Special Chapter - Breysha

Special Chapter

“May masakit ba sa 'yo? Tell me and we'll go to the hospital right away,” nag-aalalang sabi ni Brey.

Kabuwanan ko na kasi ngayon kaya ganiyan siya umasta. Wala pa naman akong nararamdaman eh. Um-absent pa nga siya sa university para lang bantayan ako ngayon.

“Wala pa namang masakit sa akin. Kumalma ka nga. Parang ikaw 'tong manganganak.” Dahan-dahan akong umupo sa couch.

Tumabi siya sa akin sa pag-upo. “'Di ba nakalagay sa ultrasound mo na ngayon ang due date mo?”

“Minsan hindi accurate ang bilang ng ultrasound. P'wedeng next week pa talaga ang due date ko,” sagot ko.

“Baka ma-over due ka na niyan ah.”

Hinawakan ko ang kaniyang braso at tiningnan siya sa mga mata. “Tiwala lang. Walang mangyayaring masama sa amin. Malapit na rin 'to.”

Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa kaniyang braso at hinalikan ito. Maya maya ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Binitawan niya ang kamay ko para kunin ang cellphone sa kaniyang bulsa at sagutin ito.

“Hello, dad? What is it?”

Bumaling ang tingin niya sa akin habang nakalapat sa kaniyang tainga ang cellphone.

“Okay, I'll be there.” Inilayo na niya ang cellphone sa kaniyang tainga at tumayo. "Pupuntahan ko lang si dad. Kaharap niya kasi ngayon si Mr. Ignacio, baka mawalan na naman siya ng kontrol sa emosyon niya." Hinalikan niya ang aking noo bago tuluyang umalis.

May naging kasalanan nga pala si Mr. Ignacio sa kanila. Sana lang maayos na nila ang issue at magkapatawaran na sila. Mas masaya kasing mabuhay nang walang kaaway o kaalitan.

***

Niyaya ako ni Jannise na maglakad-lakad na muna. Maganda raw kasi ang maglakad para hindi raw ako mahirapan sa panganganak.

"Gusto mong mag-yoga mamaya?" tanong niya habang naglalakad kami sa park. Hindi naman masyadong mainit ngayon kaya okay lang na maglakad-lakad rito.

"May appointment pa ako sa OB ko mamaya eh," sagot ko.

"Ay, gano'n ba? Samahan na lang kita. Wala naman akong klase ngayong araw, bukas pa."

"Sige." Huminto ako saglit sa paglalakad nang makita ang nagtitinda ng fries. "Magmeryenda na muna tayo." Hinila ko si Jannise patungo sa nagbebenta ng fries.

Habang niluluto pa ang in-order naming fries, may napansin akong pamilyar na dalawang tao sa may likuran ng vendor. Kahit na medyo malayo sila rito sa kinaroroonan namin ay namumukhaan ko silang dalawa. Si Dovee ang isa at kasama niya si Tristan na nakasuot ng itim na sombrero.

Nagpaalam ako kay Jannise na may pupuntahan lang ako saglit na malapit lang. Pumayag naman siya.

Habang papalapit ako sa kanilang dalawa, napansin kong may bumagsak na luha mula sa mga mata ni Dovee. Huminto muna ako sa paglalakad at nagtago sa isang malaking puno na malapit sa kanila. Pinagmasdan ko nang maigi si Tristan. Hindi pala siya 'yon kun'di si Troy. Kahit na magkamukhang-magkamukha ang kambal, madali lang makilala kung sino ang sino dahil sa suot ni Troy na hikaw sa kaniyang kanang tainga. Hindi ko ito napansin noong nagpapanggap pa siyang si Tristan dahil hindi naman niya sinusuot 'yon, nagsuot lang siya no'ng alam na naming siya si Troy.

"Ano? Hindi mo ba sasagutin ang tanong ko?" tila naiinis na tanong ni Troy kay Dovee.

Hindi umimik si Dovee na blanko ang ekspresyon at patuloy lang ang pag-agos ng luha sa kaniyang mukha. I know eavesdropping is bad, but I'm curious about what's going on between them. Marites mode ako ngayon.

"Hindi mo ba talaga ako sasagutin? Fine! I'll stop and I'll never show in front of you again if that's what you want." Iniwan ni Troy si Dovee na nag-iisa.

Pinunasan ni Dovee ang sariling mga luha at tuluyan na ring umalis sa kinatatayuan niya.

"Huy! Anong pinapanood mo riyan?"

Napatalon ako sa gulat nang bigla na lang sumulpot sa likuran ko si Jannise. Hawak na niya ang in-order naming fries na nakalagay sa paper cup.

"Wala. Tara na." Hinila ko na siya paalis doon.

***

Sinamahan ako ni Jannise sa OB-GYNE clinic para sa check up ko. Hindi na ako nag-ultrasound dahil IE na lang daw ang gagawin sa akin para i-check kung ilang cm na ako.

“Relax ka lang misis ha, ia-IE na kita,” sabi ng OB sa akin nang makahiga na ako.

Huminga ako nang malalim para i-relax ang sarili ko. Kapag may cm na raw, ibig sabihin ay open cervix na ako.

“Misis, 4 cm ka na. Malapit na 'yan,” nakangiting sabi ng aking OB.

Ngumiti ako nang may halong kaba. Masaya naman ako dahil lalabas na si baby, pero hindi ko rin naman maiwasang kabahan dahil maraming nagsasabing masakit daw.

Lumabas na ako pagkatapos akong payuhan ng OB sa mga dapat gawin sa oras na mag-labor na ako.

Tumayo na si Jannise na naghihintay sa tabi ng pinto nang makitang lumabas na ako.

“Kumusta naman?” tanong niya.

“Open cervix na raw ako at 4 cm na,” sagot ko.

“Hala, malapit na 'yan. Excited na akong makita si baby Breysha!”excited na sabi niya.

“Breysha?” naka-kunot ang noo kong tanong.

“Oo, si baby Breysha, Brey plus last syllable ng Nasha. Naisip ko lang na maging nickname niya 'yan kung sakaling may pangalan na kayong maibibigay sa kaniya. May naisip ka na ba?”

Napaisip ako sa pangalang sinabi niya. Unique ang Breysha kaysa sa naisip kong name na Andrea.

“Oo, may naisip na ako. Actually maganda 'yong suggestion mo. P'wede ko silang pagsamahin para maging Breysha Andrea Simpson.” Ngumiti ako.

“Ang cute pakinggan ng Breysha Andrea, bet ko 'yan. 'Buti na lang kayo ni Brey ang nagkatuluyan, ano? Ang pangit naman kasi ng Nicksha kung sakali.”

“P'wede namang Nisha,” biro ko.

“Oo nga 'no? Pero, Breysha pa rin.”

Naglakad na kami nang sabay palabas ng clinic habang nagkukuwentuhan tungkol pa rin sa mga pangalan.

“Cute din ang Jannisha,” sabi ko.

Tumingin siya sa akin. “Ay, bet! Next time gawa ulit kayo ng baby tapos kapag baby girl ulit, Jannisha ang ibigay mong name.”

“P'wede rin, pero sa magiging anak mo na lang 'yan ipangalan.”

Biglang nawala ang ngiti niya. “Baka nga hindi na ako magkaanak eh,” sabi niya nang mahina.

Tumigil ako sa paglalakad, gano'n din siya, at tumingin ako sa kaniya. Bakit bigla na lang niyang nasabi 'yan? May problema ba siya?

“Bakit?” tanong ko.

“Kailan lang ako nagpa-checkup sa doctor—”

Bigla akong kinabahan kaya napahawak ako sa magkabilang balikat niya. “M-may sakit ka? Anong sakit mo? Delikado ba 'yan tulad ng kay Cindy?”

Kumunot ang noo niya at parang hindi makapaniwala sa tanong ko.

“Anong tingin mo sa akin? Mamamatay na? Malakas pa ako 'no. Hindi mo kasi ako pinapatapos sa sasabihin ko. Ang sabi ng doctor, may polycystic ovarian syndrome daw ako kasi nga hindi regular ang menstruation ko,” paliwanag niya.

“'Yon lang pala. Akala ko kung anong sakit na iyan. Pero, may possibility na magbuntis ang isang tao kahit na may PCOS. At saka, bata ka pa naman kaya p'wede pang ma-normalize ang menstruation mo.”

“Kunsabagay... Change topic na nga tayo, medyo nakakadiri para sa akin ang mapag-usapan ang mens, baka kung saan pa mapunta ang topic natin.”

Dumiretso na kami pauwi at sumakay ng taxi habang nagkukuwentuhan.

***

Kinabukasan, kakauwi lang ni Brey matapos niyag puntahan kahapon ang kaniyang daddy. Hindi na siya nakauwi kagabi kaya mag-isa lang akong natulog sa kuwarto.

“I'm sorry, ngayon lang ako. Pinilit kasi ako ni mommy na sa bahay na muna ako matulog.”

“It's okay. Alam ko namang miss ka na ng mommy mo,” sabi ko nang nakangiti.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. “But I missed you. Ikaw, na-miss mo ba ako?”

I looked at him and pabirong nagkunot-noo. “Hindi nga eh.”

Tawa lang ang kaniyang ni-react, pagkatapos ay hinalikan niya ako sa pisngi bago tumayo at nagtungo sa kusina. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya roon.

Maya maya ay bumalik siya sa living room na may hawak na tasa. “May dala nga pala ako. Maganda raw 'to para saga buntis na malapit nang manganak sabi ni mommy.” Pinakita niya sa akin ang laman ng tasa at nakitang ginger tea ito.

Tinanggap ko ito. “Thank you.”

Nagkuwentuhan lang kami tungkol sa mga ginawa namin kahapon. Kinumusta ko na rin kung okay na ba ang daddy niya at si Mr. Ignacio, pero hindi pa rin daw okay. Siguro nga hindi pa talaga ngayon ang panahon para magkaayos sila. Pero sana, kahit anong araw o taon pa 'yan, magkaayos na sila. Ganoon din sana ang kambal na sina Tristan at Troy.

“Anong gusto mong ulamin?” tanong ni Brey pagkagising namin kinabukasan.

“Kahit ano na basta h'wag 'yong bawal sa akin,” sagot ko.

Si Brey na ang nagluluto ngayon dahil malapit na akong manganak at medyo sumasakit na ang balakang ko. Kagabi lang nagsimulang may maramdaman akong masakit.

“Kailan daw ulit ang next checkup mo?” tanong niya habang papunta inaalalayan ako pababa ng hagdan.

“Next week, kapag hindi pa raw pumutok ang panubigan ko. Two days ago lang 'yong last checkup ko.”

Pagbaba namin ay binitawan na niya ako at dumiretso na sa kusina. Ako naman ay dahan-dahang naglakad patungo sa sofa para sana maupo pero natigilan ako nang maramdaman kong sumasakit na ang aking balakang at puson. Napangiwi ako sa sakit at pinilit kong abutin ang sofa para makaupo. At nang makaupo ay medyo guminhawa na ang pakiramdam ko pero nararamdaman ko pa rin ang sakit. Sumandal ako sa inuupuan ko at hinaplos ang aking balakang. Ito yata ang tinatawag nilang nagla-labor. Masakit pala at p'wedeng abutin ng isang linggo.

“Okay ka lang ba riyan, Hon?” tanong ni Brey habang nakadungaw ang ulo mula sa may pinto ng kusina.

Ngumiti ako at nag-thumbs up sa kaniya. Tumango siya at muling bumalik sa ginagawa.

Matapos ang halos kalahating oras ay natapos na sa pagluluto ang asawa ko. Napangiti ako sa naisip kong iyon. Ang sarap sa feeling na tawagin siyang asawa ko.

Pinuntahan niya ako sa living room para alalayang tumayo. Medyo hirap na akong tumayo dahil sa bigat ng tiyan ko. Ngumiwi ako dahil sa naramdaman kong sakit sa aking balakang.

“Bakit? Anong masakit sa 'yo?” nag-aalala niyang tanong.

“Medyo masakit lang ang balakang ko, pero kaya ko pa naman. H'wag mo akong alalahanin. Tara na, hinihintay na tayo ng hapag.”

“Sigurado ka?”

Tumango ako at pinilit siyang pumunta ng kusina para kumain. Naupo siya sa harapan ko habang nag-aalalang nakatingin sa akin. Para bang hindi siya naniniwalang ayos lang ako, kaya nginitian ko at sinabing okay lang talaga ako at mabigat na kasi ang tiyan ko kaya sumasakit ng ang aking balakang.

Nakaka-tatlong subo pa lang ako ay sumakit na naman ang balakang at tiyan ko pati na ang private part ko. Sobrang sakit na ang nararamdaman ko kaya hindi ko na naitago pa aking pag-ngiwi. Napapasigaw na ako sa sakit na naging dahilan para mag-panic si Brey.

Dali-dali siyang lumapit sa akin. “W-what's happening, Hon?”

Napatingin ako sa ibaba nang makita ang tubig na umaagos pababa mula sa mga hita ko. Pumutok na ang panubigan ko.

“M-manganganak na ako...”

Binuhat niya ako kaagad at tumakbo patungo sa labas at isinakay ako sa kotse para idala ako sa hospital. Mabilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan at halatang kabado siya dahil nanginginig pa ang mga kamay niyang nakahawak sa manibela. Halos umiyak na ako dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Nakarating din kami agad sa hospital at agad nagtawag ng nurse si Brey. Maya maya ay may mga nurse nang tumatakbo patungo rito dala ang isang stretcher. Agad nila akong nilipat doon para maipasok na sa loob.

“Push, misis! Kaya mo iyan,” sabi ng doctor na nagpapaanak sa akin.

Ilang beses na akong umiire pero hindi pa rin lumalabas ang ulo ng bata. Umabot na ako nang halos isang oras sa kaiire.

“Mukhang kailangan ka nang i-CS, misis. Mapapahamak ang bata kapag hindi pa siya nailabas,” sabi ng doctor.

Agad akong pumayag dahil ayo'kong mapahamak ang baby. Pinasok nila ako sa operating room at tinurukan ng anesthesia bago operahan.

***

Nagising ako nang marinig ko ang iyak ng isang sanggol. Tumingin ako sa kaliwa ko at nakita ang isang sanggol sa aking tabi. Automatic aking napangiti at tumulo ang aking mga luha. Siya na si Breysha, ang baby na dala ko sa loob ng siyam na buwan.

Bumangon ako at kakargahin na sana nang unahan ako ni Brey na kunin siya.

“Ako na, mahihirapan ka dahil may dextrose na nakakabit sa 'yo.” Binigay niya sa akin ang bata. Maingat ko siyang kinuha.

“Hi, baby Breysha. Tahan na, gising na ang mommy. Gutom ka na ba?”

Pina-breastfeed ko siya dahil iyon ang recommended ng doctor. Tumahan na siya sa pag-iyak at nang mabusog ay nakatulog din siya kaagad. Hindi ko muna siya nilapag sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang kaniyang mukhang mahimbing na natutulog. Napaka-peaceful niyang pagmasdan. Hindi ko akalain na darating na siya kaagad sa buhay ko.

“Akin na muna si baby para makapagpahinga ka na. Ang sabi ng doctor, hindi ka muna p'wedeng kumain,” sabi ni Brey at kinarga ang anak namin.

Tumango lang ako bilang tugon. Ngumiti si Brey nang tingnan niya ang anak namin at nag-hum pa siya habang isinasayaw siya kahit na tulog na siya. Nakakatuwa namang pagmasdan ang mag-ama ko.

Ilang sandali ay bumukas ang pinto at pumasok ang maraming tao na may dalang mga balloon at pagkain. Sina Jannise, Tristan, Nick, kuya, Ate Lianne, tatay, Olivia, Dovee, at mga magulang ni Brey ang mga pumasok.

“Congratulations!” bati nilang lahat. Sobrang ingay na nga rito sa loob.

Unang lumapit sa akin si kuya at tinanong kung kumusta ako. Lumapit din naman kaagad sa akin sina Jannise at Nick para tanungin kung masakit ba ang manganak.

“CS ako pero naranasan ko rin ang umire kaya masakit talaga,” sagot ko.

Dahil sa ingay nila ay nagising na ang baby namin kaya umiyak ito. Agad naman silang tumahimik at pinatahan ito ni Brey.

“‘Yan kasi, ang iingay n'yo,” paninisi ni Jannise.

“Parang hindi ka rin nag-ingay ah?” sabi ni Nick.

Inirapan lang siya ni Jannise at bumaling na kay Breysha na iyak pa rin nang iyak.

“Oy, tahan na baby. Halika ka nga kay ninang.” Kinarga ni Jannise ang baby at sinayaw-sayaw siya.

“P'wede ka nang maging nanay, ate Jannise,” hirit ni Olivia na tinawanan naming lahat.

Ang saya nilang pagmasdan na tuwang-tuwa sa pagsilang ni Breysha Andrea. I am so blessed having her in our life.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Brey at matamis na nagngitian.

And I am so blessed having a man like Brey Simpson, my husband.