Chapter 18 Reason
Kean’s Point of View
Pagkatapos naming maghanda ay pumunta kami sa garahe nina Ruhan para kumuha ng sasakyan. "Ilang sasakyan ba dadalhin natin?"tanong ni Nathan at tiningnan si Ruhan.
May limang kotse kasi dito pero syempre hindi kami pwedeng magtigi-tigisa.
"Dalawa. Kean at Nathan, kayo ang magkasama. Kami namang tatlo sa isa pa."
Parehong Bugatti Veyron ang dinala namin pero magkaiba ng kulay, ang samin ay kulay black at kina Ruhan ay asul. May kalayuan kasi iyong byahe, mga dalawang oras siguro bago namin marating ang warehouse kung saan ime-meet si Erol, yung ka-transaction namin sa labas ng bansa.
Legal ‘to ha? Baka akala niyo…
"Hey, Nathan.. sino yung Cairo?"Tanong ko kay Nathan at pinagpatuloy ko ang pagda-drive.
"Manliligaw ni Eliz, ten years ago? I don’t know,"sagot niya habang nagce-cellphone.
Manliligaw lang?
"Manliligaw niya pero iniwan siya. Mahal na mahal ni Eliz si Cairo pero isang araw, nagpunta ng Canada si Cairo at hindi na ulit bumalik."—Nathan
"Oh, eh bakit naman bumalik siya? Para saktan ulit si Eliz?"—Ako.
"Iyan din ang gusto kong malaman,"sagot ni Nathan. Kung ako kay Eliz ay hindi ko na tatanggapin sa buhay ko ang isang nang-iwan na. Kapag wala na, wala na talaga. Hindi na uso ngayon ang comeback.
"Malapit na ba tayo?"tanong ni Nathan.
"Medyo," nanliit ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Medyo malapit o medyo malayo, sakalin kita dyan eh."Inis na sambit ni Nathan kaya natawa nalang ako. Sorry, that's me.
Shin’s Point of View
Hi! My name is Shin, do you want to be my babe?
Joke lang, may jowa pa ako, next nalang kayo, huh?
KRIING!!!
Napatingin ako sa cp ko at napangiti ako ng malaman ko nung sino ang tumatawag. It's Selena, my gf.
"Hello, babe?"—Me.
"Where are you? I need you right now at my condo."
"Sorry but I'm with Ruhan. Why babe?"
"I really want you .."
"Let's break-up."
"Huh? Shin, w-what are you saying?"
"Tapos na ako sayo, bye."Sabi ko at binaba ang tawag. Pinatay ko na rin ang phone ko para hindi na siya makatawag. Napatingin naman ako kay Eliz na ang sama ng tingin sakin. What?
"What?"patay malisyang sabi ko.
"Kung ako dyan sa kausap mo, maghi-hire ako ng assassin para ipapatay ka,"bored na sabi ni Eliz.
"Anong tingin mo saming babae, laruan?"tanong pa niya.
"Well, kung ikaw lang din naman ang magiging gf ko, papakasalan na kita,"sabi ko at binigyan siya ng matamis na ngiti.
"Gusto mong pakasalan 'to?"sabi niya at nagulat ako ng tutukan niya ako ng—b-baril? Kung sakali mang maging gf ko si Eliz, magtitino na po ako!
She's a sadist!
Eliz’s Point of View
One day ago…
Kahit ano mang problema ang dumating sa buhay mo, kailangan itong harapin, gaano man ito kalaki o kalala. Hindi mo matataksan ang problema kung tatakbuhan mo ito.
"Explanation, now." Hindi ako pwedeng magpakita mg kahinaan lalo na at alam kong ang usapan na ito ay ang sumira sa aking nakaraan. Ako mismo ang nag-aya na magkita kami ngayong gabi.
Kalalabas ko lang ng hospital kaninang hapon at napag-isip-isip ko na ready na akong kausapin si Cairo. I hope.
"Mine... I—"
"Huwag mo akong tawagin sa second name ko. Hindi ako sanay at hindi ako sa iyo,"walang emosyong sabi ko habamg nakatingin sa kanya.
Siya lang ang tumatawag sa second name ko dahil sabi niya ay magiging sa kanya din naman ako nung nanliligaw pa siya pero ngayon, I don't think so.
Hindi ako pwedeng bumigay sa anumang idadahilan ni Cairo dahil ayoko ng ma-involve siya sa buhay ko. Hindi dahil sa wala akong pakealam sa kanya pero baka puntiryahin din siya ng mga nagpapadala ng death threat sakin. Ayoko na siyang mapahamak pa.
"E-eliz, noong araw na iyon.."
"... labag din sa kalooban ko na iwan ka pero wala akong magawa dahil iyon ang kagustuhan ni Dad. Sabi niya na kapag hindi tayo naghiwalay ay siya mismo ang gagawa ng paraan para masira tayo,"panimula niya.
Gusto kong magsalita pero hindi nalang. Baka maiba pa ang usapan at iba ang kahinatnan.
"Kapag hindi ko pinakasalan si Rhea, mawawala ang lahat sa pamilya ko kaya mas pinili ko na isakripisyo kita dahil hindi ko kayang makitang nahihirapan ang pamilya ko,"dagdag ni Cairo.
Medyo na-guilty ako sa sinabi niya. Samakatuwid ay wala siyang choice. Mas matimbang ang pamilya niya kaysa sakin. Sino ba naman ako di'ba?
"Pero.. pero bakit ka pa bumalik? "Wala sa sarili kong tanong ko lahit medyo masakit marinig yung tanong na iyon. Napangiti lang siya ng mapait.
"Ayaw mo na ba talaga akong makita?" Tanong niya at halatang nalungkot sa tanong ko.
"Isang araw, naki-usap samin si Carrie na kung pwede... pwedeng siya nalang yung magpakasal para ma-save yung company namin at pumayag si Dad. Ginawa yun ni Carrie para mabalikan kita—"
"What?"hindi makapaniwalang sabi ko. Si Carrie?
"Yes, nagpakasal siya sa kapatid na lalaki ni Rhea kaya nailigtas ang company namin."—Cairo.
Kung ganun.. nagsakripisyo si Carrie? Pero bakit hindi niya sinabi sakin? "Kaya ako bumalik para pormal na humingi ng tawad sa iyo, dahil umalis ako ng hindi sinasabi ang dahilan ng pag-alis ko. Sorry, Eliz.. dahil sinaktan kita."
Gustong umiyak dahil sa mga narinig ko. Walang kasalanan si Cairo dahil wala naman siyang magagawa kung ipapakasal siya. Pero yung ginawa ni Carrie, bakit siya? Bakit niya isinakripisyo ang sarili niyang kaligayahan?
Nagsakripisyo siya para sa amin ni Cairo pero alam kong sayang lang iyon. Dahil hindi na maibabalik pa ang dati. "Hindi ko din naman hinihiling na maging tayo muli dahil alam kong may mas karapat-dapat sa iyo at hindi ako yun,"sabi niya kaya nagtaka ako.
"So sinasabi momg hindi ka karapat-dapat sakin umpisa palang?"Sarkastikong tugon ko.
"Dahil sa pag-alis ko sa buhay mo, nakilala mo rin ang lalaking sa tingin ko ay mahal na mahal ka. Yung hindi ka sasaktan, yung hindi ka iiwan."—Cairo.
Cairo...
"Alam kong 'mas' siya kaysa sakin at aalagaan ka niya ng buong puso."
Naguguluhan ako sa sinasabi ni Cairo, ano bang gusto niyang palabasin? "I know, naguguluhan ka pero mas mabuti siguro na hindi ko na pangaraping makapasok muli sa puso mo,"mababakas mo sa pananalita niya ang lungkot.
"Siguro nga ay mas okay na magkaibigan nalang tayo kaysa ibalik yung dati,"sabi ko at tumingin sa kanya. Oo, wala na nga siguro akong nararamdaman sa kanya.
Siguro..