Chapter 13: Jealousy

Lumipas ang oras. Narating na rin nila ang bahay ng magulang ni Clay. Paglabas nilang dalawa sa loob ng sasakyan, saktong may huminto pa na isang sasakyan. Nasilaw ang mga mata ni Yuna sa ilaw na mula sa sasakyang pumarada. Alam naman kaagad ni Clay kung sino ang dumating. “Let’s go inside,” anyaya agad ni Clay kay Yuna.

“Wait!” Halos masubsob kasi si Yuna sa pagmamadali ni Clay. Ngunit, ilang hakbang pa lang ang nagagawa ng dalaga nang may tumawag kay Clay.

“Brother, wait for me!” sigaw ni Charles. Lumingon naman si Yuna. Nasilayan ni Yuna ang magandang ngiti ni Charles. Hindi lang ang labi nito ang nakangiti, maski na rin ang mga mata nito.

“He is very different from his brother. Itong mapapangasawa ko ay isang antipatikong psycho,” bulong ng isipan ni Yuna. Nagrerebelde ang kanyang utak.

“Hi! We met again,” bati ni Charles kay Yuna.

“He—“

“Of course! You will see each other again because she’s my wife and you’re my brother, right?” Hindi na hinayaan pa ni Clay na sumagot si Yuna. Siniko naman siya ng dalaga sa tagiliran.

“What?” dugtong pa ni Clay, ngunit hindi na siya pinansin ni Yuna.

“Hello, nice to see you again!” malambing at nakangiting sagot ni Yuna kay Charles.

“This bird-brain woman still has the urge to smile at Charles, parang hindi niya ako kasama. You’re flirting, huh!” bulong din ng isipan ni Clay. Gigil na gigil ito kay Yuna. Kaya naman, hinarap nito si Yuna sa kanya.

“Hey! What do you mean, nice to see you again? Let’s go!” Sinakmal ni Clay ang kamay ni Yuna at kinaladkad niyang papasok sa bahay ng kanyang magulang. Pailing-iling naman ang ulo ni Charles habang napapangiti ito sa ipinakitang kilos ni Clay. Sumunod na rin ito kaagad.

“Next time, when my brother approaches you, iwasan mo siya!” bulong na utos ni Clay kay Yuna, kahit nasa likuran lang nila si Charles.

“Ha! Why? Wala naman siyang masamang ginagawa.”

“Huwag mong lalakasan ang boses mo. Kasunod lang natin siya,” patuloy na bumubulong si Clay.

“Ano na naman bang problema mo? Ano naman kung lumalapit siya sa akin?”

“Basta, huwag mo siyang papansinin,” utos ni Clay.

“Bakit nga? Ha, alam ko na. You’re jealous?” bulong ni Yuna.

“What? Ako?” Duro ni Clay sa kanyang sarili.

“Sino pa ba? Si Charles ba?” bulong muli ni Yuna.

“Me? Jealous? Oh, c’mon! Hindi ako makapaniwala sa sinasabi mo, you’re too ambitious,” lumakas ang boses ni Clay at tinulak nito nang bahagya ang braso ni Yuna. Sakto din ang paghinto nila sa tapat ng pintuan. Sa inis ni Yuna, tinapakan nito ang paa ni Clay.

“You’re too ambitious, ‘yan ang bagay sa ‘yo!” mataray na sabi at ganti ni Yuna.

“You!” pigil ni Clay sa kanyang sarili kahit gigil na gigil na siyang tirisin si Yuna.

“Ano? Ano’ng gusto mong mangyari, ha?” Palaban si Yuna. At ang taong nakakasaksi sa kanilang bangayan na si Charles ay patuloy na tumatawa. Taas-baba naman ang kamay ni Clay sa gigil niya sa dalaga, nang biglang nagbukas ang pintuan. Sabay silang napalingon. Ang magulang ni Clay at Charles. Ayaw naman nilang dalawang madatnan na nagtatalo. Mabilis din nilang nabago ang kanilang sitwasyon. Sinampay kaagad ni Clay ang kanyang kamay sa balikat ni Yuna. At saka niya pinisil-pisil nang masakit ang pisngi ng dalaga.

“Ang cute mo talaga kapag naiinis ka sa akin! Huwag ka nang magtampo,” wika ni Clay. Pangiti-ngiti namang tinatanggap ni Yuna ang kalokohang ginagawa ni Clay sa kanya at pasimple rin nitong kinukurot ang likod ni Clay. Nasaksihan naman lahat ni Charles. Nakatulala naman ang magulang ni Clay.

“Hindi naman na ako nagtatampo sa ‘yo, ‘di ba?” Biglang sinakmal ni Yuna ang magkabilang pisngi ni Clay at humaba ang nguso ng binata. Hindi na napigilan ni Charles na humalakhak.

“Nakakainggit naman sila!” Isang tinig ng babae ang narinig ni Charles mula sa kanyang likuran. Hindi inaasahan ng binata ang pagdating ni Sandra. Nawala kaagad ang ngiti sa labi nito.

Hindi naman nakawala sa pandinig ni Clay ang boses ni Sandra. Biglang nagbago ang aura nito. Napansin din ito ni Yuna. Binaba ni Yuna ang kanyang mga kamay. Huminga nang malalim si Clay, dahan-dahan nitong hinawakan ang kamay ni Yuna habang ang mga mata nito ay nangungusap. Nawala ang pagkamasayahin, pagka-makulit, at pagka-pilyo nito. Hinarap na lang nitong muli ang kanyang magulang. Nagmano ito bilang pagbibigay ng galang. Ganun din ang ginawa ni Yuna.

“Pumasok na kayo,” utos ng ama ni Clay. Nang marinig ni Yuna ang boses ng matandang lalaki, nagsimulang bumilis ang tibok ng kanyang puso.

“Halika na, iha. You are indeed beautiful as Charles told me,” wika naman ng ina ni Clay at hinatak nito si Yuna papasok sa loob ng bahay. Samantala, hindi naman agad sumunod si Clay, nagtago ito panandalian sa gilid upang marinig ang pag-uusap ng kanyang kapatid at si Sandra.

“What are you doing here?” tanong agad ni Charles kay Sandra.

“What’s wrong? Masama bang dalawin ko si Tita at Tito?”

“At this time?” nagtataka na tanong ni Charles. Itinaas ni Sandra ang kanyang dalang pagkain sa harapan ng binata.

“See, I want to have dinner here and talk with them. Hindi ko naman alam na nandito si Clay at ang babaeng ‘yun.”

“Babaeng ‘yun? Sandra, she’s not just a girl. Clay will marry her and—“

“Mapapangasawa ni Clay? Really? Hindi ako naniniwala sa kanila at kahit hindi mo sabihin sa akin, we have the same feeling, right? Atsaka hindi ko alam kung bakit naiinis ako sa ba—“

“Don’t tell me that you really have feelings for Clay. That you only see and feel now, when he has another woman next to him. Matagal mo ng alam na sa buong buhay ni Clay ikaw lang ang babaeng gusto niya. Pero hindi mo ‘yun pinansin. Hindi mo ‘yun binigyan ng halaga. Hindi kita paalisin, I want you to see them,” paliwanag ni Charles. Pinasok naman ni Clay ang kanyang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon habang nakasandal siya sa dingding at sumilay ang ngiti sa kanyang labi.

“So, I and Yuna haven’t convinced you yet in our show,” bulong ng isipan ni Clay. Naglakad na rin ang mga paa nito para pumunta sa living area. Tumabi ito kaagad sa gilid ni Yuna. Hinaplos-haplos naman ng kanyang ina ang kanyang magkabilang pisngi.

“Kumusta ka na anak? Matagal ka na rin hindi umuwi dito,” malambing na tanong ng ina ni Clay. Nakatalikod naman ang ama nito sa kanila habang si Yuna ay nanatiling nakatayo sa tabi ni Clay.

“Ma, hindi na ako baby! Nandito ako para hingin ang inyong permiso ni Dad sa pagpapakasal namin ni Yuna, ‘yun ay kung tatanggapin ni Dad ang aking paghingi ng tawad sa nagawa ko sa nakaraan,” walang-alinlangan na wika ni Clay. Iyon naman talaga ang una nitong balak, ang makipagbati sa ama upang payagan sila.

Nang marinig iyon ng ama ni Clay, hindi na nito natiis ang tunay na nararamdaman. Nilingon nito si Clay at niyakap niya ito nang mahigpit. Naantig ang puso ni Clay kahit hindi pa ganun kabuo sa loob niya na makaharap ang kanyang ama. Ang matigas nitong puso ay lumambot, nang nararamdaman ng kanyang kalooban ang yakap ng kanyang ama. Naalala niya ang kanilang masasayang araw nang bata pa siya.

“Patawarin mo din ako, Clay. Hindi ko rin sinasadya ang nagawa ko sa ‘yo noon. Hindi ko iniisip na may sarili kang isipan at desisyon sa buhay upang tumayo sa sarili mong mga paa.”

“It’s okay, Dad. Let’s forget the past. I am here to move forward in my life, with all of you. And of course, with my soon to be wife. I want you to meet Yuna,” sagot ni Clay at kumawala ito mula sa pagkakayakap ng kanyang ama. Pinakilala nito kaagad si Yuna.

“Good Evening!” malugod na bati ni Yuna sa magulang ni Clay na may kasamang ngiti sa kanyang mga labi. Nakasunod na rin kaagad si Charles at Sandra sa living room. Lumapit kaagad ang ina ni Clay kay Yuna.

“Gustong-gusto kitang makilala, iha. You’re beautiful!”

“T—thank you!”

“Oh Sandra, you are here too. Let’s go to the dining area at doon na lang tayo lahat magkwentuhan,” anyaya ng ina ni Clay. Nagdikit ang mga kilay ni Sandra. Kung dati siya ang laging inaalalayan ng ina ni Clay, ngayon may iba na itong sinasalubong— si Yuna. Narating na nila ang dining table at maraming pagkain ang nakahanda sa lamesa.

“Here, Tita. Dinala ko po ang paborito mong pagkain,” sambit ni Sandra.

“Thank you, iha. Buti naisipan mong dumalaw dito, did Charles invite you? Huwag niyong sasabihin sa amin na magpapakasal na rin kayo,” pagbibiro ng ina ni Clay at Charles na may halong galak.

Nasaktan ang damdamin ni Clay kahit pa matagal na nitong kinalimutan ang naramdaman nito kay Sandra. Tahimik namang nagmasid si Yuna sa mga taong nasa paligid niya. Nang mahagip ng kanyang mga mata si Charles, nakatitig ang binata sa kanya.

“Ma, lilinawin ko din sa inyo ngayong gabi. Sandra and I have no special relationship. She’s like a biological sister to me. And, I don’t have any intention to like her,” paliwanag kaagad ni Charles. Gustong tumakbo ni Sandra palabas ng bahay dahil sa sinabi ni Charles ngunit, hindi nagawa ng kanyang mga paa. Patagong napangiti si Clay.

“Tanggapin mo ang taong pinili mo kaysa sa akin. Does it hurt that the person you love doesn’t like you? Sige lang, damhin mo ang paghihirap na naranasan ko sa ‘yo,” bulong ng isipan ni Clay. At saka nito nilapitan si Yuna. Pinaikot nito kaagad ang kamay niya sa beywang ng dalaga.

“Excuse me, as far as I know you are not the stars tonight in this house. We are here to talk about our marriage,” sabat ni Clay. Inalalayan pa nito si Yuna na umupo.

“Your brother is right! Ngayon lang siya umuwi ulit sa bahay, let us give them the time. I have lots of question to ask too,” nagsalita ang ama ni Clay. Kinabahan bigla si Yuna sa maaaring itatanong nito sa kanila. Napahawak si Yuna bigla sa braso ni Clay nang nakaupo na sila. Kahit hindi magsalita si Yuna, kuha naman agad ni Clay ang ibig ipahiwatig nito sa kanya. Sinamantala na rin ni Clay ang pagkakataon para lambingin si Yuna.

“Why? Huwag ka munang maglambing sa akin, wala pa tayo sa bahay. Mamaya na, pag-uwi natin,” malambing na sabi ni Clay kay Yuna at sinadya niyang marinig ng lahat. Binibiro ni Clay si Yuna dahil, gusto nitong mawala ang takot at kaba na sumasakop sa puso’t isipan ni Yuna. Tatanggalin sana ni Yuna ang pagkaka-akbay ng kamay ni Clay subalit, tuluyan na siyang niyakap nito.

“Para sa ‘yo itong ginagawa ko dahil ayaw kong mainis ka. I’m doing this to get rid of your fear and nervousness. It’s effective, right? Besides, I heard Sandra and Charles talking earlier, they don’t want to believe in our relationship. Aagawin din daw ako ni Sandra mula sa ‘yo,” bulong ni Clay.

“Go ahead! Go to Sandra, I don’t care! Iyon kung tatanggapin ka niya, look, what she wants is your brother,” bulong na sagot ni Yuna.

“What did you say?”

“Ehem!” Lumabas sa bibig ni Charles at sabay ubo nito. Naghiwalay bigla ang katawan ni Clay at Yuna. Napansin din agad ni Yuna ang mga mata ni Sandra na nakatuon sa kanya. Para sa kanya, mukhang hindi nagbibiro si Clay sa nasabi nito dahil sa titig ng mga mata ni Sandra. Kaya naman, isang nagbabagang titig din ang ganti ni Yuna. Kahit alam nito na nagpapanggap lang sila ni Clay, kailangan pa rin nitong lumaban. Hindi ito magpapa-api kanino man.