Chapter 52 - Teaser Kiss
“Wala kayong dapat na ipag-alala dahil okay na ang pasyente at nasa mabuting lagay na ang sanggol.” Iyan ang una kong narinig nang magkaroon na ako ng malay-tao.
Nilapitan kaagad ako ni kuya nang makitang gising na ako. Kasama niya sina Ate Lianne at Nick. Lumabas na ang doctor pagkatapos sabihin ang lagay ko.
“Kumusta ang pakiramdam mo? Wala bang masakit sa 'yo?” tanong ni kuya.
Bakit ba palagi na lang akong nao-ospital? Ilang beses na akong nagigising habang nakahiga sa hospital bed. Sana lang pagkatapos kong manganak ay huli na 'yon na nasa ospital ako. Ayo'kong maging mahina dahil gusto kong maalagaan ang anak ko.
“Okay naman ako, kuya.”
Lumapit na rin sina Ate Lianne at Nick sa akin. Hawak ni Nick ang kaniyang cellphone at mukhang may ka-video call siya. Tinapat niya sa akin ang screen ng cellphone at bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Brey.
“Nasa mabuting lagay na ang mag-ina mo,” sabi ni Nick habang nakatingin sa cellphone.
Ngumiti ako sa harap ng screen para ipakitang okay na ako.
“Mabuti naman kung gano'n. Please, be careful next time,” sabi ni Brey sa akin.
Tumango ako. “Yes, I will.”
“I'm sorry if I can't go there. I really want to see you right now, but mom won't let me. Masyado kasing naniniwala sa pamahiin.”
“Okay lang 'yon. Wala namang masamang nangyari sa amin. Tiis-tiis lang, malapit na ulit tayong magkita,” sabi ko at ngumiti.
Maya maya ay nagbukas ang pinto at pumasok si Jannise kasama sina Tristan at Olivia.
Mabilis akong nilapitan ni Oli na bakas ang pag-aalala sa mukha. “Oh my gosh! How are you feeling na, Ate Nasha? Sobrang worried kami sa 'yo lalo na kay baby.”
“Don't worry about us. Okay na okay na kami.” I smiled at her.
Kinumusta rin ako nina Jannise at Tristan. Binantayan nila ako hanggang sa makalabas ako ng ospital. Isa't kalahating araw lang ang tinagal ko roon dahil hindi naman daw ganoon kalala ang nangyari sa akin at ayon sa doktor ay mabilis daw maka-recover ang katawan ko, which is a miracle dahil hindi naman gano'n dati ang katawan ko tuwing nao-ospital ako.
Nag-doble ingat na ako sa tuwing papasok ng banyo at maglalakad. Delikado na kasi kapag naulit pa 'yon. Baka mapaano na ang bata.
Isang araw na lang bago ang nalalapit na kasal namin. Kinakabahan ako dahil baka kung ano na naman ang mangyari sa akin sa araw ng kasal lalo na't suki ako ng hospital. Kasama ko na palagi si Jannise sa tuwing lalabas ako para umalalay sa akin. Mabuti na lang at semester break na kaya nakakasama ko na siya palagi.
Nasa isang mall kami habang namimili ng mga kakailanganin ko pa sa araw ng kasal ko. Kitang-kita ko sa mukha niya ang excitement na akala mo ay siya ang ikakasal. Hands on masyado ang kaibigan ko. Siya na rin ang namimili kung ano ang susuoutin kong sapatos at mga accessories.
Nakabili na kami ng mga kailangan ko sa kasal tulad ng sapatos. Matagal-tagal din siyang pumili kaya ginutom kami.
“Gusto ko ako ang makeup artist mo ha?” aniya habang naglalakad kami patungo sa isang fast food restaurant.
“Kahit 'wag mo na akong tanungin dahil ikaw rin naman ang masusunod,” sabi ko nang natatawa.
Totoo namang siya ang nasusunod pagdating sa pag-aayos. Pero, ayos lang naman sa akin 'yon dahil may tiwala naman ako sa kaniya at bestfriend ko 'yan na parang kapatid ang turingan namin. May skill din naman siya sa paglalagay ng makeup.
“Kunsabagay, tama ka naman—”
Bigla siyang huminto bago pa kami makapasok sa loob ng fast food restaurant. Nakatingin siya sa loob at parang gulat na gulat. Anong nangyari sa kaniya?
“Oh my—is that Andy?” bulalas niya.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sinong Andy ang sinasabi niya?
“Sino?” tanong ko.
Imbes na sumagot ay hinila lang niya ako palayo roon at sa ibang restaurant na lang niya ako dinala.
“Ano bang nangyari sa 'yo ro'n?" naguguluhan kong tanong.
“Wala. Kakilala ko lang, 'wag mo na lang pansinin. Umupo ka na riyan at o-order lang ako.” Naglakad na siya patungo sa counter.
Sino kaya 'yong Andy? Kaibigan niya kaya? Bakit niya iniiwasan 'yon? Oh baka naman ay ex niya? Hindi kasi siya masyadong nagkukuwento tungkol sa buhay niya. Marami pa talaga akong hindi alam tungkol sa kaniya.
***
Nakatitig ako sa aking sarili mula sa malaking salamin dito sa kuwarto ni Jannise. Suot ko ang isang wedding gown na para sa buntis, at tapos na akong ayusan ng kaibigan ko.
Hindi ko akalaing darating din agad ang araw na ito—ang ikasal ako. Akala ko noon ay late na akong makakapag-asawa dahil halos walang lumalapit sa akin. But here I am, with the age of nineteen, pregnant, and getting married with the man I really love. Yes, I'm still young, but I don't have any regrets. Alam kong si Brey na ang para sa akin.
Napahawak ako sa aking tiyan nang may ngiti sa labi. I'm glad na dala-dala ko siyang maglalakad sa altar.
“Ready ka na? Nandiyan na 'yong sasakyan.”
Nilingon ko si Jannise nang buksan niya ang pinto ng kaniyang kuwarto. Nakabihis na rin siya at nakapag-ayos.
Tumango ako bilang sagot. Lumapit siya sa akin para itaas ang dulo ng suot kong gown. Lumabas na kami at sumakay na ng sasakyan.
Pag-andar pa lang ng sasakyan ay nanlalamig na ang mga kamay ko. Napansin naman ni Jannise ang pagkiskis ko sa aking mga palad.
“Anong problema?”
“Kinakabahan lang ako.”
“Bakit ka na naman kakabahan? Wala namang darating na taong pipigil sa kasal n'yo.”
“Aywan ko. Basta kinakabahan talaga ako.”
“Relax ka lang kasi. Para kang manganganak na eh.”
Nagkuwento ng kung anu-ano si Jannise para mawala ang kaba ko.
Ilang sandali lang ay huminto na ang sasakyan. Nauna nang bumaba si Jannise, pagkatapos ay kinatok ako sa may bintana at sinenyasan akong lumabas na. Tumingin muna ako sa harap ng simbahan. Marami nang mga taong naghihintay roon. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago bumaba ng sasakyan. Inayos muna ni Jannise ang suot kong belo bago naunang pumasok sa loob ng simbahan.
Muli akong humugot ng malalim na hininga bago ako nagsimulang maglakad patungo sa simbahan hawak ang mga puti at dilaw na bulaklak. Narinig kong bumukas na ang tugtog sa loob. Lumapit sa akin si kuya nang nasa pinto na ako. He smiled at me and offered his arm. I smiled back at him and linked my arm to his.
“Nauna ka pang ikasal kaysa sa akin ah,” he joked. Tumawa lang ako.
Nagsimula na kaming maglakad sa altar. Tiningnan ko lahat ng mga dumalo sa kasal. Narito ang lahat ng inimbitahan namin. Nakita ko si Nick sa dulo ng altar—siya kasi ang best man. Nakangiti siya sa akin habang pumapalakpak. Tumingin ako sa tabi ni Nick at nagtama ang tingin namin ni Brey habang nakangiti. Ngumiti ako nang makita siya. Akalain n'yo 'yon, ikakasal na kami? Parang kailan lang ay si Tristan pa ang crush ko. Tapos si Brey ay kissing tutor ko lang dati. Ngayon, magiging asawa ko na siya at magkaka-anak na kami.
Papalapit na ako nang papalapit sa kaniya. Nakita kong pumatak ang kaniyang mga luha na agad naman niyang pinunasan habang nakangiti. Nang nasa harap na kami ni Brey, nilipat na ni kuya ang aking braso sa kaniya.
“Ingatan mo sana ang kapatid ko,” sabi ni kuya kay Brey bago siya nagtungo sa mga upuan.
Nasa harapan na kami ng pari at sinimulan na namin ang wedding vows.
“Brey Simpson, tinatanggap mo ba si Nasha Grace Pineda bilang iyong kabiyak sa hirap at ginhawa?” tanong ng pari.
“Opo father.”
“Nasha Grace Pineda, tinatanggap mo ba si Brey Simpson bilang iyong kabiyak sa hirap at ginhawa?”
“Opo father,” sagot ko.
“Kayo ngayon ay mag-asawa na.”
Nang masabi na ng pari ang 'You may now kiss the bride' ay hinalikan na ako ni Brey.
“Finally, you're officially mine,” he whispered.
“Yeah, you're officially mine too.”
Nagkumpulan kami sa harap ng altar para kunan ng litrato. Kung anu-anong pose ang ginawa namin bago may magsabing ihagis ko na raw ang hawak kong bulaklak.
Pumunta sa harapan ko ang mga babae. Nakatayo ako sa ikalawang baitang ng hagdan sa altar para maihagis ko ang bulaklak.
Tumalikod ako at humanda na. “Ready na kayo?” tanong ko.
Nang sabihin nilang 'oo' ay hinagis ko na ang bulaklak patalikod. Nagsigawan sila pagkatapos. Agad akong humarap para makita kung sino ang nakasalo ng bulaklak. Napangiti ako nang makitang hawak ito ni Jannise.
“Mukhang ikakasal ako kay self,” aniya.
“Baliw na babae.” Narinig kong tumawa si Nick na nasa likuran ko lang.
Nilingon ko siya na agad naman niyang napansin.
“Bakit?” tanong niya habang nakangiti.
Umiling ako at ngumiti. “Wala naman. Sana si Jannise na, 'no?”
Kumunot ang kaniyang noo. “What do you mean?”
Umiling ulit ako at tumawa. Binaling ko na lang ang atensyon ko kay Brey na naka-akbay na pala sa akin. Napatili ako nang bigla niya akong buhatin. Nagtilian din ang mga babaeng nakakita sa ginawa niya.
“Ano ka ba? Ibaba mo nga ako, nakakahiya,” bulong ko.
Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya at nginitian ako. Nagsimula siyang maglakad patungo sa labas ng simbahan. Nang makalabas ay dumiretso siya sa sasakyan.
“Sa reception na tayo,” aniya bago ako ibaba.
Sumakay na kami ng sasakyan para pumunta sa reception.
***
Pagdating namin sa reception ay binati kami ng mga bisitang naghihintay rito. Marami ang mga pagkaing nakahanda at nasa gitna ng mga ito ang malaking cake. Pumunta kami ni Brey sa gitna at umaktong hihiwain namin ang cake para kunan kami ng litrato. Matapos kaming kunan ay nagkainan na kaming lahat.
Sa kalagitnaan ng kainan ay tumayo si kuya at nagtungo sa may sound system. Kinuha niya ang microphone at tumikhim. Lahat ng atensyon namin ay nasa kaniya.
“Magandang hapon sa inyong lahat. Gusto ko lang i-congratulate ang aking kapatid na ngayon ay ganap nang Mrs. Simpson.” Tumingin sa akin si kuya at ngumiti. “Congratulations sa'yo, pinakamamahal kong kapatid. Nawa'y maging maayos ang pagsasama ninyong mag-asawa at nawa'y maging mabuti kang ina sa iyong anak.”
Na-touch naman ako sa sinabi ni kuya. Kapag sila naman ni Ate Lianne ang ikakasal, mas mahaba ang speech ko para sa kaniya.
Nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng speech ni kuya. Sunod namang tumayo ang daddy ni Brey at pinasa ni kuya sa kaniya ang microphone.
“I want to say sorry to the Pineda family for what I have done to them in the past. I'm very thankful na pinatawad na nila ako.” Tumingin siya sa amin ni kuya at ngumiti, pagkatapos ay bumaling siya kay Brey.
“Kaya ikaw Brey, anak, 'wag mong pababayaan ang mag-ina mo. H'wag na h'wag mo siyang iiwan at h'wag na h'wag ka rin magloloko, marami kang makakalaban. At isa na ako roon,” biro niya.
Sumunod na nagbigay ng speech si Olivia at sunod si Mrs. Simpson. Marami pa ang mga nagbigay ng speech, at halos isang oras bago natapos ang mga speeches nila.
Tumugtog na ang sound system at marami na ang nagsayawan. Gabi sana gaganapin ang sayawan pero mukhang uulan ng gabi kaya tinuluy-tuloy na namin bago pa umulan. Outdoor kasi ang reception area.
Pagkatapos ng ilang minuto nilang pagsasayaw ay napalitan na ang tugtog ng sweet song. Pinatayo nila kami dahil kailangan daw naming sumayaw at sasabitan daw kami ng pera.
Humawak si Brey sa baywang ko at ako naman ay kumapit sa kaniyang batok. Nakatitig lang siya sa aking mga mata.
“I love you,” aniya habang nakatitig pa rin sa akin.
Ngumiti ako at binigyan siya ng saglit na halik sa kaniyang mga labi. Hindi ko na inalala pa ang mga bisitang nanonood sa amin.
“Bakit mo ako mahal?” tanong ko na ikinakunot ng kaniyang noo.
“Why are you asking that? Isn't it obvious? Na-kuwento ko na kaya sa 'yo kung bakit.”
I grinned. “Gusto ko lang namang marinig ulit.”
He chuckled. “Kung ni-record mo na lang sana 'yong mga sinabi ko sa'yo noon.”
“Gusto kong marinig ulit. Sige na, please?” Nagpa-cute ako sa kaniya.
Umiling-iling siya habang nakangiti. “Mamaya na lang, okay? For now, let's just enjoy this moment.”
May mga lumapit sa amin para sabitan kami ng mga one hundred peso bills sa likuran namin. Lumapit din si Loyd para sabihin ng pera sa likuran ni Brey.
“Ngayon, kasal ka na, baka naman p'wede ko nang pormahan 'yong kapatid mo?” tanong ni Loyd pagkatapos niyang isabit ang pera.
Agad naman siyang siniko ni Brey sa tiyan. “Maglakad ka muna sa nagbabagang uling na walang kahit anong suot na sapin sa paa.”
Sumimanhit si Loyd. “Ito naman, hindi mabiro. Alam mo namang joker ako.”
Lumapit siya sa may tainga ni Brey at bumulong, “Why so serious?”
Natawa na lang ako kay Loyd. Paano kaya sila naging magkaibigan, 'no? Masyadong malayo kasi ang ugali ni Brey sa kaniya. Para din siyang si Jannise eh. Kunsabagay, magkaiba rin kami ni Jannise ng ugali pero naging magkaibigan kami.
Napatingin sa akin si Loyd saka siya lumapit para sabitan din ako ng pera sa dress ko.
“Nasha, baka naman p'wedeng ireto mo ako sa best friend mo?”
“Kung type ka no'n. G'wapo ang gusto niya at mahihirapan ka lang sa kaniya,” sagot ko.
“G'wapo naman ako ah? At bakit naman ako mahihirapan?”
“Lumayas ka na nga sa harapan namin. Hanap dyowa ka na naman,” singit ni Brey.
“Oo na, ito na, aalis na ako boss. Parang wala tayong pinagsamahan ah?” Kunwaring nasasaktan si Loyd at madramang umalis.
Nagkatinginan kami ni Brey at parehong natawa.
***
Nagbihis na ako ng over sized na pantulog pagkatapos kong mag-half bath. Narito kami ngayon sa bahay ni Brey. Maagang natapos ang wedding party namin kanina. Paglabas ko ng banyo ay nadatnan ko si Brey na nakahiga na at mukhang nakatulog na. Lumapit na ako sa kama at nahiga na. Paglapat pa lang ng likuran ko sa malambot na kama ay naramdaman ko na ang antok. Parang nagbuhat lang ako ng mabigat. Ganito siguro kapag buntis.
Gumalaw si Brey para idantay kaliwang braso niya sa akin. Malapit ang mukha niya sa'kin at dilat na ang mga mata. Hinalikan niya ang tip ng ilong ko.
“Honeymoon na sana natin, kaya lang hindi natin magawa,” aniya.
“Soon na lang,” sabi ko at ngumiti nang malawak.
Ngumiti nang pilyo si Brey. “Promise? After one year na lang mag-honeymoon.”
Kumunot ang noo ko at pinalo ang kaniyang braso. “One year ka riyan! After five years dapat.”
Sumimangot siya. “Ang tagal naman. P'wede namang after one year. Don't worry, I'll use protection—”
Muli kong pinalo ang kaniyang braso, pero tumawa lang siya.
“'Pag sinabi kong after five years, after five years dapat,” sabi ko.
“I'm just kidding. High blood na naman 'tong asawa ko.” He cuddled me and kissed my lips.
“Kung hindi tayo makakapag-honeymoon, I'll teach you the last kiss I know,” he added.
Kumunot ang noo ko. “Mayro'n pa ba? Ano 'yong last kiss na 'yon?” tanong ko.
He kissed my forehead, my lips, and down to the arms and hands. Napakagat ako sa aking labi. Nakikiliti ako sa ginagawa niya. Hinalikan niya ulit ang aking kamay pataas sa braso, then sa lips at forehead ulit.
After that, he looked at me and smiled. “That was the teaser kiss.”
“Pero, dapat after five years, wala nang teaser kiss,” dagdag niya.
I playfully rolled my eyes. “Oo na. Let's sleep?”
Tumango siya. Hinawakan niya ang aking tiyan at nilapit ang mukha niya roon. “Hi baby! Sleep na tayo ni mommy, okay? I love you baby. Hope to see you soon.”
Ngumiti ako sa sinabi niya. Nai-imagine ko na magiging mabuting ama siya sa anak namin. Maaga man akong nagka-pamilya, but I don't regret this. Sobra akong nagpapasalamat sa mga pinagdaanan ko noon dahil maganda ang naging kapalit. Totoo ngang kapag nadapa ka, makakabangon ka. At kapag nakabangon ka, may darating na magandang bukas. I'm really thankful to God that I met Brey Simpson, my kissing tutor.
THE END.
Special chapters coming up!