Chapter 6: Lasing
NAG-UNAT muna ako dahil ramdam ko ang sakit at ngawit ng likuran ko. Nakaramdam na rin ako ng antok at pagod. Napahikab ako bago ako tumingin sa orasan, 2 AM na pala ng madaling araw at last na ang pag-order ng costumer sa alak at makakapag pahinga na rin ako.
Pina-serve ko na kay Jes ang huling alak bago ako dumiretso sa locker room para makapagpalit na ng damit. Mabilis lang akong kumilos saka ako lumabas sa locker. Wala nang masyadong costumer sa bar dahil hanggang alas tres lang bukas ang bar na ito. Kaya maya-maya'y magsasarado na ito.
"Una na ko sa inyong umuwi," pagpapaalam ko sa mga kasama ko.
"Sige Britney, ingat sa pag-uwi. Kami na ang bahala magsara ng bar," sambit ni Janah.
Tumango na lang ako sa kaniya. Handa na 'kong lumabas ng bar nang magawi ang tingin ko sa table ni Luxary at nakita ko siya doon na natutulog.
Napailing na lang ako saka ko siya nilapitan para pauwiin.
"Mr. Navarro," tawag ko sa kaniya at naupo sa tabi niya.
"Mr. Navarro," tawag ko ulit.
Umungol lang siya at halatang lasing na lasing dahil medyo naaamoy ko na rin sa hininga niya ang mga alak na ininom.
Bakit ba siya naglasing?
"Kailangan mo ng umuwi," mahina pero mariin kong sambit. "Magsasara na ang bar."
Dumaing lang siya habang nakapikit. Gusot-gusot na ang kaniyang polo at magulo na rin ang kaniyang buhok.
Napabuntong hininga na lang ako at inalalayan siyang makatayo pero hindi ko kayang ako lang ang umalalay kay Lux dahil sobrang bigat niya. Nagpatulong na lang ako sa bodyguard ng bar bago lumabas.
Isinakay ko si Luxary sa tabi ng driver seat. Nagpasalamat muna ako sa bodyguard bago ako sumakay sa kotse. Kahit papaano ay alam ko kung paano magmaneho ng kotse dahil tinuruan ako ng dati kong amo kung paano magmaneho ng sasakyan.
Kinapkapan ko muna si Luxary para hanapin 'yong susi ng kotse at nakapa ko naman 'yon sa bulsa ng pantalon niya. In-start ko na ang engine bago ko pinatakbo ang sasakyan pauwi sa apartment. Hindi ko naman alam kung saan nakatira ang mokong na 'to kaya no choice akong patulugin siya sa apartment.
Napabuntong hininga ulit ako bago bumaling sa lalaking mahimbing na ang tulog.
Nakakapagtaka kung bakit naglasing siya ng sobra. Dahil ba iyon sa sinabi ko? O nag-aassume lang ako? Pero nagtataka rin ako kung bakit concern din ako sa sitwasyon niya ngayon. Kung tutuusin ay p'wede ko siyang iwan na lang do'n sa bar at pabayaan siyang dalhin ng bodyguard sa labas ng bar kung hindi pa rin siya gigising.
Pero na kokonsensya naman ako kung hahayaan ko na lang siyang doon, kahit papaano ay naging mabuti naman ang pakikitungo niya sa akin, 'yon nga lang. Makulit.
Nakarating na kami sa apartment. Ni-park ko muna ang kotse sa tabi bago ako bumaling sa kaniya.
"Paano kita aalalayan nito? Ang bigat mo," tanong ko sa natutulog na Luxary.
Napailing na lang ako bago bumaba sa driver seat. Umikot ako sa kabila para aalalayan siya palabas ng kotse. Medyo nahirapan ako sa pag-alalay sa kaniya bago ko siya maihiga sa long sofa.
"Putek na 're, Kabigat!"
Huminga muna ako ng malalim dahil sa pagod. Kumuha agad ako ng maligamgam na tubig at inilagay sa palanggana saka ako kumuha ng face towel pangpupunas ko sa buo niyang katawan.
Nag-umpisa na akong punasan siya sa mukha. Naririnig ko pa ang bawat daing niya kapag lumalapat ang bimbo sa mukha.
Matapos kong punasan ang buo niyang mukha, braso naman ang isinunod ko. Maskuladong maskulado ang lalaking 'to. Lagi siguro siyang nag-wo-work out.
Hinubad ko na ang damit niya para punasan. Napakagat tuloy ako sa ibabang labi ko nang tumambad sa akin ang mga pandesal niyang matitigas. Tinusok-tusok ko muna ang t'yan niya para ma-feel ang kaniyang mga pandesal.
Ganda ng kurba ng mga pandesal niya infairness. Dati sa mga magazine ko lang nakikita ang mga matsong lalaki. Ngayon, kaharap ko na mismo at nahawakan pa.
Napailing na lang ako bago ko itinuloy ang pagpupunas sa buo niyang katawan. Iniwan ko muna siya sandali para kumuha ng malaking damit sa closet ko.
Buti na lamang ay mahilig din ako sa over size shirts kaya alam kong p'wede kong ipasuot iyon sa kaniya.
Kumuha ako ng v-neck t-shirt bago ako lumabas ng k'warto. Binalikan ko na si Luxary at mabilis kong binihisan.
Bumalik ulit ako sa k'warto para kumuha ng unan at kumot saka ko ulit siya binalikan. Inilagay ko sa uluhan niya ang unan matapos ay kinumutan ko siya.
Nag-inat muna ako at naghikab ulit bago ako pumasok sa loob ng k'warto at pabagsak akong nahiga sa kama. Wala pang isang minuto naramdaman kong kinain na ako ng antok.