Chapter 5: What if

ABALA SA pagsimsim ng kape si Luxary na itinimpla niyang kape para rito. Katahimikan ang bumabalot sa loob ng kusina.

Napatingin ako sa kaniya at ilang segundo lang ay nagtama ang paningin namin dahil siguro ay ramdam niya ang tingin ko sa kaniya.

Bumuntong hininga ako bago nag-iwas ng tingin mula sa kaniya.

"Last mo na 'to, 'wag ka ng babalik dito o magpapakita sa akin," mariin kong sabi.

Ramdam ko ang malalim niyang tingin pero hindi ako tumingin sa kaniya dahil bukod sa naiilang ako, alam kong talo ako pagdating sa tingin niya.

Siguro kung nakakatunaw lang ang titig ay paniguradong lusaw na ako.

"What if mabuntis ka? Hindi invisible ang tam*d ko."

Napasinghap ako sa sinabi niya. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya at nagtama na naman ang tingin namin. Napalunok ako sa sinabi niya, tama siya. What if mabuntis nga ako at hindi imposible 'yon dahil wala kaming ginamit na protesyon sa nangyari.

Ramdam ko ang panginginig ng ibabang labi ko dahil sa takot. Natatakot ako na baka mabuntis ako ng isang lalaking kagabi ko lang nakilala at mas lalo akong natatakot sa isiping, ano na lang ang sasabihin ng magulang ko kapag nabuntis ako ng isang lalaking hindi ko naman lubos na kilala.

"H-hindi mangyayari 'yon. At kung gano'n mang mabuntis ako. Hindi mo na kargo 'yon," matapang ko siyang tiningnan kahit libo-libong kaba ang nararamdaman ko.

"Kargo kita dahil anak ko rin 'yan," mariin niyang sabi. "Hindi ako makakapayag na ilayo mo siya sa akin."

Napahilamos ako ng mukha.

"Wala pa. Hindi pa natin alam, wala pa akong dinadalang bata. Isang gabi lang 'yon at sigurado akong walang mabubuong bata," inis kong sabi

"Wala pa nga, pero dala-dala mo na ang sperm cell ko," Seryosong sabi niya at sumandal sa hamba ng upuan.

"Bakit ba ang kulit-kulit mo?" iritang tanong ko.

Nagkibit-balikat lang siya at pinagpatuloy ang pagsimsim ng kape.

"Masarap ang pakakatimpla mo ng kape," Pag-iiba niya ng topic.

"3-in one lang 'yan, wala akong inilagay diyan bukod sa mainit na tubig," sabi ko.

"Ahh . . . akala ko, nilagyan mo rin ng kaunting pagmamahal kaya masarap."

Napapitlag ako sa sinabi niya at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lang siya sa akin.

Anong oras na rin nang umalis si Luxary. Naglinis muna ako ng apartment ko dahil sobrang kalat pala no'ng dumating dito si Luxary. Hindi ko naman ugaling maglinis ng apartment dahil wala naman akong bisitang pumupunta. Kapag wala lang akong ginagawa saka lang ako maglilinis ng apartment.

Natigilan ako nang sumagi na naman sa isip ko ang What if niya. Napapikit na lang ako ng mariin at iniwaglit na lang sa isipan ko ang sinabi niya.

Hanggang sa sumapit ang gabi at nag-aayos na ako para sa nightshift kong trabaho sa bar. May kumatok sa pintuan ng apartment ko. Sisinghalan ko na sana dahil ang akala ko ay si Luxary na naman iyon pero tumambad sa akin ang land lady na nakapustura ang mukha.

"Britney. Kabuwanan na at kailangan mo ng magbayad ng upa," sabi ng land lady.

Mabilis ko namang kinuha ang shoulder bag ko at inilabas ang wallet ko para magbayad sa land lady. Inabot ko agad sa kaniya ang bayad ng upa.

Binilang muna ng land lady ang ilang libo habang ngumangata ng bubble gum.

"Mabuti't nagbabayad ka sa tamang oras. Ipagpatuloy mo lang 'yan. Next week sisingilin ulit kita para sa tubig at kuryente," sambit nito.

Tumango lang ako sa kaniya. Isasarado ko na sana ang pinto nang magsalita pa ang land lady.

"Nga pala, may lalaki do'n sa labas at panay tingin sa apartment na 'to. Baka kakilala mo't hinahanap ka. Mukhang mayaman ang lalaki Britney, kung ako sa'yo sakmalin mo na bago pa makuha ng iba. Sayang naman. Grasya na ang lumalapit sa'yo," Pagtulak niya sa akin.

Iyon kasi ang trabaho ng land lady. Ang pangbubugaw ng babae, buti na lamang at hindi niya ako pinipilit sa gano'ng klaseng bagay kahit pa kung minsan ay pinagsasabihan niya ako tulad ng ganito. Itinutulak pero hindi sapilitan, hindi tulad sa ibang ka-dorm ko ay may iilang nabugaw niya at kahit papaano ay guminhawa ang buhay ng mga ito dahil sa sugar daddy ang pinagkapitan.

Ngumiti na lang ako ng pilit sa kaniya. Nang tuluyan ng umalis ang land lady saka ako lumabas ng apartment dala ang shoulder bag ko.

Nakita ko agad si Luxary at mukha ngang may hinihintay at siguradong ako 'yon. Hindi ba siya umuwi at naghintay pa rito sa labas magdamag?

"Bakit hindi ka umuwi?" tanong ko agad sa kaniya.

Humarap siya sa akin bago kumamot sa batok.

"Hatid na kita," nakangiti niyang sabi.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na. Kaya kong mag-isa," mariin kong sabi.

"Alam ko," maikli niyang sambit.

"Oh, bakit nandito ka pa?" masungit kong tanong.

"Kasi gusto ko."

Nagtagis ang bagang ko bago ko siya iwan do'n at naglakad na mag-isa. Napahinto ako sa paglalakad nang may humila sa akin at isinakay ako sa kotse.

Nagpumiglas pa ako pero parang ang dali lang para sa kaniya na isakay ako sa kotse niya.

Sinubukan kong makalabas sa kotse pero naka-lock na iyon. Tumingin ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lang ang loko at nagawa pa niyang kumindat sa akin.

"Ang kulit mo talaga 'no?" iritableng tanong ko.

"Yup," proud niyang sagot.

"P'wede ba Mr. Navarro--"

"Lux," putol niya sa sinasabi ko.

"Mr. Navarro," pagpapatuloy ko. "Tigilan mo na ako dahil baka makita pa tayo ng boyfriend ko at mag-away pa kami nang dahil sa'yo," mariin kong sabi.

"Boyfriend? May boyfriend ka?" seryosong tanong niya.

Tumingin ako sa kaniya at inirapan siya.

"Kakasabi ko lang 'di ba?" sarcastic kong sabi.

"May boyfriend ka pero nakipag s*x ka sa akin?" sarcastic din niyang tanong.

Doon ako parang binuhusan ng malamig na tubig. Buti na nga lang at wala talaga akong boyfriend dahil kung hindi ay pinatay na ako ng konsensya. Gusto ko lang na layuan ako ni Lux kaya sinabi kong may boyfriend ako kahit wala naman talaga.

Bumuntong hininga ako bago ako nagsalita.

"Aksidente lang ang nangyari sa atin," sabi ko.

"Aksidente?" gulat niyang tanong habang nagtatagis na ang bagang. "Aksidente mong tinugon ang pag-iisa natin? 'Yon ba ang meaning sa'yo ng aksidente?" naaasar niyang sabi.

"Oo," tugon ko para tigilan na niya ako.

Tumawa siya ng mahina kaya napatingin ako sa kaniya, unti-unting nalusaw ang tawa niya saka tahimik na lang na nagmaneho patungong bar kung saan ako nagtatrabaho.

Nang huminto na ang sasakyan, walang salita ang namutawi sa aming dalawa. Binuksan na niya ang pintuan ng kotse.

"Salamat, sana ito na ang huling pangungulit mo sa akin dahil baka makasira ka pa ng isang relasyon," sambit ko bago tuluyang lumabas ng kotse.

Hindi ko alam kung umalis na ba si Lux dahil hindi na ako tumingin pa sa kaniya at dire-diretso lang akong pumasok sa loob ng bar. Ipinakita ko muna sa guard ang I. D ko bago tuluyang makapasok sa loob.

Pumunta muna ako sa locker room para magpalit ng uniform. Mabilis lang akong nagbihis bago lumabas sa locker room at nag-umpisa na ako sa magdamagang trabaho.

Hindi naman kaliitan ang sweldo ko rito kumbaga tama lang para sa mga pambayad at pagbigay ng pera kay Mama sa probinsya.

Abala ako sa pag mi-mix ng mga alak. Bihasa na ang bawat pag-galaw ko rito, at hindi na mahirap para sa akin iyon.

Sumagi sa isipan ko si Luxary dahil sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Ibinaling ko na lang ang ulo ko para mawala sa isipan ko ang lalaking iyon.

"Number 65!" Pasigaw kong sabi para marinig ng waiteress.

Sila ang taga serve ng mga order ng costumer. Kinuha na ni Jenny ang order ng number 65.

"Ang g'wapo niya 'no? Ako na lang ang mag-aabot ng order niya, mukhang problemado rin siya," wika ni Jenny kay Jes.

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jenny pero hindi ko na lang pinansin 'yon at pinagpatuloy na lang ang pag mi-mix ng alak.

Sa kalagitnaan ng paghahalo ay may order na naman sa table 65. Hindi ko na Pina-serve kay Jenny ang order dahil ako na mismo ang mag-se-serve. Hindi naman ako ganito ka curious sa isang customer pero pakiramdam ko ay may mali. Gusto kong malaman kung sino ang nasa table 65 dahil sobrang dami na nitong inorder na alak.

At nang makarating ako sa table 65 dala ang order nito.

"Here's your order sir!" Magiliw kong sabi at inilagay na sa table niya ang order nitong alak.

Nag-angat ng tingin ang lalaki. Mapupungay na ang mga mata nito dahil sa kalasingan.

Hindi niya ako pinansin at nakakapanibago iyon. Ito naman ang gusto ko 'di ba? Pero bakit parang may mali, napailing na lang ako. Si Luxary lang pala ang panay order ng alak.

Aalis na lang sana ako nang bigla akong hatakin sa kamay dahilan para mapaupo ako sa kandungan niya.

"I-ikaw ba si Britney?" tanong niya at mukhang kinikilala niya ang mukha ko dahil sa kalasingan.

Itatanggi ko sanang ako si Britney pero kusang tumugon ang bibig ko. "Oo," maikli kong sabi.