CHAPTER 51
"Away talaga yung gusto mo eh kaya pag bibigyan kitang bruha ka!" Sabi nya at hinila-hila ng malakas ang buhok ko. Mahihilo na yata ako piste!
"Hoy bakla anong away ang gusto ko ha! Baliw ka ba? Ikaw kaya... Ikaw ang gusto ko yieeee." Bigla nyang binitawan ang buhok ko. Tinignan ko naman sya ng nakakaasar na tingin.
"Ehem halika na, alis na tayo." Kung mag salita eh para bang walang nangyari. Nag simula na syang mag lakad at sinundan ko lang sya.
Sinuklay-suklay ko yung buhok ko habang si Ken naman ay nag d-drive. Naka focus lang ang tingin nya sa daan.
Grabe para akong sinabunutan. Ay, sinabunutan nga pala talaga ako.
Argg ano bayan! Ang gulo-gulo parin ng buhok ko, para akong mangkukulam nito.
"San mo gusto pumunta?" Basag nya sa katahimikan.
"Amusement Park."
"Ba't sa amusement park pa, iba nalang." Ang gagu tinatanong mo kung san ko gusto pumunta tapos nong sinabi ko, sasabihin mong iba nalang?!
Kung sasabihin ko sayong mahal kita, sasabihin mo rin ba, na iba nalang mahalin ko. Tanga-tanga ka din Ken eh no.
"Amusement park!"
"Oo na, oo na di mo naman kailangan sumigaw!" Ba't yata parang ayaw mo sa amusement park Ken?
"Hindi naman 'yun sigaw na galit, sigaw yun ng masaya hubby, okay."
"Kahit na, sigaw pa rin ang tawag dun." Eh, di wow. Ikaw na yung tama at ako na yung mali. Nakakahiya naman kasi sayo.
"Hubby."
"Oh?"
"Nagugutom ako."
"Na naman?" Kunot noo nyang tanong.
"Ah grabe, di naman kasi ako nakakain ng maayos kanina."
"Wow anong di nakakain ng maayos ka dyan eh naubos mo nga yung ulam at kanin sa bahay."
"Ahahah nakulangan kasi ako dun sa kinain ko kanina." Sabi ko at nag kamot ng ulo. Ambilis naman kasi talagang magutom nitong tiyan ko, napaka demanding nang mga bulate ko sa tiyan, nakakainis nga eh.
"Ah, ehh, di bale na nga lang." Sabi ko at sinandal yung ulo sa bintana. Napangiti naman ako ng may maisip, dapat may remembrance ako.
Dali-dali kong kinuha yung cellphone ko at nag selfie, hmm mas maganda siguro kung isama ko si Ken ano?
Tinaas ko yong camera at sinali si Ken sa pag picture. Tsk, itong si Hubby napaka kj, di man lang lumingon. Pinicturan ko nalang sya ng mag isa habang hawak-hawak parin nya yung manobela, umabot na ng 100 ang nakuha kong litrato nya kaya tumigil na ako.
"Stop taking pictures of me Trix." Binalingan ko naman sya ng tingin.
Eh, ano daw?
"Pinagsasabi mo?"
"I said stop taking pictures of me." Napahalakhak naman ako ng tawa.
"Pfft, h*tangina feeling ka rin eh, no. Kinuhanan kita ng picture pero kanina yon." Pinakita ko sakanya yung mga pictures ko. Nag s-selfie kaya ako at di sya kinukunan ng picture duh!
Tumikhim naman sya at umiwas ng tingin nang nag pipigil na naman ako ng tawa.
Ano? Napahiya ka ba? Pfft, okay lang yan hubby sa susunod wag ng masyadong assuming huh.
_
"Hubby bilhan mo ako nang balloon."
Sabay turo don kay manong na may bitbit na mga balloon.
"Ah, yon ba?"
"Hindi yang balloon na 'yan, gusto ko yung katulad nyan oh yung may Sofia the first."
Tumayo si Hubby at lumapit dun sa lalaki na nagtitinda ng balloon. Ah, basta balloon tawag don.
"Oh."
"Ba't isa lang?"
"Bakit sinabi mo bang dalawa ha?!"
"Sabagay wala nga pala akong sinabi kung ilan." Malungkot kong saad.
"Hubby subukan natin yung ferris wheel." Ang tagal ko na ring hindi nakapunta dito at nakasakay ng mga rides.
"Ah... Ehhh... Ano... Ikaw nalang, sumama bigla yong pakiramdam ko eh." Saad nya sabay hawak pa sa ulo nya. Napangisi naman ako.
Pfft, alam ko na nag papalusot lang sya, na-i-kwento kaya ng Mommy nya sakin na ayaw nya ng mga rides or should I say takot sya. Mweheh pasensya na Hubby pero mukhang mapag titripan kita ngayon.
"Eyy hali ka na Hubby ang boring naman kung ako lang mag isa ang sasakay. Para san pa kung nagsama tayo eh, ako lang pala ang sasakay dyan sa rides." Nakanguso kong sabi at hinawakan yong braso nya sabay yugyug.
"Sinabing ayuko nga!" Sigaw nya sakin. Ang harsh nya diba? Pwede namang sabihin nya nalang na takot sya hindi yung sasabihin nya na ayaw nya pero ang totoo eh, ayaw nya kasi takot sya!
Tsk, bakla talaga kahit kelan!
"Okay sige, ako nalang!" Aalis na sana ako kaso naalala ko na wala pala akong pera pambili ng ticket.
"Pahinging pera!" Kinuha nya naman yung pitaka nya sa bulsa at binigyan ako.
Pumunta na ako dun at bumili ng ticket, inantay pa naming matapos yong mga naunang sumakay.
Amboring ba't antagal nilang matapos! Magiba sana yan... Heheh joke lang dapat makasakay muna ako bago magiba.
"Hi, miss." Lumingon ako sa likuran ko, sino kaya yon?
Patingin ko sa harapan. Nagulat naman ako ng may lalaking nilahad yung kamay nya sakin. Kaya pala wala akong makita sa likuran ko kasi nasa harapan ko pala sya.
"Oh, hello." Ngiti kong sabi at nakipag shake hands.
"May kasama ka bang sumakay?"
"Ahm.. ehh..." Nilingon ko muna si Hubby na ang sama-sama na ng tingin sakin...? Ahm sakin ba sya nakatingin o sa lalaking kausap ko ngayon?
"Heheh wala naman, ako lang mag isa." Sabi ko.
"Sabay nalang tayo, wala rin kasi akong kasama." Nahihiyang sabi nya at nag kamot ng ulo. Eyy may kuto din sya? Hala pareho kaming tatlo ni Hubby.
Lumabas na yung mga tao. Yes makakasakay narin ako!
Pumila pa kami, hayst dapat kasi nauna ako eh! Yan tuloy pumila-pila pa ako!
Sinabi pa nung lalaki na dalawang hayop este dalawang tao lang sa iisang... Ah, ehh ano nga tawag dito?
"Kami nalang dalawa manong, magka kilala naman kami." Saad nung lalaking nakilala ko kanina. Uhm, hindi ko pala sya kilala kasi di ko naman alam pangalan nya.
Ako na 'yong naunang pumasok, kaagad naman akong umupo. Papasok na din sana yung lalaki kaso may humawak sa braso nya, nanlaki naman yung mata ko ng makilala kong sino yun.
"Ako na."
"What?"
"Ako, kasama nya ako."
"Anong kasama, ang pinagsasabi mo dyan pre!" Hinila pa ni Hubby yung lalaki at saka may binulong pa.
Naiimagine ko tuloy kung anong binulong ni Ken 'Hintayin mo ko mamaya, kita tayo sa Hotel. 9:00 pm okay.' parang ganun lang heheh o baka naman mali yung naiisip ko.
Umatras yung lalaki at saka tinapon yong ticket nya, padabog naman syang umalis.
Anyare dun? Na badtrip yata?
"Akala ko ba ayaw mong sumakay?" Taka kong tanong.
"Matagal na akong hindi nakakasakay nito kaya naisipan kong subukan, okay?! At saka ikaw bruha ka nakikipag landi ka pa talaga huh, akala ko ba gusto mong sumakay dito!"
"Oo nga gusto ko ngang sumakay dito..."
"Siguro gusto mong sumakay dito para makipag landian ka no?!"
"Hala di kaya sino naman 'yung lalandiin ko?" Si Hubby talaga eh tamang hinala! My god sino ba kasi lalandiin ko? Teka nga lang hindi naman ako malandi diba!
"Yong lalaki kanina ha sino ba ang gagung yun?" Seryoso nyang tanong sakin. Napakamot naman ako sa ulo ba't parang galit sya?
"Di ko sya kilala eh." Kibit balikat kong saad.
"So nakikipag landian ka sa di mo kilala!?" Nag crossed arm sya, tsk para ko naman syang tatay kung makapag salita.
"Ahm so okay lang makipag landian basta't kilala ko Hubby?" Sinamaan nya ako ng tingin.
"Heheh sabi ko nga eh, ikaw lang lalandiin ko."
"Dapat lang!"
"Ano?" Nabingi yata ako.
"W-Wala!"