buong katawan ko na hindi ko maintindihan.

"Metis noctis opacae..." sambit nitong bigla at wala sa sarili akong napaliyad.

Kitang-kita ko kung gaano kabilog ang buwan at para bang nakikita ko ang pagbabago ng kulay ng mga mata ko.

"... adsum offerens tibi ubera..." Napasinghap ako.

Heto na naman iyong pakiramdam ko na parang isinasalang ako sa isang malaking pugon.

"... aah!" daing ko nang maramdaman ko ang pagpasok nito sa akin. Narinig ko ang malalim na pagsinghap din nito.

"... mea per sanguinem ejus...." muling sambit nito kasabay nang pagbayo sa akin.

Namilog ang aking mga mata dahil lumabas na naman sa magkabilang pulsuhan ko ang itim na rosas. Gumapang ito paakyat sa braso ko at gumapang sa buong katawan ko.

"... aah!" ungol ko.

Nang mapayuko ako'y lahat ng kumalat na tinik ng itim na rosas sa aking katawan ay nagkumpulan sa aking puson.

"... aah!" hiyaw ko dahil sa biglaang pagsakit ng aking puson.

Parang may kung ano rito sa aking sinapupunan ang nagwawala at talagang napakasakit nito. Napakapit ako sa magkabilang balikat ni Mattheaus upang kumuha ng suporta. Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang aking ulo. Hindi ako mapakali. Parang gusto kong lumaklak ng pampamanhid ng sakit dahil talagang napakasakit nito.

"... puritas mentis et da mihi..."

Halos manginig ang buo kong katawan nang muli itong nagsambit ng mga salitang hindi ko maintindihan. Nakakabingi at masakit sa ulo!

"... aah!" hiyaw ko at hindi na napigilan pa ang sarili na maiyak.

"... filium tuum semper..." muling sambit niya kasabay ang pagkagat niya sa aking leeg at ang pagrating namin sa sukdulan.

Diretso akong bumagsak sa tubig nang kanyang ako'y bitiwan ngunit maagap ito at muli akong inangat. Lupaypay ang buo kong katawan at talaga nga namang pagod na pagod itong pakiramdam ko. Nawala rin ang biglang sakit ng katawan ko, lalo na sa parte ng sinapupunan ko. Napapikit ako dahil sa sobrang pagod. Ramdam ko naman ang pagbuhat niya sa akin at ang mabilis na paglapag nito sa malambot niyang kama. Alam kong nasa silid niya ako dahil alam na alam ko kung gaano kalambot ang kama nito. Ngayon ko lang din napuna na kay bango rin pala ng silid nito. Ngayon ko lang ba talaga napuna? Kahit 'di ko man nakikita ang ginagawa nito'y ramdam na ramdam ko naman siya. Kinumutan naman niya ako at niyakap. Tuluyan ko na ring hinayaan ang sarili ko na makatulog.