Chapter 32: Away From Him
Naisip ni Derin na wala naman kasi siyang karapatan. Hindi sila official na magkasintahan nito. At malay nga ba niyang nagkabalikan na ang dalawa? Iyon ang opisyal. Siya ay… kumbaga sideline lang. Wala siyang laban doon. Kaya masakit. Napakasakit. Parang dinurog ang puso niya at nagkapira-piraso.
Marahas siyang napabuga ng hangin. “You can’t tell me that, Cairon. I have to go.”
“And then what? What about us?”
Napakurap-kurap siya at napaiwas ng paningin. She acted aloof. “What about us? There’s no us, Cairon, and whatever we had, it’s over,” marahang tugon niya. Pilit ipinapakita ang pagiging matatag ngunit ang kaloob-looban niya ay unti-unti nang namamatay. Sa katunayan ay gusto na niyang maglupasay sa iyak.
“What the hell? Are you seriously telling me that now, Derin?” Tumaas ang boses nito na ikinagulat ni Ate Lucinda na nakatayo sa nakaawang na pinto. Napalingon ang binata sa mayordoma. “Pakilagay na lang ng gamot sa bedside table niya, Ate Lucinda. Salamat,” anitong pilit na huminahon ang boses at tumalima ang kinausap. Agad naman itong lumabas at isinara ang pinto para magkaroon sila ng privacy na dalawa.
Napalunok ang dalaga. “You can’t stop me, Cairon. I have my own life. You have yours. What we had… it was just… that.” Hindi pa rin siya tumingin sa binata. Ayaw niya itong harapin.
Napasuklay nang marahas sa buhok nito ang lalaki. Humihingal ito sa inis. It was clear. Nagsusumamo ang mga mata nitong napatingin sa kanya habang hinahawakan siya sa magkabilang balikat.
“Look at me, damn it!” matigas na anito. Halos niyugyog na siya nito. “I want you to stay, okay? I don’t want you to go. Ever.”
Pilit niyang lumunok. ‘Para ano pa? At bakit? Magkakaroon na kayo ng anak ni Cammy. Dapat panagutan mo ‘yon. Naiintindihan ko kahit masakit! Ayoko nang maging laruan mo kung nagkabalikan naman na kayo!’ sa isip pa niya.
Umiling siya sa binata.
“No, Cairon. I can’t! I-I have a lot of other things to do.” Napaiwas siya ng paningin. “I-I have to help Gretchen and Jace on their wedding. I have to finish up your aunt’s book… I… I have… dreams! I want to achieve them,” palusot niya pa.
Nabitiwan siya ng lalaki. Kitang-kita niya ang nagliliyab nitong mga mata bago ito tumalikod sa kanya.
“So… to you, they’re more important than me?” sumbat nito.
Hindi siya kumibo.
“I just don’t know why you’re being so stubborn! Fine! If you want to go, then go!” Tumalikod ito. “Hell! Women!” Ibinalibag nito ang pinto.
Mariing ipinikit ni Derin ang kanyang mga mata. “Bakit? Para ano pa ang gusto mo para manatili ako rito? You’re going to be a father soon, Cairon! I can’t be your plaything anymore.” Paimpit na lang siyang napaiyak.
***
Nang dumating si Derin sa California, hindi na niya mapigilan pang lalo ang kanyang nararamdaman nang makita si Gretchen na sinundo siya sa airport. Kasama nito si Jace at dalawang bodyguards.
Napahagulhol na siya na ipinagkatataka ng Amerikana.
“Hey, what’s happened?” alalang usisa nito.
Ikinuwento na lang niya ang lahat na parang hindi nito mapaniwalaan. Kahit si Jace ay napatangis ng bagang nang malaman ang lahat.
***
Isinubsob ni Cairon ang sarili sa trabaho. Kunsabagay, may napakarami naman siyang gawain sa loob at labas ng opisina. Napabayaan niya ang mga ito kapag bumabalik siya ng Sta. Ignacia noon. At ngayon ay wala na si Derin. Makakahabol na rin siya.
Ironically.
Ilang linggo na rin ang nakalipas.
Wala siyang sapat na tulog. He looked miserable, he knew. Kahit paano ay nabigyan na niya ng solusyon ang problema ni Cammy.
His freaking ex! Siya pa ang tinakbuhan para tulungan ito sa problema nito kay Morris. Binuntis daw ito ng gago niyang kaibigan at walang planong magpakasal ang kumag dahil natatakot sa responsibilidad. And to think it was that freaking bastard who told him he was love sick? Morris was really a hypocrite! Nakatikim tuloy ito ng suntok mula sa kanya nang magkita sila nito sa Manila.
Pagkatapos ng ilang beses na pakikipag-usap kay Morris ay nahikayat din niyang magpakasal ang gago dahil kawawa ang bata na lalaking walang ama. Pero sinabi niyang kung napipilitan lang ito ay huwag na lang kahit na mapapahiya si Cammy, which Morris did not want to happen. Comically and oddly enough.
Nalaman niyang may damdamin naman pala para sa isa’t ang dalawa simula nang magkasiping pero ang komplikado ng mga ito.
‘Mga walang kuwenta. Idinamay pa ako.’
At heto na nga siya. May sariling problema na hindi niya masolusyunan man lang. Really pathetic. Naisip niyang maghanap ng ibang babae. Pumunta siya sa ilang bar at nagbaka-sakaling maibsan ang kanyang hinanakit at pagkabigo subalit wala naman siyang gusto sa kahit na kanino roon. Sa katunayan nga ay si Derin ang laging nakikita niya sa buong paligid niya. Para na siyang mababaliw. Gusto niyang mag-amok pero hindi niya magawa. Hindi naman kasi iyon puwede at hindi rin makatutulong.
Sa halip ay ibinunton na lang niya sa trabaho⸺o sa mga tauhan paminsan-minsan⸺ang kanyang galit, hinanakit, sama ng loob, at frustration na rin. Nagkamali ba talaga siya kay Derin? Naniwala pa naman siyang meron talagang namagitan sa kanilang dalawa. O, pinaniwala lang niya ang sarili?
Ang akala niya ay may damdamin talaga ang dalaga para sa kanya ngunit kabilang lang pala siya sa bagong karanasan nito sa Sta. Ignacia habang sinusulat ang tungkol sa buhay ng kanyang tiyahin. He thought it was unfair. Kung kailan pa naman naisip niyang huwag nang mambabae dahil napamahal na sa kanya ang dalaga ay iniwan lang siya nang ganoon-ganoon na lang. Ni minsan ay hindi niya naisip na wala pala talaga siyang pag-asa sa dalaga simula noong muntik na silang madisgrasya.
***
Sa weekend na iyon ay kahit ayaw ni Cairon ay pinauwi siya ng Tita Este niya. Gusto raw siya nitong kausapin nang masinsinan. Napuna kasi nitong palagi na siyang aburido at wala sa mood simula nang umalis si Derin.
“Ano?” Halos masinghalan na niya ang tiyahin nang marinig ang sinabi nito. He did not get it.
Napabuntong-hininga ito. Inikot ang mga mata. “Kasalanan mo kasi. Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo sa simula pa lang? At ganyan ka na? Kahit sino na lang sinisinghalan mo! Pati ba naman ako?” sermon nito sa kanya. Nakapamaywang ang kanyang tiyahin na maladonya.
Napababa siya ng tingin at laylay ang balikat. “Sorry, Tita. I am just… Okay, I’m sorry. It’s not right to vent it out on you,” hinging-despensa niyang nagtaas ng mga kamay. Nakayuko siya. “Pero ano’ng sinabi n’yo?” Hindi pa niya naproseso sa isipan ang mga sinabi nito. “You may have an idea why Derin left in spite of me trying to stop her?” Napatingin siya sa tiyahin nang kunot ang noo.
“Weren’t you listening? Lucinda thinks it was that reason.” Inulit na naman nito ang istorya at napasapo siya sa kanyang noo.
Napamura siya.
“You know what, Cairon? If you really want to make it right, you just have to talk to the person. Hindi ‘yong hayaan mo na lang na gano’n.”
Napalunok siya. “I did talk to her, Tita. She just… didn’t want to.”
Napabuntong-hininga ang tiyahin. “Maybe because you did not press her enough. Kung ginawa mo ‘yon, baka naman ay inilabas na niya ang lahat at nang magkaintindihan kayong dalawa. Hay! Ewan ko ba sa inyo. Pinatagal n’yo pa nang ganito at pareho kayong miserable ang buhay.”
Umawang ang labi niya. “What?”
“Derin looked miserable when she left. It was like the world was on her shoulders.”
Mahina siyang napamura sa sarili. “I-I have to go, Tita. Thank you for scolding me.” Mapait siyang napangiti rito.
Estela snorted. “Where are you going?” malamig na tanong ng tiyahin.
“Where else? To Derin!”
Naaawa itong nakatingin sa kanya. “Cairon, she’s not in the Philippines anymore.”
“What?”