CHAPTER SEVEN : Date
I can feel them staring habang pababa ako ng eroplano. Hindi sinabi sakin ni Laxus na one way lang pala at walang pasundo, it’s hassle dahil last minute flight iyon pabalik ng Manila. Ang hindi ka pani paniwala ay nakasabay ko pa sila sa eroplano. Buti na lang at they take first class while me, hindi.
I emailed Laxus before I got my plane ticket. Sabi ko sa kanya sunduin ako pag dating ko. Pero mukhang hindi yata mangyayari. Agad kong pinindot ang earpiece, at agad niya iyong sinagot.
“Nasa airport ka na? Im on my way.”
“Yes, but it seems like someone what’s to date me.”
Hindi pa ako nakaka tapak sa sa exit ay madami na agad nag aabang sakin. I hear a tires sound and loud noise, adding his hissed and curse. I smile knowing na sobrang bilis nito mag maneho para puntahan ako, but it’s too late.
“Find me, Laxus before they meet her.” He loudly curse,
“You are not about to lose in my fucking watch, Seven. I’m coming to get you!” I can hear his frustrating voice.
I know,
However the situation today is different. Taas noo akong nag lakad papunta sa Exit 1, hindi ko na napansin ang mga nakasabay ko dahil ang tingin ko ay naka tuon sa apat na malalaking kataong pumalibot sakin.
“Wag kang maingay at sumama ka samin.” Naramdaman ko ang malamig na baril na nakatutok sa tagiliran ko.
Hindi ko naramdaman ang takot dahil hindi naman ito ang una, I actually pity them. Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang pag alis at saktong dating ko. They can’t track me that fast unless if theirs someone who really know my every movements. Wag ko lang malaman kung sino sila, I’m the one who will kill them, make their mouth ripped out. That will be the exciting part.
Marahas nila akong initulak sa itim na sasakyan, tinted ang salamin nito, kaya panigurado walang makakakita sakin. Two of them join me in the back seat, meron din sa tabi ng driver. Hula ko hindi lang silang lima ang nakabantay sakin, dahil kung sila lang . I can kill them right now, but since may hula na ako kung sino ang may lakas loob na mag padakip sakin, bakit hindi ko na ang sila makaharap diba?
“Miss Kazuma…”
Nakilala ko ang may ari ng boses na tumawag sakin. He stare at me sa salamin, malaki ang pinag bago niya. He doesn’t look skinny pero hindi na kalaki gaya dati. But, the look in his eyes are still the same kagaya ng pag tingin niya sakin dati. He smile pero maliit lang iyon, hindi ko nga makita ang ngiti sa mata nito. We both know what are the reasons.
“Klye, it’s been a while since the last time we saw each other.” Wala akong narinig na response sa kanya, hindi na din ito nakatingin sakin. Ang tagal na din pala niyang naninilbihan sa kanila, hindi pa ba ito ang oras para umalis na siya sa mga taong iyon.
Pero naalala ko hindi ganoon kadali bumitaw sa kamay nila. Once you made a contract, you will not able to get out, you can’t run forever, they will hunt you down. Ang tanging makakapag palaya lang sayo ay ang kamatayan. That’s the reason why they hunt me.
Malayo ang pinuntahan namin, hindi ko alam kung saan ako dadalhin dahip puno at sasakyan ang nakikita ko , may ilang bahayan pero nawawala din. Ewan ko kung saang lupalop na ako ng pilipinas.
Ilang oras akong nakikipag titigan sa bubong ng sasakyan. Tanging pag hinga lamang ang maririnig mo. Huminto kami at agad lumabas ang kasama ko, agad din nila akong pinalabas ng sasakyan at tinulak tulak papasok sa malaking gate. A rusty color, the place still look the same, andito pa rin ang malaking puno na dati naming tambayan. The smell of gun powder and blood are mixing, madami pa ding malalaking puno sa buong paligid. I thought they will salvage me sa ibang lugar, ito ang huli kong iisipin na pag dadalhan sakin. Ang lugar kung saan mga halang ang sikmura, mga taong animo’y si Satanas. People in this place will torture and kill you for fun, and serving them a long time ago was the worst decision we’ve made.
“Don’t make it hard, Seven. They will kill you here pag hindi nila nakuha ang gusto nila…” mahina ang boses ni Kyle, nag lalakad ito sa tabi ko. I didn’t look at him, dahil ayokong madamay siya.
Alam kong gusto lang din niya akong tulungan pero joining them again will be the death of me. Hindi ibinuhis ng kaibigan ko ang buhay niya para lang bumalik ako dito. I rather be dead than alive and serving this piece of shits.
Pumasok kami sa putting pintuan gawa sa mamahaling kahoy, maraming naka paligid na tauhan. Ang mga palamuti sa bahay ay animo’y ginto. The place looks classy and elegant, a heaven in disguise. Sa unang tingin tila mga anghel ang nakatira ngunit pag naka apak ka na unti unti nitong ipapakita sayo ang sungay at maiitim na budhi. Ganito ang lugar na to, mapang linlang,
Napahinto ako sa pag tingin sa paligid ng marinig ko ang palakpak ng isang tao mula sa second floor. Halos lahat kami ay napatingin sa taong naka suot ng gray suit na pababa sa hagdan. Nakakatakot itong humalakhak habang palapit sa pwesto ko.
“Wow! You’re still alive? Pusa ka ba, ang dami mong buhay ha.”
Kung papalarin ka nga naman, tumaas ang sulok ng labi ko habang pinag mamasdan ang taong hindi ko inexpect na nandito pa rin, at isang dakilang utusan. Hindi na siguro mababago ang tandahan ng isang tao dahil look at him, still the same freak wearing a suit
“You know Charlie, kahit anong isuot mo, isa ka pa ding masangsang na isda. Tumaas man ang pwesto mo, utusan ka pa din.” Nakangiti kong sabi sa kanya, nakayukom ang palad nito at handa ilapit sa mukha ko.
Ilang sandali akong nag hintay pero tila naduwag siya, same old Charlie I know. Coward Scumbag. Husto lang sa salita,
“Watch your mouth Seven, baka pag sisihan mo ang mga sinasabi mo.”
“Hah! Ako mag sisisi? Never, Charlie. You know me I’m true to my words, hindi gaya mo.”
Kinuha niya ang baril sa isang tauhan at itinutok sakin. He never changes, pikon pa rin. Naging kanang kamay lang kung umasta akala mo boss na. I used to be his friend, no we’re partner. Me, Zack, and him. Laxus knew that I work for an organization, this is my way of moving forward to forget the day my family was massacre. Zack, who’s the son of my father’s friend along with Uncle Ben, siya ang nag sama sakin sa organization. We both trained by my grandfather, and we supposed to get married when we’re older dahil iyon ang naging kasunduan ng dalawang pamilya. Wala naman kaso sakin, Zack is a good guy, a charming lad and a boyfriend material, halos nasa kanya na ang lahat.
Pero akala ko matutupad iyon, not until Charlie accept a suicide mission, na pag usapan na namin na hindi namin kukuhanin ang mission pero nabalitaan ko na lang na pinilit niya si Zack, knowing him, he can’t say no to his friend. And that day, na dapat patakas na kami dahil madaming tauhan ang nakapaligid at na tunugan agad kami, we got ambush by our own organization ng malaman nila na aalis kami ni Zack. And the one who stabbed us is not other than this guy.
Kaya hindi niyo ako masisisi kung napaka laki ang galit ko sa taong ito. This traitor should died pero hindi pa ngayon, once na kakuha ako ng pag kakataon , sisingilin ko siya, sila lang lahat, sa buhay na tinanggal nila sakin.
“Welcome back, Seven.” Malagong boses mula sa dulong bahagi ng silid. Ang kanyang malalim at sarkastikong boses ay hinding hindi ko malilimutan.
“I’m not interested, Damon.”
Wala akong balak bumalik sa maduming lugar na ito. Zack is not here anymore, wala na kong babalikan pa.
Nakakakilabot na halakhak ang umalingaw ngaw sa buong kwarto. Halos lahat kami ay napatingin sa kanya, tinatangal nito ang kanyang salamin, leaving his left eye staring at me. Napangisi ako habang tinitignan ang mukhang puno ng marka ng nakaraan.
Nasa kabinet pa din ang matang kanyang gustong bawiin. When Zack died I got mad, at sinugod mag isa ang mansion na ito, leaving a hug scar to his face. Kasama na don ang nawawalang mata
“Seven, how’s my eye?”
Ngumisi ako sa kanya, at iniyikom ang kamay bago hinipan, teasing him, na para bang sinabing nag laho bigla. Ang nakangiting labi ay nawala ng bigla.
“Wag mong sabihin na kailangan ko pang gumamit ng dahas para mapapayag ka?” Damon point his dagger to me. Hindi nag bibiro ang isang to at kung para sa kanilang lahat. Damon is a skilled fighter, at walang takot sa katawan.
“Kahit dahas walang magagawa.” Wika ko habang mahigpit ang hawak sa strap ng aking bag. Madaming tauhan nila ang humarang sa daanan ko at paniguradong hindi ko sila kakayanin gayong mag isa lang ako.
Pero hindi din ako mamamatay ng walang laban. Malakas ako—oo sabihin na nating ganun na nga pero tao pa rin ako. Namamatay, nasusugatan at nasasaktan. May kahinaan din akong taglay.
Mabilis silang umataki sa gawi ko, puro armado sila at lugi naman yata ako, walang kadala dalang armas tanging laban ko lang ay sanggahin ng sanggahin ang mga kilos nila.
“Get her. Death or alive.”
Malamig na tugon niya bago muling nag laho sa dilim. Damn it! I need to find a way or else mamamatay ako ng maaga! Tatakbo na sana ako ng may matigas na bagay ang humampas sa likod ko na siyang nag pawala ng aking balanse.
Kung minamalas ka nga naman.
Mabilis akong tumayo at winalang bahala ang sakit na likod ko. Hindi ito ang oras para maging mahina. Hinawakan ko ang ispada na nasa gilid ko at tumakbo papuntang pintuan ng mansion, kailangan kong makatakas ngayon din, at nag tagumpay naman ako naka labas ako ng—
“Fuck!”
Unti unting nanghina ang aking mga paa. Unti unting tila tumigil ang mundo ko sa oras na ito. Napahawak ako sa aking tiyan kung saan napaka raming dugo ang lumalabas. Dugo---dugo na maaaring pumatay sakin.
You need me , Seven!
I want to get out!
She’s shouting through my head, hindi ko alam kung paano siya ikukulong kung ganitong siya na mismo ang gustong umalis. Unti unting dumilim ang nasa paligid ko, wala akong makita sa paligid, pero ramdam kong kumikilos ang katawan ko.
Isa lang ang Ibig sabihin nito, She’s out.
Muli kong inikot ang mata ko at unti unti muli itong nag liwanag, ngunit nasa isang puting kwarto, walang ibang nakalagay tanging isang maliit na dagger, a dragon handle knife.
This is her place, ang tagal ng panahon ako hindi nakabalik sa lugar na ito. This is a first time in a few years.
Lily…
LILY
Ang liwanag na matagal ko ng inaasam ay muling mag pakita, ang hinihintay kong oras ay aking nakamtan na.
“Seven, you weak creature. Hindi na babagay sayo ang katawan na ito.” Napangiti ako ng makita ang dugong nag kalat sa buong paligid.
Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang ganito, the blood on my hands makes my heart excited.
“Pain, I need to see you all in pain!”
Lahat ng nagtangkang lumapit sakin ay hindi makakaligtas sa aking kamay. I want everyone dead! Wala akong ititirang buhay sa lugar na ito, they will pay, everyone will pay!
Natahimik ang lugar, tanging mga walang buhay na katawan at dugo ang nasa paligid ko. No one’s breathing and that’s a good news. I wiped my face gamit ang duguang kamay, my back is aching, madami din ang sugat sa katawan na hindi ko maramdaman.
I feel numb. Paika ika akong lumabas ng malaking mansyon, hindi pwedeng mawalan ng malay, dahil muli niya akong itatago, hindi pwede yun!
“Seven. Don’t wake up, I need this body!” galit ang nananaig sakin thinking she will wake up any minute.
Napatigil ako sa pag lalakad ng maramdaman kong umiikot ang aking paningin,
“No! No! No! Damn it!”
Bago ko tuluyang lisanin ang katawan niya may isang putting sasakyan akong nakita. Hindi ko mukhaan kung sino ang mga bumaba dahil tuluyan ko nang nakita ang liwanag na ayaw kong puntahan.
“You will need me again, Seven.”
And if that happen, you will never see the light again. This will be mine, until I’m satisfied.