Chapter 2: Just a dare

WARNING: MATURED SCENES!

ABALA si Britney sa pag-mi-mix ng alak dito sa loob ng bar kung saan siya nagta-trabaho bilang isang bartender.

Bihasang-bihasa siya sa paghahalo ng mga alak bago niya isinasalin sa mga shot glass. Seryoso siya sa paghahalo ng mga alak at hindi niya iniinda ang katawan niyang pagod. Kailangan niyang kumayod para sa pamilya niya kung dati ay pa raket-raket lang siya noon pero nang matagpuan niya ang bar na ito ay dito na talaga siya nag-stay.

Napansin niyang mas maingay ang isang grupo ng kalalakihan malapit sa gawi niya kaysa sa tugtog ng musika sa loob ng bar. Sigawan ito ng sigawan sa mga pinaggagawa ng mga ito kaya napailing na lang si Britney at itinuloy ang pagsasalin ng mga alak.

Natigilan siya nang may naglahad sa kaniya ng kamay kaya mula sa may-ari ng nakalahad na palad ay itiningala niya ang ulo upang makita kung sino ang nagmamay-ari no'n. Napakunot ang noo niya sa lalaking kaharap niya ngayon.

"Order, Sir?" magalang na tanong niya.

Umiling lang ito sa kaniya at nginitian siya ng malapad.

"Can I get your number, miss?" mapang-akit nitong tanong.

Napangisi naman si Britney ng mapait at palihim na napairap sa hangin. Alam na alam na niya ang mga galawan dito sa bar at parang gusto na lang niyang kumuha ng tinidor at tusukin ang hotdog nito gamit 'yon. Hindi na lang niya pinansin ang customer na nanghihingi ng number niya. Itinuloy niya ang pagpupunas sa counter.

"Miss? Can I have your number?" pangungulit ng lalaking kaharap niya kaya naiinis siyang tumingin dito.

"Anong klaseng numero ba? Bakit hindi ka sa lotto manghingi ng numero baka sakaling maging milyonaryo k," sarcastic niyang sabi.

Napa 'o' ang kaharap at itinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko.

"So rude, how about your name na lang?" pangungulit pa nito.

Alam niyang hindi siya titigilan ng lalaking 'to kaya ibinigay na lang niya ang kaniyang palayaw. Ayaw niyang sabihin dito ang buo niyang pangalan.

"Ney," walang ganang sabi niya.

"Ney?" kunot noong tanong nito sa kaniya.

"Bakit may problema ka sa pangalan ko?" nagtataray niyang tanong.

"Hindi naman pero as in Ney lang?" nanunuring tanong nito.

Napabuntong hininga na lang siya sa kakulitan ng kaharap. Gusto na lang niyang umalis ito kaya niya ibinigay ang palayaw pero mukhang mas pahahabain pa nito ang pag-i-intertain sa kaniya.

"Oo."

"Okay . . ."

Gusto niyang magpasalamat dahil sa wakas ay natapos din ito sa pangungulit pero biglang nawala ang pagdiriwang niya sa isip dahil nagsalita pa ulit ito.

"By the way. I'm Luxary Navarro, Lux for short," saka nito inilahad ang isang kamay sa harapan niya pero tiningnan niya lang 'yon.

"Hindi ako interesado, hindi ko rin naman tinatanong. You're not my type."

Alam niyang masyado na siyang rude sa customer nila pero ayaw niya lang matulad sa mga katrabaho niya kaya kung maaari ay nagsusungit siya kapag kinukulit siya ng isa sa mga customers lalo na kung about sa kaniya. Tulad na lang ngayon.

Mukhang napahiya ang lalaking kaharap at naapakan ang ego nito. Kitang-kita niya ang pagtatagis ng bagang nito pero nagawa pa rin nitong ngumiti sa kaniya na ikinanganga niya. Paano nagagawa ng lalaking 'to ang pag-iiba ng emosyon. Ibiniaba na nito ang kamay na nakalahad sa kaniya bago nagsalita.

"Oh? Your not my type too but I'm interested in your attitude. Don't worry, I won't disturb you now but maybe later," ngumisi ito sa kaniya. "I like your eyes," nakatitig ito sa mga mata niya bago tuluyang umalis.

Hindi niya alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso niya sa sinabi ng lalaking kaharap niya kanina. Nagpakalma muna siya bago naiiling na itinuloy ang pagpupunas. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang huling sinabi sa kaniya ng lalaki, hindi niya alam kung bakit niya iniisip ang lalaking 'yon pero ito lang ang bukod tangging lalaking hindi siya pinagtaasan ng boses dahil kapag inaapakan niya ang ego ng mga lalaking nagtatangkang landiin siya ay ginagawa niya ang lahat para magalit ito sa kaniya para tigilan siya ng mga ito pero mukhang ang Luxary Navarro lang ang nakagawa no'n sa kaniya.

Hindi pa nga siya kumakalma nang tawagin siya ni Dexie. Isa sa mga waiteress sa bar. Nakisuyo muna ito saglit sa kaniya na ibigay ang order sa table 8 kaya mabilis naman siyang kumilos para maibigay sa customer ang mga order. Mga pulutan lang naman 'yon tulad ng sisig. Mabilis siyang nakarating sa table 8 na isang grupong napaka-ingay at nagtatawanan.

"Lux, ikaw na," ani ng isang lalaki na may katabing dalawang babae sa magkabilang gilid nito. Bumubulong-bulong ang isang babae sa tainga nito at ang isa naman ay humahalik sa panga niya.

Napailing na lang siya sa pagiging manwhore ng lalaki pero hindi lang ito ang nag-iisa kundi lahat sila ay may mga kaniya-kaniyang babae. Saka lang niya napansin ang lalaking nangulit sa kaniya na si Lux na nakatingin din pala sa kaniya. Ibang-iba ang tingin nito ngayon kumpara kanina. May dumaang emosyon sa mga mata nito na ikinailang niya. May nakakandong na babae sa mga hita nito at malanding nakakapit sa leeg habang ang mga kamay naman nito ay nasa baywang ng babae.

Iniwas niya ang tingin mula dito at mabilis niyang inilagay sa lamesa ng mga ito ang mga order na pulutan. Aalis na sana siya nang biglang may humawak sa kamay niya at si Luxary iyon na matiim ang titig sa kaniya. Nagsisigawan na ang mga kasama nito dahil sa ginawa ni Lux sa kaniya pero mas lalong sumigaw ang mga kasama nito nang bigla siyang hatakin para halikan siya sa mga labi na ikinatulos niya sa kinatatayuan.

Hindi siya makagalaw sa ginawang paghalik nito sa kaniya. Gumagalaw ang mga labi nito sa labi niya, gusto niyang itulak ang lalaking mapangahas na humahalik sa kaniya pero parang nawala lahat ng lakas niya sa kagagawan nito.

"Get a room!" Sigaw ng mga kaibigan nito.

At dahil doon natauhan si Britney saka niya itinulak ng malakas ang lalaki kaya bahagyang napaatras ito. At nang hindi makontento ay sinampal niya ito sa mukha kaya ang lahat ng mga kasama nito ay naghiyawan.

"Ohhh!"