Chapter 17: Lovebirds

Eliz's Point of View

"Mine... let me explain."

"Wala na dapat tayong pag-usapan... Cairo. Ikaw na mismo ang nagsabi.. kalimutan na kita." Tama naman ako di'ba? Siya ang tumapos nang kung ano man ang meron samin.

Bakit kailangan pa niyang bumalik? Hindi porke siya ang tumapos, pwede niya pang ibalik. Oo, gusto ko siyang makita pero hindi ito ang tamang oras at panahon dahil hindi pa ako handa.

Tiningnan ko ang kamay na nasa balikat ko at tinanggal iyon.

Sorry… Habang tumatakbo ako ay patuloy parin ako sa pag-iyak hanggang sa may mabunggo akong tao.

"Sorry..."pagpaumanhin ko at pinahid ang mga luha sa pisngi ko.

"Eliz—Why are you crying?!"tarantang sabi noong nabunggo ko at napagtanto kong si Ruhan pala iyon.

"Ruhan.." Kailangan ko talaga ng masasandalan ngayon dahil anumang oras ay baka hindi ko na naman kayanin. Sinabi ko sa sarili ko na handa ko ng harapin si Cairo pero hindi pa pala. Matapang ako sa maraming bagay pero pagdating sa kanya ay nawawala na ang tapang ko, siya ang kahinaan ko...

"Mine!"Pareho kaming lumingon ni Ruhan. It's Cairo again.

"Umalis kana! Ayaw kitang makita!" sabi ko sa kanya at kumalas ng yakap kay Ruhan.

"Please Mine, let me explain. We can solve this!"sabi ni Cairo. No Eliz. Hindi ka pwedeng magpadala sa kanya. Wag ka ng magpapaloko. Hindi ka pwedeng maging marupok.

"Mabuti pang umalis kana, dre,"sabi ni Ruhan.

"Bakit? Sino ka ba? Wag kang maki-alam," ani Cairo.

"Umalis kana! Masaya na kami, hindi mo ba nakikita? Ikaw na yung unang sumuko at hindi ako. Masaya na ako sa buhay ko at ganun ka din. Kaya please lang... huwag mo na akong guluhin. Please..."pagma-makaawa ko.

Bakit ba mas ginagawa niyang komplikado ang lahat? "Pero Mine..." Nasa likuran ako ni Ruhan at kitang-kita ko kung paano sila magpatayan ng tingin. Nataranta ako ng unti-unting lumapit si Ruhan kay Cairo kaya naman kinabahan ako. Naka-hinga naman ako ng maluwag ng nakita kong may ibinulong si Ruhan kay Cairo. Pagkatapos noon ay dumako na siya sa kinaroroonan ko at hinila ako palayo kay Cairo. Ano yun?

"Anong sinabi mo kay Cairo?"tanong ko kaya napatingin siya sakin.

"It's nothing, don't mind it. Are you okay?"

Hindi ko alam pero parang ibang Ruhan ang nakikita ko. Yung Ruhan na mabait at maalalahanin. Oh baka ako lang iyong dahilan kung bakit kami nag-aaway lagi. "I guess,"tipid na sagot ko pero ang totoo ay hindi pa talaga.

Sa maniwala kayo't sa hindi, gusto kong marinig ang paliwanag ni Cairo pero natatakot ako sa isasagot niya. Natatakot ako...

___

Tahimik akong naka-upo sa kama habang sinusuklay ang buhok ko. Kaka-gising ko palang pero inaantok parin ako. Hindi ko nalang inisip yung nangyari kahapon sa parking lot, nakaka-stress eh. And about naman sa campus. Maayos namang natapos yung celebration.

Sabi ni Lolo ay iyon na ang huling pagtitipon na magaganap sa campus dahil pansamantala munang isasara ang Cortejo Campus, pero hindi pa sure kung kailan. Baka next week?

Nalungkot ako pero at the same time, inisip ko parin na para iyon sa safety ng bawat isa, tsaka through online muna kami mag-aaral.

"Eliz? Pupunta ako kina Light, gusto mong sumama?"

"Bakit mommy?"

"Tuturuan ko kasi si Light mag-bake ng cake."

"Okay, maliligo lang po ako."

Kean’s Point of View

"Let's go, malayo pa yung pupuntuhan natin,"sabi samin ni Ruhan kaya naman minadali na namin ang pag-aayos ng mga gamit namin. Inayos ko ang suot kong bulletproof vest at nagdala narin ako ng dalawang baril. Ayos na siguro yun?

"Eliz? What are you doing here?"Nagulat ako ng magsalita si Nathan kaya nadako ang paningin ko sa pinto at nandoon si Eliz—Eliz?

"Sama ako, pwede?"

"No, delikado ang gagawin namin tsaka... hindi ka pa okay."Sabi ni Ruhan at nagpatuloy siya sa pag-aayos ng gamit niya. Paano nalaman ni Eliz na aalis kami ngayon? Sumimangot naman si Eliz at muling lumapit kay Ruhan.

"Okay na ako, promise! Kaya dali na!"Maktol pa niya na parang bata.

"Tss, wag kanang makulet. Baka mapahamak ka, edi kargo kapa namin?"Sabi ni Ruhan at umiling-iling pa.

"Sino kaya itong bobo na nagpatama sa baril noong isang linggo. Hindi manlang iniwasan,"sarkastikong wika ni Eliz kaya naman napatingin sa kanya si Ruhan.

Tumingin ako kay Shin na halatang nag-e-enjoy sa namumuong away ng dalawa. "Malay ko bang tatamaan ako, sa likod ko galing,"sagot naman ni Ruhan.

"Oh e alam mo naman palang sa likod galing edi sana umilag ka."—Eliz.

"Tss, isa't-kalahating t*nga kaba? Kung alam kong tatamaan ako edi sana umilag ako."—Ruhan.

"At ako pa ang t*nga? Ikaw nga eh nabaril na tapos di pa nagsasabi" —Eliz.

"Kase nga ayaw kong mag- alala—basta wag kana makulet!"—Ruhan.

"Eh gusto ko nga sumama! Okay na akooo!"—Eliz

"Talaga ba, Cairo?"—Ruhan.

"Anong—"Napatigil si Eliz ng marinig ang sinabi ni Ruhan. Cairo? Who's that guy?

"See? Affected ka—Aray!"Napahiyaw si Ruhan ng ihampas sa kanya ni Eliz yung arnis na nasa tabi ng cabinet. Ouch, masakit yun ah?

"May popcorn ba tayo?" Bulong sakin ni Nathan at nginisian ako. Tss, tuwang-tuwa sa kat*ngahan ng dalawa. Bumalik ang tingin ko sa dalawa na patuloy parin sa pag-aaway. Syempre, kawawa si Ruhan dahil hindi naman niya kayang saktan si Eliz.

Pero si Eliz? Ayon, todo hampas. "Tumigil na nga kayo at baka kayo mga lovebirds, baka kayo ang—"Sabi ni Shin tiningnan nila si Shin ng masama.

"No!/Asa!"sabay nilang sabi.

"Fine! Sumama kana!"Pagsuko ni Ruhan at nagtatalon sa tuwa si Eliz. Hinagisan niya si Eliz ng isang strap belt at isang baril.

Of course, kailangan niya iyon kung sakaling may mangyare man. Alam niyo kasi, maraming may galit sa amin, lalo na iyong mga nae-expose naming dahil sa illegal transaction. Pero napa-tulala nalang kami ng itaas ni Eliz ang palda na suot niya at na-exposed pa lalo ang binti niya dahil sa pagsusuot niya ng strap belt.

"Eliz!"Suway ni Ruhan kaya tumingin siya samin at namula ng malaman ang ginawa niya.

"Hehehe, peace?"Sabi niya ng matapos ikabit ng strap belt at ilagay yung baril.

"Hoo! Ang init!"Reklamo ni Shin kaya napatingin kami sa kanya at binigyan ng nakakamatay na tingin. Aaminin ko, na-love at first sight ako kay Eliz pero syempre, crush lang. Maganda kasi siya at matalino pa, mga bagay na sobrang nakaka-attract para sa isang babae. Pero ayoko pang matodas kaya, say no to Eliz tayo.