Chapter 7 New Friend

Eliz’s Point of View

Kaya maaga akong gumising dahil maglilibot ako sa buong campus, pero dahil sa mas pinili kong intayin yung pinsan ko, heto ako at nakatayo.

Ang ending? Nalibot ko ang buong parking lot. Ang galling, di’ba? "Tss napaka-paimportante naman ng lalaking ‘yon," Hindi mapigilan ang maghimutok dahil halos twenty minutes na ako dito sa parking lot at kahit anino ni Nathan ay wala. Siguro ay gumaganti ito sa akin dahil lagi ko siyang pinag-iintay.

Sana pala ay sinabi ko sa kanya na may gagawin pa ako.

Beep beep! It's my cousin. "Sorry Eliz, tanghali na ako nagising eh," sabi niya at nagmadaling kinuha ang kanyang bag sa backseat ng kotse niya. Ano pa nga ba? Paniguradong late na ‘to natulog kagabi.

Hindi na ako nagreklamo pa, siya na din ang nagdala ng bag ko na lagi naman niyang ginagawa dati pa.

"Sila ba??"

"Magpinsan sila Angel no!"

"Diba apo din siya nitong may-ari ng school kagaya ni Nathan?"

"Mukhang alam na nila kung sino ka," bulong ni Nathan.

"Yeah, hindi ko nga pinapa-alam sa kanila eh kahit sa class tapos si Lolo naman sinabi sa buong Campus," inis na sabi ko.

"Hayaan mo na, atleast hindi ka nila aawayin dahil maraming bully dito," sabi niya kaya napatawa nalang ako. Ako? Matatakot sa bullies? Isang Eliz lang naman ang makakaharap nila.

"Anong ngiti yan insan? Parang kinakabahan ako ah," sabi ni Nathan at para bang hinuhulaan kung ano ang tumatakbo sa isip ko. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad nang mahagip ng mga mata ko si Arabella, right? Arabella Gomez.

"Mukhang may pinag-iinitan na naman si Bella ah, kawawa naman yung babae," sabi ni Nathan at itinuro yung babae. Kitang-kita si Bella na may ina-away na isang girl, at base sa damit nito na civilian ay masasabi kong bagong salta lang siya dito.

"Alam mo ba kung gaano kamahal ito? Kulang pa iyang walang kwentang buhay mo pambayad nito!"sigaw niya dun sa babae. Kailangan talaga abot sa pluto ang boses niya?

"Sorry, diko naman sinasadya, may pumatid kasi eh,"sabi naman noong girl.

"Sorry? Mababalik ba ng sorry mo yung classy dress ko?!" sabi pa ni Bella at akmang ibubuhos niya yung juice na hawak niya ng agad akong tumakbo mula doon sa kanilang kinarooroonan at pinigilan siya.

Masama ang ipinukol na tingin niya sakin. "Eliz, wag kana makialam dito." bulong sakin ni Nathan na nasa likuran ko lang at hawak ang braso ko.

"Oh is that your cousin Nathan? Eliz, right? Gusto mong sayo ko ibuhos itong-What the?!" Napasigaw siya ng kunin ko sa kanya ang juice at ibuhos iyon mismo sa damit niya. Kung kanina ay kapiraso pa lang ang basa, ngayon ay halos buong damit na niya.

"Are you freak?! Do you know it cost 5K?!"sigaw niya habang pinupunasan nang tissue ang damit niya. Sa lagay ni Arabella ngayon, kailangan niya ng isang kahong tissue.

"Oh eto..” mahinang sabi ko at naglabas sa wallet ng 5K. Limang libo lang pala eh, akala ko pa naman ay mga milyon. Biruin niyo, ang suot ko ngayong OOTD ay nagkakahalaga ng 50K plus yung mga accesories pa. Tapos dito sa epal na Arabella na ito ay 5K lang? Anong pinagmamalaki mo sis?

"Sino ka para gawin ‘yon sakin?! Isa ka ngang apo ng may-ari nitong school pero isa ang family ko sa may pinaka-malaking shareholders ng Campus na ito!"sabi niya.

"So what?"mataray kong sabi na ikina-inis niya pa lalo. Kung mabait ang isang tao, mabait ako, pero kapag katulad niyang maarte at walang manners, same lang kami.

"Baka gusto mong kausapin ko ang parents ko at sabihing babawiin namin ang lahat ng shares namen!"sabi niya at may pa-taas kilay effect pa. "Edi gawin mo, hindi namin kailangan ng pera niyo. Kaya kong palitan ang lahat ng mawawalang pera."taas-noong sagot ko.

Nag-usok ang kanyang ilong at tenga dahil sa sinabi ko. Yung mga mata niya na para bang kutsilyo na gusto ako patayin. Akmang sasampalin na niya ako pero may pumigil. I expected that, I expect na may sasangga ng sampal pero ang hindi ko inaasahan ay kung sino.

"R-ruhan! Help me! Tingnan mo yung dress ko oh! Dahil sa babaeng iyan, tinapunan niya ako ng juice!" Parang batang sabi niya habang lumapit kay Ruhan at isinabit ang braso niya sa braso ni Ruhan.

Pero napanganga na lamang ako ng umalis sina Arabella at Ruhan ng walang pasabi. What? Kinapampihan niya ang babaeng iyon? Magsama sila! Parehas masama ugali! Dahil sa inis ay naibato ko ang basong hawak ko sa hindi kalayuan.

Noong first day, sira ang araw ako. Pati ba naman ngayon? "Hey, are you okay?"tanong ko doon sa babae. Tinulungan ko siyang tumayo, pinagpag niya ang damit niya at inayos ang suot na dress.

"Ano ba ang nangyare at galit sayo si Bella?" Tanong naman ni Nathan.

"Naglalakad lang naman ako pero may pumatid sakin, eh nagkataon na hawak niya yung juice tapos may konting natapon dun sa dress niya." Paliwanag nung babae.

Konti lang pala eh, kung maka-arte naman yung Bella na yun. "What's your name, btw?" tanong ko.

"I am Lyca Collins, you are?" pabalik na tanong nito. Collins? Sila ba yung may-ari ng MOC, as in Mall Of Collins?

"I'm Eliz Cortejo, nice meeting you," sabi ko at inilahad ang kamay ko.

"This is my cousin, Nathan Cortejo," Nakipag-kamay rin siya kay Nathan. And nag-start na magkaroon ng something fishy ng mapansin ko ang titig ng aking pinsan kay Lyca.

Whoops? I guess, ‘the search is over’ na.

Mukhang mabait siya, hindi siguro siya tatagal sa Campus na ito kung di siya marunong lumaban. Hindi naman iyong actual na labanan, pero kung hindi ka matapang, hindi ka tatagal.

"Anong section mo ba?"tanong naman ni Nathan.

"Here oh,"Pinakita niya yung schedule niya.

"Magkaklase pala tayong tatlo eh, masaya yun," sabi naman ni Nathan. Tss, mukhang masaya ang isa dyan ah?

"Tara na, magsisimula na yung klase." sabi ko ko dahil kapansin-pansin ang pag-unti ng mga estudyante. Bukod sa nangyare kanina sa amin nina Arabella ay wala na naman kaming naging problema. Hindi ko na din nakikita si Ruhan kaya payapa ang buhay ko. Konting panahon na lang din naman ang hihintayin ko at magbabakasyon na.