Chapter 8 New King and Queen
Eliz's Point of View
Today is the proclamation, the new Campus King and Queen of Cortejo Campus. Wala naman akong idea kung sino ang pwedeng maging King or Queen dahil hindi ko pa kilala ang mga magagaling dito sa campus.
"Yow insan! Parang ang lalim ng iniisip mo ah," bulalas ni insan at inakbayan ako.
"Guys! Tara na, magsisimula na yung program!" masayang sigaw ni Lyca kaya nagulat kami. Hindi naman namin siya kasama kanina, akala ko nga ay absent dahil hindi naming makita. Kahit kaunting panahon pa lamang namin nakikilala si Lyca ay masasabi komg mabait siya, kahit may pagka-childish siya minsan.
"Sino kaya ang King?"
"Siguro si Shin my love!"
"Hindi kaya! Baka si Kean!"
"Eh, si Nathan kaya!"
"Si Ruhan kaya!"
Si Ruhan huh? And Nathan? Yung pinsan ko? Napansin ko din, puro lalaki yung naririnig kong pangalan, for sure lalaki ang rank 1.
Ang akala ko pa naman ay mga babae ang mga matatalino dito, it turns out na boys pala ang mas nage-excel. "By the way, Nathan. Sino ba yung mga magagaling dito?" tanong ko at tiningnan siya.
"Oo nga, Nathan? Sino yung mga sinasabi nila?" sabi naman ni Lyca at tinuro yung mga girls na kanina pa nagchi-chismisan. Sila yung mga babae na nagsasabi ng kung ano-anong pangalan including yung name ni Ruhan.
"Ahh, si Ruhan, sa tingin ko ay siya ang magiging Rank 1 dahil matalino siya at magaling sa sports, MVP nga siya sa Basketball eh."sabi ni Insan.
Luh? Si Ruhan pala ay may tinatagong talino at galing sa sport? Di halata huh. "Si Kean Hyun at Shin Choi naman ay half koreans, parehas na member ng volleyball boys, magaling sila pareho at pagdating sa academic ay magagaling din sila," paliwanag pa niya.
"Sino yung isa pa? Apat kasi yung narinig kong name eh," sabi naman ni Lyca at iniintay na magsalita si Nathan.
"And lastly... ako,"proud na sabi niya.
"Ikaw?!/Ikaw?!"parehas naming sigaw.
"Yes, magaling kaya ako sa basketball! Tsaka matataas ang grades ko.. Bago palang kasi kayo kaya di niyo alam," sabi niya pero di parin kami kumbinsido.
Wow ah? Matalino pala ang pinsan kong kurimaw? Char lang! Paanong hindi tatalino si Nathan eh halos lahat yata ng tutor sa Pilipinas ay kinuha ni Tita Madisson para lang tumino sap ag-aaral ‘to.
"To all students, please proceed to our Campus Hall."
Mas binilisan naming ang paglalakad, buti at kakaunti pa ang mga estudyante pero dun kami pumwesto sa gitna, ewan ba naming kung bakit ayaw namin sa unahan. Maya-maya pa..
"Shin ko!! Marry me!!!"
"Kean ang cute mo po!!"
"Omg Ruhan!! Akin ka nalang!!"
Panay ang tilian ang mga kababaihan ng pumasok ang tatlong kalalakihan pero si Ruhan lamang ang nakikilala ko sa kanilang tatlo. Iyong iba, kilala ko lamang ang pangalan pero hindi ko alam kung sino.
"Omg ang gwapo nila!"sigaw ni Lyca na katabi ko, katulad na din siya noong mga fangirls noong apat eh. Wagas kung maka-sigaw. "Wag ka maingay Lyca, mga mukhang unggoy naman ang mga yan eh."
"Hahaha hayaan mo yang si Eliz at hindi lang talaga siya attracted sa mga ganyang klase ng tao,"natatawang sabi ni Nathan.
Bakit? Ano bang klaseng tao sila? Or should I say.. tao ba sila? Baka mamaya mga kampon iyan ng kadiliman.
"Ang gwapo kaya nila Eliz, lalo na si Ruha-" *Cough! *Cough! "Ayos kalang Eliz? Eto tubig oh," alalang sabi ni insan at binigyan ako ng tubig. Agad kong ininom iyon.
What the?! Sinong gwapo? Si Ruhan? Sa dami nila si Ruhan pa ang napansin ni Lyca?! "Kaunting katahimikan at sa ilang minuto ay magsisimula na tayo." Hindi kami nag-usap pa nina Lyca. Busy si Insan sa phone niya at busy rin si Lyca sa katitingin sa piligid. Nakita ko yung tatlo na nagpunta sa unahang bahagi ng mga upuan sa mismong harap ng stage. Nagtataka nga ako kung bakit tingin ng tingin yung dalawa sa gawi namin. Ilang minuto ang nakalipas ay umakyat si Lolo Sevastian sa stage at mas tumahimik pa lalo ang loob ng hall.
"Goodmorning students! Gusto ko lamang magpasalamat dahil sa pagsisimula ng panibagong taon dito sa Campus. Ito na ang huling araw niyo para masilayan ang mga estudyante na nagtapos ngayong year," sabi ni Lolo Sevastian.
"Alam kong marami sa inyong nalulungkot dahil aalis na ang Campus King natin na si Yohan, "Pagkasabi ni Lolo noon ay umakyat sa stage si Yohan kasama ang tatlong lalaki.
"This is the Prime 4, Yohan Pedraza, Warren Yu, Jed Serriano and Paul Fuentes,"Pakilala ni Lolo. Oh, sila pala ang Prime 4 noong nakaraang taon. Infairness, may itsura silang lahat. "Ahhh!!" "Bye na mga labs ko!" "Huhuhu!!" "And now... for our next Campus King, alam kong matagal niyo nang hinihintay kung sino." Bumaba na ang Prime 4 maliban kay Yohan na paniguradong ipapasa ang kanyang posisyon sa tatawagin ni Lolo na susunod na King or kung babae man ang nasa rank 1. May isang staff na may inabot na box kay Yohan. I think I know what it is.
Noong na-meet ko si Yohan, may nakita akong badge sa damit niya na nagsi-symbolize ng pagiging King niya. Iyon siguro ang laman ng box. "For our Campus King... who do you think? Yes, ang nangunguna ay lalaki so, sino kaya?"
Tanging ang apat na pangalan lang na iyan ang naririnig ko at wala nang iba. Nakakabingi ang ingay dito kumpara kanina. Kanya-kanya sila ng cheer doon sa apat, para tuloy nagmukhang basketball game ito.
Hanggang ngayon ay nalulungkot din ako para sa nangyare sa Queen. Hindi ako makapaniwala na mamamatay siya pero ano bang ikinamatay niya? Nakalimutan ko pala itanong kay Lolo. Kahit pangalan niya ay hindi ko alam.
"Our Campus King is... Ruhan Night Pedraza!" sabi ni Lolo at naghiyawan lahat—teka, sino?
" What? Tama ba yung narinig ko o kailangan ko nang magpatingin ng tenga sa doktor? Ruhan? As in RUHAN PEDRAZA? Umakyat sa stage si Ruhan kaya hindi na ako makakapag-reklamo pa. Bakit naman ang Ruhan na iyan?
Nang makarating si Ruhan sa gitna ng stage ay panay parin ang sigawan ng mga estudyante. Lumapit si Yohan sa kanya at binuksan ang kahon. Inilabas siyang kung ano doon, hind inga ako nagkamali at isa iyong badge.
Medyo nakakalungkot din na aalis na ng Cortejo Campus si Yohan. Gusto ko pa naman siyang makilala. I know na may connection na kami sa isa’t-isa dahil nga nagkausap na kami one-time pero gusto kong maging friend niya.
I don’t know, basta there’s something about him na interested ako. Or baka I find him attractive? Why not? He’s literally my dream boyfriend. "And now, Mr. Pedraza... Do you already pick someone to become your Queen?"tanong ni Lolo.
"Yes,"sabi niya at madaming sumigaw at nagtilian na mga babae. Bakit ba ang lalandi ng mga babae ngayon? Hanggang ngayon ay shock parin ako sa pagiging King kuno ni Ruhan, sana lang talaga makayanan ng susunod na Queen ang pag-uugali ng kanyang King.
"Sino kaya?"
"Who's the lucky girl?"
"I think it's Bella, diba matagal na silang may something." Madaming bulungan ang namayani sa buong hall. At ang pinatutukuyan nito ay si Arabella Gomez, ang malanding babae.
"Who is your Queen, Mr. Pedraza?"Tanong ulit ni Lolo at si Ruhan naman ay tumingin sa paligid na animo'y hinahanap ang next Queen. May napansin din ako, na parang alam na ni Lolo Sevastian kung sino dahil nakangisi lamang siya at hinihintay na magsalita si Ruhan. Hindi na masama kung si Bella ang gawin niyang Queen.
Matalino si Bella at maganda, ewan ko lang sa ugali. Pareho sila ni Ruhan, so baka mag-wrk din kahit papaano. Hindi na ako nag-isip ng kung ano pa dahil baka masiraan lang ako ng ulo. Kanina pa nga ako naiinip dahil pa-suspense pa itong si Ruhan.
"Eliz, Eliz Cortejo,"sabi ni Ruhan at tumingin sa.... sa-akin?! W-wait…