Chapter 31
Pinuntahan ni Huimy si Monique kahit sa Maynila pa ito nakatira. Nais niyang kausapin ito ng personal kahit alam niyang galit ito sa kanya. Tinanong niya kay Sir Francis kung ano ang address nito. Agad namang ibinigay niyon.
Nasa harap na siya ng bahay ni Monique. Isang bungalow style na bahay, hindi naman gaanong kalakihan. Kumatok siya at tinawag ang pangalan nito nang paulit-ulit. Binuksan naman nito ang pinto. Halatang mugto rin ang mga mata nito sa pag-iyak. Lalo siyang naawa sa kalagayan nito. Kasalanan niya kung bakit naghihirap ang kalooban nito ngayon.
“Bakit ka nandito?” mataray na tanong nito. Masama ang tingin nito sa kanya at nakataas pa ang mga kilay.
“Pwede ba tayong mag-usap?”
“Anong dapat nating pag- usapan? Hindi ako interesado sa sasabihin mo.” Aktong isasara nito ang pinto ngunit mabilis niyang pinigilan iyon. Agad niyang iniharang ang kanyang kamay.
“Pakinggan mo muna ako. Pakiusap, limang minuto lang,” may pagmamakaawang sabi niya.
“Sige,” sang-ayon nito saka pinagkrus ang mga braso.
“Alam kong masama ang loob mo dahil hindi namin sinabi sa'yo ang totoo. Pero wala talaga kaming naging relasyon ni Renz. Mag-best friend lang talaga kami. Ngayon nga lang niya inamin na minahal niya ako. Pero hindi ko siya pinayagang maging parte ng buhay namin ng anak ko dahil alam kong masasaktan ka. Ilang beses ko siyang kinausap na huwag kang iwan. Ilang beses ko din siyang iniwasan pero hindi siya nakinig.”
“Kahit ano pang sabihin mo, ginulo mo pa rin kami ni Renz. Dapat hindi na kayo nagkita. Dapat masaya na kami!”
“Sorry, hindi ko sinasadyang guluhin kayong dalawa.” Napayuko siya at napaluha. She really feel guilty. Labis niyang sinisisi ang kanyang sarili.
“Huimy.” Nagulat siya nang hawakan ni Monique ang kanyang kamay. Sa isang iglap ay biglang naging maamo ito. Malumanay na rin ang boses nito. Tumunghay siya para tingnan ito.
“Hindi ako masamang tao, Huimy. Sorry kung nasaktan rin kita, physically. I am not a violent person. I'm just so hurt. Mahal na mahal ko kasi si Renz at hindi ko akalain na sasaktan niya ako nang ganoon. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Nagtiwala rin ako sa’yo pero naglihim kayo sa akin.”
“Hindi mo kailangang humingi ng tawad sa akin. Ako ang dapat gumawa noon. Alam kong hindi sapat ang sorry para mapatawad mo ako. Lalayo na kami ng anak ko para wala nang gulo.”
“Hindi, Huimy. Hindi mo kailangang gawin iyon.” Biglang bumaba ang kanina'y mataas na boses nito. May lungkot sa tinig nito. “Na-realize ko na siguro nga kayo ang para sa isa't isa. Kasi pinagtagpo ulit kayo. At ako naging panakip- butas lang noon. Siguro may ibang lalaking nakalaan para sa akin.”
“Monique...” nasambit niya habang nakatitig sa mukha nito.
“Pinapaubaya ko na siya sa'yo. Karapatan n'yo ding sumaya. At hindi ko ugaling ipagsiksikan ang sarili ko sa lalaking ayaw sa akin. I deserve someone better. Ire-reserve ko na lang ang puso ko sa iba.”
“No, Monique!”Hinawakan niya ang balikat nito at seryosong tinitigan sa mga mata. “Kaya kong buhayin ang anak kong mag-isa. Nagawa ko na iyon noon, kaya ko pa rin ngayon kahit wala si Renz.”
“Pero Huimy...”
“I want you to be happy, Monique. Tanggap ko na ring hindi kami para sa isa't isa ni Renz. I let him go.”
Niyakap siya ni Monique na may bahid ng luha sa mga pisngi. Halatang masaya ito sa narinig mula sa kanya. Napaluha rin naman siya. Inaamin niyang mahirap para sa kanya ang pakawalan ang lalaking minahal mula pa man noon pero kailangan.
“Thanks, Huimy. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ako ang pipiliin ni Renz. Pinapili ko siya at hindi ko pa naririnig ang sagot niya.”
“Hindi mo na siya kailangang papiliin kasi sinabi ko na sa kanya na ikaw ang piliin niya.”
“How can be sure that it will work? Alam mo iyon, kahit ako ang piliin niya, ikaw pa rin ang mahal niya.”
“Kung nagawa ka niyang mahalin noon na wala ako, magagawa niya ulit iyon.”
Matagal bago nakasagot si Monique. “Salamat, Huimy.”
“You're welcome.” Ngumiti siya rito atsaka nagpaalam na rin. Humalik pa ito sa kanyang pisngi bago tuluyang bumitiw sa pagkakayakap.
Tinalikuran na niya ito at naglakad palayo ngunit napatigil siya sa kanyang kinatatayuan ng makita ang lalaking nakatayo at nakamasid sa kanilang dalawa.
“Renz?” gulat na gulat siya nang makita ang binata. Biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso nang magtama ang kanilang mga mata. Sandali siyang natulos sa kinatatayuan bago naihakbang ang mga paa para lagpasan ito. Kailangan niyang iwasan para wala ng gulo.
“Sandali lang, Huimy.” Bigla nitong pinigilan ang kanyang braso nang mapatapat siya sa kinatatayuan nito. Muling nagtama ang kanilang mga mata. Kita niya ang lungkot sa mga mata nito.
Nginitian niya ito ng tipid. Pinipilit niyang kalmahin ang sarili.
“Kung ano man ang sasabihin mo, huwag mo nang ituloy. Nag-usap na kami ni Monique at maayos na ang lahat sa amin. Huwag ka nang mag-alala.”
Hinawakan niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso at inalis iyon. Muli niyang hinakbang ang namimigat niyang mga paa. Napakagat-labi pa siya para pigilin ang luhang nais kumawala sa kanyang mga mata.
Iniisip pa lang niya na ito na ang huli nilang pagkikita, nasasaktan na siya pero kailangan niyang gawin iyon para sa ikatatahimik ng lahat. Ang paglayo kay Renz ang tanging solusyon para matapos ang komplikasyon sa kanilang tatlo.
Napatigil siya paghakbang ng maramdaman ang matipunong brasong nagkulong sa kanyang katawan. Ipinatong pa nito ang ulo sa kanyang balikat. Tumaas ang balahibo niya nang maramdaman ang init ng hininga nito nang magsalita ito,
“Huwag mo akong iwan, Huimy. Mahal na mahal kita.”
Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha nang muling marinig ang mga katagang iyon. Mga katagang dapat noon pa nito nasabi sa kanya. Mga katagang nagsalba sana sa samahan nila noon at hindi naging dahilan nang komplikasyon ngayon.
Huli na ang lahat para sa mga salitang iyon. Na kahit gustuhin man niyang sumagot ng mahal din kita ay hindi na puwede pa. Alam niyang nasa likuran lang si Monique at nasasaktan sa eksenang nakikita nito. Hindi niya puwedeng bawiin ang salitang nasabi na niya. Pinalaya na niya si Renz at dapat niya iyong panindigan.
“J-just let go of me, Renz.” Parang may bara sa lalamunan nang sabihin niya iyon.
“No, I won't. Never.” Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayap sa kanya. Naramdaman niya ang pagpatak ng luha nito sa kanyang balikat. Hindi na niya napigilan ang paghikbi. Parang dinudurog ang kanyang puso.
Pinilit niyang alisin ang mga braso nitong nakapulupot sa kanyang katawan pero lalo lang hinigpitan nito. “Please, huwag na nating pahirapan pa ang mga sarili natin. Bitiwan mo na ako, kay Monique ka na lang. Mahal ka niya.”
“Pero ikaw ang mahal ko at alam kong mahal mo pa rin ako.”
“Bakit kailangang umabot kami sa ganitong sitwasyon? I just dream for a prince charming. I wish for a star that will bright for me forever. Lalaking makakasama ko habang buhay, pero ang bituing hiniling kong maging akin ay imposible nang masungkit pa. Pag-aari na siya ng iba kahit pa gusto na niyang bumagsak sa piling ko ay hindi ko siya puwedeng saluhin pa.” Hikbi lang ang tanging naisagot niya. Kahit gustong isigaw ng kanyang puso na mahal niya ito ay pinipigilan naman ito ng kanyang isip.
Pinilit niyang muling makawala sa mga yakap nito.
“Let me go. Hindi na kita mahal. M-matagal ko nang kinalimutan ang naramdaman ko sa'yo noon.” Pinili niyang magsinungaling para lang pakawalan siya nito at tama lang ang mga sinabi niya dahil niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya.
Hinarap niya ito nang tuluyan siyang makawala sa yakap nito. Tiningnan niya ito sa mga mata kahit mahirap para sa kanyang makita ang mga luhang dumadaloy mula roon.
“M-mula nang iwan mo ako noon, natutunan ko ng mahalin si Daryl. Natutunan na rin kitang kalimutan. Kaya mabuti pang kalimutan mo na rin ako.”
“Nagsisinungaling ka lang para lumayo ako sa'yo. Alam kong mahal mo pa rin ako. Ramdam ko iyon at nakikita ko sa mga mata mo.”
Umiwas siya nang tingin dahil alam niyang hindi makapagsisinungaling ang kanyang mga mata. Ang luha ang ebidensiya ng sakit ng nararamdaman niya ngayon at ng labis na pagmamahal niya para sa lalaking kaharap.
“Kung hindi kita naipaglaban noon, gagawin ko iyon ngayon. Hayaan mo akong patunayan iyon sa'yo.”
Sunod-sunod siyang umiling. “Huwag na. Huli na para gawin mo iyon.”
“Hindi pa huli ang lahat.” Ginagap nito ang kanyang kamay. “Bigyan mo lang ako nang pagkakataon. Kahit para sa anak natin.”
“Huwag mong gawing dahilan ang anak natin... ang anak ko.”
“Pero...”
“Isipin mo na lang na hindi mo ako nakilala.” Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Tinalikuran na niya ito at muling humakbang palayo. Palayo sa nag-iisang lalaking minahal niya.
“I want you to be with me but I have to let you go,” sigaw ng kanyang puso ngunit hindi masambit ng kanyang labi.
Muling dumaloy sa mga mata niya ang masaganang luha. Tinakpan niya ang bibig upang pigilan ang paghikbi.
“Huimy!” tawag nito sa pangalan niya pero hindi na siya muling nilingon pa. Tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Muli niyang naramdaman ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso kaya't napatigil siya.
“Kahit ba ang pagkakaibigan natin ay hindi na puwedeng manatili sa ating dalawa?”
“Pagkakaibigan? Imposible ang sinasabi mo. Sa tingin mo ba, sa sitwasyon natin puwede pa tayong maging magkaibigan?”
Huminga siya nang malalim. Lalong nanikip ang kanyang dibdib dahil sa katotohanang kahit ang pagkakaibigan ay hindi na maaari sa kanilang dalawa. Kahit ang friendship ay walang forever.
“Gustuhin ko man pero parehas lang tayong mahihirapan. Kahit ang pagkakaibigan ay hindi ko maaaring ibigay pa sa'yo.” Muli niya itong hinarap at hinawakan ang kamay na nakahawak sa braso niya. Muli siyang naglakas ng loob na tingnan ito sa mga mata. Pinunasan niya ang luhang naglandas sa pisngi nito.
“Mas makakabuti na ring hindi na tayo maging magkaibigan para mas madali nating makalimutan ang isa't isa. Hindi rin naman kasi sapat na mahal mo ako at mahal kita o may anak pa tayo. Hindi na rin tama na panghawakan mo pa ang pagkakaibigan natin. This situation is too complicated. Maraming maaapektuhan kaya bago pa man lumala, we have to let go even the promise of forever friendship.”
Hindi naman tumugon si Renz at nanatili lang nakatitig sa kanya. Siya na rin ang unang umiwas ng tingin. Ayaw na niyang makita ito sa ganoong kalagayan. Alam niyang sobrang sakit ang nararamdaman nito, kaparehas ng sakit na nararamdaman niya ngayon.
“Goodbye, Renz.”
Sa huling pagkakataon ay tuluyan na niyang tinalikuran si Renz at hindi na muling nilingon pa. Binilisan na rin niya ang paglalakad habang patuloy pa rin sa pag-iyak.