Chapter 10 Press Conference
Sumapit ang takdang oras para harapin na nila ang media. Nawawalan ng pasensya si Clay dahil hindi pa sumisipot si Yuna. Matagal na itong naghihintay sa labas ng conference room.
“What is taking her long to come here? Nilagay ba niya ang lahat ng kulay ng cosmetics sa mukha niya?” gigil na reklamo ni Clay sa kanyang sarili. Hindi na ito mapakali kaya naisipan na nitong sugurin si Yuna sa kwarto. Ngunit, paghakbang ng kanyang mga paa, nasilayan na nito ang imahe ni Yuna. Kulay asul ang suot na bestida ng dalaga. Mas tumingkad pa lalo ang maputi at makinis nitong balat. Kulot ang bandang dulo ng buhok nito. Hindi rin makapal ang make-up sa mukha nito.
“She’s elegant, pure and innocent,” bulong ng isipan ni Clay habang pinagmamasdan nito ang kabuuan ni Yuna.
“Ang ganda niya, ‘di ba?” biglang singit na sabi ng make-up artist ni Clay.
“Ha? Who? She?” Turo ni Clay kay Yuna habang ito ay palapit sa kanya. Tumango lang ang ulo ng kanyang make-up artist.
“Okay! I won’t argue with you. Ang importante ngayon ay ang makapasok na kami sa loob ng conference room. Also, I have confidence in your skills and trust your ability when it comes to fixing things,” paliwanag na lang ni Clay. Pumalad ang kamay ng kanyang make-up artist.
“Later!” wika muli ni Clay. Lumayo na ang artist nito. Samantala si Yuna naman ay nakangiting humarap sa kanya.
“Bakit ka nakangiti? Is it because I waited so long?” supladong tanong nito kay Yuna. Nawala ang ngiti sa mga labi ng dalaga. Inaasahan kasi nito na pupuriin ni Clay ang kanyang kagandahan.
“Bakit pala ako nandito? Buting sumama na lang ako—”
“Subukan mong ituloy ‘yang sasabihin mo, you’ll regret it!” Sabay hila ni Clay sa braso ni Yuna. Gumanti naman si Yuna sa pamamagitan ng paglapit nito sa kanyang mukha sa mukha ni Clay. Tinitigan niya ito nang masama. At sakto namang may nagbukas sa pintuan ng conference room. Nakita ng lahat ang kanilang pwesto na tila ba ay hahalikan nila ang isa’t isa.
“Wow!” tanging sambit ng isang reporter. Bumalik agad ang katinuan ng isipan ni Clay. Hinila nito si Yuna papunta sa likod niya. Kumislap nang kumislap ang mga camera na nasa loob ng conference room.
“Kinakabahan ako. I’m scared! I am sure they will ask me. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko,” bulong agad ni Yuna. Napalitan kaagad ang timpla nila sa paligid.
“Huwag ka na lang magsalita sa press conference. Ako ang lahat ng sasagot sa katanungan nila. Even if they ask you, I will take care of everything, just trust me!” Hinigpitan ni Clay ang hawak nito sa kamay ni Yuna. Huminga nang malalim ang dalaga. At saka na lang ito sumang-ayon sa binata. Naglakad na silang dalawa papasok sa conference room.
“Ready?” huling tanong ni Clay kay Yuna. Tumango lang ulo nito. Nang nakapasok na sila sa loob ng kwarto, palakpakan at mga patuloy na kumikislap na mga camera ang sumalubong sa kanila. Tiningnan ni Clay si Yuna hindi dahil sa ganda nitong taglay. Kung hindi dahil nasasaktan na ang kanyang kamay sa mahigpit na hawak ni Yuna sa kanyang kamay. Ngunit, tinitiis niya ito dahil alam nitong sobrang kinakabahan si Yuna.
Binilisan na lang ni Clay ang paglalakad papunta sa table kung saan nila haharapin ang lahat ng katanungan. Kung saan iaanunsiyo ni Clay ang kanilang magiging kasal. Saktong pag-upo pa lang nilang dalawa sa upuan kaagad silang binato ng mga iba’t ibang tanong.
“Una sa lahat, hindi kami magtatagal sa press conference na ito dahil marami pa kaming aayusin at aasikasuhin sa aming kasal. Therefore, we will only answer one question per reporter.”
“Mr. Richwood, alam naming lahat na kagulat-gulat ang napanood namin sa telebisyon. Hindi namin inaasahan na ang isang sikat na modelo at isang sikat na chef ay mayroon pa lang tinatagong relasyon. Bakit ninyo tinago ito dahil ba sa inyong mga career?” unang tanong na natanggap ni Clay at Yuna. Tiningnan ng dalaga si Clay. Ganun din naman ang binata.
“It’s not because of our career. We just want our relationship to be private. We don’t want our love life to have no privacy like our career.”
“Kung iyan pala ang gusto niyo, bakit niyo isinisiwalat ngayon sa buong mundo? Pwede niyo naman iwasan ang nangyari at alam naman namin na kayo ninyong patayin kaagad ang issue.”
“Well, that’s a good question. Nasasaktan na ang fiance ko sa mga balita ninyo o balitang kumakalat na kahit kanino ay may relasyon ako. Is it bad that I put an end to the fake news that is being spread about me?” seryosong sagot ni Clay sa reporter na gusto itong hilain pababa. Wala namang nasabi ang reporter na nagtanong.
“Ms. Yuna, kailan po kayo nagkakilala ni Mr. Clay Richwood?”
“Ah—“ tanging nasagot ni Yuna at kaagad namang sinalo ni Clay.
“Pasensya na kayo kung nabibigla si Yuna. Hindi kasi siya sanay sa ganitong klaseng press conference. Sanay siya lagi sa pagbabahagi lang ng kanyang mga kakaibang recipe sa media. Nagkakilala kami sa Paris anim na taon na ang nakalipas,” paliwanag ni Clay. Tiningnan siya ni Yuna.
“Paris? Sa dami ng bansa, bakit sa Paris pa ang sinabi niya. Pinaparinggan niya talaga ako tungkol sa nakaraan,” bulong ng isipan ni Yuna.
“Ano ba? Huwag ka sa akin tumingin. Sa kanila ka tumingin,” bulong si Clay. Sinipa ni Yuna ang paa ni Clay at saka na nito binalik ang kanyang paningin sa mga reporter na may ngiti.
“Wow! Sa Paris— a romantic place for lovers. Sadyang magkakilala na ba kayo o nagkabungguhan kayo doon?” pangatlong reporter ang nagtanong.
“Hmmm… I was drunk then, and she guided me to the hotel. And that’s how we met.” Parang kung may anong flashback na naman ang pumasok sa isipan ni Yuna. Lumingon ito kay Clay. Pasimple nitong sinipa muli ang paa ni Clay.
“What? Do you remember everything?” bulong muli ni Clay.
“So, that’s why you don’t want me to answer because—”
“Next question, please!” biglang wika ni Clay sa mga reporter. Sa kaloob-looban nito ay tuwang-tuwa siya.
“Ayoko nang ituloy ang press conference na ito!” bulong ni Yuna.
“What will you do?” Nakaka-insulto ang boses ni Clay kahit bulong lang ito. Nang biglang sumandal ang ulo ni Yuna sa balikat nito. Nagpanggap ito na nahihilo. Nagulat naman ang mga reporters. At saka nito kinurot nang masakit ang tagiliran ni Clay. Parang naging istatwa si Clay sa pagtitiis nito sa sakit ng kurot ni Yuna.
“I’m sorry, pero nahihilo si Yuna. She is tired. But in this press conference, we are officially announcing our relationship. Thank you for coming!” Tumayo na si Clay at kunwaring inalalayan si Yuna. Samantala, wala man ang kanilang mga kaibigan at pamilya, pinapanood naman sila sa telebisyon.
“Hindi talaga ako naniniwala sa relasyon niyo,” banggit ni Charles sa kanyang sarili.
“Bakit ako nasasaktan habang nakikita silang dalawa?” tanong naman ni Sandra sa kanyang sarili.
“Hindi ako galit sa ginawa mo, anak. Kailangan kitang makausap,” bulong naman ng isipan ng ama ni Yuna. Ang buong akala ng dalaga, galit ang ama nito sa kanya.
“Kailangan nating makilala ang mapapangasawa ni Clay bago sila magpakasal. Puntahan natin sila. Hindi pwedeng hindi ko siya—“ Hindi natuloy ng ina ni Clay ang sasabihin, nang magsalita ang asawa nito.
“Kung gusto mong makilala ang babaeng pakakasalan niya, dalhin niya dito sa bahay kung may lakas pa siya ng loob na tumuntong sa bahay na ‘to.” Anim na taon na ang nakaraan. Hindi na muling umuwi si Clay sa kanilang bahay dahil mayroon silang di-pagkakaunawaan ng kanyang ama.