Chapter 12 - You are truly mine!
Nakaupo silang tatlo sa sala. Iisa lang ang kanilang reaksyon, ang pagiging seryoso. Walang nagsasalita sa kanila. Pinagmamasdan lang nila ang isa’t isa hanggang sa tumawa nang malakas ang ama ni Yuna. Nagkatinginan si Clay at Yuna. Pareho silang nalito sa naging kilos ng matandang lalaki.
“My daughter is yours if that’s what you want,” biglang wika ng ama ni Yuna. Napanganga ang bibig ni Clay. Tumayo si Yuna mula sa kanyang kinauupuan. Hindi nito maintindihan ang biglaan na sitwasyon. Ang buong akala nito ay galit ang kanyang ama. Mabilis din nawala ang naramdaman na galit ni Clay. Pinipigilan nitong ngumiti ngunit, hindi nito makontrol dahil lubos itong natuwa sa ama ni Yuna.
“What is the meaning of this, Dad? I thought you were mad at me,” wika ni Yuna. Tinuro pa nito ang sarili.
“Iha, kung nasaktan man kita kanina, I’m really sorry! I just want to test the man you’re marrying if he can defend and protect you. And, I think he can do that because, I, who is your father, he can fight,” paliwanag ng ama ni Yuna.
“But I think there is another way for you to test me. Hindi mo kailangan saktan si Yuna,” sabat naman agad ni Clay.
“I know what I did was wrong. At alam ko rin na nagustuhan mo ang sinabi ko, iho,” ngiting sabi ng matanda kay Clay. Ang ibig sabihin nito ay ang pagtanggap nito kay Clay. Sumilay ang matipid na ngiti sa mga labi ng binata. Pinipigilan kasi nito ang lubos na kasiyahan. Bigla itong nahiya sa ama ni Yuna.
“Dad?” tawag ni Yuna.
“I will explain everything to you, my dear daughter! Last time na nag-usap kayo ni Lawrence, narinig ko ang lahat. I don’t like the way he treated you. I know he loves you. But if he uses his love for you with violence and suffering, hindi ako papayag, anak! Nag-iisa ka lang sa buhay ko kaya ang tanging hangad ko ay ang tunay mong kaligayahan. And I’m sure, this man will take care and love you as much as I do, right, young man?”
“O—of course! Hindi kita bibiguin sa expectation mo sa akin,” sagot agad ni Clay.
“Thank you, Dad! Pero paano ang contract niyo ni—”
“No worries, iha! I can handle Lawrence’s father. Kaya lang naman namin napagkasunduan na ipakasal kayo dahil, parang pamilya na rin talaga tayo. We trust each other. Pero kung ganun ang ugali ni Lawrence, I will not allow him to be with you for the rest of your life. Alam ko rin na may ibang dahilan sila kaya gustong-gusto ka nila,” paliwanag muli ng ama ni Yuna. Ngumiti lang si Yuna at masaya nitong niyakap ang ama.
“I love you so much, anak!” bulong ng matandang lalaki at sabay halik nito sa noo ng anak. Masaya naman silang pinagmasdan ni Clay. Umaasa na rin itong magkasundo sila ng kanyang ama kapag dumalo na sila sa imbitasyon ng kanyang ina. Nagpatuloy lang ang kanilang kwentuhan habang sila ay kumakain ng merienda. Hindi lubos akalain ni Clay at Yuna na nabigyan ng agarang solusyon ang unang problema. Nang biglang tumunog ang cellphone ni Clay. Nakatanggap ito ng mensahe.
“Nasaan na kayo? Are you on your way?” Hindi maitago ng ina ni Clay ang galak na nararamdaman nito. Sinagot na lang agad ni Clay ang mensahe ng kanyang ina. At saka na ito nagpaalam muna sa ama ni Yuna.
“I am asking for your permission if I can invite your daughter to our house? Nais ko siyang ipakilala sa aking magulang. And after we have dinner, I’ll bring her back here, I promise!” paalam ni Clay.
“Hindi mo na kailangan ihatid ang anak ko dito sa aming bahay. Isama mo na siya kung saan ka pupunta o kung saan ka man nakatira,” ngiting sagot ng ama ni Yuna. Nagdesisyon ang matandang lalaki para sa anak. Alam kasi nito na mas ligtas ang kanyang anak sa piling ni Clay. Matanda na ito, alam nitong hindi na niya kakayanin na ipagtanggol si Yuna kung meron man masamang plano ang pamilya ni Lawrence.
“Dad! Are you serious?”
“Yes, I am! I trust him!”
“Did you hear that? Hindi na kita babalik dito. You are truly mine!” wika ni Clay. Nagsimula na naman lumabas ang kapilyuhan nito.
“No!” agad na tanggi ni Yuna.
“Bad woman! Bakit hindi ka na lang sumunod kay Dad. ‘Wag kang pasaway!” agad din sagot ni Clay.
“Dad? Who gave you permission to call my father, Dad? Hindi pa tayo kasal!” Nagsimula na naman maging aso’t pusa ang dalawa. Nagkatitigan na naman ang kanilang mga palaban na mata. Bumalik lang sila sa ayos nang marinig nila ang malakas na halakhak ng ama ni Yuna.
“See, this man can make you happy. My dear, I will give you an important reason for you to agree. Hindi ka pwedeng manatili dito sa bahay dahil kapag nalaman ni Lawrence na pumayag ako sa relasyon niyo ni Clay, baka ano pa ang kanyang gagawin. Mas mabuti nang nasa piling ka na ng mapapangasawa mo.”
“But Dad!”
“You have a lot of complaints. Iniisip lang ni Dad ang kapakanan mo. You’re so stubborn!” pangangaral ni Clay.
“Now, who is talking?” Parang may lumabas na kuryente sa mga mata ni Yuna.
“Enough!” pigil ng ama ni Yuna sa kanila habang ito ay patuloy pa rin na tumatawa.
“You can leave now. Huwag ninyong hayaan na maghintay ang mga nakakatanda,” dugtong pa nito. Walang sumagot. Niyakap na lang ito ni Yuna nang mahigpit. Ganun na lang din ang ginawa ni Clay.
“Take care of my daughter,” bulong ng ama ni Yuna habang tinatapik ang likod ni Clay.
“I will!” matipid na sagot naman ng binata. At saka na sila tuluyan na nagpaalam. Habang palabas sila ng bahay, gustong tuksuin ni Clay si Yuna. Ngunit, naramdaman ito agad ni Yuna.
“Tsk! Before you continue with what you’re planning to do on me, dapat ang iniisip mo ngayon ay kung paano mo haharapin ang Dad mo, right?” masungit na paalala ni Yuna. Biglang natameme si Clay.