Chapter 9
Janelle's Point of View
Nagising ako sa isang puting silid. Teka, patay na ba ako? Hindi naman siguro. Nararamdaman ko pa rin kasi yung sakit sa may bandang tiyan ko. At hindi madaling patayin ang mga female lead sa kwento noh!
Napa-daing naman ako nang makaramdam ako nang sakit nang igalaw ko ang katawan ko.
"You're awake"
Napatingin naman ako sa may paanan ko at nakita ko naman doon si Ali.
Oh? Ba't andito to? Oo nga pala, bakit kaya andito ako sa hospital? Ang naalala ko...
"Ikaw ba ang nagdala sa'kin dito? " tanong ko sa kanya.
"Yeah. Got a problem with that, babe? " nakangisi niyang tanong.
Magpapasalamat sana ako.. Wag nalang.
"Wala. Nga pala, sila Papa? "
"Babalik sila dito mamaya" sagot niya at umupo sa kama.
Napatingin naman ako sa labas.
"Anong oras na ba? " tanong ko.
"It's early in the morning"
"Ha?! "
Napasarap ata tulog ko eh??
"Eh yung dalawang bruha—i mean si mama at ate? " tanong ko kay Ali.
Kadiri pakinggan yung 'mama' at 'ate'. Yak!
"Investigating the crime scene" sagot niya habang nagpe-peel nang apple.
Investigating the crime scene? Ang gago naman ata nila!
"Paano niyo pala nalaman na may nangyaring masama sa'kin? "
"Well... One of your maids suddenly shout so we rushed towards your room. Then I saw you bleeding" sagot naman niya.
Flashback (Ang full story kung paano nakita ni Ali ang bangkay—este katawan ni Janelle na nakahandusay sa sahig)
Author's Point of View 😜
Ilang minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin bumaba si Janelle kaya medyo nabahala na si Ali.
"Janelle is taking so long.. " reklamo nang Lola ni Janelle.
"I'll go to her" si Ali naman at aalis na sana nang biglang hawakan ni Janine ang braso niya.
"She's doing fine. Baba na rin yun. Nag-iinarte lang" sabi ni Janine sa malanding tuno pero tinignan lang siya nang masama ni Ali.
Suddenly, everybody heard a shout from upstairs kaya nagmadaling tumakbo si Ali papunta sa taas.
Nakita naman ni Ali ang isang maid na gulat na gulat ang mukha habang nakatingin sa isang kwarto.
Nagmadaling tumakbo roon si Ali at siya mismo ay nagulat rin sa nakita.
It was Janelle. Who's lying unconsciously on the floor with her own blood.
Chineck ni Ali ang pulsuhan ni Janelle at thank god! She's okay! Napatingin siya sa may tiyan ni Janelle and then there, he saw a knife stabbed on her belly.
Biglang parang may bumalik na alala nang makita iyon ni Ali.
It was him when he was a 10-years-old. Then there's his first love, lying on the floor. Covered in blood. Dead.
"Mom... "
"Oh my god! "
Agad nagising sa realidad si Ali nang marinig niya ang tinig nang nakaka-iritang linta!
Binuhat niya si Janelle at dali-daling pumunta sa sasakyan niya and then nagmadaling pumunta sa malapit na hospital.
End
"Ah... " napatango-tango naman ako.
"By the way, who stab you? " tanong niya sa'kin at binigay sa'kin yung apple.
Kinuha ko naman yun at kinagatan bago mag-isip.
Sasabihin ko bang si bruha 2. 0 slash ate? Hmmm..
"Hindi ko nakita yung mukha niya eh kaya hindi ko alam" sagot ko at masayang kinain yung mansanas.
Hindi ko na sasabihin na si ate. After all, naging close naman kami noong bata pa kami at dahil lang kay tang-nang Ethan, nawala lahat! Bakit ko ba pinatulan yung gagong yun? Tsk!
"Yan kasi. Ang rami mo kasing kaaway" sabi niya at pinitik yung noo ko.
"Kanino bang kasalanan to? " nakapa-mewang kong tanong sa kanya.
Napa-kunot noo naman siya.
"What? "
"Anong what-what?! Kung hindi sana kita asawa, edi walang Janine na magtatangka sa buhay ko at kung hindi mo sana ako naging secretary, wala sanang pabidang Lea! " sabi ko sa kanya—sana pero binigyan ko lang siya nang masamang tingin at in-enjoy nalang ang aking pagkain sa aking apple.
Mahigit isang linggo na rin ako dito sa hospital and at last! Bukas na ako makakalabas! Fresh air, here I comeeee—polluted na pala. Ahem. At hindi na rin nila tinuloy yung imbestigasyon nila sa taong sumaksak sa'kin. Sinabi ko kasing wag na. Hindi naman ako napatay.
At ngayon, andito na naman si Ali. Wala atang araw na hindi siya pumupunta rito. At syempre, hindi rin mawawala ang dala niyang pagkain.
Hoy! Marami pang pagkain mula nung mga nakaraan at mukha nang fruit store itong room ko nang dahil sa'yo!
"Alam mo, hindi mo naman kailangan bumisita dito araw-araw" sabi ko sa kanya habang kumakain nang saging.
"Why can't I? I'm your husband babe and I always miss you" siya yan kaya medyo nandiri ako.
"Manahimik ka nga jan! Papakainin kita nang isang buong saging kapag hindi ka pa tumigil jan! Nakakadiri! " sigaw ko sa kanya at kinain na ang saging ko.
Narinig ko naman siyang napatawa kaya sinamaan ko siya nang tingin at kumuha ulit nang isang saging.
Masarap siya eh...
Kakainin ko na sana yung saging pero kinuha yun ni Ali.
"Oy! Bigay mo nga yan sa'kin! Saging ko yan kaya kung gusto mo niya, kumuha ka nalang jan sa table! " sigaw ko at inabot yung saging pero hindi ko yun maabot at hindi rin ako pwedeng tumayo! Tae!
"Why eat all these bananas when you have mine? "
..............
WHAT THE FVCK?!
"Ahhh! Manahimik ka nga PERVERTTTTTT! " sigaw ko sa kanya at hinampas nang unan yung mukha niya.
"Umalis ka na nga!! Perverttttttt! "
Kinuha naman ni Ali yung unan sa sahig at lumapit sa akin. Nag-ready naman ako. Yung mga kamao ko, ni-ready ko.
Nang makalapit na siya, susuntukin ko na sana yung tiyan niya pero sinanga niya yun.
Unti-unti naman siyang lumalapit sa'kin kaya inilayo ko ang mukha ko sa kanya.
"Pervert? You're my wife, babe" bulong niya sa'kin at hinipan yung tenga ko.
Damnnnnnn!
"A-ah... S-sir... "
Gulat kong tinulak si Ali nang marinig ko ang boses ni Sam.
Bwesit! Nakalimutan kong andito pala si Sam! Nakakahiya!
Tinignan naman siya nang masama ni Ali kaya natakot si Sam.
"Y-yung Papa niyo poo... " natatakot na sabi ni Ali.
Agad namang tumayo nang tuwid si Ali at tumingin sa'kin.
"I'll go" aniya niya and then he leaned.
Napapikit naman ako at hinintay na dumampi yung lips niya sa lips ko pero imbis na sa lips, sa noo niya ako hinalikan kaya medyo nagulat ako.
"See you tomorrow, babe" paalam niya at umalis.
Pagka-alis nila, may dumating naman na isang masamang hangin. Mas masama pa sa polluted na hangin.
"Bakit? " walang emosyon kong tanong sa kanya.
"I'm sorry"
Woy! Sinaniban ba to nang anghel?
"Ha? "
"Duhh.. You heard it already" sabi niya at inirapan ako.
"Bakit ka naman nagso-sorry? "
"Isn't it obvious? For all I've done for you, of course "
Arte.
"Okay. Sorry accepted"
"Really? So sudden... "
"Ayaw mo? Gusto mong pahirapan pa kita para maraming chapters tong story? " tanong ko sa kanya.
"Of course, hindi ko gustong mahirapan! Thank you Sis! " sabi niya at niyakap ako. Nang mahigpit! Puta!
"A-ano ba! Gusto mo ata akong patayin sa higpit nang pagkayakap sa'kin eh! " sabi ko sa kanya at kaagad naman siyang kumalas sabay peace sign.
"Sorry Sis. I'm just happy because you accept my sorry"
"Well, magkapatid naman tayo eh. Why not? "
"Yeah! Kyahhh! I love youuu! "
Napangiti nalang ako.
I love you too, bruha.