Chapter 35-I will wait for you anytime

Nagising ako sa pamilyar na kwarto, agad akong napabangon nang mapagtantong nasa kwarto ako ng condo ni Kavez!

Inalala ko ang nangyari kahapon. Ang alam ko ay paalis na ako ng kompanya ng biglang may yumakap sa aking ng patalikod at si Kavez 'yon!

"How are you, Kavez?" rinig kong tanong ng isang lalaki.

Agad akong sumilip sa labas ng kwarto. Nakita ko sa sala ang mga mgaulang ni Kavez na kausap siya. Si tito Louie ay nakangiti samantalang si tita Alyza ay hindi kakikitaan ng anumang reaksyon.

"I'm okay," sagot ni Kavez sa kaniyang ama.

Hindi ako tuluyang lumabas ng kwarto. Nakatingin lang ako sa kanila sa pamamagitan ng kaunting awang ng pinto.

"Kavez, sigurado ka na ba?" seryosong tanong ni tita Alyza sa kaniya.

"Hindi na magbabago ang isip ko," walang pag-aalinlangan na sagot ni Kavez.

Tumango-tango ang nanay niya pero halata rito ang lungkot.

"Kung ayaw niyo sa kaniya, hindi ko kayo mapipilit basta alam ko sa sarili ko na hindi ko iiwan si Yexie," dadag pa ni Kavez.

Mariin akong tumitig sa kanila, ako ang pinag-uusapan nilang mag-anak.

"Hindi ako against sa inyo anak, masaya ako sa inyong dalawa," abot-tainga ang ngiti ni tito Louie.

"Wala na akong magagawa kung 'yan ang gusto mo," sabi naman ni tita Alyza at tumayo para makalabas.

"Kakausapin ko lang ang mommy mo. Matatanggap niya rin si Yexie. Alam ko na mabuti ang kalooban ng batang 'yon," saad ni tito Louie bago sinundan ang nanay ni Kavez.

Nang makita kong tumayo na rin si Kavez ay agad akong tumakbo papunta sa higaan at nagkunwaring tulog. Naramdaman ko ang paglubog ng kama, tanda na may umupo rito.

"I know you are awake."

Idinalat ko na ang mata ko, wala rin palang saysay ang pagkukunwari ko.

"Ano 'yong pinag-usapan niyo?"

"Wala 'yon. Problema lang namin ni mommy. By the way, I already cook breakfast. Kumain ka na, alam kong noong mga nakaraang araw ay nalipasan ka ng gutom dahil sa kahihintay sa akin. I'm sorry."

"Okay lang 'yon," ngumiti ako sa kaniya.

"Take care of yourself, please? You need to eat on time," nag-aalala niyang paalala sa'kin

"I will," nakangiti pa rin ako.

Pumunta ako ng kusina para kumain na. Nagprito siya ng hotdog, bacon, ham, and sunny side-up egg. Mayroon din doong tinapay at gatas.

Nilagyan niya ako ng napakaraming pagkain sa pinggan.

"'Di ba sasakit naman ang tiyan ko kapag kumain ako ng ganyan karami? Ilang araw ang akong nalipasan ng gutom," tanong ko sa kaniya.

"Oh! Right! Sorry," binawasan niya ang aking pinggan at 'yon ang kinain niya.

Pagkatapos mag-almusal ay natulog ulit ako. Feel ko kasi kailangan ko ng maraming tulog, buti at pinagpapahinga pa rin ako ni Kavez. Pagkagising ko ay napatingin agad ako sa bintana ng kwarto, papalubog na ang araw. Ang haba ng tulog ko ah. Hinanap ko si Kavez.

"Kavez?" tawag ko dahil kahit saang parte ng condo ay hindi ko siya makita.

Kunot-noo akong bumalik sa kwarto nang walang sumagot sa akin kundi katahimikan. Lumapit ako sa isang mesa nang makita ko ang cellphone ko roon. Mas lalong nangunot ang noo ko nang makitang may notes sa ilalim ng aking cellphone. Binasa ko naman ito kaagad,

"Good afternoon, Lar. Hope you sleep well. Hinahanap mo ba ako? Nasa Lerte's beach lang ako. Pwede bang pumunta ka rito? But before you go here please it the foods that I prepare for you in the kitchen. I will wait you anytime :)"

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Agad akong pumunta ng kusina at kinain ang pagkain. May hinanda siya roong vegetable salad. Naligo ako ng mabilis matapos kumain at agad nang umalis.

Habang pinapaandar ko ang sasakyan ko papunta sa Lerte's Beach ay pumapasok sa isip ko ang iba't ibang ideya kung bakit ako pinapapunta roon ni Kavez. Manonood kaya kami ng sunset, eh nagsisimula nang lumubog ang araw ah? May hinanda ba siya para sa'kin? Kakain ba ulit kami sa barko?

Nasagot ang mga katanungan ko ng makarating ako roon.

Nalaglag ang panga ko ng makita ang mga magulang ko, si Arielle, mga magulang ni Kavez, Paizel, Sercide, Werald at Deros.

Tatanungin ko sana sila kung bakit sila narito ng bigla na lang sumulpot sa harap ko si Kavez. Makikita mo ang kagwapuhan niya dahil sa sobrang ganda niyang pagkakangiti.

"In front of our family and friends, I want to know your answer...... Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Lar."

Uminit ang gilid ng aking mata nang makita ang pagluhod niya. Ngayon pa lang alam ko na ang itatanong niya.

"Lar, we have been couple for three years. I know three years is short but I already know that you are the one," may dinukot siya sa bulsa, isang maliit na kahon.

"Lar, I think of this for a long time now. I want you to listen carefully," unti-unti niya binuksan ang kahon, "Will you marry me?"

Doon nagsimulang tumulo ang luha ko. Noong bata pa ako ay hindi ko alam na ganito pala kasayang maranasan ito, ang sarap sa pakiramdam na nakaluhod sayo at may hawak na singsing ang taong mahal mo. Alam ko matatawa ang iba kasi ilang taon palang kaming magkasintahan at kagagaling lang namin sa problema ay nag-propose na agad si Kavez, masyado pa itong mabilis pero para sa akin hindi 'yon ang dahilan upang tanggihan mo ang iyong minamahal.

Dahan-dahan akong tumango, hindi ako makapagsalita. Agad niya akong niyakap ng makita ang aking pagsang-ayon. Tiningnan ko ang mga magulang ko, kita ang saya nila para sa'kin. Ang mga magulang naman ni Kavez ay nakangiti ngunit halata kay tita Alyza ang kaunting lungkot at galit. Napatingin ako sa aming mga kaibigan abot-tainga ang mga ngiti nila. Huli kong tiningnan si Paizel, hindi siya nakangiti at seryoso lamang.

Sinuot ni Kavez ang singsing sa akin, saktong-sakto ito sa akin. Tuloy-tuloy pa rin ang luha ko.

"43, 53, 93," bulong ni Kavez sa akin.

"43, 53, 93, 81," sagot ko sa kaniya.

Hindi ko inalintana ang mga nakita kong reaksyon sa aming pamilya at kaibigan. Ito ang makapagpapasaya sa'kin kaya ito ang susundin ko.