Daisy Novel
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Trang chủThể loạiXếp hạngThư viện
Daisy Novel

Nền tảng đọc truyện chữ hàng đầu, mang lại trải nghiệm tốt nhất cho người đọc.

Liên kết nhanh

  • Trang chủ
  • Thể loại
  • Xếp hạng
  • Thư viện

Chính sách

  • Điều khoản
  • Bảo mật

Liên hệ

  • [email protected]
© 2026 Daisy Novel Platform. Mọi quyền được bảo lưu.

Chapter 11

Laglag ang panga nilang magkaibigan dahil sa sinabi ng binata. Nagkatinginan muna sila bago bumaling kay Cyler.

“My treat,” dagdag na anang lalaki, may charming smile pa.

“I don’t think it’s a… good idea?” anang Fiona sa kaibigan.

“Ay, bakit hindi? Libre naman daw, best,” ngumising anang Jenna.

Tumaas ang kilay niya sa kaibigan. Nagtaas-baba lang naman ang kilay ng kaibigan niya. Sa tingin niya ay baka sinusubukan lang nito si Cyler for whatever reason. O baka feel lang nitong pasamahin sa kanila. Kaya naman ay wala na siyang nagawa.

Hindi niya alam kung bakit ganito ang pakikitungo sa kanya o sa kanila ni Cyler. Well, admittedly, lalo na sa kanya. Binilhan pa kasi nito ng washing machine ang ina niya bilang regalo. Tumanggi man siya ay namilit pa rin.

‘Ano kaya ang intensyon niya?’ she wondered. Sinulyapan pa ang lalaking bumili ng tickets at pati makukot nila sa loob ng movie theater.

Habang papasok na sila ay bitbit ni Cyler ang drinks at popcorn nila. Tig-iisa sila.

“Sa gitna na tayo,” suwestiyon ni Jenna.

“Eh, gusto ko sa pinakataas, sa dulo, best,” anang Fiona.

“Sa pinakataas tayo, sa gitna,” mungkahi naman ni Cyler.

“Tama. Tama, doon na tayo,” sang-ayon ni Jenna at hinila na siya nito sa hagdan na may maliit na tube lights sa bawat gilid bilang giya nila.

Nasa hulihan si Cyler, nakasunod sa kanila. Napagitnaan siya ng kaibigan at ni Cyler, na nasa kaliwa niya. Ibinigay na nito kay Jenna, na nasa kanan niya, ang drink at popcorn nito kaya naman nag-lean forward si Cyler. Amoy na amoy niya ang pabango nito. Ang lapit-lapit naman kasi sa kanya na parang dalawang pulgada na lang ang layo ng mukha nito mula sa kanyang labi. Siguro kaunting galaw pa ay mahahalikan na niya ito.

Biglang tumambol ang kanyang puso nang ‘di mawari. Pigil na pigil na rin siya sa paghinga at natatakot siyang mahingahan si Cyler. Paano kung bad breath pala siya?

‘Eww. Nakakahiya!’

Baka isa na naman iyon sa ibu-bully sa kanya kung sakaling bully rin ito.

Ilang saglit pa siyang nagpigil ng hininga bago tumuwid ng upo si Cyler at saka siya naman ang binigyan nito ng drink at popcorn. Noon pa siya nakahinga habang iniwas ang mukha mula rito. Napalingon sa kanya ang kaibigan.

“O, ano’ng nangyayari sa ‘yo?” inosenteng tanong nito. It was loud enough for Cyler to hear.

“A-ah. Wala naman. Wala naman,” aniyang sinimulan nang papakin ang popcorn na may cheese.

“Are you comfortable enough?” tanong ni Cyler sa kanya.

Biglang bumara ang popcorn sa kanyang lalamunan. Ang lapit-lapit na naman kasi ng mukha nito sa kanya. Mabilis naman nitong inagaw ang kanyang drink at binuksan saka ibinigay sa kanya ulit. Agad niya itong ininom habang nakatingin pa rin sa kanya si Cyler, pati na ang kaibigan. Pilit niyang nilunok ang bumara sa kanyang lalamunan.

‘Comfortable nga ba akong katabi kita? Naku, hindi! Hindi, Cyler! Nagkakagulo ang bawat selula ng buong katawan ko, meaning kasama na roon ang taba ko kung alam mo lang!’

Dahil naka-adjust naman na ang mga mata nila sa medyo madilim na movie theater habang nagsisimula na ang palabas, kitang-kita ni Fiona ang medyo pag-aalala sa mga mata ng binata.

“O-okay lang talaga ako,” sabi niya pagkainom ng iced tea na nasa plastic bottle. “Salamat.” Tumikhim siya para hindi pumiyok.

“You’re welcome,” anang lalaki na nakangiti sa kanya nang matamis, sa wakas.

Marahan siyang napakurap ng mga mata. Ang guwapo naman kasi nito.

Sa kalagitnaan ng palabas ay naramdaman naman niyang bahagyang nakatukod ang siko ni Cyler sa armrest niya habang kumakain ito ng popcorn.

“Do you like the movie?” biglang bulong nito sa kanya.

Sa tingin ni Fiona ay para hindi ito makaistorbo sa ibang manonood. Damang-dama na naman niya tuloy ang mainit nitong hiningang humaplos sa kanyang pisngi. Hayun at nilukob na naman siya ng bango nito. Kahit hininga nito ay mabango.

‘Nakakaloka!’

Sumirko ang puso niya dahil sa kalapitan nito. Hindi siya makapagsalita kaya tumango siya sa lalaki na bahagyang nginitian at tiningnan ito.

“It’s great. Maybe we can do this again some time? Just the two of us,” anitong bumulong na naman sa kanya.

Her heart skipped a couple of beats before it rammed into her chest forcefully.

‘Ano raw? Kaming dalawa lang?’

Parang nag-iinit din ang pakiramdam niya bigla nang dahil doon. Hindi na siya nakapagsalita. Siguro saved by the bell siya dahil bigla rin naman siyang sinundot ni Jenna sa tagiliran. Halos mapalundag pa siya sa kinauupuan.

“Ano? Ano’ng sinabi sa ‘yo ni Cyler?” bulong na tanong sa kanya ng kaibigan na amoy popcorn ang hininga.

“Kung gusto ko ‘yong movie,” turan niya. Hindi na niya idinagdag ang huling sinabi ni Cyler.

“Ah. Ano naman sabi mo?”

“Huh? Eh, ‘di sinabi ko ring gusto ko. Gusto ko naman ang ganitong action movies, eh. Alam mo ‘yon,” tugon niya.

Tumango sa kanya ang kaibigan na may mapanuksong ngiti pero parang pinigilan lang nito. Medyo umatras ito sa pagkakaupo nang may isang babaeng kahilera nila na tumayo para dumaan sa harap nila. Ganoon na rin ang ginawa niya pero natapakan pa nito ang kanyang paa.

“Aww!” mahina at paimpit na aniya pero narinig ito ni Cyler. Inabot niya ang paa para haplusin samantalang nagpatuloy ang babae sa pagdaan na hindi man lang nag-sorry sa kanya.

Chương trướcChương sau