Chapter 31: To Let Go?
Marahang bumaba si Derin sa hagdan. Kabibihis niya lang kasi lalabas sila ng binata para mag-date. Magdi-dinner daw sila sa labas.
Kahit naniniwala siyang nanliligaw na ito sa kanya dahil sa mga regalo nito sa kanya ay hindi naman niya narinig ang gusto niyang marinig. Subalit masaya pa rin siya dahil nakakasama niya ang lalaki. Nag-e-effort din naman kasi.
Napansin niyang may kausap ito at narinig niyang si Cammy pala. At ano raw? Buntis ito? Agad siyang tumakbo at nagtago sa isang sulok ng hagdan habang palakad-lakad sa salas ang binata, parang problemado. Napahilot ito sa sentido habang nakikinig sa kausap sa kabilang linya. Ito kaya ang ama ng bata?
Parang biglang nagunaw ang mundo ni Derin nang mga sandaling iyon. Ipinagsabay ba siya at ang ex nito nang hindi man lang niya alam? Ang tanga naman niya! She should have known! Sa simula pa lang. Simula nang nakisabay ang babae sa binata papuntang Manila nang siguro apat na buwan na ang nakalipas. Dapat ay nakinig siya sa kanyang instincts. Wala talagang maidudulot sa kanyang maganda ang manyak na lalaking ito! He just played her!
Sumikip ang dibdib niya. Nasapo niya ito. Biglang nangilid ang luha sa kanyang pisngi. Ang isa niyang kamay ay tinakpan ang kanyang bibig upang walang makarinig sa kanyang paghagulhol.
“Derin? May problema ka ba?” Biglang sumulpot si Ate Lucinda sa harap niya. Noon niya lang ito namalayang nandoon pala ito nang kinausap siya.
Umiling siyang pinahid ang mga luha. Nang silipin niya ang binata sa may salas ay halatang kausap pa rin nito si Cammy. Nasa tainga pa rin nito nakadikit ang aparato, nakikinig sa babaeng kausap. Siguro ay nagpaplano ang mga ito kung ano ang gagawin. Baka pinag-usapan din ng mga ito ang kasal, malay niya ba?
Kung ganoon, wala na siyang puwang sa buhay nito. Dapat tigilan na niya ang pagkagumon sa binata. Tama nang nagpakabaliw siya nang halos tatlong buwan. Hindi na siya uulit pa. Titigilan na niya ito ngayon na.
“P-pakisabi po kay Cairon na… na… masakit ang ulo ko, Ate Lucinda. H-hindi na kami tutuloy sa paglabas. Salamat,” sabi niyang sumalisi na sa pag-akyat ng hagdan patungo sa silid niya.
Sinundan lang siya ng tingin ng mayordoma na may pagkalito sa mga mata nito.
Nag-impake na siya. Tutal naman ay aalis na siya bukas pabalik sa Manila. Kulang na lang ang finishing touches ng libro at ipapasa na niya ito sa kanyang publisher. Siguro ay maghihintay pa siya ng kulang dalawang buwan bago siya makakatanggap ng sagot pero sigurado siyang matatanggap ang “Behind the Glamor” katulad ng iba niyang gawa. Iyon ang kanyang tantiya. Hindi nga inabot ng isang buwan ang mga nakaraang piyesa niya at nakatanggap na ng sagot na gustong i-publish ang mga iyon sa parehong taon. Baka naman ay hindi rin aabot ng dalawang buwan ang “Behind the Glamor” katulad ng iba.
Basta masaya siyang natapos na ito at nagustuhan ni Estela ang naisip niyang pamagat para sa libro nito. Inilabas doon ang tungkol sa pamilya nito, ang mga karanasan nito habang nasa spotlight pa, at ang pagkasawi ng pag-ibig nito habang nasa showbiz pa.
Plano niyang pagkatapos nito ay tutulak siya ng California dahil napag-usapan naman na nila ni Gretchen na tutulungan niya ito sa paghahanda sa kasal nito. Kaya kahit paano ay may gagawin pa rin siya imbes na magmumukmok sa bahay ng namayapang lola niya pagkatapos ng mapait na pangyayaring ito.
Naisip niyang mas mabuti na rin ito. Magiging masaya siya kapag nakikitang masaya ang kaibigan niya sa piling ni Jace. Alam niyang magiging masaya ang dalawa dahil mahal na mahal ng mga ito ang isa’t isa. Puwera na siya. Wala siyang suwerte sa pag-ibig. Unang beses pa naman siyang nagmahal pero minalas kaagad. Ewan na lang niya kung may pag-ibig pang darating sa buhay niya pagkatapos ng kanyang hindi kanais-nais na karanasan sa piling ni Cairon.
She blamed herself for being so stupid. Nagpadala siya sa apoy ng kanyang damdamin. Nagpaalila. She should have known better⸺that he was one shallow a-hole and not serious from the very beginning. Those expensive gifts did not mean anything to him. After all, he could very well afford those. Siya lang ang nagbigay ng kahulugan sa mga iyon.
Nagpakabulag siya.
Nagpakagaga siya.
Ginamit lang pala ng lalaki ang mga regalong iyon para mapaamo siya. She thought he was being sincere. She should have trusted her instincts to stay away from him, as she had thought from the very start. But what did she do? Para siyang gamo-gamong lumapit sa apoy at ngayon ay napaso na siya. Hindi na siya makalilipad na muli.
Halos mapalundag siya sa kanyang kinaroroonan nang marinig ang isang katok sa dahon ng pinto ng kanyang silid. Hindi nga pala niya iyon nai-lock kaya pinihit iyon ng sinumang kumatok. Hindi naman siya nagkamali.
Si Cairon. Ito ang pumasok pagkabukas ng pinto.
“Sweet lips, are you okay? Ate Lucinda said you’re not feeling well. What’s wrong?” mahinang tanong nito. May pag-alala sa boses.
Parang gusto niyang lalong umiyak. Pero suminghot siya, pinigilan ang sarili. Ayaw niyang ipakita rito ang totoo niyang nadarama ngayon.
That she was broken inside. She was in pieces.
“I-I… yeah. I don’t feel well.” Hindi niya pa rin ito tiningnan. “Lalagnatin yata ako.”
Lumapit ito sa kanya at sinalat siya sa noo. “Wala ka pa namang lagnat. Pero masakit ba talaga ang ulo mo? Nagpakuha na ako ng gamot kay Ate Lucinda. But what are you doing?” Napatingin ito sa kanyang bagahe nang nakasimangot nang ninakawan niya ito ng sulyap sa ilalim ng kanyang pilik-mata.
“I-I just don’t want to miss anything kaya nag-iimpake na ako para bukas.” Napalunok siyang napaatras mula sa lalaki.
He snorted. “You’re leaving.”
“Yes, that was the plan from the very beginning. Mananatili lang ako rito ng apat na buwan habang ginagawa ang biography ni Estela. That’s it!” Pilit niyang magsalita nang diretso kahit na pakiramdam niya ay parang pinipiga ang puso niya nang mga sandaling ito. Kahit na nakatingin lang siya sa binata. Halos hindi pa nga siya makahinga kaya napahigit siya ng hangin.
“Hell! Why don’t you just stay?” Kumumpas ang lalaking nakasimangot.
‘And what? Pretend that I didn’t hear your conversation with Cammy? Pretend that you’re not going to be the father of her child? Are you seriously going to ask me that, Cairon? Don’t you care enough for me and just carelessly trample on my feelings and my pride as a woman?’
Pero hindi niya ito masabi. Hindi niya mailabas. Parang napipi siya nang mga oras na iyon.