Chapter 30-Ate

"Sa ngayon, ipaghihiganti ko muna ang dapat," mahinahon ang tono ni Paizel ng banggitin niya 'yon ngunit mas tumindig ang balahibo ko rito.

"Paizel? Anong sinasabi mo?" sa wakas ay nakapagtanong ako.

"Hindi mo talaga maalala? Hay, gano'n pala kayong mga masasamang tao?"

Kumunot ang noo ko ngunit hindi pa rin nawawala ang takot.

"Anong pinagsasasabi mo!?" napataas ang tono ko.

"Ngayon galit ka naman? Hindi ka ba talaga magiging mabuti?" Tumigil siya ilang saglit, "Tanda mo pa ba ang nakaraan mo? 'Yong kinuwento mo sa'king todo iyak ka ngunit hindi ka man lang humingi ng tawad? 'Yong mga magulang mo ang nakipag-areglo sa mga magulang ko at hindi ka man lang naparusahan? Nakatatawa dahil hindi mo man lang napansin kung sino ba talaga ako. Sabagay, pinalitan ko nga pala ang mukha ko, hindi mo talaga ako makikilala," ngumisi siya, ngising mas nagpataas pa ng balahibo sa aking katawan, "Handa mo na bang harapin si kamatayan?"

Napaatras ako sa sinabi niya. Naguguluhan pa rin ako kung ano ang mga sinasabi niya ngunit may ideya na ako kung sino ba talaga siya at bakit siya nagkakaganito.

"Pai-izel? Ika-aww 'yo-ong ba-abae-e?" mangiyak-ngiyak kong tanong.

"Ayan, ngayon alam mo na. Sayang nga at matagal-tagal kong nagawa itong plano ko, sukang-suka na ako tuwing magkasama tayo pero okay lang worth it pa rin naman pagsasakripisyo ko. Ngayon makakaganti na ako," bigla na lang siyang tumakbo papalapit sa akin agad naman akong lumayo ngunit hinabol niya pa rin ako.

Napapikit ako ng maramdaman ang talas ng kutsilyong dumampi sa balat ko, napatingin ako roon, tumulo ang dugo roon galing sa hiwa. Ibinalik ko ang paningin kay Paizel na ngayon ay nakaamba na ang pagsaksak sa akin agad ko iyong sinangga, nakaiwas agad ako.

Tumakbo ako papunta kusina, agad din siyang nakarating do'n hindi ko malaman ang gagawin ko. Mabilis kong iginala ang paningin para maghanap ng bagay na pwedeng pamprotekta sa aking sarili ngunit hindi ko nagawang kumuha nang namalayan ko na lang na nasa harap ko na si Paizel, nasa leeg ko ang hawak niyang kutsilyo.

Nanghihina akong tumingin sa kaniya, nakikiusap, "Paizel? Hindi ka ba natuwa no'ng mga araw na magkasama at naging magkaibigan tayo? Hindi mo ba naramdaman ang sinseridad ko bilang kaibigan mo?" mangiyak-ngiyak kong tanong.

"Naramdaman pero mas nanaig ang galit ko sayo!" bigla niya itong itinaas sa ere, buwelo para masaksak sa akin pero inunuhan ko na siya, wala na akong maisip na paraan upang maprotektahan ang sarili ng hindi siya sinasaktan, hinawakan ko ang kaniyang mukha at 'yon ang buong lakas kong itinulak upang malayo siya sa akin. Gano'n na lang ang gulat ko ng bigla ay mauntog ito sa gilid ng lamesa namin, ang lamesang 'yon ay walang kasing tigas. Unti-unting pumikit ang kaniyang mga mata, walang kahit anong sugat na natamo si Paizel ngunit hindi ko alam kung mabuti ba na walang dugong lumabas sa kaniyang ulo.

Lumapit ako sa kaniya, hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. Sabay-sabay na tumulo ang mga luha sa aking mata.

"Sorry, Paizel," 'yon ang unang lumabas sa bibig ko.

Tumayo ako para humingi ng tulong ngunit nakita ko ang kutsilyo sa kaniyang kamay. Pinigilan ko ang pagtulo ng aking luha.

"Ayokong mapahamak ka pa, gusto kong malinis ang iyong pangalan. Aakuin ko ang kasalanan kahit ikaw ang nauna, pambawi man lang sa nagawa ko sa'yong masama. Tatangapin ko ng buong puso kung makukulong man ako. I'm really sorry, Paizel," saad ko na parang naririnig ako ni Paizel.

Yumuko ako upang kunin ang kutsilyo, ilalapag ko na sana ito sa mesa ng padabog na bumukas ang pinto.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Kavez, galit ang itusra nito. Mabilis itong pumasok, nakita nito ang walang malay na si Paizel. Walang kasing bilis ang naging pagtakbo nito. Lumuhod si Kavez doon.

"Ate!" nanginginig na sabi nito.

"A-ate?" gulantang kong tanong.