Chapter 12: No Choice, Jack Off
Minura ni Cairon ang sarili. He was still so aroused when he entered his room. Parang gustong makalabas nito at araruhin ang magandang si Derin.
‘Hell! Magkakasakit yata ako sa puson nang dahil sa babaeng ‘yon!’ sa isip niyang nagmamadaling naghubad para magtungo sa banyo.
Dapat palamigin niya ang temperatura ng kanyang katawan o kaya ay sasabog na siyang parang bulkan. Gusto pa naman ng lava niya na dumaloy sa loob ng kuweba ni Derin.
Nagmura na naman siya.
Wala siyang mapagpipilian. Sasakit ang pribadong parte ng katawan niya kung hindi niya ilalabas ang gustong lumabas.
Habang nasa ilalim ng shower ay hinawakan na niya ang kanyang pagkalalaki. Nakahawak sa pader ang isa niyang kamay at ang isa ay patuloy sa paghaplos habang nasa isip niya ang matamis at magandang mga labi ng dalaga.
“Ahh! F*ck!” mura niya pa at napaungol nang labasan na siya.
Napahingal pa siya.
Ilang minuto pa ang nakalipas ay natapos na siya sa pag-sho-shower at nakaroba na siyang humiga sa kama. Inalala niya ang nangyari kanina sa bahay ni Cammy. Hindi niya alam pero gusto niya lang angkining girlfriend si Derin. Natuwa pa siya dahil hindi man lang ito pumalag at nakiayon na lang sa palabas niya. Pero napaisip siya kung ano ang naisip nito nang makaharap nito ang ex niya na muntik na siyang halikan. Buti na lang ay nakaiwas siya. Mabilis pa naman si Cammy.
Nakipaghiwalay siya kay Cammy dahil napagod na siya sa kanilang relasyon. Gusto naman niyang sumubok ng ibang babae. Gayunpaman ay hindi niya maipagkaila noon na may sexual chemistry nga naman sila ng ex niya. Subalit hindi iyon sapat para sa kanya. Parang may iba pa siyang hinahanap na hindi niya malaman.
Gusto niya ng mas may mahigit pa roon. Mas higit pa kaysa simpleng pakikipagniig. Pero ano nga ba ang mas mahigit pa kaysa sex? Iyon ay isang palaisipan para sa kanya.
Humiga na siya sa kanyang kama pagkahubad ng kanyang roba na isinabit niya sa isang silya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinakawalan ang isang buntong-hininga.
Ilang saglit lang ay may naramdaman na lang siyang mga bisig na yumapos sa kanya mula sa likuran. Napalingon siya at nakita ang nakangiting si Derin.
“You? What are you doing here?” tanong niyang nalilito.
“’Di ba… gusto mo pa akong halikan?” Ang seksi ng boses nito. Nang-aakit din sa kanya ang mga mata nito.
‘This must be a dream, isn’t it?’ aniya sa isip. ‘But who cares?’
Napangiti siya at humarap sa babae. Niyakap niya ito saka sinakop ang matamis nitong mga labi. Agad na nag-react ang pagkalalaki niya at gusto nang angkinin ang babae.
Hinubaran niya ang dalaga at hinubad niya rin ang kanyang briefs na tanging suot niya. Tumambad sa kanyang mga mata ang alindog nitong kay puti at kay kinis. Halos tutulo na ang laway niya sa nakikitang kagandahan nito.
Nilusob ng kanyang mainit na mga labi ang tuktok ng globo nito na tahimik na nang-eengganyo sa kanya. Sinupsop niya ito at narinig ang masarap na haluyhoy ng babae. Ibinilanggo niya ang dalawang kamay nito sa uluhan ng dalaga at sinabasib ng halik ang magkabilang bundok nang salitan.
Pumuwesto siya sa pagitan ng dalawang mapuputi nitong hita. Itinakbo niya ang palad sa tila satin nitong balat. Mainit at makinis. Nakakabaliw.
Halos manginig siya sa sobrang pananabik. Nag-react ang kanyang sandata na gusto nang bumulusok sa kalubang nais nito.
Napaanas siya sa pangalan ng dalaga. “Ohh… Derin… sweet tits and lips…”
Dinilaan niya ang kaliwang taluktok ng dalaga saka sinupsop ito. Napaliyad ang babae sa masarap na sensasyong hatid ng kanyang mga labi at dila. Pumuwesto na siya nang maigi upang pag-isahin ang kanilang mga katawan.
Subalit nang tingnan niya ang babae ay nagulat na lang siyang nawala itong parang bula. Laking pagtataka niya at napasigaw siya sa pangalan ng dalaga.
Napahangos siyang bumangon sa kanyang kama.
“Freaking wet dream!” aniya sa sarili. Napamura.
Napagtanto niyang may hard-on siya. Pakiramdam niya ay masikip ang kanyang suot na underwear at gustong kumawala ng nasa loob. Sobrang nanigas ang kumpadre niya. Kulang na lang ay lalabasan na siya dahil doon.
Ngali-ngali na naman siyang nag-shower ng napakalamig upang pahupain ang kanyang pagnanasa.
‘What’s with her anyway?’
Daig pa niya ang ginayuma ng babaeng iyon. Hindi na mapalagay ang pagkalalaki niya nang dahil kay Derin. Ultimo pag-iisip niya lang dito ay talaga namang naaapektuhan siya nang husto. Laging tumatayo ang sundalo niya nang walang kapaguran. Ano ba kasi? Parang mawawalan na siya ng pasensiya sa kanyang sarili. Para na siyang mababaliw gayong wala pang twenty-four hours niyang nakilala ang babae. Paano siya makatatagal nito?
Nakapagpalit na siya ng damit at handa na siyang bumaba para mag-agahan. Well, more like brunch dahil mga alas diyes na iyon ng umaga.
Nang mapadaan siya sa French windows ng silid niyang may manipis na kurtina ay nanlaki na lang ang mga mata niya. Nakita niya ang dalaga na nasa swimming pool kung saan agad niyang nakikita mula roon sa kanyang kinatatayuan.
“Oh, hell!” naibulalas niya sa sarili.
Bumilis ang tibok ng kanyang puso at hindi normal ang paghinga niya.
Naka-two piece lang ang dalaga na tinitigan niya. Hot pink at may strings lang ang disenyo niyon. Nakatayo ito sa may gutter bago nag-dive.
Nakalitanya na siya ng mura habang nanonoood sa dalagang lumalangoy. Sumandal siya sa isang gilid ng French windows habang nanonood sa babae. Pamboboso ba itong ginagawa niya? Well, who cares? Bahay niya ito at titingnan niya ang gusto niyang tingnan. Subalit ito lang naman ang babaeng gusto niyang makita palagi.
‘Damn it! She’s really hot!’ Napahilot siya sa sentido.
Ano na ngayon ang gagawin niya?