Chapter 42: Pangangambala

Araw ng Linggo kaya naisipan ni Miggy na wag na muna silang pumasok ni Cathy sa trabaho, nakapangako rin kasi sya sa mga bata na magsisimba at mamasyal sila. Pagkatapos nilang magsimba ay nagtungo sila sa isang mall, ibinili nila ng damit at sapatos ang mga bata dahil malapit na ang graduation ng mga ito, pagkatapos ay nagtungo sila sa kainan para kumain. Nang matapos na sila sa mall ay naisipan naman ng mga bata na dumaan sa amusement park, at pinagbigyan naman sila ni Miggy.

"Papa sakay naman tayo don sa ferris wheel please.." si Elaine na nakanguso pa

"Oh sige baby" si Miggy

"Papa sama din ako" si Lucas

"Yeah sure baby, ikaw mommy sasama ka ba samin?" si Miggy kay Cathy

"Di na, takot ako sa heights"

"Okay lang naman sakyan yang ferris wheel eh, ang ganda nyan don sa taas, kitang-kita mo ang nag gagandahang view dito sa baba" si Miggy

"Di na, okey lang ako dito, tsaka naiihi ako eh, kaya sige na kayo na lang"

"Okay" si Miggy

"Ba bye mommy" sabay na sabi nang dalawang bata

"Mag-iingat ha, wag kayong pasaway kay papa doon sa loob"

"Yes mommy" sina Elaine at Lucas

"Maiwan ka na muna namin hon ha" si Miggy

"Sige lang mag enjoy kayo" si Cathy, agad naman na nagtungo sa may ferris wheel sila Miggy, at inihatid nya lang ang mga ito ng tingin. Naramdaman nya ulit ang paputok na nyang pantog kaya dali-dali nyang hinanap ang comfort room. Nang matapos na sya ay agad na lumabas ng CR.

"It's nice to see you again sweetheart" si Trina na nakaharap sa salamin sa may CR, nag-aayos ng kanyang sarili, pero ang mga mata ay nakatingin sa reflection ni Cathy sa salamin

"Trina?, nandito karin??" gulat na tanong ni Cathy

Tinapos na muna ni Trina ang paglilipstick nya, "yes sweetheart" na ipinasok sa kanyang sling bag ang lipstick, at humarap kay Cathy, "ang boring kasi sa condo ko wala akong magawa kaya napag isip-isip kong igala ang sarili ko, at dito naman ako napadpad" na nakatingin sa mukha ni Cathy, " kasama mo ba ang mga anak mo ngayon dito?

" Oo kasama ko sila, kasama rin namin si Miggy"

"Wow happy family?" na ngumiti, "kawawa naman si Mike, nakipag hiwalay pa naman sa akin yon para lang makipag balikan sayo, pero mukhang wala na syang pag-asa" na tiningnan si Cathy mula ulo hanggang paa, "maganda ka nga pala talaga no? kinulang ka nga lang sa height pero, ang sexy mo pala?, ngayon alam ko na bakit ikaw ang gusto nila"

"Pasensya ka na pero baka hinahanap na ako nila Miggy" aalis na sana sya

"Ano nang mangyayari kay Mike ngayon, hahayaan mo na lang ba syang malungkot habang buhay?"

"Ano ba talagang kailangan mo?"

"Gusto ko lang naman malaman kong makakaya ba ng konsensya mo na nakikita si Mike na nasasaktan?"

"Nong niloko nyo ako, naitanong mo rin ba yan sa sarili mo?"

Di nakasagot si Trina kay Cathy, "kung wala ka ng sasabihin pa, aalis na ako" si Cathy na lalabas na sana

"Eh si Andrew, kaya ba ng konsensya mong nakikita syang nasasaktan ng dahil sayo?" si Trina na mas lalong tumalas ang mga tingin kay Cathy

"Anong sabi mo?, ano namang kinalaman ni Andrew dito?" si Cathy na hinarap si Trina

"May gusto rin sya sayo, di mo ba alam?"

"Sinadya mo ba talagang sundan ako dito para lang sabihin sakin ang mga yan?" si Cathy

"Ano nang gagawin mo ngayon?, itutuloy mo parin ba yang pakikipag relasyon mo kay Miggy kahit na alam mo nang may masasaktan kang damdamin?" si Trina

"Kailangan ko ng umalis" at dali-daling lumabas ng comfort room

Ngumiti lang si Trina at humarap ulit sa salamin, "ewan ko na lang kong di ka makonsensya"

"Hon are you okay??" si Miggy na nag da-drive at kanina pa napapansing tahimik ang nobya

"Wala hon, okay lang ako, pwede ba akong umidlip na muna?, medyo napagod kasi ako sa ginawa natin kanina"

"Yeah sure hon, gigisingin ko na lang kayo ng mga bata pag nasa bahay na tayo" na tiningnan ang mga bata sa backseat na himbing na natutulog dahil sa sobrang pagod

Ngumiti si Cathy bago isinandal ang ulo sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata.

Naalimpungatan si Cathy ng maramdaman nyang may yumakap sa bewang nya, kaya napalingon sya

"Nagising ba kita?" si Miggy na nakatingin sa magandang mukha ni Cathy

"Oo eh, bigla-bigla ka nalang kasing manyayakap dyan, nga pala anong oras na ba?"

"Hmm.." si Miggy na tiningnan ang oras sa selpon nyang nasa may likuran nya, "11:25pm" na inilapag ulit sa likuran ang selpon nya

"Ba't di mo ako ginising kanina nong dumating na tayo?"

"Ang himbing kasi ng tulog mo, kaya binuhat nalang kita paakyat dito sa kwarto"

"Ang mga bata?"

"Nagising sila nasa byahe palang tayo, pero andon narin sila sa kwarto nila tulog na tulog na, sinilip ko sila kanina"

"Hon?, may itatanong lang sana ako?" na nakatingin sa may dibdib ng lalaki

"Yeah sure hon, what is it?" na nakatingin sa maamong mukha ni Cathy

"Totoo bang may gusto sa akin si.."

"Sino?"

"Si Andrew" na tumingin kay Miggy

"Nagtapat narin ba sya sayo?"

"Hindi,, si Trina ang nagsabi sa akin kanina"

"What??, nagkita kayo?"

"Nagkita kami sa CR don sa amusement park"

"Hon, umiwas-iwas ka sa babaeng yon, malakas ang kutob namin ni Andrew na may masama syang binabalak laban sayo, lalo na ngayong hiwalay na sila ng ex mo"

"Oo hon, salamat" at yumakap sa lalaki

"Yong tungkol kay Andrew, oo matagal narin syang may gusto sayo, pero wag kang mag-alala, nagka-usap na kami, at masaya sya para sa ating dalawa" na ngumiti at hinalikan ang noo ni Cathy, "tulog na tayo hon, maaga pa tayo bukas eh"

"Goodnight hon, i love you" si Cathy

"Goodnight too hon, and i love you much" na hinalikan si Cathy sa labi at gumanti ng yakap sa nobya

Beseng-bese si Andrew sa pagpipirma ng mga documents na nasa mesa nya, ng may kumatok, "come'in" na tutok na tutok parin sa ginagawa

"Sir nandito po si sir Rodel" si Audrey na pumasok ng opisina

"What is he doing here?" na tiningala ang secretary

"Visiting you" si Rodel na nakasunod kay Audrey, "ba't ba kasi di ka na nagpaparamdam?" na umupo sa sofa

"Audrey paki timpla ng kape ang damuhong yan" si Andrew

Natawa si Rodel "grabe ka talaga sakin"

Agad naman na lumabas ng opisina si Audrey, itinigil narin muna ni Andrew ang ginagawa nya, "ano ba kasi talaga ang ginagawa mo dito?" na tumayo at lumapit sa kaibigan

"Nagyaya si Michael ng inuman mamaya, sasama ka ba?" si Rodel na naka de kwatro

"Walang hiya ka, pwede mo naman itawag sa akin yan bakit pumunta ka pa dito iniistorbo mo lang ako eh" na umupo sa tabi ng kaibigan

"Gusto ko din kasi masilayan ang kagandahan at kaseksihan ng secretary mo" na ngumiti ng nakakaloko

"Manyakol ka talagang hayop ka"

"Haha grabe ka talaga sakin no, kaibigan mo ba talaga ako??"

Ilang minuto lang ay pumasok si Audrey na may dalang isang tasa ng kape, lumapit sya kay Rodel at ibinigay ito.

"Thank you Ms. Beautiful" si Rodel na nakangiti

"You're welcome sir" na ngumiti din sa lalaki

"Audrey wag na wag kang maiinlove sa damuhong yan, babaero pa sa lahat ng babaero yan" si Andrew

"Haha naku Ms. wag kang maniwala dito sa boss mo" si Rodel

Ngumiti lang si Audrey sa kanila, "balik na po ako sa table ko sir" kay Andrew

"Sige lang" si Andrew na tumayo, "saan ba tayo mamaya?" kay Rodel

Nasa club si Trina nakaupo at umiinom mag-isa, nakatingin lang sya sa ibang naroroon na masayang-masayang nag-iinuman, at napatingin rin sya sa grupo ng mga kalalakihan na kakapasok lang ng club, "si Andrew ba yan?" ng mamukhaan nya ang isa sa mga ito

"Ano bang iinumin natin?" si Rodel sa mga kasamahaan na umuupo na

"Beer" si Michael

"Okay"

Kinuha ni Andrew ang kanyang selpon at nag scroll scroll, "Ano ba naman yan bro, nandito tayo para mag enjoy" si Alli na kinuha ang selpon ni Andrew

"Di ka parin nagbabago no?, ang seryoso mo parin sa buhay" si Michael

"Kaya nga hanggang ngayon single parin sya eh, sobrang seryoso kasi at tutok lagi sa trabaho" si Rodel, "makakapag-asawa ka kaya nyan bro?"

"Ewan ko sa inyo pinagtutulungan nyo na naman ako" si Andrew

"Wait, what happened to the girl na naka one night stand mo before?" si Alli kay Andrew

"Yong ex jowa ng half-brother nya?" si Rodel

"Hoy! Kayong dalawa talaga, itigil nyo nga yan?" sita sa kanila ni Michael

Ilang minuto lang ay dumating na ang kanilang inorder na mga beer

"Ang ganda nong nag serve satin no?" si Rodel

"Type mo?" si Alli

"Kahit sino naman type nyan eh, manyakol" si Andrew ma tinungga ang beer na hawak nya

Natawa ang mga kaibigan sa sinabe nya, "well agree naman ako dyan" si Michael

"Grabe talaga kayo sakin" si Rodel na natawa nalang

"Bro" si Alli na tinapik ang balikat ni Andrew, "kanina pa nakatingin sayo ang babaeng yan oh, mukhang type ka eh"

Napatingin naman si Andrew sa babaeng tinutukoy ng kaibigan

"Sunggaban mo na?" si Rodel kay Andrew

Simula nong pumasok sila Andrew sa club ay di nawala ang tingin ni Trina sa kanila, nakita nyang napatingin sa kanya ang mga ito, napainom sya ng beer ng magtama ang mga mata nila ni Andrew

"Hi, are you alone?" anang lalaki na lumapit sa kanya

"Yup, why?" na nakatingala sa lalaking nakatayo sa harapan nya

"Can i join you here?"

"You can sit here, papaalis narin kasi ako eh" na isinukbit sa balikat ang kanyang sling bag, at tumayo

"Saglit lang" na hinawakan ang braso ni Trina, "ang bastos mo naman, aalisan mo ako agad"

"Bitawan mo ako" na tatanggalin sana ang kamay ng lalaking nakahawak sa braso nya, pero naiinis ang lalaki sa inaasta nya kaya hinigpitan nito ang paghawak sa braso nya,, "Ouch!! Ano ba?!"

"Pakipot karin no?" ang lalaki na mahigpit parin ang pagkahawak sa braso ni Trina

"What are you doing?" si Andrew na nasa likuran mg lalaki

"Andrew??" si Trina na napatingin kay Andrew

"Kilala mo ang babaeng to?" anang lalaki kay Andrew

"She's my friend, kaya pakawalan mo na sya" si Andrew sa mahinahong boses

"Okay" at agad na binitawan ang braso ni Trina

Agad na hinila ni Andrew si Trina palabas ng club, "thank you" si Trina kay Andrew ng nasa labas na sila

"Umuwi ka na" si Andrew

"Di mo ba ako ihahatid?"

"Di ko pwedeng iwan ang mga kaibigan ko, sige na umuwi ka na" nagulat na lang sya ng bigla syang halikan ng babae sa labi, kaya naitulak nya ito, "dammit! , what's wrong with you?"

"Andrew, ayaw mo ba sakin?"

"You're drunk, just go home" pasigaw na sabi ni Andrew

"Yon na nga eh, lasing ako tapos ayaw mo akong ihatid"

"Fuck!!"

"Bro what's going on here?" si Michael na sinundan sila palabas

"Buti at nandito ka, tulungan mo'ko dali" si Andrew

"Anong maitutulong ko?" si Michael na nakalapit na sa kanila

"Trina where's your key?" si Andrew kay Trina

Kinuha ni Trina ang susi sa kanyang sling bag at inabot kay Andrew, "yan ang kotse ko" na tinuro ang itim na kotse

"Bro paki drive naman ang kotseng yan" na inihagis ang susi sa kaibigan, nasalo naman ni Michael ang susi

"Pano kayo?" si Michael

"Lasing na sya at don nalang sya sasakay sa sasakyan ko" na hinila si Trina papunta sa kanyang sasakyan

"Pano sila Alli at Rodel?" pasigaw na sabi ni Michael

"Pakitawagan nalang sila, pakisabi babalik tayo agad" si Andrew na binuksan ang back seat, "pumasok ka na" kay Trina

"Sa backseat ako?, hindi sa front seat?"

"Trina ano ba, bilisan mo na please"

Agad naman na sumakay si Trina at isinara din kaagad ni Andrew ang pinto, nagpunta sya kaagad sa driver's seat at agad na pinaharurot ang sasakyan nya