Chapter 9 Love moves in mysterious ways!
“Pakawalan ninyo ako!” sigaw ni Yuna sa mga sarili nitong bodyguard. Sinusubukan nitong makawala sa mga kamay ng mga ito. Ngunit, parang posas din ang hawak sa kanya ng mga ito habang kinakaladkad siya pababa ng hagdan. Hindi naman siya natatakot dahil alam nitong tauhan sila ng kanyang ama.
“Sabihin niyo sa Daddy ko hindi ako uuwi. Magpapakasal na ako sa—” Tumigil si Yuna sa pagsasalita nang makita ng kanyang mga mata ang isang imahe ng lalaki na familiar sa kanya kahit ito ay nakatalikod. Pinakawalan siya ng kanyang mga bodyguard. Dahan-dahan lumingon ang lalaki sa kanya at pumalakpak.
“L—lawrence?”
“Are you surprised?”
“A—ano ang ginagawa mo dito?”
“Kailangan mo pa bang itanong sa akin ‘yan? Natural lang na susunduin ko ang mapapangasawa ko. Don’t fool me, Yuna. You don’t know Clay Richwood. Isang palabas lang ang ginagawa mo. Ganito ka na ba ka-desperada para hindi lang matuloy ang kasal nating dalawa?” Tinulak ni Lawrence ang kaliwang balikat ni Yuna gamit ang hintuturo.
“Yes! Dahil kahit sabihin mong hindi mo ako gusto, na wala akong kwenta para sa ‘yo, I know that’s not true!” Hindi nakapagpigil si Yuna. Naningkit ang mga mata ni Lawrence at sinakmal nito ang braso ng dalaga.
“Ano ba, nasasaktan ako!”
“Heto ang tandaan mo! Hindi talaga kita gusto. Pero wala kang magagawa dahil sa kontrata ng ating mga ama. Kaya din kita gustong pakasalan dahil gusto kitang paglaruan at paikutin sa mga palad ko,” paliwanag ni Lawrence, para iligtas ang sarili nitong pride. Sa galit ni Yuna, gamit ang kanyang kanang kamay, isang malakas na sampal ang ginawa nito sa pisngi ni Lawrence. Nabitawan naman ni Lawrence ang pagkakahawak nito sa braso ni Yuna.
“Ani—“ Hindi natuloy ni Lawrence ang kanyang pagmumura at ang igaganti niyang sampal sana kay Yuna, nang may isang kamao ang pumigil sa kamay niya.
“C—Clay…” tanging sambit ni Yuna. Hingal na hingal si Clay. Tinakbo nito nang mabilis ang hagdan sa bawat palapag bago nito natunton ang kinaroroonan ni Yuna. Nag-aapoy ang mga mata ni Clay sa galit. Lalo nitong hinigpitan ang pagkakasakmal sa kamay ni Lawrence.
“Wala kang karapatan na saktan ang babaeng pakakasalan ko!” gigil na sabi ni Clay kay Lawrence. Buong pwersa naman na hinila ni Lawrence ang kamay nito, at saka ito humalakhak.
“Hindi ka lang pala pwedeng maging isang sikat na modelo. Pwede ka rin pa lang maging isang sikat na aktor. Gaano katagal ang rehearsal ninyo ni Yuna para magpanggap?”
“Wala akong pakialam kung ano man ang laman ng isipan mo. Pareho lang naman ang sitwasyon natin na nagpapanggap. Tanggapin mo na lang na ako ang pinili ni Yuna. Sabagay, hindi ako magtataka kung tumakbo sa akin si Yuna at sa akin magpapakasal dahil ayaw niyang makasama ang isang hayop na katulad mo.”
Nainsulto si Lawrence. Bigla nitong sinugod si Clay. Subalit, naiwasan lang ni Clay ang bawat atake nito. Samantala, ang mga suntok na pinakawalan ni Clay ay tumatama sa mukha ni Lawrence. Umiyak si Yuna sa nasaksihan nitong kaganapan. Umupo ito at niyakap niya ang kanyang mga tuhod. Nasubsob na rin sa sahig si Lawrence. Nagdugo na rin ang labi nito. Tinulangan siyang makatayo ng mga bodyguard ni Yuna.
“Bitawan niyo ako!” sigaw ni Lawrence.
“Hindi lang ‘yan ang gagawin ko sa ‘yo kapag hindi mo tinigilan si Yuna. Simula ngayon, ako ang kalaban mo.”
“Hindi mo ako kilala, Clay Richwood.”
“I don’t care who you are. I’m not afraid of you. Umalis ka na sa hotel na ito bago ko pa tawagin ang mga media para malaman ng buong mundo kung gaano ka kasamang tao.”
Pinunasan ni Lawrence ang dugo sa kanyang bibig. Tinalikuran na nito si Clay at Yuna. Nagmadali na itong umalis sa loob ng hotel. Ganun din ang mga bodyguard ni Yuna. Nang hindi na sila masilayan ni Clay, doon lang ito nakahinga nang maluwag. Kaagad nitong nilingon si Yuna. Nakita nitong nakaupo sa sahig ang dalaga. Tulala. Luhaan ang mga mata. Mabilis nitong nilapitan at tinulungan na tumayo.
“Are you okay?” tanong ni Clay habang hawak nito ang dalawang balikat ni Yuna. Ngunit, nakatulala pa rin ang dalaga.
“Yuna,” tawag ni Clay at bahagya nitong niyugyog ang mga balikat ng dalaga. Gumalaw ang mga mata ni Yuna papunta sa mga mata ng binata. Hindi na mapigilan nitong humagulgol sa pag-iyak. Bigla nitong niyakap nang mahigpit si Clay. Hindi naman alam ni Clay kung ano ang gagawin niya, dahan-dahan na lang nitong tinapik-tapik at hinaplos-haplos ang likod ni Yuna.
“It’s okay now! Wala na siya. No worries, ako ang makakalaban niya kapag ginulo ka pa niya. I am here beside you. As you wrote in our agreement, hindi kita pababayaan,” bulong ni Clay. Hindi naman makapagsalita si Yuna dahil wala itong ibang alam gawin kung hindi ang umiyak nang umiyak. Napaisip si Clay. Nadagdagan ang dahilan nito kung bakit lalo nitong pakakasalan si Yuna. Kumawala si Clay mula sa pagkakayakap ni Yuna. Hinarap nito ang dalaga sa kanya.
“Stop crying! Wala kang dapat iiyak. Sige ka, mas lalo kang nagmumukhang zombie sa mga mata mo kapag namaga. At saka ayaw kong sabihin ng mga tao na pangit ang mapapangasawa ko,” pagbibiro na naman ni Clay. Sinadya niya ito para gumaan na ang kalooban ni Yuna. Pinalo ng dalaga ang dibdib nito.
“Ayan ka na naman, nagiging sadista ka na na—“ Hindi natuloy ni Clay ang kanyang sasabihin, nang muli siyang yakapin ni Yuna. Nanigas ang kanyang katawan.
“A—ano a—ang ginagawa mo?” nauutal na tanong ni Clay.
“Thank you!” Lalong hinigpitan ni Yuna ang yakap nito sa binata. Hindi sinasadyang natulak ni Clay si Yuna dahil nanibago ito sa kilos ng dalaga. Para itong isang maamong pusa na naglalambing.
“Stop doing that! Lalo na yung ano mo— ‘yung ano mo, malambot pero hindi malaki nasasalat ng katawan ko. Halika na nga! Kinikilabutan ako sa ‘yo, e!” Mabilis humakbang ang mga paa ni Clay palayo kay Yuna. Biglang nag-init ang katawan nito dahil nararamdaman nito ang dalawang bulubundukin ni Yuna. Tumulo rin ang pawis sa kanyang noo. Lumingon itong muli kay Yuna, at saka nito tinuro ang relo na nasa kanyang kamay.
“Time is running out!” anyaya nitong muli kay Yuna. Ngunit, imbes na patulan ni Yuna ang biro ni Clay, ngumiti lang ito dahil naramdaman nitong ligtas siya sa piling ni Clay.
“Why are you acting like that? Nakakatakot ka na,” dugtong pa ni Clay. Hindi kasi masungit ang dalaga. Hindi rin ito sumagot habang palapit ito sa kanya.
“Stop! Huwag na huwag mo nang gagawin ulit ‘yun. Huwag mo na akong yayakapin ng ganun, ha?” At saka na nito muling tinalikuran si Yuna at umakyat sa hagdan. Sumunod naman ang dalaga habang patuloy nitong pinagmamasdan ang binata.
“Dahil sa ginawa mo parang may rason na ako na—” Hindi natuloy ni Yuna ang binubulong ng kanyang isipan nang lingunan siya ni Clay.
“Why are you so quiet? I’m not used to you not talking or getting angry. Tinatakot mo ako sa kinikilos mo. Huwag mong masyadong isipin ang nangyari kanina. Ginawa ko lang ‘yun dahil ayaw kong may nakikitang babaeng sinasaktan. Huwag mong bigyan ng kahulugan ‘yun. Bawal kang ma-inlove sa akin, tandaan mo ‘yan!” dire-diretso na naman nagsalita si Clay. Ngumiti lang si Yuna.
“Ayan na naman! Ngiti lang ang sagot mo sa akin. Gusto ko yung naiinis ka. ‘Yung nagagalit ka na parang bull. You look cuter that way.”
“Ikaw yung kung anu-ano ang iniisip, because you never stop talking!” sagot ni Yuna. At saka ito mabilis na umakyat sa hagdan.
“Tumabi ka nga! Sino ang may sabi na ma-i-inlove ako sa ‘yo. Pupunta na ako doon sa sinasabi mong room,” dugtong pa ni Yuna.
“Ang Bird-Brain na ‘to, maldita din pala. Hindi ka pa nagpapasalamat sa akin sa pagligtas ko sa ‘yo, may gana ka pang sungitan ako,” reklamo ni Clay. Hinabol nito si Yuna sa pag-akyat sa hagdan.
“E, ‘di ba ikaw na ang may sabi. Ang gusto mo, mainis ako sa ‘yo. Heto na, ginagawa ko na. And, are you deaf? I thanked you earlier, ha! Okay, sige! Thank you po sa pagliligtas mo sa akin, Mr. Psycho!” Tumakbong masaya si Yuna palayo kay Clay. Kahit naiinis ito minsan kay Clay, alam naman nitong may kabutihan ang puso ng binata.
“Hay! That woman! Why is she doing this to me? Get ready when we get married,” wika ni Clay sa kanyang sarili. Sumunod na rin ito kay Yuna.