Chapter 50 - I Missed You

Nasa operating room ngayon si kuya. Iyak nang iyak si Ate Lianne sa isang tabi habang nakatayo at nagdadasal. Maging ako ay umiiyak din pero hindi ko masyadong iniiyak dahil makakasama sa bata.

Sina Jannise at Nick nakaupo lang sa mga upuan na nasa tabi habang tulala.

Ang dami nang mga nangyaring hindi maganda. Isa na lang at baka hindi ko na kayanin lahat ng mga unos na dumarating.

Sana ay okay lang si kuya. Ayo'kong mawala siya. Gusto ko pang makasama si kuya nang matagal. Ang tagal naming nawalay sa isa't isa kaya sana ay 'wag muna siyang kunin sa akin. Nabaril daw si kuya dahil tumulong siya nang may mga nanloob sa mall na pinagtatrabahuan niya kanina.

Lumapit sa akin si Jannise at inabot ang isang bote ng tubig. Nagpasalamat ako at ininom ito. Nilingon ko si Ate Lianne na iyak pa rin nang iyak kaya lumapit na ako sa kaniya para pagaanin ang kaniyang loob. Niyakap ko siya nang makalapit ako.

“Tahan na ate... magiging okay rin si kuya.”

“H-hindi ko alam ang gagawin ko k-kapag nawala siya... A-yo'kong mawala si Gerald...”

Magsasalita pa sana ako pero lumabas na 'yong doctor sa operating room. Agad namin nilapitan ni Ate Lianne ang doctor.

“Kumusta siya, doc?” tanong agad ni ate.

“He's okay now. Mabuti na lang at walang na-damage na internal organs nang tamaan siya sa tagiliran. Ililipat na namin siya sa ward niya at puwede niyo na siyang puntahan doon. Maya maya lang din magigising na siya. Excuse me,” sabi ng doctor bago umalis.

“Diyos ko! Salamat naman.” Nakahinga rin nang maluwag si Ate Lianne at ganoon din kami.

***

Nandito kami ngayon sa hospital room ni kuya. Wala pa rin siyang malay. Nakaupo si Ate Lianne sa tabi niya habang hinahaplos ang ulo ni kuya. Mabuti na lang talaga at hindi malala ang nangyari sa kaniya. Lumapit sa amin si Jannise at nagpaalam na uuwi na muna. Sinamahan siya ni Nick para ihatid sa kanila.

Umupo ako sa kabilang side ng hinihigaan ni kuya. Pinagmasdan ko ang natutulog niyang mukha.

“Akala ko mawawala na siya akin...”

Napatingin ako nang magsalita si Ate Lianne. Nakatingin lang siya kay kuya habang hinahaplos pa rin ang ulo niya. Mugto na ang kaniyang mga mata dahil sa kakaiyak niya kanina.

“... halos gumuho ang mundo ko nang mabalitaan ko ang nangyari sa kaniya. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag nawala siya sa akin.”

“Salamat sa Diyos dahil hindi niya hinayaang mawala si kuya sa atin. Ikakasal pa kayo at bubuo ng sariling pamilya,” komento ko.

Napahawak ako sa aking tiyan pagkatapos kog sabihin 'yon. Magiging pamilya ba kami ni Brey? Paano kung hindi na niya ako balikan? Paano na ang magiging anak namin?

Agad akong napatingin kay kuya nang marinig namin na umungol siya nang mahina. Ilang sandali lang ay dahan-dahang nagmulat ang kaniyang mga mata. Napangiti kami at agad siyang niyakap ni Ate Lianne. Kahit ako ay napayakap na rim sa kaniya.

“Dahan-dahan lang... masakit pa ang tagiliran ko...” sabi ni kuya na medyo nanghihina ang boses.

Kumalas kami agad sa kaniya. Tumawa nang mahina si kuya at napatingin kay Ate Lianne.

“Bakit mugto 'yang mga mata mo? Sobra mo siguro akong iniyakan 'no? Matibay 'to, hindi ako basta-bastang tatablan ng bala.”

“Gerald!” Muling naiyak si ate at niyakap si kuya.

Tumawa lang ulit nang mahina si kuya at hinaplos ang kaniyang buhok. Bumaling ang tingin ni kuya sa akin.

Kumalas siya sa pagkakayakap ni ate

at nginitian ako. “Naks, hindi umiyak ang kapatid ko. Alam na alam mo talagang bulletproof ang kuya mo.”

Sinimangutan ko siya at unti-unting namuo ang mga luha ko. Nawala ang ngiti ni kuya.

“Oh, bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali? Sorry na agad.”

“Kanina ko pa gustong umiyak nang umiyak, kuya! Ayo'ko lang ma-stress dahil baka mapaano 'yong bata...”

“Bata?” sabay na sabi nina ate at kuya.

Pinunasan ko ang aking mga luha at huminga nang malalim. Ito na ang time para sabihin ko sa kanila.

“Kuya... magiging tito ka na.”

Nakakunot ang kaniyang noo at tila hindi pa sumi-sink in sa kaniya ang sinabi ko.

“Tito? Bakit naman ako magiging tito kung wala naman akong pamangkin? Baka ang ibig mong sabihin ay ninong?”

“Buntis ka?” tanong ni Ate Lianne na mukhang nakuha niya ang ibig kong sabihin.

Napatingin si kuya kay Ate Lianne. “Ano ba 'yang sinasabi mo, mahal?” tanong ni kuya pero hindi siya nito sinagot.

“Tama siya kuya. Buntis ako. Magkakaroon ka na ng pamangkin.” Tipid akong ngumiti.

“Ano?! P-paano? Sinong nakabuntis sa 'yo?”

“Si Brey ang ama ng batang nasa tiyan ko, kuya. Sorry kung ngayon ko lang nasabi. Nakakahiya naman kasing sabihin na may nangyari sa amin ni Brey.”

Sumeryoso ang mukha niya. “Alam ba 'yan ni Brey?”

Umiling lang ako bilang sagot.

“May balak ka pa bang ipaalam sa kaniya?”

“Hindi ko alam, kuya. Sasabihin ko lang sa kaniya kapag gusto na niya akonb kausapin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa aiya ma-contact. Tinawagan ko na rin ang kapatid niya pero ayaw talaga akong kausapin ni Brey. Kasalan ko 'to...”

“Ano ka ba, Nasha? 'Wag mo ngang sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman alam ang nangyari sa ama niya, at nilabas mo lang ang hinanakit mo. At saka, kahit ganoon ang nangyari ay hindi sana siya nakipaghiwalay sa 'yo. Labas ang relasyon n'yo sa galit natin kay Mr. Simpson.”

Tama si kuya. Pero, nasaktan ko rin kasi si Brey. S'yempre ama niya 'yon. Kahit naman ako ay ganoon din ang magiging reaksyon ko.

“Kung makita mo si Brey, mag-usap kayo nang masinsinan lalo na't magkakaanak na kayo. Hindi puwedeng hindi niya panagutan 'yang bata,” dagdag ni kuya.

“Mukhang may aalagaan na akong tsikiting ah? Naunahan mo pa kami ng kuya mong magkaanak,” pagpapagaan ni Ate Lianne sa usapan.

Tumingin si kuya sa kaniya habang nakangiti. “Gusto mong dalawa ang alagaan?”

Pinitik ni ate ang noo niya. “Kasal muna bago ako magkaroon ng dalawang aalagaan.”

Tumawa kami ni kuya. Ilang sandali ay nakaramdam siya ng gutom kaya umalis muna si Ate Lianne para bumili ng makakain.

Tumingin sa akin si kuya. “Kapag hindi ka pananagutan ni Brey, huwag na huwag ka nang makikipagkita sa kaniya.”

Dahan-dahan lang akong tumango bilang sagot.

***

Isang linggo ang lumipas at nakalabas na ng ospital si kuya. Si Nick na muna ang sumagot sa hospital bills dahil wala kaming pambayad. Babayaran na lang namin siya kapag may sapat na kaming pera.

Mabilis na lumilipas ang mga linggo. Palagi nang nakadikit sa akin sina Jannise at Nick sa school para masiguradong safe ako. Mag-aapat na buwan na ang bata sa sinapupunan ko at may umbok na ang aking tiyan kaya kinailangan ko nang magsuot ng leggings at maluluwang na damit. Marami ang nakapansin sa tiyan ko. Ang akala ng iba ay nananaba lang ako, pero ang ilan ay tama ang hulang buntis ako.

“Buntis ka?” gulat na tanong ni Tristan nang makita ako.

Hindi kasi kami madalas nagkakasalubong dito sa school kaya hindi niya nakikita ang unti-unting pagbabago ng katawan ko.

Tumango ako bilang sagot.

“Ilang buwan na, ate?” tanong naman ni Dovee.

“Mag-aapat na buwan na.” Ngumiti ako.

“Hindi pa ba alam ni kuya 'yan?” seryosong tanong ni Tristan.

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong niya. Ayaw pa rin akong kausapin ni Brey. Wala na akong balita dahil hindi ko na nakakausap si Olivia. Busy na kasi 'yon sa Korea ngayon lalo na at kinuha siyang commercial model doon.

“Gusto mo bang tawagan ko si kuya? Mayro'n akong number niya at active pa.”

“'Wag na, Tristan. Okay lang naman sa akin kung ayaw niya akong kausapin. Malalaman at malalaman din naman niya. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon.”

“Sigurado ka? Paano 'yong mga gastusin mo sa mga vitamins?”

“'Wag kang mag-alala dahil maraming nag-aalaga sa akin.”

“Nasha!”

Nilingon ko si Jannise nang tawagin niya ang pangalan ko. Tumatakbo siya habang lumalapit sa amin. Huminto siya nang makalapit sa amin. Hinabol niya ang kaniyang hininga bago magsalita.

“Nakita ko si Brey kanina sa pharmacy nang bumili ako ng vitamins mo. Tara baka abutan pa natin siya roon!” She grabbed my wrist.

“Sandali, sigurado ka ba?” tanong ko habang hila-hila niya ako.

Nilingon ko sina Dovee at Tristan saka ako nagpaalam sa kanila.

Hindi naman malayo ang pharmacy dito kaya ilang minuto lang ay nakarating din kami roon. Luminga-linga kami ni Jannise sa loob ng pharmacy pero wala naman kaming nakitang Brey.

“Ano ba 'yan?! Umalis na siya, hindi man lang nag-stay saglit,” reklamo ni Jannise.

“Kinausap mo ba?” tanong ko.

“Hindi nga eh. Na-excite kasi akong tawagin ka kaya hindi ko na siya tinawag. Dapat kasi kinausap ko muna siya.”

Umiling-iling ako. “Halika na nga. May klase pa tayo maya maya.”

Hinila ko si Jannise at pagharap sa pinto ng pharmacy ay napahinto ako. Nakaramdam ako bigla ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin kami ni Brey sa isa't isa. Galing siya sa labas ng pharmacy dahil hawak niya ang handle ng nakabukas na glass door at nakaharap siya rito.

“Brey! 'Buti na lang bumalik ka!” bulalas ni Jannise.

“Mag-usap kayong dalawa. Aalis na muna ako,” dagdag niya.

Iiwan na sana niya ako nang hilahin ko ang kaniyang braso. “Dito ka lang,” mahina kong pakiusap.

“Ano ka ba? Kailangan n'yong mag-usap,” bulong niya.

“Kinakabahan ako eh! Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,” bulong ko pabalik.

“Mag-uusap lang kayo. Sige na, maiwan ko na kayo,” aniya at agad na humarap ka Brey na nakaharang pa rin sa may pinto.

“Kausapin mo ang bestfriend ko, Brey. Excuse me.”

Tumabi naman siya para makadaan si Jannise.

Nakatitig lang sa akin si Brey. Hindi ko alam kung galit ba siya o hindi. Hindi ko kasi mabasa ang expression niya. Napakamot ako sa likod ng aking ulo at awkward siyang nginitian.

“U-una ako.”

Yumuko ako at lalagpasan na sana siya nang hablutin niya ang aking braso. Para akong nakuryente nang mahawakan niya ako. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakakunot na ang kaniyang noo habang nakatingin sa tiyan ko. Nanlaki ang aking mga mata nang hawakan niya ang umbok sa aking tiyan. Dahil sa ginawa niya ay napaatras ako.

“U-una ako,” pag-uulit ko.

Ngunit hindi ko magawang umalis dahil hindi niya pa rin ako binibitawan.

“You're pregnant?” tanong niya.

Pagkatapos ng halos apat na buwan ay narinig ko ulit ang kaniyang boses. Gusto kong maiyak sa sobrang pagka-miss ko sa kaniya.

Tumango ako. “I'm sorry if I hurt your father... h-hindi ko naman intensyong i-trigger ang sakit niya—”

Naputol ang pagsasalita ko nang yakapin ako ni Brey. “I'm the one who should be sorry. I'm so sorry, Nasha Grace. Kung hindi lang ako nagalit sa 'yo, naaalagaan sana kita.”

Namuo na ang mga luha ko at nag-unahan nang lumabas. Niyakap ko siya pabalik. Sa wakas ay nahawakan ko na rin siya. Sobrang na-miss ko siya.

“Hindi na ulit kita iiwan. I promise,” he said and sobbed.