Chapter 14: Perya
KINABUKASAN maaga akong nagising at naabutan kong natutulog pa rin si Luxary sa lapag ng k'warto ko. Hindi ko talaga siya pinatulog sa kama. Pinatulog ko siya sa lapag pero binigyan ko naman siya ng higaan na foam, kumot at unan kaya hindi siya p'wede magreklamo at buti na lang ay hindi nga siya nagreklamo bagkus ay natuwa pa siya dahil pinaglatag ko siya ng higaan dito sa loob ng k'warto ko.
Hindi naman kalakihan ang k'warto ko pero maayos at malinis naman 'yon para mahigaan ng tao. Napangiti ako. Kahit sa pagtulog niya ay hindi mapagkakailang g'wapo pa rin si Luxary. Med'yo nakabukas ang kaniyang bibig at may mahinang hilik ang lumalabas sa kaniya. Napailing na lang ako habang may ngiti sa mga labi saka ako lumabas ng k'warto.
Halos lumabas ang kaluluwa sa katawan ko nang bumungad sa akin sila Nanay, Tatay at pati na rin si Brix.
"'Nay, 'Tay, Brix! Bakit ba kayo nang gugulat?! Papatayin niyo ba ako?!" inis kong sabi sa kanila habang nakahawak sa dibdib ko.
Binigyan lang nila ako ng mapanudyong tingin. Hindi ako makapaniwala sa pamilya ko, bakit parang botong-boto na sila kay Luxary, lalo na si Tatay? Napabuntong hininga na lang ako.
"Anak, kumusta ang gabi niyo?" nanunudyo niyang tanong.
"Tatay!" Gulat kong saway sa kaniya.
"Biro lang anak pero alam mo na, boto ako d'yan kay Luxary para sa'yo," kumindat pa siya sa akin.
"Tatay naman!"
"Ako rin anak, boto ako d'yan kay Luxary. Ang bait-bait na bata, tinulungan niya pa ako kagabi na mag-igib ng tubig e, 'di ba masakit ang pakiramdam ko no'n at saka mga tulog na kayo. Naabutan niya akong lumabas para sana mag-igib ng tubig dahil wala ng tubig sa banyo natin. Tinulungan niya ako na walang pag-aalinlangan at nagk'wentuhan kami pagkatapos ko magbanyo. Hanggang sa antukin na lang kaming dalawa't masayang nakipag-usap sa akin ang batang iyan. Ramdam ko ang sincerity niya bilang tao at lalong ang pagiging isang maginoong lalaki. Hindi naman pala binabae si Luxary, anak!" Tudyo ni Nanay sa huling sinabi.
"Ako rin Ate! Botong-boto ako kay Kuya Lux para sa'yo. Bukod sa mayaman at g'wapo, sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya at sobrang gaan niyang kausap. Hindi mo makikitaan ng kayabangan si Kuya at sobrang bait niya pa. Alam mo ba kahapon, Ate? Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkagusto niya sa'yo. Halatado sa kaniya, kahit hindi niya sabihin. Makikita mo sa mga galaw niya. Kung magiging kayo man ni Kuya, masasabi kong nasa tamang tao ka na," at saka siya kumindat sa akin.
"Ano'ng mayroon at bakit parang pinu-push niyo ako kay Luxary?" pinaningkitan ko sila ng mga mata.
"Para makatikim kami ng mamahaling wine," diretsang sabi ni Tatay.
"Tatay!"
"Biro lang anak," nagtawanan silang tatlo. "Pero ang sa amin lang naman ay kung sakaling gusto mo rin si Luxary, hindi ka namin pipigilan. Basta kung si Luxary, go lang anak ko. Pero kung hindi si Luxary, ihahanda ko na ang itak ko."
"Hindi naman halatang bias kayo 'Tay?" sarcastic kong sabi.
"Med'yo lang, basta 'wag mong kakalimutan ang wine."
Napailing na lang ako sa kakulitan ni Tatay pati na rin sila Nanay at Brix.
Nagtulungan kaming maghanda ng mga kakainin ngayong umaga. Hindi pa rin gumigising si Luxary. Nang matapos na namin ang pagluluto dito sa kusina at nakaayos na rin ang lamesa, saktong pagpasok naman ni Luxary sa kusina na nagkukusot pa ng mata dahil kakagising lang.
"Magandang umaga po!" Pagbungad ni Luxary sa pamilya ko.
"Magandang umaga rin sa'yo hijo," nakangiting bati ni Nanay.
"Maupo ka na't kakain na tayo hijo," magiliw na sabi ni Tatay.
Lumapit naman si Luxary sa upuan kung saan magkatabi lang kami.
"Good morning," bati niya sa akin.
"Good morning," nakangiti kong bati.
"How's your sleep?" nakangiti niyang tanong.
"Ayos naman, ikaw ba?"
"Ayos na ayos."
"Mabuti kung gano'n, tara kain na tayo."
Nagdasal muna kami at si Brix ang nag lead ng prayer saka kami nag-umpisang kumain na may mga ngiti sa labi. Nagk'wentuhan lang kami ng random sa hapag, kung minsan ay nagtatawanan dahil sa mga k'wento ni Luxary. Hindi nga malayong pati ang pamilya ko ay ma-inlove sa isang Luxary Navarro.
Parang may kung ano'ng bagay na naman ang humaplos sa puso ko dahil sa bawat ngiti at tawa ng pamilya ko ay binibigyan niya ako ng dahilan para mahulog ako nang tuluyan sa kaniya. Ang bawat ngiti at tawang binibigay niya sa pamilya ko, walang katumbas na galak ang lumulukob sa kalooban ko.
Napatingin siya sa akin at saka siya ngumiti. Magana siyang kumakain at halatang masaya kaya napangiti na lang ako ng palihim.
SUMAPIT ANG gabi. Alas sais na nang makapunta kaming tatlo sa perya dito sa bayan. Nakipagkita pa si Brix kay Raine bago niya kami iwan ni Luxary sa tapat ng ferris wheel.
"Ito pala ang perya," wala sa sariling bigkas niya.
"Oo at gusto ko, mag-enjoy tayo rito sa perya, ayos ba?" naka-ngiti kong tanong sa kaniya.
"Of course," nginitian niya rin ako pabalik.
"Okay, saan mo unang gustong sumakay?"
"Ikaw ba, saan mo gusto? Ikaw na ang magdesisyon," pag-uubaya niya.
"Okay, sige. Doon muna tayo sa vikings!" excited kong sambit at tinuro sa kaniya ang vikings.
Nakita ko siya kung paano lumunok kaya palihim akong natawa.
"Sigurado ka bang safe na sumakay d'yan?" paniniguro niya.
Humalakhak ako. "Oo naman! Hmm. . . Are you scared Mr. Navarro?" panunudyo ko sa kaniya.
"Of course not!" nagmamatapang niyang sambit.
"Then, prove it," panghahamon ko sa kaniya.
"Oh, sige!"
Sumakay na kami sa vikings. Sa una ay mahina pa ang pag-swing ng vikings at nang tumagal ay halos kumawala na sa katawan ko ang sariling kaluluwa. Napabaling ako ng tingin sa katabi ko. Imbis na mag-focus ako sa rides halos mamatay na ako kakatawa nang dahil kay Luxary.
"F*ck! F*ck you! Oh my God! Please help me! What the h*ll is this, f*cking sh*t! Holy crap! Ibaba niyo na ko dito! Tang*na niyo!"
Tawa ako ng tawa sa reaksyon niya habang sinasabi ang mga malulutong na mura. Napatingin siya sa akin at nagkunwaring walang nangyari kahit kitang-kita ang pamumutla niya. Hinawak ko ang kamay niya kaya napatingin siya do'n.
"Kalma lang, wala pa tayo sa exciting part."
"W-what?"
"Nag-uumpisa pa lang tayo," natatawang sabi ko.
"Britney, ayoko na . . ." nag-mamakaawa niyang sabi.
Malakas akong natawa pero tiningnan niya lang ako.
"Bakit naman?" natatawang tanong ko kahit alam ko na ang sagot.
Umiling lang siya sa akin. "Please, ayoko na talaga. Sa carousel na lang tayo."
Pigil ulit akong humalakhak kaya kinagat ko na lang ang ibabang labi ko. Then, I realized something. . .
Unti-unting nawala ang tawa sa sistema ko bago ako seryosong tumingin sa kaniya pero siya'y nakapikit lang at parang kinakalma ang sarili. Ramdam ko na rin ang panlalamig ng kaniyang kamay.
"Takot ka sa mga rides?"
"N-no. ."
"Then you have a trauma. ."
Wala sa sariling bigkas ko. Nakatingin lang ako sa kaniya. Unti-unti niyang idinilat ang mga mata kaya nagkatinginan kami. Hindi siya sumagot pero alam ko na rin naman ang sagot.
"Bakit hindi mo agad sa akin sinabi? I thought, you just afraid on rides. I am sorry," malungkot kong sabi.
Bumaba na rin kami pagkatapos. Tahimik lang ako dahil nakokonsensya ako sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasad'yang pagtawanan siya. Ang akala ko talaga kase normal lang sa kaniya ang matakot sa rides ang hindi ko alam ay may trauma pala siya.
Naglalakad lang kami hanggang sa hawakan niya ang kamay ko at saka niya ako hinila. Niyakap niya ko habang nakasobsob siya sa balikat ko.
"Don't be sorry. Wala ka namang kasalanan, hindi ko naman sa'yo sinabi at pumayag naman ako."
Bumitaw ako sa yakap niya at tiningnan siya sa mga mata.
"Pero, ako pa rin ang nagyaya," malungkot kong sabi.
Hinaplos niya ang pisngi ko at saka siya ngumiti sa akin.
"Okay na ako, 'wag ka ng mag-alala."
"Hindi ako nag-aalala 'no!"
Inalis ko ang kamay niyang humahaplos sa pisngi ko dahil ramdam ko na naman ang puso ko na tila ba'y nakiki-pagkarera sa kabayo.
"Talaga?" tudyo niya.
"Hindi nga, ano . . . ahm . . . slight!"
Tumawa naman siya sa sinagot ko kaya napangisi ako't hinampas siya sa braso.
"Tumigil ka nga! Paano ako hindi mag-aalala e, kitang-kita ko sa mga mata mo kanina ang trauma! Hindi mo kase agad sa akin sinabi! Nakakainis ka talaga e, 'no?!"
"Oh, okay! I'm sorry. Sa susunod magsasabi na ako," aniya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Dapat lang!"
Balak ko sanang umuwi na lang kami pero pinigilan niya ako't nagpatuloy na lang kaming mag-enjoy sa perya. Ang kaninang pag-aalala ko sa kaniya ay napalitan ulit ng saya kasama siya.
Lagi kaming nananalo sa palaro kaya mas na e-enjoy ko ang pagpunta namin dito sa perya. Hindi na rin kami sumakay pa sa ibang rides. Kumain na lang kami at naglaro. Hindi na rin namin nakita si Brix na kasama si Raine. Malaki na naman si Brix at alam na niya ang tama at mali. Panatag naman ako sa kaniya at may tiwala ako sa kapatid ko na wala siyang gagawing kabalastugan.
"Ang saya ko ngayon. Nag-enjoy talaga ako kasama ka," nakangiting hayag niya sa akin.
"Ako rin. Nag-enjoy rin ako."
"Salamat."
"Para saan?" takang tanong ko.
"Dito at sa pamilya mo. Ramdam ko na welcome ako sa bahay niyo at ngayon ko lang naramdaman 'yon."
"Wala 'yon. Masaya rin naman ako na mabuti ang pinapakita mo sa pamilya ko kaya binabalik lang din nila kung ano ang ginagawa mo sa kanila. Give and take ba."
"Gano'n rin ba ang ginagawa mo? Give and take?"
"Ahm . . . depende. Oo, parang gano'n na nga."
"Talaga?" tanong niya sa akin.
Tumingin siya sa mga mata ko habang may kislap do'n na hindi ko maintindihan.
"Oo, b-bakit?"
Bumuntong hininga siya.
"So, kapag sinabi ko bang gusto kita.. Gugustuhin mo rin ako?" inosente niyang tanong.
Napaubo naman ako sa sinabi niya. Tumawa siya ng mahina at napailing sa naging reaksyon ko.
"Hindi mo na kailangan sagutin, alam ko na rin naman pero maghihintay ako. Maghihintay ako sa'yo," seryoso niyang sabi.
Napalunok ako sa uri ng tingin niya. Parang may kung ano'ng gumagalaw sa t'yan ko o baka nagugutom lang ako? Pero, kakakain lang namin kanina. Hindi, baka nagugutom pa rin talaga ako. Oo, tama. Maraming bulate ang nasa t'yan ko at baka nabitin sila sa pagkain na kinain ko kanina. Napailing na lang ako sa sarili.
Hanggang sa inaya ko na siyang umuwi. Sumakay na lang kami sa trycicle dahil med'yo pagod na rin ako kakalakad sa perya kanina.
"Nga pala," pagbasag ko sa katahimikan.
Tumingin siya sa akin.
"Ano 'yon?"
"Bakit nga pala may trauma ka sa mga rides?" inosente kong tanong. "Nahulog ka ba no'ng bata ka dahil sa rides? Naaksidente ka ba?"
Nag-iwas siya ng tingin sa akin at pumirmi sa mukha niya ang lungkot. Parang gusto ko na lang bawiin ang tanong ko dahil nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba sa akin o hindi.
"A-ahh, h-hindi mo naman kailangan sagutin kung ayaw mo, ayos lang."
"I'm sorry."
"No, hindi mo naman kailangan mag-sorry. Naiintindihan ko," tipid ko siyang nginitian.
Tumango naman siya sa akin habang may lungkot pa rin sa mga mata niya.
"Kapag handa na ako, sasabihin ko agad sa'yo ang dahilan."
Tumango na lang ako sa kaniya. Nakaramdam na ako ng antok kaya sumandal na lang ako sa balikat niya at hinayaan ko na lang ang sarili ko na makatulog dahil sa pagod.
Aminadong nag-enjoy ako na kasama si Luxary do'n sa perya pero binigyan din niya ako ng mga katanungan sa isip ko. Hindi ko alam kung bakit gusto kong malaman ang dahilan sa nangyari pero may parte pa rin sa akin na, hayaan na lang si Luxary sa desisyon niya.
Naramdaman ko na lang na may bumuhat sa akin bago ako tuluyang kinain ng antok.