Chapter 6 The Contract

Nakatitig ang mga mata ni Clay habang ang katawan nito ay nakahiga na sa malambot na kama. Hindi nito lubos maisip ang ginawang hokage moves kay Yuna. Dahil siguro hindi na nito makontrol ang tunay na nilalaman ng kanyang puso. Bigla na lang naging malikot ang katawan nito na animo’y parang isang bulateng nilagyan ng asin. Sumagi na naman sa isipan nito ang mga katagang binitawan niya kay Yuna, pagkatapos nitong halikan ang dalaga.

“If you want to cry, you can borrow my shoulders to lean on. If you want to calm your feelings, here are my hands to wrap you. Kung ano man ang gumugulo sa isipan mo, remember that I am here, you have me. Stop worrying, Yuna. Don’t think too much. I promise, I will help you and never leave you.”

Umupo si Clay sa kama. Sinabunutan nito ang kanyang sariling buhok. “Ano ang ginawa ko? How can I explain this to her? I have to think of a way para hindi niya seryosohin ang nangyari,” sabi pa nito sa kanyang sarili. Bigla pa itong tumayo at lumundag-lundag. Hindi nito matanggap ang kanyang nagawa.

“I have to go down to the living room. Kailangan ko siyang makausap at bigyan ng linaw ang lahat. Kasalanan ito ng lalaking nag-text sa kanya. I also need to ask her about this matter. Bahala na!” Bumaba nga si Clay. Nakahiga si Yuna sa sofa habang ang mga mata nito ay nakapikit at balot na balot ang katawan sa kumot. Pinagmasdan ni Clay ito nang mabuti.

“How come that nothing happened to her? I can’t believe it! Habang ako ay gulong-gulo, siya naman kalmado lang siyang natutulog,” bulong ng isipan ni Clay. “Wow!” dugtong pa nito. Seryoso nitong nilapitan si Yuna. Pinindot-pindot nito ang pisngi ng dalaga. Bumukas ang mga mata ni Yuna. Ang totoo niyan, hindi talaga ito natutulog. Nag-iisip din ito nang malalim.

“What now?” mataray na tanong ni Yuna.

“Ah— kasi…” hindi matuloy-tuloy ni Clay ang kanyang dapat na sasabihin.

“Ano?”

“Nothing! Sige na, matulog ka na lang nga ulit,” utos na lang ni Clay. Huminga nang malalim si Yuna.

“Iba talaga ang kilos at pag-iisip ng isang Psycho! I can’t believe I’m still here and continue to listen and trust him,” parinig ni Yuna.

“Oh… You know why?” Biglang hinablot ni Clay ang kumot na tumatakip sa katawan ni Yuna. Tumayo nang mabilis ang dalaga.

“What’s wrong with you?” sigaw ni Yuna.

“Just admit that you really want to be with me,” wika ni Clay. Hindi sumagot si Yuna. Kinuha nito ang kanyang handbag at naglakad ito papunta sa pintuan. Aalis na ito sa bahay ni Clay. Subalit, hinabol siya ng binata. Hinarangan nito ang pintuan.

“Getting out or planning to stay away with me, I will not allow you! I will be your husband and I’m serious!”

“Hindi ba ang sabi mo you will not do anything on your own free will. Na ang lahat ng ito ay drama lang at pagpapanggap. Get out on my way! Ayoko ang lokohan na ito at lalong ayokong makipaglaro sa ‘yo. This is wrong!” Pareho silang seryoso.

“Okay, I will accept what you said. Pero kung para sa ‘yo kalokohan ang lahat ng ito, sa akin hindi. I admit too, na mali. Pero paninindigan ko ang nagawa kong ito, I will marry you. Malay natin that our marriage will work out.”

“Tabi! Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Nothing will work out between us,” seryoso pa ring sagot ni Yuna.

“Hay! Bakit ba napunta sa ganito? Look, I just want to explain to you what happened earlier. And I will also tell you something important about us, please listen to me,” paliwanag ni Clay. Tahimik lang si Yuna.

“Okay, I’m sorry for what I did to you. Those of your lips–”

“That’s enough!” sabat agad ni Yuna. Ayaw din naman nitong pag-usapan ang nangyari. Nakita rin naman nito na sincere si Clay sa paghingi ng tawad. At saka biglang kumulo nang malakas ang tiyan ng binata. Ito ang nagdala kay Clay para palitan ang topic at mood nila.

“See, gutom na ang magiging asawa mo,” wika na Clay. Nagsimula na naman itong magbiro.

“Ha?” tanging sambit ni Yuna.

“Pababayaan mo ba ako?” dugtong pa ni Clay. Lumapit pa ito sa harapan ni Yuna. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga at kinaladkad pabalik sa sala.

“Can you cook for me?” Ginagawa ni Clay ang lahat para maging malambing.

“I’m not your maid!” sumbat agad ni Yuna.

“But you’re my wife!” Ang ngiti ni Clay ay umabot hanggang sa tainga.

“Ha?” tanging sagot na naman ni Yuna. Hindi pa rin talaga ito makapaniwala. Tumaas-baba ang dalawang kilay ni Clay.

“Okay, but on one condition,” dugtong na lang ni Yuna. Tumango ang ulo ni Clay.

“Make sure you explain everything to me. I need to understand our situation.”

“I will!”

Sa unang pagkakataon, nagkasundo silang dalawa. Sinamahan ni Clay si Yuna papunta sa kusina. Nang lusubin na sila ng katahimikan, parehong naging abala ang kanilang mga utak sa kung anu-anong serye. Hanggang sa hindi sinasadyang nabanggit ng bibig ni Yuna ang huling laman ng kanyang isipan.

“Okay, I will marry you!” Narinig iyon ni Clay. Nakangiti itong humarap kay Yuna.

“Tama ba ang narinig ko? Please, say it again!” Napapikit ng mata si Yuna.

“Hindi ba ikaw ang nagpupumilit na magpakasal tayo. Now that I agree with you, you look surprise. Is there a problem?”

“Hmmm… Nothing! Gusto ko lang marinig ulit ang sinabi mo.”

“Talaga? Okay, I will marry you but….”

“But?” Nawala ang ngiti sa mga labi ni Clay.

“Let’s make a contract. Tulad ng sabi mo, all of this is part of our drama, right? Do you agree?”

Hinimas ni Clay ang kanyang baba habang titig na titig ang kanyang mga mata sa mga mata ni Yuna. Hindi ito sumasagot dahil, wala talaga siyang alam na isagot. Nag-iisip siya nang mabuti, pero paano niya malalaman ang binabalak ni Yuna kung hindi niya tatanggapin ang alok ng dalaga.