Chapter 45 - Under the Rain

Tapos na ang misa pero narito kami ni Brey sa loob ng simbahan. Gusto nya raw kasing makita ang altar kung saan daw kami ikakasal sa future. Grabe, wala pang 24hours na kami pero kasal agad ang nasa isip nya. Talagang mahal ako ng lalaking 'to. At oo, kami na. Mahal nya ako at mahal ko din sya, alam naming mahal namin ang isa't-isa kaya bakit hindi?

Magkahawak kami ng kamay habang nakatingin sa altar.

“Someday, tatayo ako dyan sa harap ng altar habang hinihintay ka.” Ngumiti sya, “I wish that day will come.” Tumingin sya sakin habang nakangiti. Kitang-kita ko sa mga mata nya ang pagmamahal habang nakatingin sakin.

“Darating yun.” I said with a loving smile.

Nilapit nya ang mukha nya sa may tenga ko at bumulong, “I want to kiss you right now, pero nandyan si father.”

Tumawa ako sa sinabi nya. “Ikaw talaga. Tara na nga.” Sabi ko at hinila na sya patayo.

Magkahawak-kamay kaming lumabas ng simbahan. Naglakad-lakad kami habang tumitingin ng mga panindang nakahilera sa gilid ng kalsada. Parang sa Divisoria.

Tumigil siya sa tapat ng mga accessories. Tumingin-tingin sya doon at nang makita ang hinanap ay binili nya ito. Isang pink at isang blue na bracelet ang binili nya.

Pinasuot nya sakin ang pink na bracelet na may mga letters na B. “Maganda ba?” tanong nya.

Ngumiti ako at tumango. “Eh para kanino yang isa?” tinuro ko yung blue na bracelet.

“Ah, this is for me. See this?” tinuro nya mga letters na nasa bracelet, “These letters are N, stands for Nasha. At yang suot mong bracelet ay B, stands for Brey. Cute diba?” ngumiti sya sakin.

Napanguso ako at tumango. Nangangawit na kasi yung bibig ko kakangiti. Nakaka-appreciate din pala sya ng mga cute na bagay. Nagulat naman ako nang bigla nya akong halikan. Smack lang naman.

Pinalo ko ang braso nya, “Uy ano ka ba? Nakakahiya, ang daming tao.”

Nginitian lang nya ako sabay akbay sakin saka kami naglakad ulit. May nakita akong mga nakahilerang nagtitinda ng balut at penoy. Nakakain na kaya sya nito?

Hinila ko sya patungo doon.

“Brey, kumakain ka ba nito?” tanong ko habang nakaturo sa mga balut.

“I ate it once. Pero hindi ko na matandaan kung kailan ang huling kain ko ng balut.” aniya.

Bumaling ako dun sa tindera, “Ate, kuha ako ng dalawa.” sabi ko sa tindera.

Binigay ko sa kanya ang isa. Humingi ako ng suka at asin nang mabalatan na namin ang balut.

Nang maubos namin ang balut ay humingi kami ng alcohol at bumili na rin ng tubig.

“Saan tayo?” tanong ko.

“Kung saan tayo makarating.” sagot nya at hinawakan ang kamay ko. Hinila nya ako kaya naglakad na kami.

Hindi kami nag-iimikan habang naglalakad, pero komportable naman sa pakiramdam. Magkahawak kami ng kamay, maya't maya din ang pag-angat nya sa mga kamay namin at hahalikan ang kamay ko. Sobrang sarap sa pakiramdam na may taong nagpapadama sayo na mahal na mahal ka nya. Nagpapasalamat ako't nakilala ko sya.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming naglalakad. Mabuti nalang at hindi gaanong mainit dahil medyo makulimlim.

Nakarating kami sa isang playground. Medyo marami pang mga batang naglalaro dito dahil Linggo at hindi ganun kainit. Naglakad-lakad lang kami hanggang sa may natanaw kaming batang lalaki na inaaway ng mas malalaki pang dalawang bata.

“Brey, tulungan natin yung bata. Mukhang pinagtutulungan sya ng dalawang batang mas malaki sa kanya.” sabi ko tumakbo na patungo sa mga bata.

“Hey! Itigil nyo yan!” sabi ko nang makalapit ako sa kanila. Nakaupo ang bata sa buhanginan dahil tinulak nila ito kanina. Tumingin ako sa batang inaaway nila, hindi ito umiiyak pero masama ang tingin nito sa dalawa. Hindi ko alam pero bigla akong may naalala, medyo malabo nga lang kaya hindi ko masabi kung ano yun. Hindi ko nalang pinansin yun at tinulungan ko nalang ang bata at pinagpagpag ang mga buhanging nakadikit na sa damit nya.

Pagsasabihan ko na sana ang dalawang batang umaway sa kanya pero bigla naman silang tumakbo. Sasabihan ko pa naman sana sila na mali ang ginagawa nila.

Bumaling nalang ako sa batang tinulungan ko, “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa bata.

Tumango sya, “Salamat po.” sabi ng bata at tumakbo na palayo.

“Ok lang ba yung bata?” tanong ni Brey nang maabutan ako.

“Oo, pagsasabihan ko pa sana yung dalawang bata pero tinakbuhan ako. Dapat marinig nila ang sermon ko sa kanila.”

Brey chuckled, “Sa magiging anak nalang natin mo sabihin ang mga sermon mo pag nakagawa ng mali.”

Napatingin ako sa kanya, “Anak agad?”

“Darating din ang panahon na magkakaanak tayo.” ngumiti sya ng malapad.

Kumunot ang noo ko at hinampas ang braso ko. “Wag mo kong binibiro ng ganyan. Pag-aaral muna, okay?” sabi ko.

Tumawa lang sya kaya iniwan ko sya. Kasi kung hindi ako magwa-walkout, makikita nya lang ang nangangamatis kong mukha.

“Nasha!” tawag nya pero hindi ako lumingon at patuloy lang sa paglalakad. Ayoko muna syang lingunin kasi hindi pa humuhupa ang pamumula ng mukha ko. Geez!

“Huli ka!”

Napatili ako nang tumalon sa harap ko si Brey. Nakahawak sya sa mga balikat ko habang ngiting-ngiti.

Napatitig ako sa mukha nya. Ngayon ko lang sya nakitang ngumiti ng ganito. Ilang beses ko na syang nakitang ngumiti pero iba yung ngiti nya ngayon, yung ngiting sobrang saya.

“Nagiging visible na yung pagbu-blush mo.” sabi nya habang tumatawa.

Tinakpan ko ang mukha ko at umalis sa harap nya.

“Saan ka pupunta? Nasha, I'm sorry. I was just kidding.” aniya at hinila ang braso ko.

Tinanggal ko na ang pagkakatakip ng mukha ko. Nakita kong kaharap ko ang swing na walang gumagamit kaya naupo ako doon.

Naglakad palapit sakin si Brey at umupo sa harapan ko. Inabot nya ang dalawang kamay ko at hinalikan ito.

“Sorry na.”

“Okay lang, Brey. Apology accepted.” sabi ko at ngumiti.

“That's what I love about you.”

Ngumuso ako para magpigil ng ngiti. Ang sweet talaga nito.

“Stop pouting. I might kiss you here.” sabi nya kaya pinasok ko nalang sa loob ng bunganga ko ang labi ko.

Pinisil nya ang pisngi ko at naupo sa isa pang bakanteng swing sa tabi ko.

Bumuntong-hininga sya habang nakatanaw sa malayo.

Tinitigan ko ang side profile nya. Hindi ko inakalang darating din ang araw na mamahalin ako ng isang tulad nya. Gwapo at mayaman. Hindi ko naman hinangad na magkaroon ng jowang gwapo at mayaman. Okay na sakin ang simple lang at simple din ang buhay. Pero nagpapasalamat pa rin ako kasi binigay sya sakin. Parang kailan lang na nahuhumaling pa ako noon kay Tristan. Tapos si Troy na nagpanggap na si Tristan.

Speaking of Tristan, naalala ko yung daddy ng kambal doon sa birthday party noon. Nag-sorry yung daddy nila kay Brey. Nacurious ako kung bakit. Pati na rin kung bakit galit siya kay Tristan. Pwede ko naman sigurong tanungin sa kanya?

“Uhm... Brey, may itatanong sana ako.”

Nilingon nya ako, “Sure, ano yun?”

“It's about Tristan and his dad. Bakit galit ka sa kanila?”

Bumalik ang tingin nya sa malayo.

“When Olivia, mom and I were abroad, my dad did something in the past. But it's all an accident. Humingi ng tulong si daddy kay Mr. Ignacio– ang kabit noon ni mommy. Pero, may kapalit ang ginawa nyang pagtulong. ‘Yun ay ang ibigay sa kanya ang company ni daddy. Naghirap kami ng ilang taon because of him. But fortunately, nakabangon agad kami. And about Tristan... well, we thought na si Tristan yung nakasama namin but it turns out na kakambal pala nya yun. Kung anong ugali ang nakita mo kay Troy, ganun din ang pinakita nya noong kasama pa namin sya. Tinago pala samin ni mommy na kambal ang anak nya. Hindi rin alam ni Mr. Ignacio noon kambal ang anak nila ni mommy. Ang totoo pala ay tinago lang ni mommy ang isa sa kambal. Pero kalaunan, nalaman din daw ni Mr. Ignacio ang tungkol sa kambal ni Tristan that's why binawi nya ito. Nasa ibang lugar kami noon nina daddy at Olivia kaya hindi namin nalaman ang tungkol doon. Ang alam lang namin ay binawi na sya ng ama nya.”

“Eh, pero, ano yung sinabi noon ni Troy na tinago daw sya?” tanong ko. Nalilito ako eh.

“I don't know. Siguro nalaman ni Mr. Ignacio ang tunay na ugali ni Troy, or maybe he don't want everyone to know about his existence.”

Tumayo sya at tumingin sakin. “Wanna go home?” tanong nya.

“Ayoko muna. Gusto pa kitang makasama.”

“Bakit? Aalis ka? You sound like you're going to leave.”

“Ha? Hindi. What I mean is, gusto kong makasama ka pa ng matagal ngayong araw.” paglilinaw ko.

“Ah, saan mo pa ba gustong pumunta? Hapon na oh at makulimlim, baka abutan ka pa ng ulan pag mamasyal pa tayo.”

“Okay lang, makakauwi rin lang naman ako mamaya.”

He sighed, “Alright. Let's go” aniya at hinila na ako.

Hindi pa kami nakakalayo sa playground pero mas lalong dumilim ang palagid. Nagsisialisan na rin ang mga batang naglalaro. May mahihinang kulog na rin kaya halos patakbo na kaming naglalakad patungo sa kotse nya na malayo pa samin. Naka-park kasi yun malapit sa simbahan, eh malayo na ang nilakad namin. Yan tuloy mukhang aabutan pa kami ng ulan.

Naramdaman kong may maliliit na patak na ng ulan kaya patakbo kong hinila si Brey.

“Hala, anlayo pa naman nung kotse mo dito!” malakas na sabi ko habang tumatakbo. Muntikan pa akong madapa, buti nalang magkahawak kami ng kamay ni Brey kaya nahila nya ako agad.

“Magdahan-dahan ka, Nasha.” sabi niya.

Ayun nga, inabutan na nga talaga kami ng ulan. Hinila ko sya sa isang waiting shed sa tabi para sana sumilong pero pinigilan nya ako.

“Bakit?” tanong ko.

“Naalala ko noong mga bata pa tayo, pinapanood kitang naliligo sa ulan. Tuwang-tuwa ka pa noon kahit wala kang kalaro.” sabi nya.

“Ha? Eh bakit hindi mo man lang ako sinamahang maligo noon sa ulan at pinanood mo lang ako?”

Ngumiti lang sya at hindi sumagot. Binitawan nya ang kamay ko at patalikod na umupo sa harapan ko.

“Sumakay ka na. Mahirap namang hilain ka habang tumatakbo at baka madapa ka na.” sabi nya.

“Sure ka? Baka mabigatan ka lang sakin.”

“Sa payat mong yan madali lang kitang mabubuhat.”

“Uy hindi naman ako payat, medyo lang.” sabi ko at sumakay na sa likod nya.

Tumayo sya at inayos ang pagkakapasan sakin saka sya nagsimulang tumakbo.

“Brey! Dahan-dahan lang baka madulas ka!”

Tumawa lang sya at mas binilisang tumakbo. May pagka-pasaway din pala itong Brey. Hinigpitan ko ang kapit sa kanya at sinubsob ang mukha ko sa tabi ng leeg nya habang nakapikit. Tumatama kasi sa mata ko yung ulan.

Mas lumakas pa ang ulan kaya binagalan na nya ang takbo nya hanggang sa makarating kami sa kotse nya. Binaba na nya ako at pinatunog ang sasakyan nya. Pagkatapos ay agad kaming pumasok sa loob. Basang-basa na kami. Niyakap ko ang sarili ko dahil sa lamig.

May kinuha si Brey sa passengers seat. Inabot nya sakin ang isang towel na hindi kalakihan.

“Paano ka?” tanong ko.

“Okay lang, matutuyo din naman to sa bahay.” sagot nya. “Pahupain na muna natin ang ulan bago tayo umalis. Medyo zero visibility na ang daan.” dagdag nya.

Tumango lang ako habang pinupunasan ang buhok ko. Nang matapos ako ay lumapit ako kay Brey at pinunasan ang buhok nya. Tumutulo pa kasi yung tubig ulan mula sa buhok nya.

Napatingin naman sya sakin habang pinupunasan ko sya. Nakatitig lang sya sakin. Ang sarap magmura sa gwapo ng mukha nya lalo na pag basa ang buhok. Buti nalang hindi ako palamura. Kung katulad ko lang si Jannise, maraming mura na ang natatanggap ni Brey ngayon.

Nakita kong napalunok sya at iniwas ang tingin sakin. Nang matapos ko na syang punasan ay binalot ko na ang tuwalya sa balikat ko dahil nilalamig na ako.

“Medyo humina na ang ulan. Uwi na tayo para makapagpalit. Mahirap na’t baka sipunin pa tayo.” sabi ko.

Pinaandar na nya ang sasakyan at nagsimula nang magmaneho. Tahimik lang kaming pareho. Ewan ko ba at tahimik kami ngayon.

Maya-maya ay nagsalita na sya, “Daan muna tayo sa bahay at nang makapagkape ka at makapagpalit ng damit. May mga damit pa namang naiwan doon si Oli.”

“Okay.” sagot ko.

***

Bumaba na kami nang mai-park na nya ang sasakyan nya sa garahe. Agad kaming pumasok dahil nilalamig na kami.

“Wala ka pa ring katulong dito?” tanong ko nang mapansing walang katao-tao sa bahay nila, pwera lang sa guard na nagbabantay sa may gate.

“I don't need one. Kaya ko naman ang sarili ko.” aniya at umakyat sa taas.

Sumunod ako sa kanya at dumiretso ako pupunta sa kwarto ni Oli. Pinihit ko ang doorknob pero naka-lock pala. Tatawagin ko na sana si Brey para hingin ang susi pero nasa likuran ko na pala sya. Hawak nya ang kamay kong nakahawak sa doorknob. I suddenly felt goosebumps and my heartbeat raced. Hawak nya ang susi ng kwarto ni Oli pero hindi nya pa rin pinapasok ang susi sa keyhole. Nakatigil lang sya at hawak pa rin ang kamay kong nasa doorknob. Lilingunin ko na sana sya pero niyakap nya ako mula sa likuran. Uminit bigla ang pakiramdam ko sa ginawa nya.

“Wag kang lumingon.” mahina nyang sabi.

“Ha? Bakit?” tanong ko pero nilingon ko pa rin sya.

Paglingon ko ay napatitig sya sakin. Kinalas ko ang pagkakayap nya sakin para makaharap sa kanya.

“Bakit? May problema ba?” tanong ko ulit.

He nodded. “I'm turned on right now. I'm sorry. ” he said and claimed my lips.

Malalim ang kanyang paghalik, at halos malunod na ako sa halik nya. Kusang umangat ang mga kamay ko papunta sa leeg nya at yumakap. He broke our kiss. Nakayakap pa rin sa leeg nya ang mga braso ko.

“I love you, Nasha...” aniya habang nakatitig sa mga mata ko. “... I love you so much.”

I smiled, “Me too, Brey. I love you.”

Nang masabi ko yun ay muli nyang hinagkan ang mga labi ko. Napatili ako nang bigla nyang itaas ang basa kong damit at tuluyan itong tinanggal. Naitakip ko tuloy ang mga braso ko sa hinaharap ko kahit na nakasuot pa ako ng panloob. Hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at tumingin sa mga mata ko.

Ngumiti lang ako at tumango. He claimed my lips again. We walked to his bedroom while we're kissing, then he shut the door close. We're still kissing until we reached his bed and we both slowly lied down.

Yes, I'm ready to do it with the man I love on top of me right now while kissing me.