Chapter 19 Jealous

Cairo’s Point of View

"Leave her alone, and don't call her Mine.. dahil akin siya."

Tandang-tanda ko pa ang sinabi sa akin ng Ruhan na iyon. So tama ako, na may gusto siya kay Eliz. Ayoko ng guluhin pa ang buhay ni Eliz dahil alam kong masaya na siya dito sa Pilipinas. Tanggap ko naman na hindi na namin maibabalik pa sa dati ang lahat.

"I need to go, Cairo."paalam sakin ni Eliz. Pasado alas-onse na ng gabi at mahigit tatlong oras ang itinagal ng pag-uusap namin ni Min—Eliz.

"May sasakyan ka ba? Ihahatid na kita."

"Ako na, may dala akong kotse. Sige na,"sabi niya. Habang pinanonood ko siyang umalis ay sandaling lumipad ang aking isip. Ang swerte ng lalaking iyon dahil isang Eliz ang mahal niya samantalang ako ay sinayang lang.

Si Eliz yung tipo ng babae na akala mo mahirap mahalin dahil may pagka-childish at baliw minsan pero kapag nakilala mo siya ng husto, hindi mo na mapipigilan pang mahulog sa kanya.

Mabait siya at may pakealam sa lahat ng bagay, mas uunahin niya pa ang iba kaysa sa sarili niya. Hindi siya expressive na tao at mas pinipiling sarilinin ang problema. Siya rin yung klase ng tao na mala-gangster ang datingan katulad ng Lolo niya.

Yes. She's Eliz Mine Cortejo... my friend.

Lyca’s Point of View

*Munch *munch...

"Hey, nakita mo ba si Eliz?"Tanong sakin ni Nathan na bigla-bigla nalang sumulpot sa tabi ko. Nandito kasi ako sa cafeteria kasi nga nagugutom ako. Wala kaming klase kaya ito at lumalamon muna ako.

"Hindi eh, bakit ba?" Noong matapos kasi yung klase namin kanina eh umalis na siya agad. Aayain ko nga sana kumain kaso mabilis pa sa bula at bigla nalang nawala.

"Hayaan mo na nga, nagugutom na din ako eh, pa-upo ha?"tumango na lang ako bilang sagot. Umalis siya at pumunta sa counter para bumili ng pagkain. Pagbalik niyabay sandamak-mak na pagkain amg dala niya.

"Bibitayin kana ba? Baka tumaba ka niyan ah,"bigla kong sabi. Siguro ko ay mga sampung dish yung dala niya. Lupet naman ni Nathan.

"Ahh kasi.. okay lang ba kung may i-invite akong isang tao? Kung okay lang naman?"wika niya.

"Oo naman, sino ba?" tanong ko ng biglang tumingin siya sa likod ko. Siguro ay ito na yung sinasabi niyang sasalo samin. Napalingon ako sa likod ko at nagsalita ang isang babae.

"Hi Nathan, hello Lyca!"Medyo nagulat ako kasi kilala niya ako pero siya.. hindi ko siya kilala eh. Pandak siya pero di naman masyado, yung buhok niya eh wavy na kulay brown tapos maganda din ang hubog ng katawan niya. Actually, ang cute niya.

"A-ah hi, you are..?"Nahihiyang sabi ko kasi pakiramdam ko-basta!

"Oh, I'm Sofie Salazar, pinsan ko si Kean ng Prime 4,"sabi niya kaya naman tumango ako. Tumayo si Nathan at hinila ang upuan para maka-upo si Sofie.

"Is there something going between... the two of you?"tanong ko at natawa naman itong si Sofie. What? Mali ba ako ng hula?

"Hay naku, wag kang magselos at kaibigan ko lang itong si Nathan, di'ba?"Sabi niya kaya nanlaki ang mata ko. Heck.

"Ano bang sinasabi mo Sofie? Hindi ako nagseselos ah."Wika ko at uminom ng iced tea. Ano naman ang basehan niya na nagseselos ako? Tsaka si Nathan, we're just friends okay?

"Let's eat, baka lumamig pa ang pagkain."Iyon nalang ang nasabi ni Nathan kaya naman sabay-sabay kaming kumain na tatlo. Sa buong oras na magkakasama kami ay nararamdaman kong para akong third wheel.

Well, kahit sinabi ni Sofie na walang sila ay hindi iyon ang nakikita ko.

"Hahaha! Ano ka ba Nathan? Nakakahiya ayun, wag mo na i-kwento!"ani Sofie at hinampas pa sa braso si Nathan. Nakita ko na naka-akbay kay Nathan yung kamay ni Sofie. Eh ano naman sakin? Pake ko ba sa kanilang dalawa.

"Talaga ba Sof? Hahahaha!"pang-aasar pa ni Nathan at humagalpak ng tawa.

Ano? Wala ng bukas? Sa totoo lang eh ngayon ko lang nakita si Nathan na ganyan kasaya. May gusto kaya itong mokong na'to kay Sofie?

"Oh, Lyca? Is there something wrong? Bakit parang ang tahimik mo ata?"tanong sakin ni Nathan kaya naman napatingin din sakin si Sofie.

"Nothing, may iniisip lang,"sabi ko at hindi na ako muling tinanong ni Nathan.

Kanina ko pa ubos yung kinakain ko at sobrang busog na ako. Gusto ko sanang um-order ng dessert kaso ayokong umalis dito. Nagawi ang tingin ko sa kamay ni Sofie na nasa braso ni Nathan na tumataas papunta sa leeg niya.

What the? Hindi ba iyon napapansin ni Nathan o sadyang gusto niya iyon. Abala sila sa pagku-kwentuhan ng biglang napatingin sakin ni Sofie kaya nag-iwas ako ng tingin.

Matapos ang ilang segundo ay nagawa muli ang aking paningin sa kamay ni Sofie na nasa batok na ni Nathan at parang naglalandian pa ang dalawa. Wha the fudgee bar? May lahi bang Shin itong si Nathan at parang babaero din?

Pero mas lalong akong na-windang ng hinawakan pa ni Nathan yung kamay ni Sofi na nasa batok niya. At talagang dito pa sila maglalandian?

"Urgh!"Bigla kong sabi at hinampas ang lamesa gamit ang kamay ko kaya napatingin sakin yung dalawa.

"Lyca? May problema ba?"tanong sakin ni Sofie at halatang nag-aalala sa kinilos ko. "Wala! Ba-bye!"Galaiting sabi ko at isinukbit ang slingbag at naglakad papalabas ng cafeteria. Tumakbo ako sa building na katapat ko.

Ito ang building kung saan may pinaka-magandang view sa rooftop. At ito rin ang pinaka-mataas na building dito sa campus. Pagkarating ko sa taas ay sumulyap ako sa kabuuan ng campus at dinamdam ang simoy ng malakas na hangin.

Bakit ba ako tumakbo? Bakit nga ba? Urgh! Gaga ka talaga Lyca! Baka kung anong isipin nila! Grabe naman kasi yung dalawang yun, parang walang tao sa harapan nila eh, ito namang si Nathan eh gustong-gusto!

Ngayon ko kang siya nakita na ganyan sa babae or baka nga hindi ko pa siya kilala. "So, you're jealous huh?"Bigla akong kinabahan at tumingin sa likuran ko.

It's Sofie. Paano niya nalaman na nandito ako? "Ilang beses ko bang dapat sabihin na wala akong gusto kay Nathan-"

"Oops, ikaw ang nagsabi niyan."

The fudge! Iniinis ba ako ng isang ito?! "Aminin mo na kasi Lyca, nagseselos ka.."wika niya at naglakad papalapit sakin.

"Hindi nga sabi eh,"pagde-deny ko. Eh sa hindi nga ako nagseselos eh! Bakit ba pinipilit ng babaitang 'to?!

"Talaga ba? I can see it in your eyes.."Sabi pa niya at para bang tinitigan pa lalo ang mga mata ko. Takte, iniinis ba ako ng babaeng ito?

Akala ko pa naman kanina ay mabait siya base sa looks and appearance niya pero hindi! She's annoying!

"Eh ano naman sayo kung nag-seselos man ako?"Biglang sabi ko. Kung lang ha! 'Kung'! Para lang matigil ang babaeng ito.

"Well, kung ako sayo ay huwag kanang magsayang ng oras.. dahil baka mahuli ka at.. sa iba siya bumagsak,"sabi niya kaya naman nahulog sa kawalan ang utak ko.

Ano naman ang ibig niyang ipahiwatig? Iniisip ba niya talaga na may gusto ako kay Nathan?

"Whatever Sofie, will you please leave me alone?"Sabi ko at tinarayan siya.

"Fine, but... pag-isipan mo mabuti ang sinabi ko, malay mo bukas, magsisi ka."Iyon ang huli niyang sinabi at iniwan akong nakatulala. Kailangan ko ba talagang magselos?