Chapter43: Proposal
Inihinto ni Andrew ang kanyang sasakyan sa tapat ng condo ni Trina, dali-dali syang bumaba sa driver's seat at binuksan ang pinto ng backseat, agad naman na lumapit si Michael sa kanya, binuhat ni Andrew ang tulog na si Trina palabas ng kanyang sasakyan, "Pakisara naman ng pinto bro" si Andrew kay Michael
Agad naman na sinara ng kaibigan ang pinto ng kanyang sasakyan, "dito na lang ako mag-aantay sayo" si Michael na sumandal sa sasakyan ni Andrew
"Samahan mo'ko hanggang sa loob" si Andrew
"Huh!?, bakit?"
"Basta"
"Wait natatakot ka pumasok mag-isa don?"
"Basta samahan mo na lang ako, bilisan mo at ang bigat ng babaeng to" na naunang umalis
"Kilala mo ba ang babaeng yan?" si Michael na nakasunod sa kaibigan
"Oo, pero pwede bang mamaya ka nalang magtanong pag nailapag ko na tong babaeng to"
"Okay"
Nang maipasok na nila si Trina sa kwarto nito, dahan-dahang inihiga ni Andrew ang babae sa kama, nang mailapag na nya ng maayos ito ay aalis na sana sya ng bigla syang kabigin ni Trina sa leeg, "hey! hey! What are you doing??"
"Come'on sweetheart, just fuck me" si Trina na nakapikit at nakanguso kay Andrew
"Ah puta" si Andrew
Tawang-tawa naman si Michael na nasa may pinto habang pinapanuod sila
"Tatawa ka nalang ba dyan?, tulungan mo'ko dito??" si Andrew
"Anong maitutulong ko" si Michael na lumalapit at nakangisi parin
"Tumigil ka sa kakangisi mo babatukan kita dyan"
"Pano mo naman ako babatukan aber eh di ka nga makaalis dyan at may nakakapit sa leeg mo" nakangising sabi ni Michael
"Sige na sweetheart isa lang please.." si Trina na nakanguso parin
"Tulungan mo na ako please" si Andrew sa kaibigan
"Anong gusto mong gawin ko??"
"Tanggalin mo ang mga kamay nya sa leeg ko"
"Okay wait" na pinilit tanggalin ang mga kamay ni Trina sa leeg ni Andrew, pero ayaw bumitaw nito, "pano yan bro ayaw eh, pagbigyan mo na lang kasi don lang ako sa labas mag-aantay"
"Sige subukan mong umalis kakalimutan kong kaibigan kita" si Andrew na pinagpapawisan na, naka spaghetti dress lang kasi itong si Trina at kitang-kita ang magandang cleavage nito, pero iniiwas naman ni Andrew ang tingin nya dito, di lang talaga nya maiwasan ang mapatingin pag hinihila sya ni Trina
"Pinagpapawisan ka bro ah?" na nakangisi
"Tanggalin mo na kasi ang mga kamay nya"
"Eh ayaw bumitaw eh, nong gusto mong gawin ko?, ah alam ko na" tumingin sya sa mukha ng babae at sinapak ito, nawalan ng malay bigla ang babae kaya nabitawan nya narin ang leeg ni Andrew
"What did you do?" si Andrew
"Sinapak ko ayaw bumitaw eh"
"Sira ka talaga"
"Tinulungan ka na nga dyan?"
"Pero di ko sinabeng sapakin mo?, tingnan mo may pasa ang mukha nya" na tiningnan ang mukha ng babae
"Oh ngayon concern ka, kung pinagbigyan mo nalang sana eh di sana walang pasa yan ngayon"
"Kumuha ka ng ice pack don, dali"
"Kita mo yan, uutusan pa ako"
"Bilis baka ma demanda pa tayo dito sa ginawa mo eh" na umupo sa may ulohan ng babae
"Oo na, saglit lang" si Michael na agad namang lumabas ng kwarto, ilang segundo lang ay bumalik na ito, "heto oh" na inabot sa kaibigan ang dalang ice pack. Agad naman na kinuha ni Andrew at idinampi sa pisngi ng babaeng nagkapasa
"Sino ba yan sya?" si Michael na umupo sa dulo ng kama
"Ex girlfriend ng kapatid ko"
"Wai-what??, you mean?? Sya ang babaeng naka one night stand mo?", tumango lang si Miggy sa kanya, "teka hindi kaya mas lalong magagalit sayo ang kapatid mo pag nalaman nya to?"
"Nagkaayos na kami ng kapatid ko, at tsaka matagal na syang naka move on sa babaeng to, may bagong girlfriend narin sya" na tumayo
"Eh ikaw may feelings ka na ba sa babaeng yan?"
"Wala, hindi sya ang type ko, halika na baka magising pa yan"
Tiningnan ni Michael ang oras sa kanyang wristwatch "gagi 9:30na pala?" na tumayo, "baka naiinip na yong dalawa sa kakaantay satin"
"Oo nga eh" si Andrew na nilingon muna ang natutulog na si Trina, at lumabas ng kwarto, nakasunod naman si Michael sa kanya
Beseng-bese si Cathy sa pag scroll scroll sa kanyang selpon, di nya namalayan na nasa harapan na pala nya si Miggy, nakangiti pa ito habang pinapanuod syang tumatawa, "saya natin ah?" si Miggy
"Si-sir??" na nagulat, "kanina ka pa ba dyan?" na inilapag ang selpon sa mesa
"Ano ba yang pinapanuod mo at tawang-tawa ka" na tumingin sa selpon ng babae
"Funny videos po"
"Wow.. Oras ng trabaho at nanunuod ka lang ng mga funny videos?" na tumingin kay Cathy
"So-sorry po sir, wala na kasi akong ginagawa eh"
"Isang sir mo pa sakin hahalikan kita dyan"
"Hoy may makarinig sayo"
"Maka hoy naman to" na nakangiti, "tumayo ka na dyan, mag la-lunch na tayo" na nakapamulsa na
"Ay gusto ko yan, gutom na ako eh" na agad na sinukbit ang shoulder bag sa kanyang balikat at tumayo, "ano na naman ang lunch natin ngayon?"
"Ikaw.. Ikaw ang lunch ko" na nakangiti
"Loko-loko ka talaga batukan kita dyan eh"
Natawa na lang si Miggy at naunang umalis, "kita mo yan iiwan pa ako, hoy! hintay!!" na patakbong humabol sa nobyo.
Alas dose pasado na ng magising si Trina, bumangon sya sa kama at tumayo, nagtungo sya sa kanyang banyo upang maghilamos, nang humarap sya salamin na nasa may lababo, "what the.. Ba't may pasa ako?" hinawakan nya ang kanyang pisngi na may pasa, naalala nyang magkasama sila ni Andrew kagabi, "ah nyeta anong ginawa ni Andrew sakin?" dali-dali syang lumabas ng CR at kinuha ang selpon na nasa loob ng sling bag, hinanap nya ang numero ni Andrew at tinawagan. Ring lang ito ng ring, nakaraming missed call na sya,, "ah shit ka Andrew" lumapit sya sa salamin na nasa may aparador nya at tiningnan ulit ang pasa sa mukha nya, "no ba naman to, pano ako lalabas nito ngayon?,, ang pangit ko naman tingnan nito, bwesit naman talaga oo"
Pumasok si Andrew sa kanyang opisina, nakasunod naman sa kanya ang kanyang secretary na si Audrey, nilapag ng babae ang mga dala nitong folder sa mesa nya, "balik na po ako sa table ko sir" si Audrey
"Sige lang" na umupo sa kanyang swivel chair, dinampot nya ang kanyang selpon na nasa mesa, naiwan nya kasi ito sa sobrang pagmamadali kanina, pagbukas nya ng kanyang selpon ay nakita nya ang pitong missed calls na galing kay Trina, "Nakita na seguro nya ang pasa nya" di nya maiwasang matawa pag naaalala nya ang ginawa ng kaibigan kagabi
Ilang minuto nang nakaupo si Andrew sa may kainan sa isang mall
"Kanina ka pa ba" si Trina na naka hood at agad na umupo sa upuang kaharap ni Miggy
"Haha ba't ka naka hood?"
"Tatawa ka pa?, anong nangyari dito sa mukha ko?, ba't may pasa ako?"
"Nasubsob ka sa upuan ng sasakyan ko, bigla kasing may tumawid na aso kagabi kaya napa preno ako, sorry" pagsisinungaling ni Andrew, kailangan nya kasing pagtakpan ang kaibigan at baka idemanda pa ni Trina, problema na naman
"Ganon ba??, kainis naman.."
"Dampihan mo lang lagi ng ice pack mawawala din agad yan"
"Ganon na nga gagawin ko, nga pala ikaw ba ang nagdala sakin hanggang sa kwarto ko?"
"Sino pa nga ba??"
"May gusto ka bang kainin?, ililibre kita"
"Oh sige ba"
"Nga pala, balita ko nasa bahay ni Miggy nakatira sina Cathy at ang mga anak nya"
"Oo, bakit??"
"Okey din yang si Cathy no?, nakikitira sa bahay ng lalaking may gusto sa kanya?, nag te-take advantage"
"Hindi sya nag te-take advantage, normal lang naman ata sa mag jowa yan ngayon" na ibinaling ang tingin sa mga taong kumakain, "kala ko ba ililibre mo ako?" na tumingin ulit sa babae
"So may relasyon nga sila?, pano ka?, di ba gusto mo rin si Cathy?"
"Ano ba, ililibre mo ba ako o hindi?, kasi kung hindi ay aalis nalang ako"
"Ano bang gusto mo?"
Nasa isang magarang restaurant sila Miggy at Cathy
"Ang mahal naman dito, bakit ba kasi dito tayo kumain?"
"Kasi gusto ko, tsaka ang sasarap kaya ng mga pagkain" si Miggy na pinunasan ng table napkin ang kanyang bibig
"Ay oo tama ka dyan, ang sasarap talaga ng mga pagkain" na nakangiti at uminom ng juice
Tumayo si Miggy at lumuhod sa harapan ni Cathy, kinuha nya ang maliit na pulang box sa bulsa ng pantalon nya, binuksan nya ito at iniharap sa babae
"Oh my!!" na napatakip ng bibig si Cathy, naka focus ang kanyang mga mata sa maliit na dyamanting nasa gitna ng singsing na kumikinang-kinang
"Hon, will you marry me?" na nakangiti sa babae
Kinikilig ang mga taong naroroon habang pinapanuod sila, may mga nag vi-video pa nga, "mag ye-yes na yan!!, mag ye- yes na!!" kantyawan ng mga tao
"Di ba inalok mo na ako ng kasal nong nakaraan, eh ano na naman to?" si Cathy na naluluha
"Gusto ko kasi na maging pormal ang pag propose ko sayo, kaya hon, will you marry me?" si Miggy na pinagpapawisan na sa kaba, ewan ba nya kung bakit sya kinakabahan, nong unang beses na inalok nya si Cathy ng kasal ay di man lang sya kinabahan non, seguro ay dahil nasa public area sila at pinagtitingnan sila ng mga tao," hon? " na nakatingala sa girlfriend nyang nakaupo sa upuan
"Yes hon i will marry you"
Kinuha ni Miggy ang kamay ng nobya, at sinuot ang singsing sa palasingsingan nito, tumayo si Miggy at pinatayo nyarin si Cathy, "thank you hon, and i love you"
"kiss!! Kiss!!" kantyaw ulit ng mga tao sa kanila
Ngumiti pareho sina Miggy at Cathy, at agad na hinalikan ng lalaki sa labi ang kanyang nobya, "i love you so much hon" si Miggy
"I love you more hon" si Cathy na naiyak sa sobrang saya, at niyakap ng mahigpit ang kanyang nobyo
Pinapanuod ni Trina ang viral video, di nya maiwasang mainis sa nakikita nya lalo na nong mag yes si Cathy kay Miggy. Naihagis nya ang kanyang selpon sa sobrang inis, "shit naman talaga oh, si Cathy may happy ending na, tapos ako wala pa?? Lord ano na??, ano bang plano mo sakin??, bwesit na buhay naman to oo"