Chapter 1: One night stand
WARNING: MATURED CONTENT!
"MAGPAPAKASAL ka kay Hazel sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw sa akin Dad.
"Ayoko Dad," walang emosyong pagtanggi ko.
"Bakit ba ayaw mo kay Hazel?" tanong ng kaniyang ama.
"Hindi ko siya mahal Dad. Gusto ko pang i-enjoy ang pagiging binata ko. Ayokong matali agad," paliwanag ko.
Bumuntong hininga si Dad saka siya umiling-iling na para bang suko na siya sa pagtatalo namin. Hindi talaga niya ako mapasang-ayon sa pagpapakasal sa anak ng ka-business partner niya.
"Sige! Kung 'yan ang gusto mo. Pero ikakasal pa rin kayo ni Hazel as soon as possible."
"Hindi mangyayari 'yon," kompiyansang sabi ko.
"Ikaw lang ang inaasahan ko sa kompanyang ito, Luxary!" Halos manggalaiti na sa galit si Dad.
"Yeah? For the sake of your company you will destroy my happiness. That money you want for, will ruin my whole life. So yeah! I'm the one who will be suffer because of you. Just for your f*ckin' money."
Lumabas na ako sa opisina ni Dad. Narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko para pabalikin ako sa opisina niya. Hindi ko magawang sumang-ayon kay Dad na ipakasal ako sa anak ng ka-bisuness partner niya.
Hindi ako papayag na mawala ang pagiging binata ko. Dito lang ako sumasaya at gusto kong i-enjoy ang bawat araw na lumilipas para sa pang sariling kaligayahan. Hindi ako papayag na matali agad ng maaga.
Maganda naman si Hazel pero hindi ko siya 'yong tipo. Mas naniniwala kasi ako sa mga salitang. Darating din ang para sa'yo kaya hangga't hindi pa ako napapana ni kupido, I will do anything to enjoy my life.
Paglabas ko sa kompanya ay dumiretso agad ako sa kotse kong lamborghini. Gusto kong mangolekta ng mga kotseng pang sports dahil iyon ang pangarap ko simula pagkabata.
Mabilis kong minaneho ang sasakyan papuntang bar kung saan ako namamalagi kapag gan'to ang sitwasyon ko. Kapag nagsasagutan kami ni Dad o 'di kaya'y wala ako sa mood o badtrip ay dito ako pumupunta.
Halos sinusunod ko si Dad sa lahat ng kagustuhan niya at hindi ako papayag na pati sa pag papamilya ko ay hawak niya rin. Tama na siguro ang pagsunod ko kay Dad dahil masyado na siyang nawiwili. May isip na naman ako para sa mga bagay na gusto ko at walang makakapigil sa akin.
Umupo ako sa bakanteng upuan at um-order ng beer. Lulunurin ko na lang ang sarili ko sa alak para kalimutan 'yong mga pinagsasabi sa akin ni Daddy kanina.
Uminom ako ng beer at halos gumuhit sa lalamunan ko 'yon dahil parang tubig lang na nilagok ko ang alak pero wala akong pakialam dahil gusto ko lang ilugmok sa alak ang mga problema ko nang dahil kay Dad.
Rinig na rinig ko ang malakas na tugtugan dito sa bar hanggang sa may lumalapit sa akin na babae at nakipaghalikan. Mas gusto ko ito. 'Yong fling-fling lang at walang masasaktan, walang problema kundi ang ama ko lang.
Nakipag sipsipan ako ng dila sa babaeng kahalikan ko ngayon at hindi ko na nakikita kung sino-sino 'yong mga nahahalikan ko dahil ang importante lang sa akin ngayon ay i-enjoy ang bawat segundo ng buhay.
Masyado na akong lunod sa alak kaya hindi ko na alam kung ano ang mga ginagawa ko. Init lang ng aking katawan ang gusto kong paligayahin.
Hanggang sa natagpuan ko na lang ang aking sarili sa isang k'warto at patuloy na nakikipaghalikan sa babaeng hindi ko naman kilala. Gusto ko lang paligayahin ang sarili ko at ito lang ang alam kong paraan na magpapaligaya sa akin.
Bawat halik ko sa babae ay katumbas ng pagkakainit ng katawan ko. Mariin iyon hanggang sa gumagalaw na ang mga kamay ko. Napapadako na sa maseselang katawan ng babae ang dalawa kong kamay at nasasarapan siya sa ginawa ko.
Nakahiga na kami sa kama at hubad na rin ang mga saplot namin. Init ng katawan ang nangingibabaw sa amin ngayon.
Pababa ng pababa ang mga halik ko sa babae na hayok na hayok sa sarap.
Hanggang sa sumabog na ang karurukan naming dalawa dahil sa mainit naming pag-iisa.
KINABUKASAN nagising ako sa sakit ng ulo ko at siguradong hangover sa alak na ininom ko kagabi. Tumingin ako sa katabi ko, wala na 'yong babaeng kanaig ko kagabi. Halos hindi maalis sa utak ko ang babaeng 'yon. Hindi ko kasi nakita ang mukha niya dahil sa kalasingan ko pero ang mga boses lang niya ang naririnig ko sa bawat sulok ng k'wartong 'to. Pangalan ko lang ang sinisigaw niya.
Pangalan ko lang . . .
Iniisip ko pa lang 'yong babae, tinatayuan na agad ako. Kaya naman sa pamamagitan ng sariling sikap ay ginamit ko ang mga kamay ko para lumigaya. Ayaw na ayaw kong nabibitin, hanggang sa sumabog ang sarili kong katas.
Pumunta na ako ng banyo para maligo at magbihis. Balak kong umuwi sa bahay para ayain ang kapatid ko na kakauwi lang galing France.
Gusto ko siyang makasama para naman hindi maburyo sa bahay. Matapos kong maligo at magbihis ay nilisan ko na ang k'wartong 'yon kung saan ako lumigaya kagabi.
Sumakay na ako sa lamborghini nang makalabas ng hotel. Mabilis kong pinaharurot iyon pauwi sa bahay.
Habang nagmamaneho ako ay napadaan muna ako sa isang cafè kaya naman pinarada ko muna ang sasakyan para bumili ng kape. Para kahit papaano ay mahimasmasan ako sa hangover.
Pumasok ako sa loob ng cafe at um-order. Nang maka-order ay humanap ako ng bakanteng upuan at may natanaw akong isang babae na nag-iisa kaya naman nilapitan ko siya.
Maganda ang babae kaya at hindi mapagkakaila 'yon. Kahit sa simpleng damit lang ay nangingibabaw ang ganda niya. Kaya naman nilapitan ko agad siya.
"Hi miss," unang sabi ko.
Kaso mukha siyang masungit at ito ang mga tipo ko sa isang babae. 'Yong medyo may pagka-war freak. Pero hindi naglaon ay medyo maayos na rin ang pakikitungo ng babae sa akin. Nag joke pa nga ako gamit ang mga dating ka-corny-han ni Xian. kaya medyo nagustuhan ko ang pag-uusap naming dalawa. Nalaman ko na rin ang buong pangalan niya. Katharine Orteza. Magandang pangalan para sa isang magandang binibini.
Hanggang sa may isang familiar na boses ang nagsalita sa harapan mismo namin ni Katharine at walang iba kundi si Xian. Ang aking bestfriend na may tampo pa rin sa akin hanggang ngayon dahil sa mga nagawa ko noon. Tanggap ko 'yon kahit magalit siya sa akin, ang importante lang naman ay makahingi ako ng kapatawaran sa kaniya. Ayaw ko man gawin ang bagay na 'yon wala akong nagawa kundi ang mapilitan lang gawin ang gusto ni Dad.
"You will do a distance or I will kick your balls," mariing sabi ni Xian sa akin.
"Hey bro long time no see," iyon na lamang ang nasabi ko.
Ngumiti ako ng malawak sa kaniya pero binigyan lang niya ako ng walang emosyon na tingin at parang wala siyang pake sa presensya ko at tanggap ko na 'yon kahit medyo nasaktan pa rin ako sa pagtrato niya sa akin ngayon.
Nakangisi na siya sa akin at 'yong mga tingin niya ay sobrang lamig. Ayaw na ayaw ko pa namang makita mula kay Xian 'yon. Pero wala akong magawa kundi ang tingnan na lang at magpanggap na masaya gamit ang mga labi ko.
"'Wag mo kong mabro-bro dahil may atraso ka pa sa akin," malimig niyang sambit.
Alam kong nagulat din si Katharine dahil siguro ay nagtataka siya kung bakit kami magkakilala ni Xian pero gano'n din ako sa kanila. Magkakilala rin pala sila at parang may something si Xian para kay Katharine. Kahit 'di niya sabihin sa akin ay kitang-kita ko kung paano niya tingnan si Katharine ng kakaiba at mukhang in love si mokong.
Hanggang sa hitakin na ni Xian si Kath palabas ng cafè. 'Di pa rin mawala ang ngiti ko sa mga labi dahil sa mga nasaksihan ko.
What a small world . . .