Chapter 7 Agreement
Padabog na inilatag ni Clay ang isang panulat at papel sa dining table. Ito ay ang hiling ni Yuna– ang magkaroon sila ng kasulatan habang sila ay magkasama. Ito rin ang naisipan ng dalaga na paraan para mayroon itong dahilan sa kanyang ama kapag sila’y nagharap. Huminga nang malalim si Clay, nang umupo na itong muli.
“Ikaw na ang magsulat! I’ll just sign the agreement you want,” supladong utos ni Clay. Inagaw naman agad ni Yuna ang panulat at papel na nasa harapan ni Clay. Nagsimula na itong magsulat.
“Wait! Bakit nagsusulat ka na? Won’t you even ask me what I want on my part?” reklamo ni Clay. Umikot ang mga eyeball sa mga mata ni Yuna. Sabay taas ng kaliwang kilay pa nito.
“Sino ba ang nagsabi na pipirma na lang siya? Then he had the urge to complain now. He is indeed a psy–”
“Okay! Isulat mo ang lahat ng gusto mo sa papel na ‘yan pero, when I don’t like something I have the right to erase or replace it. I am also part of that agreement.”
“Fine!” masungit na sagot ni Yuna at nagsimula na itong magsulat. Tinititigan naman siya ni Clay.
“Ang bird-brain mo talaga! Do you still not understand or get my true intention? O, binabalewala mo lang ito dahil may pakakasalan kang iba? Whatever! I will just do everything para hadlangan ang mga binabalak mo,” bulong ng isipan ni Clay. Ininom din nito ang beer. Tuloy-tuloy lang sa pagsusulat si Yuna. Lumipas lang ang dalawang minuto. Hinarap muli ni Yuna si Clay.
“I only have three conditions written here. Hopefully, you just agree!”
“Ang bilis ha! Kung wala namang problema sa mga sinulat mo, I will wholeheartedly agree with you but, I will object when I don’t want to. Game!” seryosong sagot ni Clay. Humaba ang nguso ni Yuna sa inis.
“What? Do you want me to kiss you?” insulto ni Clay. Tumawa pa ito.
“One, we are not allowed in the same room. We are not allowed to touch each other.”
“I strongly object to your first condition. You know why? Kahit nagpapanggap lang tayo, there are situations where we need to hug and kiss, para patunayan na totoo ang ating relasyon. Rewrite it! It should be like this– when someone else is with us, we need to show them our love. When there is no one else with us, we will respect our own privacy. Sounds good, right?” paliwanag ni Clay. Walang nagawa si Yuna kundi sundin ito. Tama naman kasi ang sinabi ni Clay.
“Second, the husband will provide all the needs of his wife. He should take care of her. He shouldn’t let her down,” sunod na sabi ni Yuna.
“Of course, I will!” mayabang na sagot ni Clay.
“Siguraduhin mo lang!” nakasimangot na wika ni Yuna. Ngumiti lang si Clay. Masaya ito dahil gustong-gusto nito ang pangalawang kondisyon ni Yuna. Pakiramdam nito ay totoo siyang asawa ni Yuna.
“And lastly, our marriage will be valid only for six months. After that, let’s break up!”
“What? Are you serious?” Tumayo nang mabilis si Clay. Naglaho na parang bula ang ngiti sa kanyang mga labi. Tumango lang ang ulo ng dalaga. Biglang hinablot ni Clay ang panulat at papel sa kamay nito.
“What are you doing?” tanong agad ni Yuna. Binura ni Clay ang pangatlong sinulat ng dalaga. Pinalitan niya ito agad. Nagsasalita pa ito habang nagsusulat.
“Instead of six months, our marriage is valid for two years. No one can complain about this final agreement. Sign it!” seryoso ang tinig ni Clay.
“Bakit mo ginagawa sa akin ito? I can’t trust you even if we—” tanong ni Yuna.
“Sign it! Ano pa ang silbi ng pangalawang kondisyon mo?” Ang ibig sabihin ni Clay, kahit hindi siya pagkatiwalaan ni Yuna, sumang-ayon naman siya sa pangalawang kondisyon na aalagaan nito si Yuna. Biglang tumibok ang puso ng dalaga. Nadala ito sa sinabi ni Clay.
“Again, sign it!” utos ni Clay. Ginawa ni Yuna ang gusto ni Clay. Kahit seryoso ang mukha ni Clay, tuwang-tuwa na naman ang kalooban nito.
“Humanda ka sa akin bird-brain! Gagawin kitang alipin ko. Hinding-hindi ka na makakawala pa sa akin. Two years? Joke lang ‘yon! You will stay by my side, forever!” sabi ng utak ni Clay at biglang napahalakhak ang kanyang bibig. Tiningnan siya nang masama ni Yuna.
“Humanda ka sa akin psycho ka! Lalasunin kita at susunugin ang mga damit mo!” bulong din ng utak ni Yuna. Galit na galit na talaga ito. At ngayon pa lang talaga magsisimula ang totoo nilang istorya.