Chapter36-Wakas
"Are you ready, Yexie?" tanong ni mommy Alyza.
Ngayon ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw ng aming kasal. Narito ako ngayon sa isang villa sa Lerte's beach. Katatapos lamang nila akong ayusan.
Nakasundo ko rin si mommy Alyza makaraan ang dalawang linggo matapos ang proposal ni Kavez. Mommy na raw ang itawag ko sa kaniya. Masaya ako ng araw na 'yon dahil natanggap na rin niya ako.
"Yes po."
"Okay, the organizer said that in few minutes the wedding will start. I will go outside to tell your mom," umalis na siya sa tabi ko at lumabas sa villa.
Ngumiti ako sa salamin, abot-taingang ngiti.
"Yexie, magsisimula na. Halika."
Agad akong sumama sa organizer. Lumabas kami sa villa. Ang mga abay ay nagsisimula nang maglakad. Nauna ang mga batang kamag-anak namin na siyang flower girl, ring bearer, bible bearer at coin bearer sumunod ay si Arielle na kapartner si Werald, si Paizel na kapartner si Sercide, at si Deros pati ang pinsan ni Kavez. Pagkatapos nila ay sumunod naman ang mga ninong at ninang. Siyempre ako ang huli.
Ginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng lugar, saktong-sakto ang paglakad ko sa gitna dahil kasabay nito ang paglubog ng araw, ang mga alon ng dagat ay sumasabay sa tugtugin ng byolin. Napakasarap sa pakiramdam.
Nang matapos ang paglalakad ng lahat ay tiningnan ko sa dulo si Kavez, kahit malayo ay halata ko ang kaniyang pag-iyak. Napakaswerte ko talaga sa kaniya.
"Even if I did a lot of mistake before, I know this walk through the aisle to him is one of the rightiest thing that I've done. 43, 53, 93"
-Yexie Larina B. Arabelle