CHAPTER 65
_
Trixie Forteza Fernandez's Pov.
Matapos kung mag concert don... Joke heheh.
Kumain na kami, syempre kanina na rin ako gutom no.
"Hubby nakita mo ba si Steven at Dave?" Pabulong kung tanong kay Ken, magkatabi kami ngayon.
"Ba't mo ba sila hinahanap?!" Grabe ang taray ng lola nyo, nag tatanong lang naman ako eh.
"Sige hanapin ko muna sila."
"Wait..." Di ko na sya pinatapos mag salita. "Saglit lang naman hubby eh." Sabi ko bago nag lakad papalayo.
"Oh, nandito ka pala Dave." Sabi ko ng makita ko si Davey, ba't gulat na gulat yata sya? Para naman nakakita sya ng magandang magandang multo.
Nilinga-linga ko yong paningin ko.
"Banyo 'to ng lalaki Trix--"
"Hinahanap ko kase si Steven, nakita mo ba sya?" Tanong ko pero imbis na sagutin ako eh, bigla nalang syang lumapit sakin at niyakap ako.
"Davey? May problema ba?" Tanong ko.
Para kaseng narinig ko syang humikbi.
Inilayo ko sya sa pagkakayakap sakin at tinignan ko yong mukha nya, umiiyak nga sya may tumutulong luha sa pisngi nya pero kaagad nya naman 'yong pinunasan.
"Nag away ba kayo ni Ken?" Tanong ko tumawa naman sya ng pilit. "No, Trix di kami nag away."
"So, bakit ka pala umiiyak kung ganon?"
"W-Wala na miss ko lang bigla yong Mama ko." Bakit yata feeling ko e nag sisinungaling sya? Pero ba't naman mag sisinungaling si Davey diba?
"Uhm, sige mauna na ako Trix, paki sabi nalang kay Ken na umalis na ako." Sabi nya at aalis na sana pero bigla kung hinawakan yong kamay nya.
"Ha bakit naman? Pwede namang mag paalam ka nalang muna kay Ken, baka kase mag tampo yon... T-Teka umiiyak ka ba dahil don sa nangyari kanina?"
"Ano? Anong nangyari?"
"Nakita mo bang hinalikan ko kanina si Ken sa labi? Kaya ba umiiyak ka? S-Sorry na Davey di ko naman sinasady-- este sinasadya ko pala yon pero kase di ko mapigilan yong sarili ko. Alam mo namang gusto ko si Ken noon palang diba, ay este mahal pala."
"Ganon mo ba talaga sya ka mahal Trix?" Tanong nya. Kita kung may namumuong luha sa mga mata nya.
"Uhm, oo... sobra." Sabi ko napakamot naman ako sa ulo ng umalis sya bigla ng walang pasabi.
Alangan namang mag sinungaling ako diba?
_
Pagkatapos ay umuwi na kami ni hubby sa bahay, mga 11:40 pm na yata ngayon.
"Trix matulog ka na."
"Eyy di pa ako inaantok Ken." Sabi ko at binaling ulit ang tingin sa palabas. Nagulat ako nang bigla nyang hugutin yong wire na nakasaksak.
"Hoy ano ba nanonood pa nga ako eh!"
Maktol ko at tinitigan sya ng masama.
"Sinabi ko nang matulog ka na don sa kwarto mo diba?!" Seryoso nyang sabi.
"Di pa nga ako inaantok!!"
"Kung hindi ka matutulog maglinis ka nalang dito sa bah---" di ko na sya pinatapos mag salita kase tumayo na ako at kumaripas ng takbo papuntang kwarto.
Humiga na ako sa kama at kinuha yong cellphone ko nagulat naman ako ng makitang nakatayo si Ken at nakasandal lang sya sa pintuan.
"Heheh kanina ka pa ba dyan?" Ba't di ko napansing nandyan sya kanina? Este sumunod pala sya sakin?
Lumapit sya sakin at kinuha yong phone ko, nilapag nya 'yon sa gilid ng unan ko. Umupo sya sa gilid ng kama at hinawakan ang pisngi ko.
"Sinabi ko na diba na matulog ka na." Saad nya habang hawak-hawak parin ang pisngi ko, tumango naman ako.
"Matulog ka na." Sabi nya ulit.
Tumango naman ulit ako.
"Kiss muna matutulog ako heheh joke la--" bigla akong napatulala ng hinalikan nya ako sa noo.
Lumabas na sya ng kwarto.
"Waaa hutangina!!" Tili ko at nagpa gulong-gulong sa kama. Bigla naman akong napahinto ng sumilip pala si hubby ng kaunti sa pintuan.
"Matulog ka na."
"Heheh sabi ko nga." Umayos na ako sa pagkakahiga at pumikit nang nakangiti pa.
***
"Hubby may trabaho ka ba ngayon?"
Tanong ko kay hubby ng makita ko sya.
"Meron, bakit?" Tanong nya habang nilalagyan ng kanin yong plato.
Tapos na pala syang mag luto, sayang naman di ko sya nakitang nag luto kanina. Umupo ako sa upuan at tinignan syang papaupo palang sa upuan nya.
"Ahm, mag papaalam--"
"Magpapaalam?? Iiwan mo ako? Bakit?" Di pa nga ako tapos mag salita hubby eh. Saka sa tingin mo ba iiwan kita? Ako pa talaga ang mang iiwan sayo ah? Sus di mangyayari yon hubby, never!
"Wait lang hubby ah ba't parang ang oa mo naman yata, mag papaalam lang ako kase balak ko sanang pumunta sa bahay--" di ko nanaman natapos ang sasabihin ko kase bigla-bigla syang nag salita.
"Bahay? San ka ba nakatira? Diba dito?" Luh ano bang problema nito?
"I mean, bahay nila Mommy at Daddy."
Saad ko para naman syang nakahinga nang maluwag.
"Ahhh... anong gagawin mo don?" Tanong nya sakin, ba't palatanong ka yata. Pati ang pag punta ko sa bahay nila Mommy eh itatanong mo kong ano ang gagawin ko?
"Kakamustahin ko lang yong mga katulong doon." pilosopong sabi ko seryoso nya naman akong tinignan.
"Sagutin mo ng maayos ang tanong ko Trix wag puro kalokohan."
"Tsk 'to naman, kakamustahin ko lang yong kwarto ko noon, kukunin ko yong mga gamit ko. Gusto mo bang sumama? Balak ko sanang ipakita sayo yong... Uhm di bale na nga lang wala ka palang pake at saka may trabaho ka nga pala ngayon." Nag simula nalang akong kumain.
"P-Pwede naman akong mag paalam kay Dad na hindi muna ako papasok sa trabaho." Nanlaki naman yong mata ko at masaya syang tinignan.
"Owws talaga? So sasamhan mo ba akong pumunta don? Ihahatid mo ako hubby?"
_
Ken Fernandez's Pov.
"Yeah." Tango kung sabi.
"Hala salamat talaga sissy." Tumayo sya at niyakap nya ako ngingiti na sana ako ng marealize ko yong tinawag nya sa 'kin.
"Sissy?" Kunot noo kong tanong sakanya.
"Heheh I mean, Ken." Kumawala sya sa pagkakayakap sakin.
Kumunot naman ang noo ko.
"Ken?"
"Ah, este hubby pala."
"Tawagin mo pa akong sissy ulit, pipitikin ko yang bunganga mo." Banta ko napatikom naman nya ng bibig at bumalik sa upuan nya.
Pagkatapos naming kumain ay naligo na ako.
"Hubby," tawag nya sakin mula sa labas ng pintuan, narinig ko namang kamatok sya.
"Sandali lang nag bibihis... pa ako..." Huli na kase nakapasok na sya, agad na nang laki yong mata nya ng makita ang katawan ko.
Tanging t-shirt lang naman ang hindi ko pa na susuot.
Bigla naman syang tumalikod.
"B-Ba't di ka nag l-lock." Utal nyang sabi.
"B-Bat k-kase bigla b-bigla kang p-pumapasok." Panggagaya ko sa pagka utal nya, napatawa naman ako ng humarap sya at tinignan ako ng masama.
"Tsk, dalian mo dyan, para ka namang babae!"
"Wow nahiya naman ako, mukhang first time mo ngang mag intay sakin kase madalas ikaw yong inaantay ko!"
Nag kamot naman sya sa ulo.
"Ano nahiya ka?"
"Duh, ba't naman ako mahihiya," mataray nyang sabi at lumabas ng kwarto.
Sinuot ko na yong t-shirt ko at lumabas na ng kwarto.
***
Nakarating na kami sa bahay nila Tita at Tito.
"Oh, napadalaw kayo? Na miss mo ba kami Trixie anak?"
"Yong kwarto ko ang na miss ko na hindi kayo." Saad ni Trixie.
Kinurot ko naman yong tagiliran nya.
"Heheh joke lang syempre nandito ako kase na miss ko kayo. Uhm Mommy punta lang kami sa kwarto, ipapakita ko kay hubby yong pangalawang kwarto ko."
"Ipapakita mo sa asawa mo yong pangalawang kwarto mo? Pero saamin hindi?"
"Wag ka nang mag tampo Mommy, pwedeng-pwede mo nanaman yong makita simula ngayon."
"At saka ikaw huh di ka man lang nag sasabi na magaling ka palang kumanta."
"Di ka naman nag tanong ah." Pabalik balik lang yong tingin ko sa kanilang dalawa. Nakalimutan siguro nilang nandito ako oh? Hello nandito pa ako? Kausapin nyo naman ako.
Matapos silang mag chikahan ng Mom nya ay nag tungo na kami sa kwarto, kinuha nya muna yong susi sa sling bag nya at binuksan na 'yon.
Nang makapasok na kami sa loob ay namangha naman ako sa nakita ko.
Nangungulikta yata sya ng guitara eh.
"Woah sayo 'to lahat? Ito yong mga guitara na napanood ko sa mga video mo... pfft, ba't ka pala bumili ng madaming guitar tapos di ka pala--" napatikom ako ng bibig ng mag simula syang mag guitara.
"Ahh marunong ka na pala ngayon, siguro mga old videos mo pa yon." Napahiya ako don ah.
"Pfft, trip-trip ko lang naman kase yon eh. Duh sa tingin mo ba talaga di ako marunong? Ang gagu mo naman."
"Marunong kang mag guitar diba? Halika dito, parinig naman akong mag guitara ka." Nakangiting sabi nya.
"No way, hindi naman talaga ako masyadong marunong." Saad ko at inilibot yong paningin.
"Sinungaling talaga, kala nya siguro di ko pa sya narinig na mag guitara."ay binulong-bulong sya pero di ko narinig.
"Tsk, nag mamayabang ka lang pala nong nasa mall tayo eh, nagpapa empress ka lang pala kay Davey." Bigla namang uminit yong ulo ko dahil sa sinabi nya.
"Hindi ah!" Pag tanggi ko
"Indenayal queen ka talaga Ken," Iling nyang sabi at mag sisimula na sana syang mag guitara pero inagaw ko yon sakanya, umupo ako sa tabi nya.
"You know I want you..." Tumingin ako sa kanya.
"... It's not a secret I try to hide
I know you want me
So don't keep saying our hands are tied
You claims is not in the cards
Fate is pulling you miles away
and out of reach from me..." Patuloy ko sa pag kanta, natawa naman ako ng kaunti ng pisilin nya ang pisngi ko.
"But you're here in my heart
So who can stop me if I decide
That your my destiny?"
"What if we rewrite the stars?
Say you were be mine
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours
Tonight."
Kakanta na sana ako sa susunod na lyrics ng biglang sya ang nag patuloy sa kanta.
"You think its easy
You think I don't run to you
but there are mountains
And there are doors that we can't walk through
Because we're able to be
Just you and me
Within this walls
But when we go outside
Your going to wake up and see that it was hopeless after all."
"No one can rewrite the stars
How can you say you'll be mine?
Everything keep us apart---" napahinto ako sa pag g-guitara kaya napahinto den sya sa pag kanta.
"Wait this feels familiar," ngayon ko lang den na realized na pamilyar ang boses ni Trix. Sigurado akong narinig ko ang boses na 'to eh.
_
(Flashback)
Lumabas ako ng classroom kase ang ingay-ingay nila, ang sakit sa ulo yong mga boses nila! Gusto ko sanang matulog para mawala sa isip ko yong nangyari kanina.
Nag away kase kami ni Daddy and he almost punch me in my face... mabuti nalang at napigilan sya ni Mom.
Papunta akong rooftop ngayon, dito ako tumatambay pa minsan-minsan...
Bubuksan ko na sana yong pinto ng biglang may narinig akong kumanta.
"Scrolling through my cellphone
for the 20th time today
Reading the text you sent me again
Though I memorized it anyway...." Boses 'yon ng isang babae, napaisip ako... Kung bubuksan ko yong pinto baka hindi sya mag patuloy sa pagkanta. I want to hear her voice, gusto ko pang pakinggan ang boses nya.
"It was an afternoon in December
When it reminded you of the day
When we bumped into each other
But you didn't say hi 'cause I looked away." Umupo nalang ako at sinandal ang ulo ko sa pintuan.
"And maybe that was the biggest mistake of my life
And maybe I haven't moved on since that night" Patuloy nya sa pagkanta, ang ganda ng boses nya nakakarelax, parang mawawala yong problema mo saglit.
Ipipikit ko na sana yong mata ko ng biglang nagulat ako nang may tumawag sa phone ko naka loud speak pa 'yon.
Hindi ko sinagot yong tumawag, napahawak ako sa dibdib ko. Gosh ba't kinabahan ako bigla...
"Sino yan? M-May tao ba dyan?" ramdam ko yong kaba nya, ba't sya kinakabahan?
Parang nakasandal den yata sya sa pinto.
"Uhm sorry miss nakikinig kase akong kumanta ka, pasensya na kung na distorbo yata kita."
"Oh my...." di na nya natuloy ang sasabihin nya, ilang segundo syang natahimik tapos bigla din syang tumikhim.
"N-Nako okay lang yon Ken... este kanina ka pa dyan?" Tanong nya.
"No, kakarating ko lang."
"Ah ha ha, nakakahiya narinig mo akong kumanta." may halong lungkot na sabi nya.
"Maganda naman ang boses mo kaya ba't ka mahihiya?" Taka kung tanong, totoo naman kase maganda yong boses nya kaya ba't sya mahihiya?
"Ah ehh sa totoo lang ikaw pa yong kauna-unahang taong nakarinig na kumanta ako." Napangiti naman ako dahil don, parang bigla yatang bumilis yong tibok ng puso ko bigla di ko maipaliwanag kung bakit.
"Ang swerte ko pala kung ganon." Dinig ko namang napatawa sya.
"Ako nga yong ma swerte." Dinig kong sambit nya.
"You know I want you
It's not a secret I try to hide
I know you want me..." Pag sisimula ko sa pagkanta, tahimik lang sya.
"So don't keep saying our hands are tied
You claims is not in the cards
Fate is pulling you miles away
and out of reach from me
But you're here in my heart
So who can stop me if I decide
That your my destiny?" Actually first time kung kumanta, yong may nakakarinig sakin. I don't know but I feel confident.
"What if we rewrite the stars?
Say you were be mine
Nothing could keep us apart
You'd be the one I was meant to find
It's up to you, and it's up to me
No one can say what we get to be
So why don't we rewrite the stars?
Maybe the world could be ours
Tonight."
"You think its easy
You think I don't run to you
but there are mountains
And there are doors that we can't walk through
Because we're able to be
Just you and me
Within this walls
But when we go outside
Your going to wake up and see that it was hopeless after all." Kanta nya. napangiti naman ako.
"Alam mo pala ang kantang 'to?" Natutuwang tanong ko sakanya.